You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Learning Area Filipino


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led
Modality)

Fernando Air Base INHS Baitang Sampu (10)


LESSON Paaralan
EXEMPLA Guro Lorena Manimtim Asignatura Araling Panlipunan
R Petsa Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Anim (6)
Araw

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at
implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging
bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at


implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging
bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao.

C.Pinakamahalagang
Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC)
Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at
(Kung mayroon,isulat ang
kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran
pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto
o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at
(Kung mayroon,isulat ang kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng
pagpapaganang mga suliraning pangkapaligiran
kasanayan.)
Nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster
Risk
Reduction and Management Approach sa pagtugon sa mga
hamon at suliraning pangkapaligiran

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

II.NILALAMAN PAGTUGON SA HAMONG PANGKAPALIGIRAN


III.KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay


MELC AP G10 Q1, PIVOT BOW p. 189
ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- CLM 4 p. 1-16
aaral
c. Mga Pahina saTeksbuk
Learning Module AP10, 4.21.17 DepEd
d. Karagdagang Htps://www.lrmds.deped.gov.ph
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Lunsaran, worksheet, rubrik, mga larawan, powerpoint
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa presentation,kagamitang pampagkatuto
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

IV.PAMAMARAAN

A. Panimula (Introduction) Panimulang Pagsusulit

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Gawain 1. Pic-Suri
Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga sumusunod na
larawan. Sa tulong ng mga ginulong letra, subukang buuin
ang salita upang matukoy kung anong suliranin o hamong
pangkapaligiran ang ipinapakita sa bawat imahe.
Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

Pamprosesong tanong:
1.Alin sa mga sumusunod na suliranin/hamong
pangkapaligiran ang iyo nang naranasan? Ilahad ang iyong
karanansan.
2.May iba ka pang alam na suliranin/hamong
pangkapaligiran? Ano/Ano-ano ang mga ito?
3.Alin sa mga sumusunod ang iyong higit na
pinangangambahang maranasan? Bakit ito ang iyong napili?
4.Kung sakaling maganap ang mga ito, may sapat ka bang
kaalaman sa angkop na approach na maari mong gagamitin
sa pagtugon sa mga ganitong uri ng hamong

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

pangkapaligiran?

a
B. Pagpapaunlad
Gawain 2. Aber! Aber! Iyong alam ating subukin!

Panuto : Suriin ang bawat pahayag, isulat ang YES NA YES


kung ito ay tama at EKIS KA kung hindi ito wasto.
_________ 1. Ang pananatili sa bubong o mataas na lugar
ay ang pinakamabuting gawin sa panahon ng pagbaha.
_________ 2. Ang pagpapatibay ng mga estraktura ay isang
paraan ng paghahanda para sa kalamidad.
_________ 3. Mabuting mag-imbak ng maraming pagkain sa
tahanan bilang paghahanda sa kalamidad.
_________ 4. Nakatutulong ang pagkakaroon ng emergency
drill sa paghahanda para sa kalamidad.
_________ 5. Dapat itago sa mataas na lalagyan ang
mabibigat na bagay sa bahay.
_________ 6. Ang pagkabalisa o panic ay dapat iwasan sa
gitna ng kalamidad.
_________ 7. Ang mga nakatatanda ang dapat huling ilikas
sa panahon ng kalamidad.
_________ 8. Pagkatapos ng kalamidad, dapat tayahin ang
ginawang pagtugon at pagtulong sa mga biktima.
_________ 9. Ang paunang lunas para sa mga nasaktan ay
dapat ipaubaya lamang sa mga nars at doctor.
_________ 10. Ang pagsasanay para sa paghahanda sa
kalamidad ay kailangan lamang ng mga rescue worker.

Tuklasin
Gawain 3. Teksto-Unawa
Panuto: Basahin at unawain ang maikling teksto sa ibaba.
Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong na
kalakip nito.

Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

lugar, alam mo ba iyong gagawin? Kung saang ligtas na


lugar ka maaaring lumikas? Kung kanino ka hihingi ng
tulong? Ang sagot sa mga tanong na ito ay ilan lamang sa
mga dapat mong malaman upang maging ligtas ka sa
panahon ng kalamidad. Ang pagiging ligtas ng isang
komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon
ng isang mahusay na disaster management.
Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong
proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon
na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan,
maging handa, makatugon, at makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at
hazard.
Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster
management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na
dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito ang mga
plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang
maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon
mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.
Kung bibigyang pansin ang dalawang kahulugan,
makikitang hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang
kalamidad ang kinapapalooban ng disaster management,
kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang
makabangon mula sa kalamidad at maibalik ang normal na
daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Learning Module AP10, 4.21.17 DepEd

Pamprosesong Tanong
1.Ano ang disaster management? Ano ang bahaging
ginagampanan nito sa panahon ng pagharap sa mga
hamon ng kalikasan sa tao?
2.Pansinin ang dalawang pakahulugan na ibinigay sa
disaster management. Saang aspeto ito nagkakatulad?

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

3.Balikan ang mga naunang tanong sa unang talata. Kung


sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar:
a. alam mo ba iyong gagawin?
b. saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas?
c. kanino ka hihingi ng tulong?
4. Sa iyong palagay, may disaster management ba ang
inyong pamayanan? Paano mo nasabi?

Pagyamanin
Ang Disaster Management

Upang masiguro ang kaligtasan ng pamayanan sa


pagharap sa panganib na dulot ng mga suliranin/hamong
pangkapaligiran, binibigyang pansin ang kahalagahan at
bahaging ginagampanan ng disaster management. Sa
pagtalakay sa paksang ito, mahalaga ang pagtukoy at
pagkaunuwa sa mga mahahalagang terminolohiya at
konseptong nakapaloob dito. Ang mga sumusunod na
kahulugan sa ibaba ay binigyang kahulugan ayon sa
pagkakasalin sa Filipino mula sa Disaster Risk
Management System Analysis: A Guide Book nina Baas at
mga kasama (2008). Basahin at unawain ang nilalaman ng
bawat isa.

– ito ay tumutukoy sa mga banta/panganib


na maaaring dulot ng kalikasan o di
1. Hazard naman kaya ay gawa ng tao. Kadalasan,
ito ay inaasahang magdulot ng pinsala sa
ari-arian, kalikasan at buhay ng tao.
Ang Dalawang uri ng Hazard:

1.1 Anthropogenic Hazard/Human-


Induced Hazard – ito ay bunga ng mga
gawain ng tao.

1.2 Natural Hazard – tumutukoy ito sa

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

hazard na dulot ng kalikasan.


– tumutukoy ito sa sa mga pangyayari na
2.Disaster maaaring magdulot ng panganib/pinsala
sa tao man, kapaligiran at maging sa
ekonomiya. Maaaring ito ay natural o
gawa ng tao

– ang vulnerability naman ay tumutukoy


3. sa tao, lugar, at imprastruktura na may
Vulnerability mataas na posibilidad na maapektuhan ng
mga hazards. Ang pagiging vulnerable ay
maaaring maapektuhan ng heograpikal na
aspeto o di kaya ay antas ng kabuhayan
ng mga tao.

– ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala


4.Risk sa tao, ari-arian, at buhay na dulot ng
isang kalamidad/hamong pangkapaligiran.
Ito ay maaaring:

a. Human Risk - pinsala sa


mga tao

b. Structural Risk – pinsala sa


mga istruktura/
establisyimento

–ang pagiging resilient naman ng isang


5.Resilience pamayanan ay tumutukoy sa kakayahan
na harapin at malagpasan ang mga
epekto na dulot ng suliranin/hamong
pangkapaligiran.

Pamprosesong Tanong
1.Ano-ano ang mga terminolohiya na kinakailangan mong

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

tandaan sa pag-aaral ng disaster management? Ipaliwanag


ang bawat isa.
2.Magbigay ng sarili mong halimbawa na maglalarawan sa
bawat konsepto.
3.Ano ang pagkakaiba ng Risk at vulnerability? Maaaring
magbigay ng halimbawa sa iyong sagot.
4.Sa iyong palagay, ano ang katuturan ng pag-aaral at
pagkaunawa sa mga terminolohiya o konseptong ito?

