You are on page 1of 12

Pagsulat ng Editoryal

Panimula:

Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng


kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman,
makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.1

Ito rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo o


institusyon, tungkol sa ibat-ibang isyu kaya matuturing itong politikal sapagkat ang lahat
ay may opinion. (Andrada, M., 2011).2

Mga Uri ng Editoryal (Layunin):

1. Magpabatid o Magpakahulugan

Patuloy ang Pagdami ng mga Pinoy

“…Malaking problema ang kahaharapin ng Pilipinas kapag nagpatuloy


ang pagdami. Unang-una nang magiging problema ang kakapusan sa pagkain.
Kung ngayon na nasa 95.8 milyon ang mga Pinoy ay marami na ang
nakadarama ng gutom o nalilipasan ng gutom, paano pa kung mahigit na sa 100
milyon?...”

-_____, Pilipino Star Ngayon, 2012-


2. Manghikayat

Bagong Kultura

“…Ang sabi nila’y bahagi ng kulturang Pinoy ang pagpapaputok sa


bisperas ng Bagong Taon. Noon yon – nung labintador pa lang at trianggulo ang
pinakamalalakas na paputok. Ngayon hindi na paputok ang tawag sa nabibili sa
merkado kung hindi pasabog. Oras na para baguhin ang kultura…”

-Atty. Maceda, E., Pilipino Star Ngayon, 2012

3. Magbigay-puna
Mabilis na pagbabago sa 2012

1
Editoryal: Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-tudling .(2009). Sa takdangaralin.com. Pinagkunan:
http://www.takdangaralin.com/filipino/editoryal/editoryal-pagsulat-ng-editoryal-o-pangulong-tudling/
2
Andrada, M. (2011). Editoryal. Sa prezi.com. Pinagkunan: http://prezi.com/zplbemvzwlya/pagsulat-ng-
editoryal/
“…Hangad ng bawat mamamayang Filipino ang totohanang pag-ahon sa
kahirapan at hindi ang pagsalubong sa Bagong Taon ng pagtaas sa presyo ng
mga pangunahing bilihin, produktong petrolyo at bayarin sa serbisyo!...”

-Abante Tonite, 2012

4. Magbigay-puri

Malaking Kita ni Kris sa Endorsements


Mapupunta sa mga Ipagagawang Classrooms

“…Maganda ‘yung balak ni Kris Aquino at ng kanyang mga kapatid na babae na


makapagpatayo ng mga silid aralan o iskuwelahan na magsisilbing taga-
pagpaalala sa kanila kapag wala na sa posisyon ang kapatid nilang si P-Noy.

Tatawagin nilang Silid Pangarap, ang isang libong classrooms na ipatatayo nila
ay para sa mga pre-schoolers. Magbibigay din sila ng libreng gamit sa mga
mahihirap na mag-aaral………………..

………Mabuhay kayong magkakapatid. Sana, magpatuloy pa ang magaganda


ninyong gawain para sa ating mga mahihirap na kababayan...”

-Master Showman Kuya Germs, Pilipino Star Ngayon, 2012

5. Manlibang

'Pulis(h) heart'

“…“WALA kang bf? Paano yan sinong inspirasyon mo?” tanong ng pulis….

….Sa loob ng mahabang taon ni hindi daw naisip ni Linda na pumasok sa


panibagong relasyon. Nag-iba ang lahat ng makilala niya si Chard…

…“Gusto kita…” sabi ni Chard.

Pagtataray ni Linda, “Humanap ka na lang ng iba. Wag ako yung ka-


edad mo! Teka bigyan kita textmate.”

Binigay ni Linda ang number ng katrabaho na si “Ana”. Hindi naman


nabigo si Linda dahil nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Nawalan sila ng
komunikasyon ni Chard.

Isang taon makalipas muling nagtext si Chard. “Kamusta ka na?...”

