You are on page 1of 12

State Universities and Colleges

GUIMARAS STATE COLLEGE


Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Filipino 302 – Linggwistikang Palarawan

JANET A. CABAGSICAN GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


TAGA-ULAT PROPESOR

I.LAYUNIN SA PAGKATUTO
Pagkatapos ng pag-uulat na ito, ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang:

1. Nababatid ang kahulugan ng wika, dalubwika at ng kultura at maging ang


ugnayan ng wika at kultura.

2. Nabibigyang halaga ang gamit ng wika at maging ng kultura sa lipunan.

II. Panimula

Ano ang Wika?

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura.

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang


kanyang damdamin at kaisipan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting
relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya
sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba

III. NILALAMAN

Ang Wika at ang Dalubwika

 Hindi kukulangin sa 5,000 ang lahat ng wikang sinasalita sa buong daigdig---


5,000 iba’t ibang wika.
 Ngunit nagkakaiba-iba man ang mga wikang ito, lahat naman ay masasabing
may pagkakatulad sa kadahilanang lahat ay binibigkas at lahat ay binubuo ng
mga tunog.
 Subalit, sinasabing walang tunog na unibersal.

Ang ibig sabihin, ang (t), halimbawa, sa lahat ng wikang mayroon nito,
ay tiyak na may pagkakaiba, kung susuriing mabuti, sa uri o sa paraan ng
pagbigkas.

 Bawat wika ay may kani-kaniyang balangkas ng mga tunog.


Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang ginagamit sa
pagdukal ng karunungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.
Sa wika ipinahahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, takot, galit, pag-
ibig- ang halot lahat -lahat na sa kanyang buhay.
 Dalubwika o Linggwista - tawag sa taong dalubhasa sa wika.
 Agham-wika o Linggwistika - tawag sa makaagham na paraan ng
pagtuturo ng wika.
-hindi na kailangang matutunan pa ng isang dalubwika ang wikang kanyang
susuriin.
-hindi rin kailangang maraming sinasalitang wika ang isang tao upang siya'y
matawag na dalubwika

 Mga Dalubwika at ang Kanilang Pananaw sa Wika

 Ayon sa lingguwistang si Henry Gleason, ang wika ay


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kablilang sa isang kultura.
 Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles:
Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito;
bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing
lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
 Ayon kay Robins (1985), ang wika ay
sistematikong simbolo na nababatay sa
arbitraryong tuntunin na maaaring magbago at
mapadali ayon sa pangangailangan ng taong
gumagamit nito.

 Ayon kay Henry Sweet, ang wika ay


pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga
pinagsama-samang tunog upang maging salita.

 Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972),


nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa
sistema ang wika na nakikipaginteraksyon.
Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang
bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito.
Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

 Sa pagtalakay ni Halliday(1973)may gamit na


instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao
upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang
gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan,
verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.
 Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o
kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay
hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y
sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay
arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa
kanya, walang dalawang wikang magkapareho
bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga
tuntunin.

 Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang


Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa
itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao
at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang
nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at
panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang
kultura na natutuhan nitong angkinin at
ipagmalaki.

 Ayon naman kina Pamela C. Constantino at Galileo


S. Zafra (2000), ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-
sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-
usap ang isang grupo ng mga tao.

 Binanggit naman ni Bienvenido Lumbera (2007) na parang hininga ang


wika. Gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.

 Ayon naman sa
lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003), ang wika
ay sumasalamin sa mga mithiin, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad,
paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

 Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa


Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag
ng kuru-kuro at damdamin sa
pamamagitan ng mga salita upang
makipag-unawaan sa kapwa-tao. Ito ay
binubuo ng mga salita, parirala, at
pangungusap na may kahulugan.

Bakit siya tinatawag na isang dalubwika???

Sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan


hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika. Tulad lamang siya ng isang
manggagamot na hindi na kailangang magkasakit ng tulad ng sakit ng taong
kanyang ginagamot o sinusuri.

 Polyglot- tawag sa isang taong maraming nalalamang wika.

Ang polyglot, kung hindi nagpapakadalubhasa sa wika, ay hindi tinatawag na


dalubwika o linggwista.

 Gawain ng isang dalubwika


 inoobserbahan nila ang wika
 kinaklasipika at gumagawa ng mga alituntuning bunga ng kanilang
isinagawang pagsusuri
 may mga dalubwikang isa-isang sinusuri ang mga wika; ang iba naman ay
dalubhasa sa mga pangkalahatang kaalaman tungkol sa wika.

 Palatunugan
tawag sa set ng mga tunog ng isang wika at kung papaanong pinagsama-sama
ang nasabing set ng mga tunog.

