You are on page 1of 2

Ikaapat na Markahang Pagsusulit

FILIPINO III

PANGALAN : _________________________________________________________________
PETSA :__________________________________

Bilugan ang angkop sa bawat pangungusap.


1. Tinanggap na ( ni, nina ) Ate at Kuya ang kanilang pabuya.
2. Hiningi ( ni, nina ) Tita Lorna ang aming mga lumang laruan.
3. Iniabot ko ( kay, kina ) Aldrin ang aming pasalubong na puto
4. Masaya niya itong kinain at ibinahagi rin niya ito ( kay, kina ) Mang Pilo, Aling Nene at Lora
5. Tanghali na (ng, nang) sila ay gumising.

Isulat ang = kung ang mga salitang magkatapat ay magkasingkahulugan at × kung


magkasalungat.
_____ 6. masinop-burara
_____ 7. masigla-malungkot
_____ 8. maganda-marikit
_____ 9. mabuti-masama
_____ 10. mahal-iniibig

Isulat sa patlang ang letra ng impormasyon sa ibaba na sasagot sa sumusunod na tanong


_____ 11 Kailan ka ipinanganak?
_____ 12. Sino-sino ang mga kapatid mo?
_____ 13. Saan ka nag-aaral?
_____ 14. Maaari bang sabihin mo kung sino ang iyong mga magulang?
_____ 15. Ilan kayong magkakapatid?

a. Tatlo kaming magkakapatid.


b. Ang mga magulang ko ay sina Mario Nicolas at Viring Nicolas.
c. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa San Mateo Elementary School.
d. Ang mga kapatid ko ay sina King Cortes at Noriel Cortes.
e. Ako ay ipinanganak noong ika-5 ng Nobyembre 2005

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay kilala sa tawag na Tita Cory. Siya ay asawa
ng dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Siya ay isang babaeng uliran. Nakilala siya
dahil sa naganap na EDSA Revolution noong 1986 laban sa pamamahala ng dating diktador na
si Ferdinand E. Marcos. Ang kanyang naisagawa ay nagpakita na siya ay may sapat na
kakayahan at karapatan na dapat igalang. Siya ay kinilalang “Ina ng Kalayaan” sa bansa. Siya
ang ina ng ating kasalukuyang pangulo na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

16. Ang asawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ay si


_____________________________.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
17. Si Tita Cory ay ina ng ating kasalukuyang Pangulo ng bansa na
si_______________________.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
18. Nakilala si Tita Cory nang maganap ang Edsa Revolution noong
_______________________.
A. 1968 B. 1986 C. 1896
19. Kinilalang diktador si __________________________________ dahil sa kaniyang
pamamahala.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
20. Si _____________________________________ ay kinilalang ina ng kalayaan.
A. Tita Cory B. Tito Cory C. Tita Kure
21. Ano ang paksa ng binasang talata?
A. Ang ina ng ating Pangulo
B. Corazon C. Aquino, ulirang babae
C. Ang Edsa Revolution
22. Alin sa sumusunod na salita mula sa talata ang ginamit bilang pangngalan?
A. paggawa B. kinilala C. diktador
23. Alin sa sumusunod na salita ang maaaring mabuo mula sa salitang kalayaan?
A. akala B. bayaan C. laya
24. “Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad.” Alin sa pangungusap ang pangngalan?
A. ina B. katulad C.
pagmamahal
25. Alin ang wastong daglat ng salitang Pangulo?
A. Pangu B. Pang. C. Pan.

Bilugan ang titik ng wastong sagot.

26. “Walang pasok bukas dahil may malakas na bagyo”, __________ PAG-ASA.
A. Ayon sa B. Ayon kay C. Ayon kina
27. __________ Titser Mina, ang mga batang mahilig kumain ng gulay ay hindi sakitin.
A. Ayon sa B. Ayon kay C. Ayon kina
28. Dapat ibigay ang tamang disiplina ___ kabataan na magiging pag-asa ng bayan.
A. para sa B. para kay C. para kina
29. ____________Roy,Justin at May ang mga regalong ito.
A. para sa B. para kay C. para kina
30. Alin sa mga salita ang tambalang salita?
A. balikan B. tanawin C. Balik-tanaw
31. Ano ang tinutukoy ng salitang “kapit-tuko?
A. mahigpit ang pagkakakapit B. Maluwag ang pagkakakapit C. Hayop na tuko
32. Ano ang tamang bantas sa pangungusap na “Hugis parisukat ba ang mesa___”
.
A. ( ) B. ( ? ) C. ( ! )
33. Ang pamilya nila ay isang mabuting huwaran. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
huwaran?
A. halimbawa B. gawain C.Sulatin
34. Alin ang sanhi sa pangungusap na “Nag-aral ng mabuti si Renz kaya siya ay pumasa sa
pagsusulit.”?
A. Nag-aral ng mabuti si Renz B. kaya C. Pumasa sa pagsusulit
35. Alin ang bunga sa pangungusap na “ Ayaw kunin ni Mark ang laruan dahil hindi iyon
kanya.”?
A. Ayaw kunin ni Mark ang laruan B. dahil C. Hindi iyon kanya.

Daglatin ang mga salitang may salungguhit.

36. Si Senador Baybay ang siyang nanguna sa pagpupulong.


______________________________

37. Ang matapat na barangay tanod ay binigyang parangal ni Kapitan Lorenzo.


_________________________

38. Sa pangunguna ni Pangulong Derla, ang mga magulang ay nagtulong-tulong sa paglilinis


ng paaralan. _________________________

39. Si Kongressman Tolentino ay kasama sa namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng


bagyo._________________________

40. SI Ginoong Rey ay isang masipag na magbobote. _______________________

You might also like