-Calvento, T., 2012, Pilipino Star Ngayon-


Mga Nilalaman ng Isang Editoryal:3

Pamagat
(sumulat)

Pamatnubay (Lead)
* ito ang nanghihikayat sa mambabasa
* mas mainam kung 30-40 na salita lamang
*minsan ay wala
Nilalaman
(Panimula, Katawan at Konklusyon)
* Obhektibong eksplanasyon ng isyu
* Opinyon ng “kalaban” o ang pagtutungkulan
* Opinyon mo (sa pamamaraang propesyunal)
* Ang iyong alternatibong solusyon
* Isang buo at maikling konklusyon mo

_____________(Pamagat)___________
___________(sumulat)__________

_(Pamatnubay)_______________________________________________
_______________________________________________________________.

_(Panimula o Newspeg)_________________________________________
__________________________________________________________________

_(Katawan)__________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_(Konklusyon)________________________________________________
____________________________________________________.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Editoryal:4

3
Weintraut, A. (n.d.). Writing an Editorial. Sa geneseo.edu. Pinagkunan: http://www.geneseo.edu
/~bennett/EdWrite.htm

4
Editoryal: Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-tudling .(2009). Sa takdangaralin.com. Pinagkuhaan:
http://www.takdangaralin.com/filipino/editoryal/editoryal-pagsulat-ng-editoryal-o-pangulong-tudling/

Mga Sanggunian para sa mga Halimbawa:

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=764328&publicationSubCategoryId=94
 Magkaroon ng kawili-wiling panimula, maikli lamang upang akitin ang
mambabasa.
 Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang
maayos at malinaw.
 Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay—

a. Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang


simulain.
b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
c. Gumamit ng magkakatulad na kalagayan.
d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.

 Tandaang ang pinakapansing bahagi ay ang panimula at ang panapos


(concluding punch/ clincher).
 Gawing maikli lamang.
 Huwag mangaral, ilahad lamang ang katwiran at hayaang ang mambabasa ang
gumawa ng sariling pagpapasiya.
 Iwasan ang paggamit ng ako
 Sulatin nang payak lamang.

Pagsulat ng Akademikong Jornal

http://www.abante-tonite.com/issue/jan0212/editorial.htm
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=764669&publicationSubCategoryId=94
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=764688&publicationSubCategoryId=96
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=764671&publicationSubCategoryId=94
Panimula:

Ang isang pang-akademikong jornal ay isang nailimbag na sulatin na ang layunin


ay magbahagi ng impormasyon. Ito ay madalas na isinusulat ng mga eksperto na siya
namang sinusuring mabuti ng mga mambabasa (panel-experts). 5 Masasabi ring ito ay
maihahalintulad sa isang konseptong papel sapagkat may mga bahagi ito na magkatulad.

Mga Bahagi: 6

a. Pamagat (8-15 na salita)


* madaling makahikayat
* Simple lamang ngunit kumpleto ang mga detalye ng pinag- aaralan
* Ano ang pinag- aaralan
* Paano ito pag- aaralan
* Sino o Ano ang magiging kalahok ng pag- aaral
* Saan gaganapin ang pag aaral (minsan ay hindi na isinasama)

(Pamagat)____________________________________________________________

b. Abstract (200-250)
* buod ng pinag-aaralan
* ayon kay Perry, et. al. (2003) ito dapat ay may pitong element:
1. isyu ng pinag- aaralan
2. layunin ng pag* aaral
3. importansya ng pag- aaral
4. pamamaraan (buod lang)
5. pinakamahalagang resulta ng pag-aaral
6. importansya ng mga resulta sa ibang pag-aaral na may
kinalaman sa iyong pag-aaral
7. praktikal na mga implikasyon sa mga resulta ng pag-aaral

Abstract:(madalas tatlong talata)


