You are on page 1of 50

PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

PRIMARYANG BATIS

Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan dito. Ito rin ay


naglalaman ng nang imporamasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag- usapan
sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang pangyayari o
saglit lamang pagkatapos nito.

Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa
panahon ng pagkaganap ng pangyayari).

SEKONDARYANG BATIS

Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng pangyayari. Karaniwang


gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang ganitong uri ng
mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isasama ang mga
kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan sa
paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo, at mga buod ng mga pangunahing pag-
aaral o mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa.

Halimbawa: Dyaryo, mga libro, dyornal, pananaliksik at iba pa.

1
PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON

Ang komunikasyon sa pagbasa at pananaliksik ay nakakatulong upang ito’y


mas lalo pang maintindihan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan
mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa
ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pang-
unawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot. Samantala ang
pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa
ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay.

MGA LAYUNIN SA PAGBASA:

1) Nagbabasa upang maaliw.


2) Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito.
3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.
5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at
pagkakaiba sa kulturang kinagisnan.

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S.
Gray na siyang kilala bilang isang ama ng pagbasa. Ito ay ang Pagkilala, Pag-unawa,
Reaksyon at Assimilasyon at Integrasyon.

Pagbasa

Ang pagbasa ay mayroong apat (4) na teorya. Ito ay ang:

1) Bottom-up

Ang teoryang bottom-up ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng


teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran at sa paglinang ng
komprehension sa pagbasa.
2) Top-down

Ang teoryang ito ay nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil
napatunayang maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
kundi sa mambabasa tungo sa teksto.

3) Interaktib

Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa


mga proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang
bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang.

4) Iskema.

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng


mambabasa. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa
dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang
teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima
sa paksa.

Pagpapaunlad ng Pagbasa

Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at


naglalayong umunlad ang kakayahan ng mambabasa. Ang talasalitaan at ang mga
kaayusan ng pangungusap ay kontrolado at sumusunod sa takdang criterion para sa
pagkasunod-sunod.

 Iskiming

Ang mambabasa ay kailangang hanapin o tukuyin kung ang aklat o ang


materyales ay isinulat ng isang dalubhasa na sa tiyak at dapat makita kung ito ba ay
naglalaman ng impormasyon.

 Overviewing

Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw.

 Survey

Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuhan ng ideya ng materyales.


 Iskaning

Ito ay isang pamamaraan na kung saan ang mambabasa ay kailangan hanapin


ang mga impormasyon na kanyang gusting malaman.

 Previewing

Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.

 Kaswal

Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na


tinitingnan ang bawat salita na ibinibigay.

 Pagtatala

Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya
maintindihan o napakahirap na salita.

 Re-reading o Muling Pagbasa

Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay inuulit ang pagbasa
upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.

Ngayon dumako naman tayo sa pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang


proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-
alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok
sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang
pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang pagiging:

 Sistematiko
 Empirical
 Mapanuri
 Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
 Akyureyt na imbestigasyon
 Matiyaga at hindi minamadali
 Nangangailan ng tapang
 Maingat napagtata at pag-uulat

Ito ay nagagamit sa pakikipag komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang


bawat tao ay magkaintinhan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito
upang matukoy ang at malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa
komunikasyon.
PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY
NG IMPORMASYON

Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng anomang


teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong
nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging
sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.
Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit
nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner,
2017).
Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung
maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.
Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang
ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at
mabisa ang paglalahad (The Silent Learner, 2017).

Halimbawa: Buod ng Rama at Sita

Nakatira ang mag-asawang Ravana tungkol sa nangyari sa kanya


Rama at Sita kasama si Lakshamanan upang makapaghiganti kay Rama at
sa gubat noong ipinatapon sila mula ito ay sa pamamagitan ng pagbihag
sa kaharian ng Ayodha. At kaya hindi kay Sita ni Ravana upang gawing
maiwasan ang mga higanteng tulad ni asawa. Pinatawag niya si Maritsa, na
Surpnaka, ang kapatid ni Ravana na may galing na mabago ang sarili sa
hari ng mga higante at demonyo, na kahit anong anyo at hugis, upang
nagpanggap bilang babae at tinukso si maging parte ng patibong upang
Rama. Ngunit hindi siya nagtagumpay mabihag si Sita. Nagpanggap na isang
at nahagip pa ni Lakshamanan ang gintong usa si Maritsa at nasilaw
kanyang tenga at ilong. naman sa patibong si Sita. Biglang
Nagsinungaling si Surpnaka kay tumakbo ang gintong usa at hinabol
naman ito

Rama ngunit sina Sita at Lakshamanan ang bumagsak na pugot ang ulo.
ay naghintay lang dahil ang bilin sa
kanya ay bantayin si Sita. Nangamba
si Sita ng tumagal ng hindi pa
bumabalik si Rama kaya pinilit niya si
Lakshamanan na hanapin si Rama.
Ngunit hindi siya pumayag kaya
nagalit pinaratangan ni Sita si
Lakshamanan na sakim at gusto niya
lang mamatay ang kanyang kapatid
upang siya ang maging hari. Nasaktan
si Lakshamanan sa narinig niya kaya
hinanap niya si Rama at iniwan si Sita.
Biglang lumabas si Ravana at
nagpanggap bilang isang matandang
paring Brahmin ngunit hindi siya
nakapagpigil kay Sita at inalok siya na
limang libong alipin at gagawing
reyna ng Lanka kaya biglang natakot
at tinulak niya si Ravana. Bumalik sa
anyong higante at isinakay si Sita
karwahe na may mga kabayong
malalapad ang pakpak. Nasundan
naman sila ng isang agila ngunit
pinagtataga lang ito ni Ravana.
Bumagsak ang duguang agila sa lupa
at nakita nila ito kung saan sinabi ng
agila ang nangyari. Humingi ng tulong
si Rama sa hari ng mga unggoy at
naghanda upang salakayin ang Lanka.
Nagkaroon ng labanan kung saan
maraming kawal na unggoy ang
namatay ngunit mas maraming higante
Matagal na naglaban naman sina Rama at
Ravana hanggang sa mapatay ni Rama
ang hari ng mga higante. Umiiyak na
tumakbo si Sita at niyakap ng mahigpit si
Rama at muli silang nagsamang
maligaya.
IBA’T-IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD
Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang mag-
ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o
Sinopsis.
 Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang
Griyego na “parapahrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag."

 Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto,


kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD


 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

KATANGIAN NG PAGBUBUOD
 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.
 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili
nating mga salita.
 Ito ay pinaikling teksto.

Ang pag-uugnay ng impormasyon naman ay ginagawa upang mas maintindihan


ang tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng sarili nating opinyon. Maari
tayong magsadula dito para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na
ikinakalap.

8
Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang
makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino,
ang pang-ugnay naito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at
pangatnig.

1) Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at


salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan.

Halimbawa: mapagmahal na hari mabuting kapatid

2) Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa


iba pang salita sa pangungusap.

Halimbawa: sa ayonsa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol


sa/kay Alinsunod sa/kay para sa/kay Laban sa/kay tungkol
sa/kay

3) Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita,


parirala, o sugnay.

4) Pagbibigay sanhi/bunga
B
Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa
kanyang pagpupursiging mag-aral.
S
5) Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o
pagtutol.

Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat.