 Bukod sa sistema ng pagkakabuo ng mga salita at balangkas ng mga


pangungusap, pinag-aaralan din ng mga dalubwika ang palatunugan ng isang
wika.
 Ang alinmang tunog ng isang wika kung nag-iisa, ay walang kahulugan.
Nagkakaroon lamang ito ng katuturan kung napapasama sa ibang tunog ng
wika upang bumuo ng salita.
 Ang isang salita ay balangkas lamang ng mga tunog. May mga balangkas ng
mga tunog na matatagpuan sa isang wika ngunit hindi matatagpuan sa iba.
Ang balangkas na “kpl” ay wala sa Pilipino, gayundin sa Ingles. Ngunit sa
Ingles ay may “spl” na wala sa Pilipino. Gayundin, may mga salita sa Pilipino
na nagsisimula sa /ng/ ngunit sa Ingles ay wala.
 Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba
nga ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat
ng panig sa mundo. May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat
napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi.
(Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang kaiba sa kultura ng
ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim at kusang
umuusbong ang isang wikang likas sa kanila.

 Ang Wika at ang Kultura

ANG KAHALAGAHAN NG WIKA AT KULTURA

Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang


binibigkas o isinulat ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang
wika ang siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa iba’t-ibang lugar
upang makapag-usap, upang magkaintindihan at upang makabuo ng
pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa
pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011)
ANG WIKA AT KULTURA AY MAGKABUHOL

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na


magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at
kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din
ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang
pagkakakilanlan ng isang kultura. (Santos, et al., 2009)

 Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o


pamayanan, ay may sariling kultura. Ang totoo, ang tao ay hayop din kundi
lamang dahil sa kanyang nalinang na wika at kultura na tanda ng kanyang
pag-aangkin ng higit na mataas na uri ng talino kaysa alinmang hayop sa
daigdig.
 Kultura

-sa payak na kahulugan ay ang karunungan, sining, literatura, paniniwala, at


kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.

 Ang bawat pangkat ng mga taong may sariling kultura ay lumilinang ng isang
wikang angkop sa kanilang pangangailangan. Sa wikang ito masasalamin ang
mga mithiin at lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng
mga mamamayan.
 Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa
paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-
ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at
adhikain. (Rubrico, 2009)
 May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na
kultura. Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at
nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan,
kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon,
panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-
buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura. (Delmirin, 2012)
 Ang kultura at wika, ng isang pamayanan ay dalawang bagay na
hindi maaaring paghiwalayin.
 Alalaong baga, masasabing may wika sapagkat may kultura, sapagkat kung
walang kultura ay saan gagamitin ang wika?
 Ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Ang
isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ay magagamit din ngunit
ito'y hindi magiging kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook.
 Ang bansang Pilipinas ay kung ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Pinilit
ng mga Kastila na pairalin ang kanilang sariling wika upang siyang gamitin ng
mga “Indios” na may ibang kultura.
 Indio o Indyo, dating katawagan ng mga Kastila sa mga katutubong Malay
ng Pilipina.
 Subalit hindi iyon sapat upang mabisang maipahayag ng mga Pilipino sa
wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa
Europa. Nang masakop naman ng Amerika sa Pilipinas ay ang wikang Ingles
naman ang pinairal ng mga mananakop na mga Amerikano.
 Hanggang ngayon, kahit tayo'y malaya ay nananatili pa rin ang wikang Ingles
sa ating bansa sapagkat nagagamit ito ng mga Pilipinong tulay sa pakikipag-
ugnayang panlabas at sa pagdukal ng karunungan.
 Sapagkat ang Edukasyon ng mga Pilipino ay sa pamamagitan ng Wikang
Ingles natatamo, hindi kataka-taka kung Ingles na rin ang maging wika ng
batas, ng pamahalaan, ng komersyo at industriya.
 Ang mga Pilipino ay may kulturang kaiba sa kultura ng mga Amerikano. Sa
ating sariling kultura ay nakatanim at kusang nag-uusbong ang isang wikang
likas na atin.
 Ang Wikang Ingles, bagama't di-maikakaila ng sinumang naka-uunawang
Pilipino, na sa kasalukuyan ay tinatangkilik ng nakatataas na bahagi ng
lipunan, ay isang wikang sapagkat hango sa ibang kultura ay hindi magiging
higit na mabisang kasangkapan ng masang Pilipino sa kanilang pakikipag-
ugnayang lokal.
 Masasabi nating walang wikang superyor sa ibang wika.
Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni
Franz Boas ng nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin
ni Boas na kaya ng lahat wikang ipahayag ang anumang gustong ipahayag
ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo ayon
sa kulturang iniiralan ng nasabing wika.

