You are on page 1of 1

Ikalawang Markahan

Mga Dapat Tandaan Sa Pagsasagawa Ng Proyektong Suring-Basa

1. Basahin ang tekstong ibinigay ng guro.


2. Sa inyong short bond paper o colored paper, sagutan ang sumusunod na pormat sa pormang patalata.
Pinakamaunti ang dalawang pangungusap.
3. Pormat:
I. Uri ng panitikan (2 pts)
Tukuyin ang uri ng panitikan (tula, sanaysay, maikling kwento, pabula, parabula, awit, korido) at ipaliwanag
kung bakit sa palagay mo iyon ang tekstong nabasa mo.
II. Layunin ng akda (3 pts)
Sa palagay mo, bakit isinulat ang teksto? Ano ang layunin ng may-akda sa pagsusulit ng ganitong uri ng
akda?
III. Tema o Paksa (3 pts)
Tungkol saan ang teksto? Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa
sensibilidad ng mambabasa? Ipaliwanag.
IV. Mga tauhan (3pts)
Ilarawan ang mahahahalagang tauhan. Ipaliwanag ang katangiang ibinigay mo.
V. Balangkas ng mga pangyayari (3 pts)
Komentuhan ang istorya ng kwento. Gasgas na ba ang ganitong pangyayari o istilo sa mga akda? May
kakaiba ba sa nilalamang taglay? May natutunan ka bas a nilalaman ng akda?
VI. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda (3 pts)
Ano ang mensahe ng akda? Sang-ayon ka ba o hindi? Ito ba ay makatotohanan sa lahat ng tao at lipunan?
Ipaliwanag.

Disenyo – 3 pts
Kabuuan: 20/20
4. Ang hindi pagsunod sa panuto ng guro ay may kaukulang bawas sa grado.
5. Ang pasahan ay iaanunsyo ng guro.

Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina
Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman
sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.

"Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng labanan."

"Hindi maaari," sabi ng kapitan. "Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong maaaring patay na."

Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan kaya ayaw siyang payagan. Nang gumabi ay tumakas siya sa
kanilang kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya ito nakikita. Kung
namantay ito sa labanan. Makita man lang niya ang bangkay at mapanatag na siya.

Nang magbalik si Arman sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami siyang sinuong na panganib. Galit na sinalubong siya ng
kapitan.

"Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang na mamatay ka na rin dahil sa mga sugat mo. Ano ang
halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?" galit na tanong ng kapitan.

"Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya nalagutan ng hininga sa aking kandungan, naibulong pa
niya sa akin, utol, alam kong babalikan mo ako."

Para napahiya ang kapitan. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad niyang ipinagamot si Arman sa mga kasamahan nila. Naglalakad-
lakad siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya makatulog. Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat.
Tulad ng kaibigan ni Arman, hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila'y umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.

You might also like