Panuto: Punan ang patlang ng mga cohesive devices ang talata. Hanapin sa loob ng kahon ang mga sagot na nasa ibaba.
Ang pag-aaral ang nagsisilbing pangalawang buhay natin (1) ______________
mga pansarili nating gawain sa buhay. Sa pang-araw-araw natin pamumuhay ay halos kalahati ng araw natin ay nilalaan natin sa pag-aaral at pagpasok sa paaralan bilang isang estudyante. Kalahati ng ating buhay at karanasan ay tumatakbo sa loob ng ating paaralan (2_______________ dito tayo natututo ng maraming kaalaman (3) _______________ sa ating mga guro na silang tumatayo bilang pangalawang magulang, natututunan din natin sa kanila ang aspeto ng buhay. Ang paaralan at ang lahat ng naroon ang nagsisilbi nating pangalawang tahanan.Ang ating pagkatuto tungkol sa pakikisama sa ating mga kamag-aral ay nagsisilbing daan sa atin upang matuto tayong makisama at makihalubilo sa iba’t ibang tao. Sa paaralan din ay napapatibay ang ating mga kakayahan at lalo pa itong lumalago dahil sa suporta ng ating mga guro. (4) _________ kaakibat nito, (5) ____________ ng mga kabutihang ating natatamasa habang tayo ay nag-aaral may iba’t ibng responsibilidad itong kaakibat tulad ng mga sumusunod: (6)________________, dapat tayong maging masipag sa lahat ng bagay lalo na sa mga gawain na may kaugnayan sa ating mga asignatura, dapat nating igalang ang ating mga guro at mga kamag-aral, (7) ___________ dapat nating sundin ang mga palatuntunan at batas ng ating paaralan na magdudulot ng disiplina sa atin, (8)______________, dapat nating pahalagahan ang mga bagay na tumutulong sa pagpapalago ng ating pagkatao at (9) ____________, marunong dapat tayong gumawa ng bagay na tama at iwasan ang mali. (10) ____________ nito, kung susundin natin ang lahat ng ito, magiging maayos ang lahat at tiyak na ikaw ay magtatagumpay.
gayundin naman pangalawa
Subalit pangatlo Sapagkat Bilang kabuuan una panghuli bukod sa sa kabila