PAGBUO NG SARILING PAGSUSURI
BATAY SA IMPORMASYON

IBA’T-IBANG URI NG OBSERBASYON

 Natural na Obserbasyon - kalakip dito ang pagmamasid sa mga natural na pag-


uugali ng obserbasyon sa isang normal na sitwayon.
 Personal na Obserbasyon - may kinalaman sa damdamin at opinyon ng tagamasid
batay sa sariling danas kaugnay ng isinasagawang saliksik.
 Direktang Partisipasyon - nakikita ng taong inoobserbahan ang tagamasid.
 May Estruktura at Walang Estruktura
- May sistematikong patnubay
- Eksploratoryo

URI NG PANAYAM

 Impormal na panayam
- walang nakahandang katanungan
- tila nagkukwentuhn lamang
 Panayam na may Gabay
- gumagamit ng mga gabay ng tanong
- mas may pukos kaysa sa impormal ngunit magaan pa rin ang daloy ng
panayam.
 Bukas o matayang panayam
- malaya ang daloy ng panayam
- malayang nasasagot
 Panayam batay sa mga inihandang tanong at sagot na pinagpipilian
- pare- pareho ang mga tanong at hinahayaang pumili ng sagot ang
kinakapanayam mula sa mga nakalatag na sagot.
UMPUKAN

Ang umpukan ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat,


pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
Ginagamit din ang “umpukan” para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang
grupo o pangkat. Maari rin na ang “umpukan” ay mangangahulugang buhol. Isa sa
pinakamasarap gawin ay makisalo sa umpukan at pag-usapan ang kung anu-ano lang.

IBA’T-IBANG LUGAR KUNG SAAN KARANIWANG


GINAGAWA ANG ISANG UMPUKAN

Sa isang klase, nagbigay ng limang grupo ang isang guro para pag-usapan ng mga
estudyante and napapanahong isyu.

Sa isang baranggay, nagpulong-pilong ang mga kasapi ng isang purok para pag-
usapan ang pwedeng gawin sa isang bayanihan.

Sa isang kanto, nag-iinuman ang mga kapit-bahay mong tambay at pinag uusapan
nila ang bagong salta mong kapit-bahay.

Sa isang parke, isang umpukan ng mga bata ang naglalaro ng Jak en poy.
PAGBABAHAY-BAHAY

Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino


kung saan naglalakbay o dumadayo ang isang tao o grupo ng tao sa isang partikular na
lugar kung saan iniisa-isa nila ang mga kabahayan upang kumuha ng mga impormasyon
o datos na kinakailangan nilang makalap para sa
isang partikular na gawain. Ang halimbawa nito ay
ang census, oplan tokhang, pangangampanya at
marami pang iba.

Census

Ito ay isang gawain kung saan isinasagawa


ang pagbabahay-bahay upang makakalap ng mga
mahahalagang impormasyon. Halimbawa nito ay ang
2015 Census of Population. Ito ay isinasagawa
tuwing Agosto upang magkaroon ng angkop na datos
ng bolang ng populasyon sa bawat barangay sa buong
bansa.

Oplan Tokhang

Ito ay hango sa salitang cebuano na


toktok-hangyo o ang ibig sabihin ay katok at
pakiusap. Gawain itong isinasagawa ng mga pulis
alinsunod sa programa ng administrasyong
Duterte kung saan nagbabahay-bahay sila upang
madakip ang mga gumagamit at nag bibinta ng mga ipinagbabawal na gamot o droga.
PULONG-BAYAN

Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang


pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay
pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay.
Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng
pagkakataon makapagsalita. Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.

Ito ay karaniwang isang paraan na kung saan ang mga tao ay makakagawa ng mga
demokratikong desisyon. Sa isang pulong ng bayan dapat tiyakin ng lahat ng tao na
nakikilahok sila sa mga legal na gawain ng negosyo. Nakatalaga sa mga pulong bayan
ang mga agenda na dapat pag-usapan.

URI NG PULONG-BAYAN
 Connecticut
Ang ganitong uri ng pulong-bayan ay nagsasangkot ng pag-uusap tungkol sa
isang nai-publish na artikulo. Ito ay may piniling bilang ng mga taong rehistradong
botante. Kasama sa mga ito ang mga taong kumikita ng higit sa 1000USD na maaaring
pagbuwisan.
Alam mo ba?
Ang mga pulong-bayan ay higit nakilala sa pagkuha ng iba't-ibang anyo. Karaniwan,
ang mga pulong ng bayan ay matatagpuan sa mga distrito ng Inglatera. Ang iba't-ibang
mga pulong-bayan ay may magkakaibang mga istruktura at nakaayos nang magkakaiba.
Ang mga pulong-bayan ay walang partikular na lugar na sinimulan ng mga ito. Ang
mga pinaka-recordable na mga pulong ng bayan ay nagsimula mahigit 300 daang taon
na ang nakakaraan.
Ang isa sa mga pinaka-kapansin-pansin na starters ng mga pulong-bayan ay tinukoy
bilang Puritans.
AGENDA

Ito ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na nagpupulong. Ito ang
pinakamahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong. Ito rin ay
nagsisilbing gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano mararating nang
mabilisan ang patutunguhan.

Epekto ng Hindi Paghahanda ng Agenda


 Mawawala sa pokus ang mga kalahok na nagdudulot sa tila walang katapusang
pagpupulong.
 Umuunti ang bilang ng dumadalo sa pulong.
 Tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok.
Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda
 Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay
patungo sa isang direksyon.
 Mas mabilis natatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na
pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang
talakayin, at ang maaaring kalabasan ng pulong.
Nilalaman ng Agenda
1) Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at
matatapos?
2) Ano ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa bahaging ito ng
agenda, sinasagot nito ang tanong na: "Bakit tayo magkakaroon ng
pagpupulong?"
3) Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
4) Ano-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin?
KATITIKAN NG
PULONG

Ang katitikan ng pulong ay ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang


diskusyon at desisyong ibinabatay sa adyendang unang inihahanda ng Tagapangulo ng
lupon. Ito ay maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte at karaniwang maikli
at tuwiran o detalyado.

Kahalagahan ng Katitikan
 Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong.
 Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o
nangyari sa pulong.
 Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng
panahon.
 Ito ay magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong.
 Ito ay batayan ng kagalingan ng indibidwal.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG BAGO, HABANG AT
PAGKATAPOS NG PULONG

 Bago ang Pulong


1) Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
2) Ihanda ang sarili bilang tagatala.
3) Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging
daloy ng mismong pulong.
 Habang Nagpupulong
1) Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga ito.
2) Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pag-talang mga desisyon o
rekomendasyon.

 Pagkatapos ng Pulong
1) Kung may mga bagay na hindi naiiintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos
ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo.
2) Repasuhin ang isinulat.
3) Mas mainam na nag numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali
itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
KOMUNIKASYONG
DI-BERBAL

Ito ay gumagamit ng ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at salitang hindi


maiintindihan ng taga-pagkinig. Mahalaga ang di- berbal na komunikasyon sapagkat:

1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao,


2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe, at
3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng
mensahe.