____________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________.

5
Jerz, D. G. (2011). Academic Journals: What are they? Sa jerzetonhill.edu. Pinagkunan: http://jerz.
setonhill. edu/writing/academic1/journals/
6
Kotzé, T. (2007). The Structure of an Academic Journal. Guideline on Writing a First Quantitative
Academoc Article (2nd ed.p.2). Pinagkunan: web.up.ac.za/.../writing_an_academic_journal.
____________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________.

c. Keywords (6-8)
* mga salita na may malaking kinalaman sa pag-aaral mo
* madalas kung ano ang nasa pamagat
* laging naka- italics
* nakaloob sa isang pangugusap
* nakahiwalay gamit ang kuwit

Keywords: __________, ____________, ____________, ___________, ___________,


___________, ___________.

d. Panimula (500- 1000)


* elemento (Perry, et. al, 2003):
1. tema o paksa ng pinag-aaralan
2. praktikal na importansya ng pinag-aaralan
3. pagbanggit ng mga kaugnay na pag-aaral na maaring may
kinalaman sa paksa mo
4. mga kulang o isyu na maaring makatulong upang maniwala ang
mga mambabasa na may malaking importansya ang
pag- aaral mo
5. maaring balangkas ng pag-aaral (outline or structure)
6. malinaw na:
a. layunin ng pag-aaral
b. suliranin (kung bakit ito pag-aaralan)
c. konteksto (kung san maaring maganap ang pag-aaral)
d. yunit ng pag- aanalisa

Panimula (madalas 6 na talata):

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________.
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________.

e. Mga Kaugnay na Pag-aaral ( 1000- 2000)


* isinasama sa bahaging ito ang Kaligiran ng Pag-aaral
( Background), Batayang konseptwal ( Conceptual Development or
Conceptual Framework)

* dito binabanggit at binibigyan ng impormasyon ang mambabasa ng


koleksyon ng LAHAT NG PAG-AARAL na MAY KINALAMAN
sa iyong pinag-aaralan
* Huwag kakalimutan kung kanino mo nakuha ang iyong
mga impormasyon!

Mga Kaugnay na Pag-aaral (ang talata ay depende na sayo):

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____________________________________.….

f. Metodo (500- 1000)


* isinasama dito ang pamamaraan (methodology/ procedures) at
pagkolekta ng mga datos
* nandito rin ang profayl ng mga gagamitin mong kalahok sa iyong papel

Metodo:

____________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________.

____________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.
g. Paglalahad ng mga Resulta (1000- 1500)
* Paglalahad ng mga resulta ng iyong pag-aaral
* mas mainam ang magsama ng mga graph, chart, o table
bago ipaliwag ang mga resulta
* magtatapos ito sa isang detalyadong konklusyon

Paglalahad ng mga Resulta: (ang dami ng talata ay depende na sayo)

Halimbawa:

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____________________________________.….

h. Konklusyon at Rekomendasyon (1000- 1500)


* dito nakalakip ang isang detalyadong resulta ng iyong pag-aaral
ngunit ito ay dapat na malinaw at simple lamang.
* dito rin sinasama ang mga suhestyon ninyo para sa mga
nagnanais na gumawa o magpatuloy ng inyong pag-aaral
* dito rin maaring banggitin ang mga problemang
nakaharap habang isinasagaw ang pag-aaral mo

Konklusyon:

1___________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
.

2___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________.

Rekomendasyon:

1___________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________.

2.__________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________.
SAMPUNG DAHILAN SA PAGTATAGO NG JORNAL
Ang isang talaarawan, o journal, ay isang permanenteng personal na talaan ay iningatan
ng mga kaganapan, mga saloobin at ideya na nauugnay sa isang indibidwal. Habang ang
ilang mga kultura sa tingin ng diaries bilang pangunahing isang babae palipasan ng oras,
ang katunayan ay na journaling o pinapanatili ng talaarawan ay isang aktibidad na ang
mga tao ng parehong kasarian makisali sa mga regular. Pagpapanatiling ng isang
talaarawan ay isang napakahusay na paraan ng pagdodokumento ng mga karanasan at
mga ideya na ay ibig sabihin na sa ibang pagkakataon sa buhay o posibleng maging ng
kahalagahan sa susunod na henerasyon.