Gawain 4. Basa-Suri-Sagot
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na
sitwasyon. Pagkatapos ay tukuyin kung saang konsepto
maaring ipaloob ang naturang sitwasyon. Isulat ang iyong
sagot sa isang malinis na papel.

A. Nangangamba si Aling Jocelyn dahil sa


sunud-sunod na pagyanig ng lupa na
kanilang nararanasan na nagdudulot ng
mga bitak sa ilang bahagi ng kanilang
tahanan.

B. Maagang umuwi si Cardo sa kanilang


tahanan dahil sa nagbabanatng malakas
na hangin na may kasamang ulan.
C. Nagpasa ng petisyon ang barangay
dahil sa kanilang pangamba sa patuloy na
paglalabas ng maitim na usok ng pabrika
malapit sa kanila.
D. Matapos ang bagyo ay sinimulan na ng
mga tao sa Brgy. Fernando ang paglilinis
ng paligid at pagsasaayos ng mga
tahanan.
E. Pinalikas na ang mga residente dahil sa
patuloy na pagbubuga ng usok ng bulkan
at pagyanig ng lupa.

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Ngayon ay nabatid mo na ang batayang konsepto ng


disaster management. Sa susunod na bahagi ng aralin ay
inaasahan na mauunawaan mo ang kaugnayan ng Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang
Community-Based Disaster Risk and Management Approach
sa pagharap sa banta ng hamong pangkapaligiran.

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management


Framework

Noong Mayo 27, 2010, pinirmahan ni dating pangulong


Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act No. 10121 o mas
kilala bilang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010. Layunin nito na mas palakasin at
pagtibayin ang disaster management ng bansa dala na rin ng
banta ng pagdaan ng mga bagyo at sa pagiging kabilang ng
Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.

Ito ay nakabatay din sa dalawang pangunahing layunin:

(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat


pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng
pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t
ibang kalamidad at hazard.

Napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan


sa Community-Based Disaster Risk Management
Approach. Ito ay sa kadahilanang ang mga miyembro ng

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

pamayanan ang siyang may pinakamataas na posibilidad


na makaranas ng mga epekto na dulot ng hazard at
kalamidad. Sa madaling salita, higit na magiging
matagumpay ang paghahanda kung aktibo ring makikilahok
ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng
mga hazard at kalamidad.

Sa kasalukuyang panahon, isinusulong rin ng


NDRRMC ang Community Based- Disaster and Risk
Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya
sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang dahilan ng pagkakabuo ng RA. No. 10121?
2. Sa iyong palagay, bakit isinusulong ang CBDRM sa
bansa?
3. Bakit magkaugnay ang National Disaster Risk
Reduction and Management Framework at ang
Community-Based Disaster Risk Management
Approach sa pagharap sa hamong pangkapaligiran?

Gawain 5. Larawang Suri


Panuto: Tingnang mabuti ang larawan sa ibaba. Bigyang
pansin ang imahe at ang pakahulugan na nais nitong
iparating.

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Pagkakatulad at pagkakaiba ng Larawan A at Larawan B

Ideya/konsepto na maaaring mabuo batay sa pagkaunawa


sa larawan

Top-down at Bottom-up Approach

Nakabatay sa konsepto ng tinatawag na bottom-up


approach ang CBDRM Approach. Sa approach na ito, sa mga
mamamayan at iba pang sektor ng lipunan nagsisimula ang
mga hakbang mula sa pagtukoy at pag-aanalisa hanggang sa
paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang pamayanan/barangay. Ito naman ay
taliwas sa tinatawag na top-down approach. Ayon sa top-
down approach, lahat ng gawain mula sa pagpaplano nang
dapat gawin hanggang sa pagtugon/pagresolba ng hamon na
hatid sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas
na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.

APPROACH KATANGIAN
 Nasa kamay ng matataas na ahensya
ng pamahalaan ang pagpaplano at
TOP-DOWN paghahanda sa panahon ng
APPROACH kalamidad.
 Kinakailangan ang pakikipag-ugnayan
sa mga local na barangay bagi
maihatid ang impormasyon at tulong
sa mga mamamayan.
 Tanging pananaw ng mga namumuno

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

ang unang nabibigyang pansin.

