You are on page 1of 7

Mga Ugat ng Maikling

kuwento

Mga Miyembro:
Abdulrahman, Aslia
Adam, Fermon
Mudsamil, Norol – Amin
Rellin, Thalia
Sunio, Ian Jay
Maikling Kuwento
 Ito ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay
maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ang mga kawil ng pangyayari ay maingat
na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito.

Mga Ugat ng Maikling kuwento


MITOLOHIYA
 Mayaman sa mga kuwento tungkol sa mabubuti at masasamang ispiritu ang katutubong
mitolohiya.
 Mga “alalay” ng mga Diyos natin ng paganismo, gaya nina Bathala o Abba, pangunahin
Diyos; Apolaki, Diyos ng digmaan; Idiole, Diyos ng paggawa, at iba pa.
 Naniniwala din ang katutubong motolohiya sa mga aswang, tiktik, tama-tama, tikbalang
at salot at iba pa.
ALAMAT
 Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na pinagmulan ng mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan
Mga Halimbawa:
 Si Malakas at Maganda
 Alamat ng Pinya
 Ang Alamat Ng Pinagmulan Ng Lahi

KUWENTONG BAYAN
 Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan
ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito.
Mga Halimbawa:
 Si Wigan at Ma-I
 Maria Makiling
 Mariang Sinukuan
PARABULA
 Ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao, Ito ay
naglalarawan ng katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay tulad
din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
 Kalimitang hango ito sa bibliya.
Mga Halimbawa:
 Ang Mabuting Samaritano
 Ang Publikano at ang Pariseo
 Ang Lagalag na Anak
PABULA
 Ito ay mga maikling kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop kung saan ay
napupulutan din ng mga magagandang aral ng mga mambabasa.
 Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga kwentong
napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa
ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay
may sariling kwentong bayan.
Mga Halimbawa:
 Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay
 Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa At Daga
 Ang Lobo at ang Ubas
ANEKDOTA
 Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao.
 Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga
pangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging
kapanapanabik. Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga
mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.
Mga Halimbawa:
 Ang nalaglag sa ilog na tsinelas ni Jose Rizal
 Ang labis na pagkakuripot at pagkaseloso ni Valeriano Hernandez Peña
 Ang pagkakaibigan-pag-aagawan nina Jose Corazon de Jesus at Florantino T. Collantes
sa pagiging makata.
Ang Maikling Katha at mga Kapisanang Pampanitikan Bago Magkadigma
 Ang karaniwang kuwento ay binuo ng mga dagli at “maiikling salaysay”. Unang lumabas
sa Muling Pagsilang, dahong Tagalog ng pahayagang El Renacimiento (1902) ang
maiikling salaysay sa pangunguna ni Lope K. Santos, tulad ng “Si Rosa at Rogelio at
“Ang Anak at Magulang”
 Masasabing lalong umunlad ang naturang uri ng akda. Marami sa mga kasapi sa
Kapisanang “Aklatang Bayan” na namayani nang panahong yaon ang nakapaglathala
ng kanilanmg mga akda sa mga nasabing pahayagan.
 Kabilang sa mga katangian ng dagli ang hayagang pangangaral, panunuligsa, ang
pasapyaw na paglalarawang-katauhan o kawalan nito katulad ng sketch ng mga
Americano at ang kawalan ng isang kakintalan.
Halimbawa:
“Sumpain Nawa ang Ngiping Ginrto” ni Lope K. Santos
“Yumuyuko ang Capalaluan” ni Valeriano Hernandez Peña
“Ang Sugal” ni Pedro R. Antonio
 Kabilang din sa mga nagsisulat noon sina Carlos Ronquillo, Iñigo Ed. Regalado, Pascual
Poblete at Julian Cruz Balmaseda
 Sinasabi ring marami sa mga akda noon ang “pasingaw” o paghatid ng paghanga o pag-
ibig ng mga manunulat sa kanilang nilalangit.

Lumabas na mga akda


 Kalinawagan ni Lope K. Santos
 Ang kapatid ng Bayan ni Pascual H. Poblete
 Concha ni Lope K. Santos
 Inchay ni Patricio Mariano
Mga Sagisag-panulat na ginamit
 Anak-Bayan (Lope K. Santos)
 Isang Dukha (Valeriano Hernandez Peña)
 Dapit Hapon (Iñigo Ed. Regalado)
 Batang Simoun (Rosauro Almario)
 Gat Lotus (Benigno R. Ramos)
 Ang mga nobelang namalasak noong mga taong 1902-1910 ay napalitan ng maikling
kuwento
 Ang “Elias” ni Rosauro Almario na nalathala sa pahayagang Ang Mithi ay nagtagumpay
sa timpalak noong 1920
 Ang timpalak ay idinaan sa paramihan ng mga halal ng mga mambabasa
 Ang Banghay (plot) ay unang pinag-ukulan ng pansin ng mga manunulat
Mga kapanahon sa panulat ni Cirio H. Panganiban
 Deogracias A. Rosario
 Amado V. Hernandez
 Jose Esperanza Cruz
 Alberto Segismundo Cruz
 Teofilo E. Sauco
 Sa liwayway nakilala ang mga kuwentistang mga kasapi rin sa kapisanang “Ilaw at
Panitik” gaya ni Deogracias A. Rosario,Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz,
Alberto Segismundo Cruz, Teofilo E. Sauco
 Katangian ng mga kuwento noon, sinabi ni Alejandro G. Abadilla na sa panahong ito ay
walang paksa kundi ang palasak na pag-ibig at pag-iibigan (madalas ay ng isang
mahirap at ng isang mayaman
 Aklatang Bayan ay pinamayanihan ng sentimentalismo at ng mabulaklak at maindayog
na pananagalog

