You are on page 1of 6

FILIPINO – PAGSASALITA

Tejero, Miguel Paolo Sikat na Mananalita


Lazo, Tristan Miyembro ng KWF
Clemente, Moira Lou Unang punong-abala
Panlaqui, Dave Gabriel Ikalawang punong-abala
Puno, Patrick Alfonso Reporter
Malaybalay, Louis Reporter
Domigpe, Jesseca Reporter
Dungo, Dave Reporter

Dave: Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Dave. Naririto po tayo ngayon
upang magkaroon ng press conference.

Moira: Oo nga naman, Dave! Kumusta naman po kayong lahat? Ako naman po si Moira.
Nawa’y maganda ang inyong gising ngayong umagang ito dahil ang ating pag-uusapan ngayon
ay tungkol sa wika sa paraan ng pagsasalita nito.

Dave: Kasama po natin ngayong umaga ang isa sa mga miyembro ng Komisyon ng Wikang
Filipino o KWF na si Dr. Tristan Lazo.

Moira: Sa kabilang banda naman, narito naman din po ang sikat na tagapamahayag at
mananalita na si Miguel Paolo Tejero. Sila po ay bigyan natin ng masigabong palakpakan.

(PASOK SI TEJERO AT LAZO)

(MAUUPO SILA SA HARAP NG MGA REPORTER)

Dave: Magandang umaga po sa inyo. Magkakaroon lamang po tayo ng isang katanungan sa


bawat pagtawag sa inyo at maaring magkaroon ng isag follow u question kada tanong. Maari na
po nating simulant ang ating programa.

Moira: Para po sa ating mga tagapagtanong ngayong araw, manatili lamang po tayong nakaupo
at maghintay na tawagin ng ating mga tagasagot, maraming Salamat po.
Tristan: Magandang umaga po sa inyong lahat. Narito po kami ngayon upang sagutin ang
inyong mga katanungan. Sana ay sa katapusan ng ating programa ay magkaroon ng mas
maraming kaalaman po kayo.

Miguel: Maari na po kayong magtanong.

(MAGTATAAS NG KAMAY ANG MGA REPORTER)

(SI TEJERO ANG UNANG MAMIMILI NG MAGTATANONG, AT MATATAWAG


NIYA SI PUNO)

Patrick: Magandang umaga po sa inyong dalawa, ako nga po pala si Patrick Puno mula sa
Pilipino Ako magazine. Ang tanong ko po sa inyo ay kung ano po ang kahulugan ng pagsasalita
po para sa inyo?

Tristan: Ang pagsasalita ay isang makro ng komunikasyon kung saan maaring dalawa o higit pa
ang kabahagi nito.

Patrick: Ano ho ba ang kahalagahan ng maayos at malinaw nag pagsasalita po?

Tristan: Dahil sa mga taon na ako ay naging tagapagsalita, sobrang dami nitong kahalagahan.
Bukod sa madaling maipapahayag ang mga saloobin at isipin, ang maayos na pagsasalita rin ay
nakakapag bigay sa tao ng lakas ng loob upang makilahok sa mga usapan. Mas madali rin
makipag kapwa dahil sa pagsasalia. At mula rito, magkakaroon na ng sariling mga usapan at
magkakaroon na rin ng pagbabahagi ng mga kaisipan ng isa’t isa.

Patrick: Maraming Salamat po.

Moira: Maaari na pong magtaas muli ng kamay sa mga nais pa pong matanong.

(SI TRISTAN ANG MAMIMILI NG MAGTATANONG, AT MATATAWAG NIYA SI


DUNGO)

Dave D.: Magandang araw po, Miguel, ako po si Dave. Ang tanong ko po ay kung paano ba
magiging epektibo ang paraan ng pananalita?

Miguel: Para maging tunay na epektibo ang pananalita, mayroon itong tatlong salik. Una na rito
ang enerhiya, artikulado, at resonador.
Dave D.: Kung magiging epektibo po ang pananlita, ano naman po ang maaring katangian ng
isang magaling na tagapagsalita?

Miguel: Alam naman natin lahat ang karamihan sa magaling na tagapagsalita at ang maayos at
malinaw ang pagibigkas ng bawat salita. Marapat naman na rin na mayroon sapat na kaalaman sa
wika at retorika pati na rin sa gramatika. Mayroon mas malalim na kaisipan kapag may matatag
na dadamin, wastong intonasyon, at marami pang iba.

Dave D.: Salamat po

Dave P: Ang susunod na magtatanong ay puwede nang magtaas ng kamay.

(SI TEJERO ANG MAMIMILI NG MAGTATANONG, AT MATATAWAG NIYA SI


LOUIS)

Louis: Sabihin na po natin na magaling siyang tagapagsalita ngunit ano nga po ba ang dapat
isaalang-alang upang maging mas mahusay na tagasalita?