 Ang mga mamamayan ay may


kakayahang simulan ang pagbabago
at panatilihin ang kaunlaran ng
kanilang komunidad.
BOTTOM-  Kinakailangan ang mahusay na
UP pamumuno ng lokal na pamayanan.
APPROACH  Nangangailangan ng malawak na
partisipasyon ng mga mamamayan
para sa komprehensibong pagpaplano
at pagdedesisyon.
 Binibigyang pansin ang responsableng
paggamit ng tulong pinansyal
.

Kung papansinin, and dalawang approach ay may


kahinaang tinataglay. Ayon kayna Shesh at Zubair (2006), tila
hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang
karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga
mamamayan sa isang komunidad. Dahil dito, hindi epektibong
natutugunan ang pangangailangan ng pamayanan/barangay
at mamamayan na siyang lubhang naaapektuhan ng
kalamidad. Mayroon ding mga pagkakataon na hindi
nagkakasundo ang Pambansang at Lokal na Pamahalaan sa
mga nararapat na gawin sa panahon at pagkatapos ng
kalamidad. Ang mabagal na pagtugon sa pangangailangan ng
mamamayan ay isa rin sa mga suliraning kinahaharap sa top-
down approach.

Sa kabilang banda, suliranin naman sa bottom-up


approach ang kasiguraduhan ng pakikiisa at pagsunod ng
mga mamamayan sa panahon ng paghahada, kaorasan ng
kalamidad at pagkatapos. Mahalaga rin ang serbisyong
ibinibigay ng pamunuan ng barangay at pakikipagtulungan ng
mamamayan upang makamit ang tagumpay ng bottom-up
approach.

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Sa pagpaplano ng disaster risk management


mahalagang magamit ng wasto ang kalakasan ng dalawang
approach. Mahalaga rin na maisaalang-alang ang pananaw ng
lokal at pambansang pamahalaan. Ngunit higit sa lahat, hindi
rin maikakaila ang importansya ng pananaw at paglahok ng
mga mamamayan sa mga ganitong uri ng usapin.

Gawain 6. KKK Chart


Panuto: Punan ang chart sa ibaba. Gamitin ang natutunan sa
iyong binasa bilang basehan ng iyong magiging sagot.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kalakasan ng top-down approach ang
makakatulong sa pagbuo ng maayos na disaster
management plan? Ano naman ang sa bottom-up
approach?
2. Alin sa mga kalakasan ng bottom-up approach ang
dapat bigyang-pansin sa proseso ng pagbuo ng
disaster management plan?
3. Kung ikaw ang papipiliin, aling approach ang higit na
naaangkop para sa disaster management plan sa

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

inyong barangay? Bakit ito ang iyong napili?


4. Nararapat bang isang approach lamang ang gamitin?
Bakit oo/hindi?

Mahusay! Sa puntong ito ay mayroon ka

Isagawa:
C. Pakikipagpalihan
Gawain 7. Karanasan-Collage
Panuto: Sa isang short bond paper, ikapit sa gitnang bahagi
ang iyong larawan. Pagkatapos ay isipin ang mga kalamidad o
hamong pangkapaligiran na ayon sa iyong pagkakaalala ay
iyo nang naranasan. Maaari kang gumupit ng mga larawan o
ng mga representasyon na maaaring sumimbolo sa iyong
naging karanasan. Huwag kalimutang magbahagi ng maiksing
saloobin hinggil sa mga karanansan mong ibinahagi.

Gawain 8. Handa na ba ako?


Panuto : Basahin at unawain ang mga sumusunod na
sitwasyon, ano ang iyong gagawin kung maharap ka sa mga
sumusunod :

1. Ikaw ay nakasakay sa dyip ng biglang yumanig ang lupa


2. Nasa ikatlong palapag ka ng isang mall ng marinig moa ng
fire alarm
3. Napanood ng iyong pamilya sa balita na may parating na
malakas na bagyo sa susunod na dalawang araw
4. Maraming nagtatapon ng basura sa isang creek sa inyong

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

barangay
5. Nagbabala ang Local Disaster Risk Reduction and
Management Council na ang inyong komunidad ay bahagi ng
14 kilometer danger zone.