Isang Travelog
=ang paglalakbay ay mas higit na nabibigyan ng kabuluhan kapag ito ay
naitatala.nagiging makulay at masaya ang pagpunta sa iba't ibang lugar kung nagiging
mapagmasid at mapagsuri sa paglalakbay.
Talaan ng Panaginip
Isang logbook
=sa kabila ng mabilis at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya,kailangan pa rin ng
pagsusulatan.maaraing itala sa jornal bilang draft ng mensahe o ideya
Isang aklat ng Kaisipan
=ang mga ideya at kaalamang kinawiwilihang gawin gaya ng
paghahalaman,pagluluto,pagsali sa mga paligsahan at kung anu-ano pa ay maaring
maidokumento sa pamamagitan ng pagsulat sa jornal.
=ang anumang binabalak,layunin,tanguhin o plano sa gagawing proyekto,negosyo o
anumang bagay sa araw-araw ay malaya ring maisusulat sa jornal. 
=pinaniniwalaang ang panaginip ay ang mga bagay gustong gawin kapag ang tao ay
gising,subalit nawawalan ng pagkakataon.
Kwaderno ng Pagpaplano
Batayang Proseso ng Malikhaing Gawain
=ang mga manunulat ng mga likhang-sining ay dumadaan di n sa pagpaplano,pag-
oorganisa at malalim na pag-iisip na maaaring maging batayan ng isang obra.
Tagatago ng Koleksyon
=ang mga bagay na kinatutuwaan nating ipunin gaya ng selyo,balat ng tsokolate,tisyu
mula sa kilalang foodhouse o restaurant ay maaring magkaroon ng espasyo sa jornal.
Memoir
=isa sa mahalagang gampanin ng jornal ay masinop na maitala o maitago ang mga
mahahalagang pangyayari sa buhay ng manunulat nito.
Isang uri ng pakikipag-usap sa sarili
=hindi pa rin maiaalis sa tao na magkaroon ng isang maliit na bagay o pangyayari na
maaring ilihim sa kaibigan o mga mahal sa buhay.
Inbentaryong Eklektik 
=ang mga sawikain,panunudyo,mga pahayag o parirala na matatagpuan sa
billboard,magasin,pahayagan o anumang babasahin ay maaring ipunin o gawing kliping
sa mga pahina ng jornal
ANG PAGSULAT NG 
JORNAL
=walang sinusunod na anumang anyo ang pagsulat ng jornal.May mga nagsusulat sa
kalendaryo sa mesa bilang paalala sa mahahalagang araw na darating.Maaring sa scratch
paper kung maaabutan ng oras ng pag-iisip.
halimbawa ng jornal entri
============================================
ANG JORNAL
Itala ang kapaligirang iyong makikita. Ilarawan ang mga silid, gusali, daan, tanawin, tao
o mga gawaing iyong napagmasdan. Maaaring isulat ang konversasyong iyong nari-rinig
o isulat kung ano ang iyong reaksyon sa mga bagay na napagmasdan.
Kapag ika'y naglalakbay
Pagsusulat ng mga akda
Maaari mong isulat sa iyong jornal ang proseso ng iyong pagsusulat kung ikaw ay
nagsusulat kwento, sanaysay, dula, mga tula o anumang papel na kailangan sa es-
kwelahan o trabaho. Ilarawan mo ang iyong damdamin sa pagsisi-mula hanggang sa
faynal na akda.
Magsulat ng mga liham
Ipadala mo man o hindi, maaaring sulatan din sa jornal ang mga bagay na walang buhay,
isang lugar, isang pet, yumao nang tao, isang taong kilala sa lipunan. Kahit sino, Kahit
ano.
Iyong mga karanasan
Pwede mong isulat ang iyong karanasan sa pagsusulat. Ikaw ba ay nahihirapang mag-isip
ng ideya? Ano ang iyong nara-ramdaman? May mga karanasan ka ba noon na
bumabagabag pa rin sa iyong isipan hanggang ngayon? 
Filipino 3 
ANG JORNAL
Ang jornal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga refleks-yon, mga naiisip, o
nadarama at kung ano-ano pa. 
Mas malawak ang jornal kung iha-hambing sa dayari. Hindi lamang mga karanasan ang
maitatala sa jornal.
Kung gayon, lahat ng dayari ay jor-nal din, ngunit hindi lahat ng jornal ay maituturing na
dayari. 
Ang tawag sa jornal noo'y "pangka-raniwang aklat." Sa ngayon, ginagamit ang jornal ng
marami kung may isang mahalaga o tiyak na hindi malilimu-tang pangyayari sa kanilang
buhay.
Sampung Dahilan sa Pagtatago ng Jornal
1. Isang travelog
- ginagamit sa pagbibyahe.
2. Talaan ng mga panaginip
- tinatala ang ibat ibang eksenang naaalala sa isang panaginip.
3. Isang lagbuk
- maaaring isulat ang draft ng mga sulat sa kaibigan, kamag-anak o sa kahit na sino.
4. Isang aklat ng kaisipan
- maaaring maidokumento ang mga libangan o kapaki-pakinabang na gawain.
5. Kwaderno sa pagpaplano
- makapagtala rin sa jornal ng mga tunguhin o mga plano para sa iba't ibang gawain.