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal:

1. Oras (Chronemics). Mahalaga ang oras. Ito ay ang isang bagay na kulang sa
maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay maaaring kaakibatan ng
mensahe.
2. Espasyo (Proxemics). Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan n gating sarili at ng ibang tao.
a. Public Distance (12 ft or more)
b. Social Distance (4-12 ft)
c. Personal Distance (1 ½- 4 ft)
d. Intimate Distance (up to 1- ½ ft)
3. Katawan (Kinesics). Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit
pa sa mga tunog na lumalabas sa ating mga bibig. Kaya nga may tinatawag sa
Ingles na body language. Ito ay maaaring Makita sa ating mga mata. Hindi rin
maitatago ang ating mga damdamin at tunay na intensyon sa ating mukha.
Makikita sa mukha ng tao kung siya’y masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala,
natatakot, may suliranin, nahihirapan o galit. Ang ating pananamit at kaanyuan ay
maaaring may mensahe rin. Ang ating tindig at kilos ay maaari ring magsalita
para sa atin. Maaaring ang kumpas ng kamay din (1) regulative, (2) descriptive, at
(3) emphatic.
4. Pandama (Haptics). Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa
pagpapahatid ng mensahe sa ating wika, may iba iba tayong tawag sa paraang
paghawak sa tao o bagay at sa bawat paraan may iba ibang kahulugan. Ito ay ang
mga: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos, at hipo.
5. Simbolo (Iconics). Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo na may
malinaw na memsahe.
6. Kulay (Colorics). Ang kulay ay maaaring magpapahiwatig ng damdamin o
oryentasyon. Sadya ngang ang kulay ng mga bagay-bagay ay nilalapatan natin ng
kahulugan.
7. Bagay (Objectives). Ito ay may kahulugang ipinahihiwatig na minsan ay hindi
napapansin ng mga tao na minsan din ay minsang makikita. Ang gamit ng isang
bagay ay isang mensahe na pinapakita nito.
8. Kapaligiran. Malinaw na ipinapakita sa ating kapaligiran ang kahulugan kung ito
ay malinaw, maayos, hindi magulo, o di kaya’y magandang bakasyonan o
puntahan.
9. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.
Halimbawa nito ay ang pagsasalita ng isang pipi. Hindi masyadong maiintindihan
ng isang tagapagkinig ang mensahing ibinabahagi ng isang pipi, maliban na
lamang kung ika’y isang eksperto o may kaalaman sa mga pananalita o kumpas
ng kamay ng isang pipi.
MGA EKSPRESYONG
LOKAL

Ibig sabihin, ang mga ekspresyong lokal ay nangangahulugang mga salitang


ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin o damdamin. Ito ay
maaaring sa isang lugar lamang sapagkat ito ay “lokal” lamang.

Katulad halimbawa ng mga bakla o ng mga tambay sa kanto na may sariling


pamamaraan ng pagpapahayag ng kanilang saloobin na kakaiba ang lenggwahe at hindi
agad na maiintindihan sapagkat ito ay sarili nilang mga salita.

Alam naman natin ang mga panibagong salita na sumikat sa kasalukuyang


panahon gaya ng mga sumusunod:
 lodi  olats
 petmalu  chaka
 werpa
 amats
 kalerky
 shunga
 erpat
 ermat
 sisteret
 ngitpa
Ang mga halimbawa sa itaas ay mga salitang tambay o pang-kanto at
maaaring mga salitang balbal na ang ibig sabihin ay mga salitang panlansangan.
(TAGALOG LANG, 2002)

Ilan din sa mga halimbawa nito ay:

o “Patola” - ginagamit upang ilarawan ang isang tao na mainitin ang ulo
at pumapatol sa issue.

o “Hopia” - Isang tao na patuloy na umaasa sa isang bagay na imposible


ng mangyari.

o “Anak ka ng tokwa” - Isang ekspresyon na nababanggit na


nagpapahayag ng pagkamangha o galit.

Ang mga halimbawang mga salita ay nagsasaad ng pagpapahayag ng saloobin


o damdamin o mga ekspresyon na ginagamit sa isang lugar at kapag mayroong
dayuhan ay hindi ito agad na mabibigyan ng kahulugan o tamang
interpretasyon sapagkat ito ay maaaring espesyal lamang sa isang eksaktong
pook na ang mga salita ay maaari rin namang lumaganap dahil may
posibilidad na ang dayuhang titira sa lugar na iyon ay makakasanayan ang
salitang kaniyang nakagisnan sa lugar.
Ayon din sa isang ulat, may iba’t ibang mga wika o dayalekto na ginagamit
ang bawat pangkat-etniko lalo na sa ating bansa na tinatawag na mga ekspresyong
lokal. Itatak natin sa ating isipan na ang mga ekspresyong ito ay mula sa isang
“lokal”. Ibig sabihin, ang mga nakaugalian ng mga tao sa iisang lipunan o pangkat.
Batay sa Census of Population and Housing (Census 2000) ng National
Statistics Office, ang populasyon ng Dabaw ay 1,147,116. Cebuano ang wika ng
karamihan. Isa sa bawat tatlo ay Cebuano (33.32%). Ang iba ay mga Bisaya
(31.69%), Dabawenyo (7.84%), Boholano (6.61%), Ilongo (3.7%) o kasapi ng ibang
grupong etniko (16.01%) at mga etnikong dayuhan.

21
Sa kabilang dako, nailathala naman sa pangturismong websayt,
http://davao.islandsphilippines.com/davao_dialect.html, ang listahan ng iba’t-ibang
katutubong wika ng mga taga-syudad ng Dabaw:

● Cebuano, 74.56%;
● Tagalog, 3.86%;
● Hiligaynon, 3.43%;
● Bagoboo,
● Guiangao, 3.16%;
● Davaoeño,1.26%;
● Tagacaolo, 2.38%;
● Bilaan, 1.67%;
● Ilocano, 1.01%;
● Waray, 0.55%;
● Manobo, 2.15%;
● Maguindanao, 1.91%;
● Mandaya, 2.01%;
● ibang wika, 2.04%;
● hindi tiyak, 0.01%.

Ayon naman sa pahayag ng http://www.anytravels.com/asia/philippines/, lahat


ng mga mamayan ng Davao City ay makakapagsalita ng Cebuano. Ganunpaman,
ginagamit din ng mga Davawenyo ang Ingles at Filipino. Ang wikang Ingles ang
ginagamit sa mga unibersidad at mga paaralan at sa kalakalan. Ang literacy rate ng
Davao City ay 98.05%, mas mataas ng 4.15% sa pambansang literacy rate na 93.9%.
Pumapangalawa sa wikang Cebuano ang wikang Filipino sa gamit ng mga mamayan.
Sa kabuuan, ang mga ekspresyong lokal ay ang mga salitang ginagamit ng
mga tao sa isang partikular na lugar at maaring ito ay ang iba’t ibang barayti ng wika
na nalalaman ng mga pangkat ng tao kung saan siya naninirahan.
KORAPSYON

Hindi mawawala kahit kailan ang korapsyon sa ating bansa ngunit maaari rin
itong mabawasan. Ang korapsyon o katiwalian ay tumutukoy sa kawalan ng
integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korapsyon na
nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang
empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.

Bakit nagkakaroon ng korapsyon?

Nagkakaroon ng korapsyon sa ating pamahalaan at bansa dahil sa pansariling


interest at pangangailangang pinansiyal. Minsan kung sino pa ang nasa mataas na
posisyon sa gobyerno ay sila pa ang gumagawa nito. Dahil hindi sila natatakot na
mahuli dahil sila ay ma kapangyarihan at maari nilang takutin kung sino man ang
magsusuplong sa kanilang masamang gawain sa awtoridad (Anne Marie, 2011).

Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.


Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Hindi
kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”,
pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.”

Ano ang epekto ng korapsyon?

Maraming naidudulot and korapsyon, una na rito ay ang pagpapalala ng


kahirapan sa ating bansa. Pangalawa, nahahadlangan ang pagunlad ng bansa.
Pangatlo, ang pagkawala ng tiwala ng mga tao sa mga na sa itaas.
Ilan lamang iyan sa mga epekto ng korapsyon at kapag hindi tumigil ang
pagkokorap ng mga na sa itaas baka mas malala pa ang mangyare sa ating bansa at
mga mamamayan.