Pamprosesong tanong :

1. Batay sa iyong mga kasagutan sa inilahad na sitwasyon,


masasabi mo bang handa ka sa pagharap sa iba’t ibang
suliraning pangkapaligiran? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong manguna sa


pagsasagawa ng CBDRRM Plan, paano mo ito gagawin sa
mga sumusunod:
a. sa inyong pamilya
b. sa inyong paaralan

c. sa inyong komunidad
3. Mahalaga ba ang displina at kooperasyon ng mga
mamamayan sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan? Patunayan.

Gawain 9. Pamahalaan o Mamamayan?


Panuto: Basahin ang maikling cartoon story sa ibaba. Batay sa
sitwasyong inilahad, dugtungan ang usapan sa ibaba upang
mabuo ang kwento. Huwag kalimutang isaalang-alang ang
iyong pananaw sa mas epektibong approach na nararapat
gamitin

iyong sariling pananaw.

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Linangin
Gawain 10. Alam Ko Ba?
Panuto: Basahin muli at unawaing mabuti ang headline at
maikling paalala sa ibaba.Marahil ay pamilyar ito sa iyo
spagkat nakita mo na ito sa Gawain 2. Ngayong nabatid mo
na ang kahalagahan ng disaster management at konsepto
nito, sa tulong ng nabanggit ng balita, gumawa ng isang
maikling paalala sa mga mamamayan ng mga dapat gawin
sakaling makaharap ang ganitong uri ng hamong
pangkapaligiran. Maaari mong gamitin ang mga gabay na
katanungan upang makabuo ng isang makabuluhan at
detalyadong paalala sa mga mamamayan. Maging malikhain
sa gawain.

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Iangkop
Gawain 11. Imbestigador
Panuto: Magsaliksik o magtanong sa iyong pamilya hinggil sa
isang suiliranin o hamong pangkapaligiran na iyong/kanilang
naranasan sa inyong pamayanan. Pagkatapos ay gumawa ng
isang maikling balita na naglalaman ng mga kaaganapan
habang kinakaharap ang nasabing pangyayari.

Isaisip
D. Paglalapat
Ang disaster management ay tumutukoy sa
organisasyon at pamamahala ng mga mapagkukunan at mga
responsibilidad kaugnay ng pagbibigay ng prayoridad sa mga
katauhan kapag mayroong mga kalamidad. Kasama rin sa
disaster management ay ang paghahanda, pagtugon at
pagbangon mula sa mga kalamidad. Ito ay may malaking
tulong sa komunidad dahil mas natutugunan ang mga
kalamidad nang mas maigi.
May dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

pangkapaligiran: ang bottom-up at top-down approach. Sa


bottom-up approach, nagsisimula sa mga mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
Samantala, ang top-down approach naman ay tumutukoy sa
situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano
na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o
ahensya ng pamahalaan.
Maaaring pagsamahin ang dalawang nabanggit para sa
higit na matibay at maayos na pagtugon sa hamong
pangkapaligiran.

Gawain 12. Plano-Plano Lang: We are Ready!


Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos
ay pag-isipang mabuti at gawin ang hinihinging aksyon sa
isang short bond paper. Gamitin ang iyong mga natutunan sa
pagsasagawa ng gawain.

