You are on page 1of 3

 

FILIPINO   2   WORKSHEET  
PAGTUKOY  SA  PINAKATAMANG  KONKLUSYON  
   

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Si Jose, and Batang Bayani

Noong Hunyo 19, 1861, nakakita ng unang liwanag sa matulaing bayan ng


Calamba, Laguna Si Jose Protacio Mercado Rizal Y Alonzo Realonda. Sa kalaunan ay
mas nakilala siya sa mas maikling pangalang Jose Rizal, ang pambansang bayani ng
Pilipinas. Alam mo bang bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng
pagkabayani?
Ang unang maliit na kabayanihang ginawa niya ay naganap nang sumama siya
sa pamamangka sa kanyang tiyo. Si hindi inaasahang pangyayari ay nahulog sa ilog
ang isa niyang tsinelas. Sa halip na ipahabol at ipahanap ang nahulog na tsinelas ay
ipinaanod pa niya ang natirang kapares nito. Nang tanungin siya ng kanyang tiyo kung
bakit niya ginawa iyon, ikinatwiran niya na makabibili pa naman siya ng bagong pares
ng tsinelas pero ang anak ng bangkerong makakukuha ng naanod na tsinelas ay baka
hindi kayang bumili, kaya mas makabubuti kung isang buong pares ng tsinelas ang
mapasakanya.
Sa kanyang paglaki, napagpasiyahin ni Jose na pumunta sa iba’t-ibang bansa
tulad ng Europa para mag-aral at matuto ng ibang wika. Naglingkod din siya para sa
mga Pilipino bilang doctor, naturalista, pintor, arkeologo, magsasaka, mangingisda,
inhinyero, eskrimador, at guro. Ang mga ito ay patunay lamang na ang nagsimulang
pagtulong ng isang bata ay lumago sa kanyang puso at ipinagpatuloy hanggang
ibuwis ang buhay hindi lamang para sa iisang tao kundi para sa Inang Bayan.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang bayani sa maikling talambuhay na binasa?
a. Jose de Jesus
b. Jose P. Laurel
c. Jose Palma
d. Jose Rizal
Teacher Abi’s Worksheets
teacherabiworksheets.blogspot.com
 
 
FILIPINO   2   WORKSHEET  
PAGTUKOY  SA  PINAKATAMANG  KONKLUSYON  
   

2. Ano ang unang kabayanihang kanyang ginawa?


a. nagpaanod siya ng isang pares ng tsinelas
b. nagpaanod siya ng isang pares ng sapatos
c. nagpaanod siya ng isang pares ng medyas
d. nagpaanod ng isang pares ng guwantes

3. Bakit siya tinawag na Pambansang Bayani?


a. dahil nanggagamot siya ng libre
b. dahil maraming bagay siyang nalalaman
c. dahil ibinuwis niya ang kanyang buhay para sa Inang Bayan
d. dahil mahal niya ang mga kaibigan niya

4. Saan siya nagpunta upang makapag-aral?


a. Amerika
b. Europa
c. Australia
d. Africa

5. Alin sa mga sumusunod ang sa palagay mo ay mithiin ni Rizal?


a. Pasikatin ang kanyang sarili
b. Makahanap ng maraming pera
c. Pasayahin ang kanyang pamilya
d. Ipagtanggol at palayain ang kanyang bayan

Panuto: Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakatamang konklusyon para sa mga sumusunod na sitwasyon? Ikahon
ang titik ng iyong sagot.

1. Si Rizal ay mapagmahal sa kanyang mga magulang kaya


a. hindi siya makikinig sa mga payo nila
b. hahayaan niya ang kanyang maysakit na ina
c. wawaldasin niya ang pera nila
d. mag-aaral siya ng mabuti upang matulungan sila

2. Si Rizal ay maawain sa kapwa bata kaya

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
 
 
FILIPINO   2   WORKSHEET  
PAGTUKOY  SA  PINAKATAMANG  KONKLUSYON  
   

a. Namimigay siya ng kanyang mga gamit sa mga batang kapuspalad


b. Inaaway niya ang kanyang mga kalaro
c. Pinagtatawanan niya ang mga batang may kapansanan
d. Inaagaw niya ang pagkain ng kanyang mga kaklase

3. Nag-aral si Jose Rizal upang maging doktor at makapag lingkod sa kapwa Pilipino kaya
a. nanggagamot siya ng libre
b. naniningil siya ng malaki
c. ginagamot lang niya ang mga mayayaman
d. ginagamot lang niya ang mga dayuhan

4. Mahal na mahal ni Jose Rizal ang bansang Pilipinas kaya


a. umalis siya upang manirahan sa Europa
b. nagtrabaho siya sa Amerika
c. mga Espanyol lamang ang kanyang kinakaibiga
d. inialay niya ang kanyang buhay upang makatulong na mapalaya ang bansa

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com
 

You might also like