6. Batayan/Paraan ng malikhaing gawain


- para sa mga manunulat at iba pang manlilikha, mahalaga ang jornal sa kanilang
paglikhang-sining. Dito nila ginuguhit ang kanilang mga obra o sinusulat ang kanilang
mga akda.
7. Inventaryong ekletik
- maaaring ipunin sa jornal ang mga paboritong sawikain o mga salita, atbp. Maaaring
magdikit ng kung ano-ano na may kahulugan sa isang tao.
8. Tagatago ng koleksyon
- ang mga selyo, suvinir, larawan o naumang kinatutuwaang koleksyon.
9. Memoir
- malaman ng isang tao kung paano siya lumaki, nagbago at nagkaisip.
10. Isang uri ng pakikipag-usap sa sarili
- naipagtatapat ang lahat-lahat tungkol sa sarili.
Napakaraming ideya na pwedeng itala sa jornal.
narito ang mga mungkahing ideya. . .
isulat ang tung-
kol sa mga taong im-portante sa'yo no-ong bata ka pa at sa kasalukuyan.
isulat ang iyong 
mga alalahanin, 
mga problema o maging sa personal.
Subukang isulat ang 
lagay ng panahon. Ilarawan ang iyong mga namamasdan sa kapa-ligiran at nararamda-
man.
Gumawa ng mga 
listahan ng mga paha-
yag na may patlang. 
Hal:
a. kung hindi ako ______, malamang ako'y ______.
b. kung makakausap ko si ______, sasabihin ko sa kanyang ______.
c. kung mararating ko ang ______, dadalhin ko ang aking ______.
d. gusto kong _______, ngunit _______.
e. si ______ ang pinaka _______ sa lahat ng _____.
Ang Pagsulat ng Jornal
walang sinusunod na anumang pisikal na kaanyuan ang jornal.
may mga simple at may namutiktik sa dekorasyon...
Halimbawa ng mga Jornal Entris
Gusto kong magsulat upang maipaha-yag ko ang aking nararamdamang ga-lit,
kalungkutan at kabiguan sa buhay. Sa pamamagitan ng pagsusulat. Naba-bawasan ang
tensyong namamayani sa aking sarili dahil nailabas ko ang ki-nikimkim ko sa aking
kalooban. Sa pagsusulat ko rin nailalantad ang mga itinatagong lihim nang walang
makaririnig na ibang tao...

You might also like