Ipagpalagay na ikaw ang ang naitalagang chairman ng

Panukalang Plano sa Paparating na Kalamidad


Barangay: Nagbabadyang Bahagi ng
kalamidad: pamayanan na
at risk at higit na
vulnerable sa
kalamidad:
Panukalang Bakit ito ang gagamitin:
Approach
Address:na
Fernando Air Base, Lipa City
gagamitin:
Contact number: (043)7742093
MgaAdd:
Email hakbang na dapat gawin bago, sa oras at
fabnhsfab@yahoo.com
pagkatapos ng kalamidad
Paghahanda Sa oras ng Pangunaghing
bago ang kalamidad: hakbang
kalamidad: pagkatapos ng
kalamidad:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

RUBRIC SA PAGMAMARKA
Kailangan
Mahusay Katamtaman
pang
Pamantayan
magsanay
(5 puntos) (3 puntos)
(1 puntos)
Kaangkupan ng
planong inilahad sa
gawaing kailangang
maisakatuparan
Nilalaman ng
ginawang plano na
nakabatay sa mga
natalakay sa aralin
Praktikalidad sa mga
inilahad na plano na
tutugon sa
pangangailangan ng
mga tao
Pagkakalatag ng
proseso na Tayahin
kinakailangang I.Panuto: Basahing mabuti ang mga
isagawa bilang tugon
sa kalamidad sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA
Kabuuang Iskor kung wasto ang isinasaan ng pangungusap at
MALI naman kung hindi.

1. Ang disaster management ay tumutukoy sa paghahanda,


pagtugon at pagbangon mula sa mga kalamidad.
2. Sa ilalim ng CBDRMA, ginagamit ang top-down approach
kung saan nangunguna ang mamamayan sa pagpaplano at
pagsasagawa ng mga hakbanb sa pagharap sa hamon ng
kalamidad.
3. Sa usaping vulnerability, mas mataas ang hamon at
panganib na maaaring kaharapin ng mga mamamayan na
nasa malayo o liblib na bahagi na pamayanan.
4. Maaaring pagsamahin ang konsepto ng top-down at
bottom-up approach upang mas higit na mapalakas ang
disaster management plan.
5. Sa Community-Based Disaster Risk Management

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Approach, napakahalaga ng partisipasyon ng mga


mamamayan na siyang may pinakamataas na posibilidad na
makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad.

II.Panuto: Tukuyin ang hinihingi para sa bawat bilang.

1.Hazard na bunga ng mga gawain ng tao.


2. Layunin ng batas na ito mas palakasin at pagtibayin ang
disaster management ng bansa dala na rin ng banta ng
pagdaan ng mga bagyo at sa pagiging kabilang ng Pilipinas sa
Pacific Ring of Fire.
3. Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at
buhay dulot ng isang kalamidad.
4. Tumutukoy sa mga pangyayaring nagdudulot ng malaking
pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng mga
tao sa lipunan.
5. Disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon
kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat
gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay
inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
Gawain 20. In3-2-1
V. PAGNINILAY Panuto: Punan ng datos ang sumusnod na 3-2-1 Card
3 bagay na 2 bagay na 1 bagay nan ais
aking natutunan nagpapatunay sa ko pang mas
aking natutunan matutunan

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

Sanggunian

 Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu nina Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo
M. Imperial, Maria Carmelita B. Samson at Celia D. Soriano, Rex Book Store 2017.
 Mga Kontemporaryong Isyu nina Paul Micah S. Francisco, Mario Alvaro V. Limos, Noel E.
Padalhin, The Library Publishing House Inc. 2015, No. 111, Panay Avenue, Quezon City
 K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Mayo 2016
 Learning Module AP10, 4.21.17 DepEd
 https://www.slideshare.net/ruthferrer2/ang-dalawang-approaches-sa-pagtugon-sa-hamong-
pangkapaligiran
 https://www.slideshare.net/BinibiniCmg/ang-dalawang-approach-sa-pagtugon-sa-mga-hamong
 https://www.youtube.com/watch?v=FxcdlQKalwU.Dalawang Approaches sa Pagtugon sa mga
Hamong Pangkapaligiran
 https://www.youtube.com/watch?v=d7JM11Z6ZTI .2 Approach sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran

Inihanda ni:

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV -A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Fernando Air Base Integrated National High School
Fernando Air Base, Lipa City

LORENA MANIMTIM
Guro I

Iwinasto ni:

MARITES P. FABIA
Ulongguro III

Binigyang-pansin ni:

JOE I. TITULAR
Punongguro III

Address: Fernando Air Base, Lipa City


Contact number: (043)7742093
Email Add: fabnhsfab@yahoo.com

You might also like