Amerikano- Ingles Intsik- Mandarin

Pilipinas- Filipino Hapon- Niponggo

 Alinmang wika ay may kinaaangkupang partikular na kultura.

Hindi maipipilit ng mga Pranses na ang kanilang wika ay higit na mabisa


kaysa wikang Ingles. Gayundin naman, hindi masasabi ng mga Amerikano na
ang wikang Ingles ay higit na mabisa kaysa wikang Pilipino. Higit na mabisa
lang ito kung ang gagamit ay Amerikano at ang kinakausap ay kapwa
Amerikano; higit na mabisa ang Pilipino ( o alin mang wika sa Pilipinas na
kanyang kinagisnan) kung ang gagamit ay Pilipino at nag kinakausap ay
kapwa Pilipino sapagkat ang wikang Pilipino ay nakatanim, tumutubo,
at yumayabong sa kulturang Pilipino.

 Anupa’t lahat ng bagay tungkol sa kultura ay maipapahayag sa pamamagitan


ng wikang kabuhol nito.
 Sa kultura ng mga Eskimo, halimbawa, ay nangangailangan ng apatnapung
iba’t ibang katawagan sa iba’t ibang kalagayan ng nyebe (snow). Hindi
maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo para sa iba’t
ibang kalagayan ng nyebe upang sila’y magkaintindihang mabuti. Sa kabilang
dako, hindi rin naman angkop na gamitin ng mga Pilipino ang apatnapung
katawagan sa nyebe sapagkat wala namang nyebe rito sa ating bansa na
tulad ng nasa Alaska.
 Sabihin na nating sa mga uri ng bigas sa Pilipinas katulad ng Sinandomeng,
Bordagol, Banay, Masipag atbp. O hindi kaya sa iba’t-ibang luto ng bigas na
sa wikang Ingles ay tinatawag nilang rice. Upang mas maging malinaw tignan
ang dayagram sa ibaba.

BAHAW

PALAY BIGAS KANIN SINANGAG


TUTONG

 Makikita sa dayagram na mula sa pagiging palay, nagiging bigas ito kung


naalisan na ng balat. Kung naisaing na ang bigas, kanin na ang tawag dito.
Kung malamig na ang kanin, bahaw na ang tawag. Ang nakadikit sa
pinaglutuan ng bigas na naging kanin, tutong ang naging tawag natin. Ngunit
sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag nila sa mga ito – rice na
dinagdagan lamang ng pang-uri. Old o Cold rice para sa kaning lamig o
bahaw, fried rice para sa sinangag at burnt rice para sa tutong.
 Samakatwid, ang wika ay isang natatanging balangkas ng pinili at isinaayos
na set ng mga salitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipag-ugnayan ng mga taong kapangkat sa isang kultura.
 Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang
maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema
ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-
ugnay na mga pangungusap.
 Diskors, kapag nagkaroon ng makahalugang palitan ng dalawa o higit pang
tao.

IV. KONKLUSYON

Samaktwid ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang kanyang


gamit sa pagdukal ng karunungan sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa
sa araw-araw. Ang wika ay tulay sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang wika at
kultura ay dalawang bagay na hindi maaaring paghiwalayin kailanman.

V. EBALWASYON

Tukuyin Mo!
A. Isulat ang T sa patlang bago ang bilang kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at m naman kung ang pahayag ay mali.

_____1. Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang


kultura; gayundin ang wikang Niponggo sa mga Intsik.

_____2. May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang


grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi.

_____3. Ang wika ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala,
tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at
nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang
pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain.

_____4. Ayon kay Bernales, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang


tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.

_____5. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay morpema, na ang


maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na morpolohiya.

_____6. Kapag ang morpema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na


yunit ng salita na tinatawag na ponema.

_____7. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga


pangungusap.

_____8. Dalubwika o Linggwista - tawag sa taong dalubhasa sa wika.

____9. Agham-wika o Linggwistika - tawag sa makaagham na paraan ng pagtuturo


ng wika.

_____10.Sa dami ng wika, may isang itinuturing na wikang superyor.

B. Tingnang maiigi ang larawan sa ibaba. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa


kung ano ang maaaring kinalaman/ ugnayan nito sa wika at kultura.
VI. SANGGUNIAN

AKLAT

Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore Inc. Manila,


Philippines.

INTERNET

http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html

http://rozzignacio.blogspot.com/2011/08/wika-at-kultura.html

http://www.languagelinks.org/onlinepapers/wika2.html

You might also like