Paano nananakaw ang kaban ng bayan?

Maraming paraan kung paano nananakaw ang kaban ng bayan. Karamihan sa


mga ito ay gawa ng mga nasa taas na posisyon dahil nga sila ang nakaupo sa posisyon
at nagagawa nila kung ano ang gusto nila, Nagkakaroon din ng mga sabwatan sa
pagnanakaw sa kayaman ng bayan, dahan-dahan nilang pinagnanakawan upang
dumami ang kanilang mga kayamanan. Habang patagal ng patagal palaki rin ng palaki
ang sabwatan sa pagnanakawan

Paano matatanggal ang korapsyon?

Ang korapsyon kasi ay wala sa macro level, ito ay nasa micro level. Ang
korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang
bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon.

Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistemang ito. Ang simpleng


pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng
pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay
maliit na pamamaraan ng korapsyon.

Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao.


Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay
magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay
magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon

Halimbawa ng korupsyon:

 Pang-aabuso sa kapangyarihan
 Pakikipagsabwatan
 Pandaraya sa halalan
 Pagnanakaw ng kabang yaman ng bansa
 Panunuhol at pagtanggap ng suhol
 Pagtangkilik o Padrino
KONSEPTO NG
BAYANI

MGA KATANGIAN NG ISANG BAYANI:

 Nangingibabaw ang interest sa lipunan kaysa sa sariling interest.


 Nagiging laging handa na ialay ang buhay para sa ikakabuti ng lahat.
 Mas inuuna ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sariling kapakanan.
 Handang mamatay para sa bansang sinilangan.
 Buong katapatan ang ibibigay sa sariling bayang pinaglilingkuran.
 Buong puso at buong sarili ay kayang ibigay para makatulong sa iba.
 Responsable sa kanyang mga pinangakong tutuparing tungkulin.
 Matapang at mapagkumbaba.
 May matigas na paninindigan at matibay na prinsipyo para sa ikabubuti ng
lahat.
 May isang salita.
 May taglay na kabutihan sa puso at handang tumulong sa iba.
 May taglay na katalinuhan at may kakayahang mag-isip ng mga stratehiya
tungo sa kaunlaran ng lahat.
 May layong mapaunlad at maisulong ang katahimikan ng lahat.
 May pagkahumaling sa kanyang ginagawa.
 May mga basehan at hindi nagpadalus-dalus sa kanyang mga disisyon.
 Isang taong hinahangaan at tinularan ng lahat dahilan sa tapang, bukod-
tanging mga nagawa, at sa mga marangal niyang katangian.
ILAN SA MGA TAONG ITINUTURING NA BAYANI:

 Mga Pambansang Bayani o National Heroes (Dr. Jose P. Rizal,


Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, atbp.)
 Mga Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
 Mga Guro
 Overseas Filipino Workers (OFW's)
 Mga martir at mga santo at iba pa.
KALAGAYAN NG
SERBISYONG PABAHAY,
PANGKALUSUGAN,
TRANSPORTASYON, EDUKASYON

Pabahayan
Ang isyu ng pabahay ay higit na nakakaapekto sa maraming mamamayan.
Ang pabahay ay isang aksyon na mabigyan ng kaukulang matitirhan ang mga taong
walang tahanan o nakatira lamang sa skwater areas, pabahay rin para sa mga taong
may low budget income at iba pa.

Pakikipag-tulungan ng mga lokal na pamahalaan ang pangunahing nakikitang


solusyon ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues (ICSI) sa suliranin
malaking problema sa pabahay ng pamahalaan. Ayon kay Ana Marie Karaos ng John
J. Carroll Institute on Church and Social Issues (ICSI), tungkulin ng lokal na
pamahalaan ng bawat lungsod na maisaayos ang mga problema ng kanilang
munisipalidad patungkol sa pabahay ng mga residente partikular ng urban poor
families.

“Ang nakikita naming mas systematic na solusyon diyan ay kailangan


talagang kumilos ang mga local government units
na tungkol dito sa surilaning ito, kasi ang NHA bilang isang national agency limitado
lang din ang kaya niyang maimpluwensiyahan na mga profession, so ang mungkahi
namin, ang mga local government ay simulan nilang tingnan talaga ano ba ang
pangangailangan ng pabahay sa kani-kanilang sariling mga locality, sa local
government nila…” pahayag ni Karaos sa Radio Veritas. Ipinaliwanag ni Karaos na
sinasalamin ng naganap na pag-akin ng mga miyembro ng grupong KADAMAY ang
malala at seryosong problema ng pabahay sa bansa.

Paliwanag nito, hindi lamang isang simpleng masisilungan ang kinakailangan


ng mga maralita kundi isang desenteng matitirhan na mayroon naaangkop na
pagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, kuryente at malapit
sa kanilang mga hanapbuhay.

Batay sa Global Homeless Statistics, 44-porsiyento ng mga Pilipino ang


nananatiling walang maayos na tirahan kung saan matatagpuan sa Metro Manila ang
pinakamarami sa mga ito.

Kaugnay nito, nakasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika ang


pagtulong sa mga nangangailangan kung saan ang mga nagugutom ay nararapat na
pakainin, ang mga walang tirahan ay dapat na patuluyin, ang mga walang maisuot ay
dapat bigyan ng mga damit at sa mga nangangailangang ay hindi dapat magkakait.

Ayon naman kay Manny Villar, sa 4th Philippines Property Awards


“tinanggap ko ang Real Estate Personality of the Year award mula sa Property Report,
ang nangungunang magazine sa Asya sa larangan ng mamahaling pabahay,
arkitektura at disenyo. Ang ganitong parangal ay hindi para sa isang tao lamang,
kundi para sa organisasyon at sa mga bumubuo rito, na nasa likod ng tagumpay.
Mahalaga rin para sa akin ang ganitong parangal dahil galing ito sa industriyang
ginagalawan ko. Pinasasalamatan ko nang may pagpapakumbaba ang ganitong
pagkilala sa aking trabaho at sa organisasyon ng Vista Land. Ang pagtanggap ko ng
parangal ay isang oportunidad para pag-isipan ang isang isyu na hindi napag-uukulan
ng pansin sa mga usapang publiko. Ang tinutukoy ko ay ang pabahay at ang papel na
ginagampanan ng pamahalaan at pribadong sektor upang matugunan ang isa sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao. Ang kakulangan sa pabahay sa Pilipinas ay
tinatayang nasa 3.9 milyon, at tumataas ng 3-5 porsiyento taun-taon, ayon kay
Professor Enrique Soriano III. Aniya, kung 200,000 lang ang maitatayo bawat taon,
ang kakulangan sa pabahay ay aabot sa 6.5 milyon sa 2030. Dagdag pa rito ang 22.8M
iskuwater, ayon naman sa Homeless International, isang NGO sa United Kingdom.
Gaya ng kapayapaan, ang pagkakagulo sa Mindanao, rebelyon ng mga komunista at
alitan sa pagitan ng Pilipinas at China, mahalaga rin ang pabahay dahil may tuwirang
kaugnayan ito sa suliranin sa kahirapan. Dahil sa aking sariling pinagdaanan,
nauunawaan ko ang pangarap ng karaniwang mamamayan: ang magkaroon ng sariling
bahay, pagkain sa hapag ,at edukasyon para sa kanilang mga anak. Pagkatapos ng
kolehiyo at pamamasukan, nagpasya akong magnegosyo sa larangan ng real
estate.Naniniwala ako na sa negosyong ito, hindi lamang kami tumutulong na
magkabahay ang aming mga kliyente; natutulungan din namin silang matupad ang
kanilang pangarap. Bukod sa pagtupad sa pangarap ng mga Pilipino, ang aming
adhikain ay magtatag ng mga komunidad, at tumulong sa pagtatatag ng bansa.”