Unang Dalawang Panahon


Panahon ng “Aklatang Bayan at ng “Ilaw at Panitik”
• namayani ang mga akdang moralista at eskapista.
• Moralista sa tuwirang pangangaral
• Eskapista sa romantikong pagtingin sa buhay
Deogracias A. Rosario
• Namukod siya kahit ganoon ang katayuan ng panitikan, lalo na sa maikling kuwento sa
dalawang panahon na nabanggit.
• Tinaguriang “Ama ng Maikling Kathang Tagalog.
Unang Dalawang Kritiko
“Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo (1927-1935)
 Ang landas sa pagkakatatag ng Kapisanang “Panitikan”.
“Talaang Bughaw” ni Alejandro G. Abadilla (1932)
 Sinundan nito ang “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo.
Ang “Kalipunan ng mga Kuwentista” ay nagkaloob ng gintong agnos sa mga sumusunod na
“Kuwentong ginto”.
• 1932- “Wala Nang Lunas” ni Amado V. Hernandez
• 1933- “Aloha” ni Deogracias A. Rosario
• 1934- “Sugat ng Alaala” ni Fausto J. Galauran
• 1935- “Ay! Ay!” ni Rosalia L. Aguinaldo
Mga parangal kay Clodualdo del Mundo sa mga sumusunod na “Katha ng Taon”
• 1927- ‘Paghahangad” ni Arsenio R. Afan
• 1928- “Hiwaga” ni Arsenio R. Afan
• 1929- “Lihim ng Kumbento” ni Juan Rivera Lazaro
• 1930- “Panata ni Pilar” ni Amado V. Hernandez
• 1931- “Sugat ng Alaala” ni Fausto J. Galauran
• 1932- “Walang Lunas” ni Amado V. Hernandez
• 1933- “Manika ni Takeo” ni Deogracias A. Rosario
• 1934- “Ang Dalagang Matanda” ni Deogracias A. Rosario
• 1935- “Ay! Ay!” ni Rosalia L. Aguinaldo
Mga Ipinahayag ni Alejandro G. Abadilla sa mga sumusunod na “Katha ng Taon”
• 1932- “Aloha” ni Deogracias A. Rosario
• 1933- “Ako’y Mayrong Isang Ibon” ni Deogracias A. Rosario
• 1934- “Pusong Uhaw sa Pag-ibig” ni Inigo Ed. Regalado
• 1935- “Pag-ibig na Walang Kanluran” ni Alberto Segismundo Cruz
Alejandro G. Abadilla
-Higit na nakapili ng mga akda para sa kanyang “Talaang Bughaw” sa Sampaguita kaysa sa
Liwayway.
Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo
 Sa kanilang pamumuno ay nagtatag ang mga kabataan ng Kapisanang “Panitikan” sa
tahanan bi Abadilla noong 1935.
 Mga kabataang kabilang sa pagtatag ng Kapisanang “Panitikan”
 Salvador R. Barros
 Brigido C. Batungbakal
 Teodoro A. Agoncillo
 Epifanio G. Matute
 Fernando B. Monleon
 Teo S. Buhain

Utang ng “panitikan ang taguring “sakdalista at aristokrata ng panitikang tagalog” – itinulad ang
“panitikan” sa mga kasapi ng sakdal na nagbangon laban sa pamahalaan noong 1935.
-Salvador R. Barros
Panahon ng “panitikan” (1935-1941) tinawag na “bagyong gumuho sa kastilyong moog ng
lumang institusyon”.
-Alejandro G. Abadilla
Sa unang panayam, ang kilalang-kilala noong “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos ay
propaganda at hindi likhang sining.
-Teodoro A. Agoncillo
Ang sumunod na panayam na tumuligsa at nagpautang ng maanghang na salita laban sa noo’y
pangulo ng “ilaw at panitik” at patnugot parin ng “Liwayway”, Jose Esperanza Cruz.
-Gregorio N. Garcia
Nagsunod-sunod na sa mga babasahin ang pakikipaglaban ni Florencio N. Garcia (sagisag:
Labuyo) kina Guadalupe Estrada, Aurelio Alvero, Fausto J. Galawan, Pedro Reyes Villanueva,
Marcelo P. Garcia at Maximo N. Sevilla

Veronicans sa Ingles – ang kapanabay ng mga Panitikero na nakikipaglaban sa mga propesor


na “ubod nang dudunog.” Ang kaibahan lamang, ayon sa Veronicas: sila ay lumilikha habang
nakikipaglaban samantalang ang mga Panitikero ay naglalabanan sa halip na lumikha.

You might also like