You are on page 1of 1

Ang Paro-paro na Naghangad Maging Isang Ibon

(Maikling Kwento)

Minsan may isang paro-paro, maganda ang kulay, palipat-lipat ang dinadapuang bulaklak sa
maluwag na hardin. Marami ang humahanga… Lingid sa kaalaman ng marami,ito ay nagnanais
na makalipad ng mas mataas, makadapo sa mga puno at sumimsim ng mga bulaklak ng puno.

Sana ako’y isang ibon!, ito’y kanyang hiling.

Hindi nya alam may nakarinig sa kanyang isang ermitanyo at pinagbigyan ang kanyang
kahilingan.

Naging ibon yung isang munting paro-paro. Mataas ang lipad, nakakadapo sa mataas na puno,
tumutuka sa mga bulaklak at bunga ng mga punong kahoy. Twit twit twit.. Masayang-masaya
itong palipat lipat sa mga puno.

Sa di kalayuang lugar may magkapatid na naglalaro ng tirador. Sila ay nanghuhuli ng mga ibon
at sa kasamaang palad natamaan ang ibon. Hindi man ito napuruhan, hirap syang makalipad
papunta sa ibang punong malayo sa dalawang naninirador.

Masakit ang isang paa niyang natamaan ng tirador. Kailangan pa niyang magpagaling ng mabuti
bago makapagpalipat-lipat muli sa mga puno.

Nagsisisi sya kung bakit nya hinangad maging ibon. Naging masaya sa paghangad nya na
makalipad ng mas mataas pero ito pala ang magdudulot ng kalungkutan din sa kanya.

Kadalasan, tayo ay hindi nakokontento sa kung anong meron tayo, ang masaklap dahil sa ating
paghahangad tayo ay napapahamak. Hindi masama ang mangarap at ito ay libre, pero matuto
tayong alamin kung hanggang saan ang kaya natin at ano ang ating mga limitasyon maging sa
pansarili, pamilya at sa lipunan.

May mga bagay na nakukuha natin at nabibigyan tayo ng pansamantalang kaligayahan pero ang
hindi natin alamnagdudulot ito ng mas negatibong epekto.

You might also like