Ayon sa German sociologist na si Ferdinand Toënnies, ang isang komunidad


ay hindi lamang koleksiyon ng mga namumuhay sa isang teritoryo, kundi isang
pangkating pang-lipunan na ang mga miyembro ay nabubuklod ng pagkakaisa dahil
sa araw-araw na ugnayan sa iba’t ibang mga aktibidad.

Sa Vista Land, ito ang tinatawag naming “communicities,” na itinatatag batay


sa makabagong plano upang maging pamayanan na kumpleto sa lahat ng serbisyo,
komersiyo, at mga istraktura na tulad sa isang lungsod.

Sa nakaraang mga taon, nakapagtayo ako ng mahigit 300,000 bahay sa 95


lungsod at bayan sa 36 na lalawigan sa buong Pilipinas.

Para sa isang bansa na milyun-milyon ang iskuwater sa mga lungsod, at sa


harap ng malaking kakulangan sa pabahay, kailangang matugunan ang hamon na
mabigyan ng disenteng pabahay ang mga Pilipino. Ito ay isang mahalagang isyu na
dapat harapin ng susunod na administrasyon.

Edukasyon

Sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mgaestudyante at kalidad ng


pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito angtumutulong sa isang bansa upang
maging progresibo at maunlad ngunit kay raming problemang panlipunan ang
kinakaharap ng ating bansa at isana nga rito ang edukasyon. Isang problemang nais ng
matuldukan ng ating gobyerno.Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi
nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapanna isa pang
malaking problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng korupt
na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirapang ating bansa. Isa pang
dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakakapagtapos dahil nagiging
rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiya sa mga kabataan ngayon. Tulad na
lamang ng mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.
Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga
sa mga maling metodolohiya na naituturo sa mga kabataan, inaakala nito na ito’y
tama. Ang isang epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi
napagtatagumpayan ng isang guro dahil ngakulang pa ito sa kaalaman tungkol sa
kanyang napiling asignatura. Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa ating
edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi maayos ang
paggamit nito, hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.

Mga Isyung Kinakaharap ng Pilipinas Tungkol sa Edukasyon

Sa tuwing magbubukas ang klase, ang laging nagsusumigaw na isyu ay ang


lumulubhang kamangmangan ng maraming Pilipino. Ano kaya ang dahilan?

Sabi ng iba, mababa ang kalidad ng edukasyon dahil mababa ang sahod ng
mga guro sa mga pampublikong pamahalaan. Kesyo hindi maasikaso ng mga guro
ang pagtuturo dahil nakatutok sa pagtitinda ng tusino sa klase bilang sideline.

Tinaasan at patuloy pang tumataas ang sahod ng mga guro. Katunayan, mas
mataas na ang suweldo ng mga guro sa public schools kaysa kanilang mga private
counterparts. Naririyan pa rin ang problema sa lumulubhang kamangmangan. Ang isa
pang sinasabing dahilan ay ang overcrowded na mga paaralan na dito’y nagsisiksikan
sa isang maliit na kuwarto ang mga mang-aaral kaya hindi natuturuang mabuti.
Maganda ang approach ng gobyerno sa problemang ito. Inililipat ang ibang mag-aaral
sa mga pribadong paaralan at gobyerno ang sumasagot sa matrikula. Bukod pa riyan
ang paglalaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng ma-
laking budget para sa pagtatayo ng mga paaralan. Ngunit hirap pa ring makaagapay
ito sa patuloy na pagdami ng tao lalu na yung mga nagsisipag-aral.

Pero para sa akin, ang pinakamatinding dahilan kung bakit dumarami ang
mangmang na Pilipino ay hindi na maabot ng mga mamamayan ang napakataas na
halaga ng matrikula sa mga paaralan lalu na sa kolehiyo.
Kagaya ngayon, pinahintulutan na naman ng Commission on Higher
Education (CHED) ang pagtataas ng matrikula ng may 313 na paaralan. Halos taun-
taon na lang ay pinapayagang magtaas ng singil ang mga paaralang ito.

Naaksyonan na raw ng Department of Education ang kakulangan sa mga


klasrum, subalit ang kakapusan ng paaralan ay patuloy na nagiging suliranin bunsod
ng patuloy ding paglago ng populasyon. Kama-kailan, ipinagyabang ng pamahalaan
na naglabas ito ng P7.3 billion para sa konstruksyon ng 7,136 klasrum sa may 4,007
pampublikong mga paaralan sa elementarya at hayskul sa buong kapuluan.

Naglabas din umano ang gobyerno ng P1 bilyon para sa repeyr o pagtatayo ng


bagong iskul sa mga lugar na nasalanta ng super typhoon Yolanda. Ngunit kahapon,
kasabay ng pagbubukas ng klase, nakita ang matagal nang problema sa mga
pampublikong paaralan. Gaya dati, muling umapaw ang mga nagsipasok na mag-
aaral. Bukod sa problema sa kakapusan sa klasrum, kulang din ang mga guro.

Maraming guro na ang hindi na masaya sa kanilang pagtuturo ‘pagkat


umaangal sila sa mababang suweldo. Hindi nga ba’t nagbabanta ang mga
pampublikong guro na kung patuloy na magiging bingi ang gobyerno sa hiling nila na
umento sa suweldo, malamang na lumayas na lang sila sa pagtuturo. Maraming guro
na nakaiisip na mangibang bansa na lamang dahil sa maliit na pasahod sa kanila.

Kaysa magturo, may ilang namamasukang domestic helper na lamang sa ibang


bayan. Kapos na kapos talaga ang suweldo ng mga titser kaya kinakapos na rin ang
mga tagapagturo sa kabataan. Bagama’t inaaksyonan ng DepEd ang mga nasabing
problema, ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay nanatiling huli sa ilang bansa sa
Asya kung kaya ang mga Filipinong mag-aaral ay kulelat, partikular sa kaalaman sa
impormasyon maging sa komunikasyon sa teknolohiya.

Transportasyon
Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi pa gaanong maunlad, dahil sa mga
sumusunod na dahilan: mga buludunduking lugar sa bansa at mga nakakalat na mga
pulo, at ang patuloy na hindi paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga
imprastrakturang pantransportasyon ng bansa. Subalit sa mga nakalipas na taon,
ang pamahalaan ay sumisikap upang maipaganda ang sistema ng transportasyon sa
bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyektong pang-imprastrasktura.
Ang mga dyipni ay pinakatampok na anyo ng pampublikong transportasyon
sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito ng kultura ng bansa. Isa pang tampok na
anyo ng pampublikong transportasyon ay ang de-motor na traysikel; mas-
pangkaraniwan ang mga ito sa mga pook-rural. Sa mga nakalipas na taon, nagiging
tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ang mga daambakal sa bansa, lalo
na sa maabalang kalakhan ng Kamaynilaan. May tatlong pangunahing sistema ng
daambakal sa Pilipinas: ang Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila na
binubuo ng LRT-1 at LRT-2, ang Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng
Maynila na binubuo ng MRT-3, at ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR).
Ang dalawang sistema na unang binanggit ay nagsisilbi lamang sa Kamaynilaan,
samantala ang PNR ay sumisilbi sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Luzon.
Mayroon ding mga lokomotorang singaw (steam engines) na matatagpuan
sa Kabisayaan na gumagana sa mga gilingan ng tubo tulad ng Central Azucarera. Ang
mga taksi at bus ay mga mahalaga ring anyo ng pampublikong transportasyon sa mga
pook-urban ng bansa.
BAGYO, BAHA, POLUSYON,
MABILIS NA URBANISASYON,
MALAWAKANG PAGKAWASAK
NG KALIKASAN

Ang bagyo ay isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa


paligid ng isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng init na
inilabas kapag umaakyat at lumalapit ang basang hangin.

Paano nabubuo ang bagyo?

Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan ang mainit at
malaming na hangin ay nagtatagpo. Ang warm air ay isang water vapor o mainit na
hangin na nag-evaporate dahil sa init ng dagat at habang itoy umaakyat ay
nagkakaroon ng low pressure area (LPA) sa paligid. At dahil sa low pressure na
nabuo sa paligid, na-a-atract nito ang iba pang malamig sa hangin sa ibang lugar
hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap.

Ano ang kaibahan ng TYPHOON, HURRCANE at CYCLONE?

“Typhoon” ang tawag sa bagyo na namumuo sa PACIFIC OCEAN. Ang


“Hurricane” naman ang tawag sa bagyo na namumuo sa ATLANTIC OCEAN. Ang
“Cyclone” naman ang tawag sa bagyo na namumuo sa INDIAN OCEAN.

Ano ang baha?


Ang baha ay ang pagtaas ng tubig sa ilog, lawa, sapa at iba pang anyo ng tubig
na nagdudulot ng pag-apaw at pag-agos ng tubig sa mga karatig na mabababang lugar.
Nagiging sanhi ito ng pinsala sa mga ari-arian at pagkasawi ng buhay.

GAWAIN NG TAO NA NAKAKAPAGPALALA SA BAHA

 PAGTAYO NG BAHAY SA MGA ESTERO AT TABING-ILOG


 MALING PAGTAPON NG BASURA
 PAGKAUBOS NG MGA PUNO SA KAGUBATAN
 PATULOY NA URBANISASYON

Anu-ano ang mga uri ng baha?

1. BAHA SA ILOG (RIVERINE FLOOD)


2. BAHA SA DALUYAN (DRAINAGE FLOOD)
3. PAGBAHA SA MGA BAYBAYING-DAGAT (COASTAL FLOOD)

PAGKASIRA NG KALIKASAN

Dahil sa pagkasira ng kalikasan, lalo na ang mga kagubatan, ang mga pagbaha
ay nagiging mas madalas sa iba't ibang sulok nga bansa. Gumagawa ng mga hakbang
ang pamahalaan upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kagubatan. Layunin ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maprotektahan ang
kalikasan mula sa kamay ng mga mapagsamantalang indibidwal at korporasyon.

Ano ang epekto ng pagkasira ng kalikasan?

1) Kakulangan sa pagkain, tubig at iba pang pangangailangan ng tao

2) Pagbagsak ng ekonomiya

3) Panganib sa kalusugan ng tao

4) Dumarami ang mahihirap na tao

5) Land, water, at air pollution

6) Stress at pagkabingi dahil sa Noise pollution

7) Lumalala ang traffic


8) Acid rain

9) Ozone depletion

10) Global Climate Change

MABILISANG URBANISASYON

Ang urbanisasyon ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa


mga pagbabago sa isang lugar. Ayon din sa mga Bansang Nagkakaisa, tumutukoy din
ang urbanisasyon sa daloy ng tao mula sa mga pook na rural tungo sa mga pook
urbano. May kinalaman ang urbanisasyon sa industriyalisasyon , modernisasyon at
ang konsepto ng rasyonalisasyon sa sosyolohiya.

Mabilisang pagkalbo ng kagubatan ay kagagawan ng "industriyalisasyon" sa


kalungsuran kung saan isang malaki at mainam na negosyo ang kahoy. At ng makalbo
na ang kagubatan, ang estado at mga kapitalistang siyang dahilan nito ay biglang
naging maka-kalikasan at tagapagtanggol ng reforestation. Sa datos din ng Kalikasan,
hindi rin makahabol ang gobyerno at pribadong sektor sa mabilis na pagkakalbo ng
kagubatan dahil sa mga proyekto.

ANO ANG CLIMATE CHANGE?

Ito ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse


gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave,
baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago

2. Mga gawain ng tao


WORKSHOP

Ito ay tumutukoy sa isang pantas-aral, pangkat ng talakayan, o iba pa, na


nagbibigay-diin sa pagpapalitan ng mga ideya at pagpapakita at paggamit ng mga
diskarte, kasanayan, atbp. Ito ay nagbibigay diin sa paglutas ng problema, pagsasanay
sa kamay, at nangangailangan ng paglahok ng mga kalahok. Ang mga workshop ay
nakakakuha ng mga kalahok na ganap na kasangkot sa proseso ng pag-aaral: maliliit
at malalaking talakayan ng grupo, mga aktibidad at pagsasanay, mga oportunidad na
magsanay sa pag-aaplay ng mga konsepto na iniharap

Ang workshop ay dapat magsimula mula sa batayan ng marami sa maraming


mga pag-uusap na may ilang mga sumasalakay na punto pagkatapos na naglilingkod
upang tukuyin ang mga pangunahing uri ng pagawaan. Mayroong base sa dalawang
uri ng mga workshop na pinakamainamparasa LISA conference. Maraming iba pa
ngunit mas ma lamang na magkasya o magtrabaho nang maayos sa istraktura at
layunin ng pagpupulong.

Ito ay dapat na nakatuon sa isang karaniwang layunin ng pagtatag o paglipatng


baseline ng ilang uri. Dapat maghangad upang makagawa ng mga mahahalagang
resulta sa anyong isang ulat o pagtatanghal na maaaring gabay sa iba sa parehong
direksyon. Mahalagang tandaan na walang isang workshop ang inaasahang
makumpleto ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa paksa sa isang sesyon. Ang ilan
ay nakakamit na ngunit maraming nangangailangan ng maraming taon at maraming
mga pagpupulong. Ito ay dapat na inaasahan at pinapayagan.

Ang mga workshop ay nagbibigay ng mga mahalagang lugar para sa mga


dadalo kung saan ay may direktang tugma. Ito ay maaaring isang maliit na hanay ng
mga dadalo kumpara sa buong kumperensyang unit. Ito ay nangangahulugan na ang
ilang mga taon kung hindi man ay darating ay pinili na dumalo.
Ang ilang mga workshop, tulad ng mga nasa pagkakaiba-iba, ay hindi
maaaring maging popular. Gayunpaman, tinutugunan nila ang isang kritikal na
pangangailangan sa industriya at nagbibigay ng pagkakataon para sa kumperensya na
magkaroon ng epekto kung saan kinakailangan ang isang tao.

.
SYMPOSIUM AT
KUMPERENSYA

Ang symposium ay isang pagtitipon kaugnay ng isang paksa kung saan


maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong
tagapakinig o kalahok. Tinatawag din na sampaksaan.

1. PAGTALAKAY SA DETALYE NG SYMPOSIUM

Sa isang symposium, narito ang mga dapat talakayin:

 Petsa at oras ng simposyum

 Lugar

 Pagkakagastusan

 Pagmumulan ng pondo

 Paksang tatalakayin

 Tagapagsalita

2. PAGRESERBA NG KAGAMITAN AT LUGAR

Mga dapat tandaan:

 Mesa at silya

 Sound System
 LCD Projector

 Gamit sa dokumentasyon

3. PAKIKIPAG-USAP SA CATERER
4. PAG BUO NG PROGRAMA PARA SA SYMPOSIUM
 Pagkakasunod-sunod ng programa
 Pagpapaalam sa mga kabilang o sa mga taong
magsasalita
5. PAGPAPA-ALAM SA MADLA NG MGA DETALYE SA
SYMPOSIUM
6. PAGHAHANDA SA BULWAGAN

KUMPERENSYA
Ito ay isang pagpupulong-pulong upang talakayin ang isang paksa.
Isang regular na pagpupulong para sa isang talakayan at karaniwang isinasagawa ng
mga asosasyon o organisasyon.

MGA URI NG KUMPERENSYA

 Pagpupulong

Pagtitipon-tipon o pag-uusap ng mga taong may mataas na tungkulin o pwesto


sa isang samahan.

 Simposyum

Isang pulong para sa mga pampublikong talakayan ng ilang mga paksa lalo na
ang isa na kung saan ang mga kalahok bumuo ng isang madla at gumawa ng mga
presentasyon.

 Seminar

Isang uri ng kumperensya o iba pang pagpupulong na kadalasang dinisenyo


para sa pagsasanay.
 Colloquium

Impormal na mga pagpupulong o mga seminar sa isang malawak na paksa na


kadalasang pinangungunahan ng ibang lektor sa bawat pulong

 Round table

Pag-uusapan ng mga kalahok ang isang partikular na paksa. Ang bawat


tao sa paligid ng mesa ay nakikilahok.

 Workshop

Karaniwang interaktib na pagsasanay kung saan ang mga kalahok ay


aktibong nakikibahagi sa mga aktibidad sa halip pagkatapos ay nakikinig sa isang
lektor.

LAYUNIN NG KUMPERENSYA

 Upang ipakita ang pananaliksik sa isang akademikong madla

 Upang makita ang estado ng sining pananaliksik sa loob ng


iyong larangan
ROUND TABLE AT
SMALL GROUP
DISCUSSION

Ang round table at small group discussion ay ang talakayan sa isang maliit
na pangkat na kung saan ang bawat isa ay nakikibahagi. Ang talakaying
nagaganap dito ay patungkol sa akademikong diskasyon, pang-komunidad na
diskasyon, pang-negosyo at maging sa mga organisasyon. Ito ay pribado na
nagtataglay lamang ng konting miyembro na magtatalakay sa naturang paksa. Ang
bawat isa may pantay na karapatan upang makibahagi sa diskasyon. Ito rin ay
kasalukuyang ginagamit sa panahon ngayon. Ang pangkalahatang layunin nito ay
ang magkaroon ng pribadong diskasyon at pananaliksik.

MGA PATNUBAY SA ROUND TABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION

 Makinig sa iba.

 Walang ibang diskasyon habang may nagsasalita.

 Lahat ay makisama.

 Ang pagkakaiba ng opinyon ay wag personalin.

 Walang mangingibabaw.

 Panatilihin ang mahinahon na kapaligiran.

GABAY PARA SA ROUND TABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION

1. Pumili ng paksa/isyu/suliranin na mapag-usapan.


2. Pangkatin ang klase sa maliit na pangkat.

3. Pumili ng moderator at taga-ulat.

4. Sasabihin ng moderator sa pangkat ang paksa/isyu na tatalakayin.

5. Pasimulan na ang talakayan ng bawat pangkat.

6. Ang taga-ulat ng bawat pangkat ang mag-uulat sa kaklase.


PROGRAMA SA RADYO

AT TELEBISYON

PROGRAMA SA TELEBISYON

Ayon sa paaralang Aurora National Science High School, ito ang sitwasyong
wika sa telebisyon. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media
sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Ang mabuting
epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong
pulo at ibang bansa.Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa
bansa na ginagamit ng mga lokal na channel.

Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang


Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news
and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon. Ang pagdami
ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa
na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung
bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng
wikang Filipino.

Sa pamamagitan ng telebisyon, maraming mga pangyayari na nalalaman natin


sa iba’t-ibang panig ng mundo. Dahil na rin sa telebisyon nagkakaisa ang mga
mamamayan dahil sa palabas nito o mga impormasyon na halos buong mundo ang
nanunood. At kadalasan sa programang telebisyon ay ginagamit ang wikang Filipino
kung kaya’t ang mga mamamayan ay nagkakaintindihan, dahil ang wikang Filipino
ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga local na
tsanel. At sa mga pangtanghalang palabas, mapapansin natin na ang wikang Filipino
ang kanilang ginagamit nang sa gayon ay magkakaintindihan ang buong mamamayan.

Halimbawa:

PROGRAMA SA RADYO

Radyo sa AM man o sa FM.

WIKA SA TELEBISYON AT RADYO

Ayon kay Balintalaw, naging bahagi na nang pang araw-araw na pamumuhay


ng tao ang pakikinig sa radyo at panonood sa telebisyon. Hindi maikakaila na halos
lahat ay may access na o gumagamit nitong uri ng pangmasang-midya o mass media.
Sa bawat tahanan, iba’t-ibang establishimento, at kahit sa mga sasakyan ay
makakakita ng ganitong uri ng midya. Ngunit ano nga ba ang pangkalahatang epekto
nito sa pamumuhay ng tao? Ano-ano ang mga magaganda at masasamang naidudulot
nito sa mga estudyante? Sa negosyo? Sa bawat pamilya? Maituturung bang isa sa mga
matagumpay na likha ng talino ng tao ang radio at telebisyon.

Ang telebisyon at radio ang nagsilbing daan upang makapagbahagi sa


malawak na bilang ng tao ng mga napapanahong impormasyon tungkol sa ekonomiya,
polituka, balita, lagay ng panahon, pampalakasan, at relihiyon. Ito rin ang nagsilbing
midyum upang makapagbahagi ng iba’t-ibang aliw o kasiyahan sa mga tagasubaybay
ng mga palabas sa telebisyon at mga istasyon sa radio. Hindi na maaalis sa pang-araw
araw ang pagsubaybay ng telebisyon, pagtutok sa mga paboritong palabas at teleserye
o di kaya naman ay pakiking ng mga awitin sa radyo. Para sa mga mag-aaral,
nagsisilbi itong dagdag na pamamaraan upang matuto ng iba’t-ibang kaalaman.
Samantala, ginagamit naman ng mga negosyante ang dalawang uri ng pangmasang
midyum na ito upang maipakilala sa madla o sa nakararami ang mga produkto at
serbisyo ng kanilang ibinibigay. Sa pamamagitan ng kanilang mga advertisements na
ipinalalabas o ipinaririnig ng paulit-ulit, nakukuha nila ang atensyon ng mga
mamimili. At sa huli, nagdudulot ng magandang epekto ang telebisyon at radyo sa
bawat pamilya sapagkat nagsilbi itong daan upang magkasama-sama ang mga
miyembro na manood ng mga palabas at making sa mga istasyon na siyang
nagpapatibay sa kanilang pagsasama at nakadaragdag sa mga magagandang aral na
napupulot nila sa mga nasabing pamgmasang-midya.

Sa kabila ng mga magagandang epekto ng telebisyon at radyo sa pamumuhay


ng tao, meron din itong mga hindi magagandang naidudulot sa bawat isa. Una,
nakakaepekto ito sa pagiging produktibo ng isang tao, kung nakakain na ang oras at
atensyon nito sa paggawa ng kanyang trabaho o mahahalagang gawain. Kung labis
din ang pag gamit nito may mga epektong pangkalusugan particular na sa mata at sa
pandinig.

At sa huli, maaari ding makapagdala ng masasamang impluwensya ang mga


napapanood at napapakinggan ng mga bata lalong lalo na kung hindi sapat ang
patnubay ng mga magulang o nakatatanda. Kasabay ng paglipas ng panahon,
sumasabay na rin ang pagiging modern ng mga pangmasang midya. Mas madali at
mas mabilis na nitong naabot ang bawat isa. Tunay ngang hindi na maaalis ang
katotohanan na bahagi na ito ng pang araw-araw na pamumuhay. Ngunit sa huli, tama
at kontrolado pa rin na pag gamit ang kinakailangan upang patuloy na umusbong ang
telebisyon at radyo bilang uri ng pagmasang midya.

FILIPINO NA ANG PANGUNAHING WIKA NG MEDYA


NGAYON

Ayon kay Tinogson, ang wikang Filipino ang de facto na lingua franca at
pangunahing wika ng komunikasyon sa halos lahat ng medya ngayon. Halos lahat ng
mga talk shows sa radyo sa NCR, maging ito ay tungkol sa showbiz, kalusugan,
relihiyon, batas, at balita ay nasa Filipino at mga ito’y nakararating sa mga rehiyon.
May mga galamay na estasyon na ang maynila sa mga probinsya na may mga
programang ginagamit ng rehiyonal na wika, pero Filipino pa rin ang gamit ng mga
regional correspondents kapag nakikipag-ugnayan sila sa mga programa sa
kamaynilaan.kapag nag-iinterbyu ang mga correspondents sa iba’t-ibang rehiyon,
karaniwang Filipino ang ginagamit ng mga iinterbyu, kasama na ang abu sayaf. Kung
ang gamit ng iniinterbyu ay rehiyunal na wika, nilalagyan ito ng salin sa Filipino, na
maaaring dubbed o subtitled.

Filipino na rin ang pangunahing wika sa mga programa sa Tv sa NCR- sa


variety shows, talk shows, sitcoms. Telenovela at dcrama, reality shows, at maski na
sa mga documentaries, news and public affairs programs. Ang mga ito’y nakararating
sa iba’t-ibang sulok ng bansa, at ngayon sa pamamagitan ng satellite sa mga bansa sa
mundo na maraming Pilipinong immigrant o overseas worker. Dahil sa Filipino
diaspora, kinailangabng maging global ang wikang Filipino, lalo na at ang tunog nito
at kaakibat na kultura ang hinahanap-hanap ng mga homesick sa pinoy na
nangingibansa.

KARANIWANG GINAGAMIT ANG FILIPINO SA MEDIA


BILANG WIKA NG IMPORMASYON AT ALIWAN
LAMANG

Ang paggamit ng wikang Filipino ng media ngayon, at ang kaakibat na


pagpapalaganap nito, ay hindi dahil sa pagananais ng media na mapalaganap ang
wikang pambansa kundi upang maabot nito ang pinakamalawak na antas ng mga
manonood at tagapakinig, para tumaas ang ratings ng isang programa, at sa ngayo’y
magkamal ang malaking salapin ang mga prodyuser. Kaya naman ang tunguhin ng
maraming programa sa telebisyon at radyo ay entertainment o aliw. Sa pagnanais na
maging popular, ibinababa ng taga media ang lebel ng usapan sa radyo, at telebisyon
ng “karaniwang tao” o “masa” na tila sa kanilang pananaw ay mahina ang pang-
unawa at mababaw ang kaligayahan.
VIDEO
CONFERENCING

Ang video conferencing ay gumagamit ng isang teknolohiya na nagbibigay


daan sa mga gumagamit sa iba’t-ibang lokasyon upang harap-harapan na pulong na
hindi na kinakailangan upang lumapit sa iisang lokasyon nang sama-sama.

Nagagamit ito ng mga indibidwal o grupo sa ibat-ibang lugar na nagpapadala


ng mga dokumento at gumagamit ng multimedia, tunog, video at mga dokumento na
nangangailangan ng mabilis na kasagutan o tunog. Nagagawa rin itong makita mo ang
kinakausap mo, Makita ang ekspresyon at mg paggalaw ng mga tao sa loob ng silid.

Ito ay partikular na maginhawa para sa mga gumagamit nang negosyo sa iba’t


ibangungsod o iba’t ibang bansa dahil ito ay nakakatipid sa mga gasto,abala at oras.

IBA’T-IBANG PARAAN NG VIDEO CONFERENCING NA


MAAARING ISAGAWA
 Mga indibidwal na maaaring gamitin ang web camera na konektado na sa
ating laptop, tablet, at desktop computers.
 Smartphones na may camera - ay maaari ring gamitin upang komonekta sa
video conference.
 Ang video conferencing ay nagaganap sa isang silid na kung saan walang
distorbo at ang mga ginagamit na camera ay ang mga mataas at malinaw
na kwalidad. Sa pamamagitan nito, maibabahagi natin ang impormasyon
na mas klaro at kaaya-aya.
 Sa karagdagan, ang video conferencing ay ginagamit bilang isang midyum
sa pagsasagawa ng pag sasanay o paglalahat ng leksyon tungo sa isang
estudyante.

MGA KALAMANGAN NG VIDEO CONFERENCING


(ADVANTAGE)
 Mas mataas na produktibo at kahusayan
 Higit pang kakayahang umangkop (more flexibility)
 Mas epektibong komunikasyon
 Makakatipid ng pera at oras

KAWALAN NG VIDEO CONFERENCING


(DISADVANTAGE)
 Umaasa ka na lang sa kagamitan na meron ka.

APAT NA KAILANGAN UPANG MAISAGAWA ANG VIDEO


CONFERENCING

 Video Room

 Video Desktop

 Video Mobile

 Video Web
REFERENCES
 Literasing Midya” ni R. Tolentino
 “SNS”: Isang Estratehiya sa Pagtuturo” ni M.F. Hicana
 “Wika at Diwang Filipino sa Media at Komunikasyon sa UP” ni R. Tolentino
 “Introduksyon sa Saliksik” antolohiya ng KWF
 “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” ni V. Almario
 “Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino
(Konteksto ng K-12)” ni G. Zafra.
 2015 Census of Population retrieved from Bacoor City@deped.gov.ph
 https://www.investopedia.com/terms/c/ceo.asp#ixzz5SrEp9uw4
 https://www.eztalks.com/video-conference/advantages-of-video-conferencing.html
 http://home.online.no/~erfalch/davaodelsura.htm
 http://www.nscb.gov.ph/ru11/secstat/population/davaocity.htm
 http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2002/pr02123tx.html
 http://www.travelph.com/resorts/davao/
 https://www.tagaloglang.com/balbal/
 http://www.languagelinks.org/onlinepapers/paper.wikadabaw.pdf
 http://home.online.no/~erfalch/davaodelsura.html
 http://www.nscb.gov.ph//ru11/secstat/population/davaocity.htm
 http://www.census.gov.ph/data/pressrelease/2002/pro0123tx.html
 http://www.travelph.com/balbal
 http://www.tagaloglang.com//balbal
 http://www.languagelinks.org//onlinepapers/paper.wikadabaw.pdf

You might also like