Tristan: Simple lang yan. Mayroong tatlong marapat na tandaan, ang kaalaman sa paksa, pag
angkop ng ga tamang galaw, pagdala ng sarili, sa pagtayo, pagtindig, ngunit higit sa lahat, tiwala
sa sarili.

Louis: Ano ho ba ang kailangan ng isang nagsasaita?

Tristan: Ang kailangan ay ang tindig, galaw, kumpas at tingi.

Louis: Salamat po.

Jesseca: Sa larangan naman po ng pakikipagtalastasan ano ho ba ito at ano ho ba ang mga dapat
tandaan dito?

Miguel: Ang pakikipag talastasan kasi ay pakikipagpalitan ng mga sariling ideaya at damdamin,
opinion, at iba pa. dapat na aalahanin na maging tapat sa layuninin, iwasan ang hindi
pagkakaunawaan, paggalang sa kausap, maging bukal, at puro katotohnan lmang.

Jesseca: Salamat po.

Moira: Susunod na katanungan, magtaas ng ng kamay,


(SI TRISTAN ANG MAMIMILI NG MAGTATANONG, AT MATATAWAG NIYA SI
PUNO)

Puno: Sa pagtatalumpati naman po, ano po ba ang inyong masasabi tungkol ditto?

Tristan: Malawak kasi ang pagtatalumapti. Meron itong iba’t ibang uri tulad ng biglaan,
maluwag at handing talumpati. Gaya ng sinabi ko kanina tungkol sa pagsasalita, marapat dito na
bigyang pansin ang tindig, tinig, galaw, at kumpas.

Puno: Ngunit ano ho ba ang layunin ng talumpati?

Tristan: Una sa lahat ay ito ay nagbibigay kaalaman, ito naman din ay maaring makapagbigay-
aliw, pumupukas ng damdamin, at ang isa pa ay pwede ito manghikayat.

Puno: Para naman po kay Sir Miguel, paano naman po sa panayam?

Miguel: Ang isang halimbawa ng panayam ay itong programa natin ngayon. Ang panayam kasi
ay siyang pakikipag-usap sa tao na may likas at malawak na karanasan at kaalaman sa sariling
larangan o disiplina ng pinagkadalubhasaan. Malawak ang panayam, mayroon pa tong mga iba’t
ibang uri tulad ng uri sa paksa at ayon sa pamamaraan.

Patrick: Inyo po bang mas mapapalawak pa ang iba’t ibang uri ng panayam?

Miguel: Ang una ay ang uri ayon sa paksa. Ito ay may tatlong bahagi na aktwal na
pagpapanyam, ang pangalawa ay nagtatampok, at ang huli ay patalambuhay. Ang pangalawa
namang uri ng panayam ay ang uri ayon sa pamaraan. Ito ay impormal at payak na pagtatanong
sa mga bagay bagay.

Puno: Kagaya naman po sa panayam, mayroong din pong pangkatang talakayan. Maari po ba
kayo magbigay halimbawa?

Tristan: Marami kasing uri ng pangkatang talakayan, ngunit ang ilan dito ay ang leyktur-
porum, panel discussion, simposyum, round table discussion, malayang talakayan, at meet the
press.

(BIGLANG MAGTATAAS SI JESSECA)

Jesseca: Bukod po sa mga nabanggit nila. Isa pa pong gusto kong bigyang linaw ay ang debate.
Ano po ba ang masasabi niyo ukol sa paksang ito?
Tristan: Una sa lahat ang debate o pagtataki ay tuwirang timpalak sa pagsasalita ang pagtatalo o
debate na nangangatuwiran ang magtatalo tungkol sa isang propposisyong tiyak. Ang tatlong uri
ng proposisyon ay ang pangyayari, kahalagahan, at patakaran. Maraming preparasyon ang
debate.

Miguel: At kung maari kong dagdagan ang sinabi ng aking kasama, ang debate ay marapat na
matinding paghandaan. Marapat na mangalap muna ng mga datos, magkaroon ng dagil, at
marapat na mapatunay ang katuwiran.

Jesseca: Diba po mayroong espisipiko estilo pagdating sa debate kagya po ng Oregon-oxford?


Paano po bai to naisasagawa?

Tristan: Sa Oregon-oxford dapat ang bawat kaponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kaisipan.
Nasa walo hanggang sampung minute lamang ang pagbibigay talumpati ng bawat isa.
Nagkakaroon din ng tatlong minutong tanungnan pagkatapos makapag salita ng bawat isa.
Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang tatlong sandal
ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi subalit limang minute lamang ito.

Jesseca: Nabanggit na po ang halos lahat ng maaring makapailalim sa pagsasalita. Ngunit ang
newscasting po ay hindi pa naisasali sa ating panayam. Ano po bang ang kailangan sa
newscasting?

Miguel: Mabusisi rin ang newscasting. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon
mula sa pang araw araw na pamumuhay. Maari itong pasulat kagaya sa telebisyon o sa radio at
maari naman din itong maging psukat katulad sa dyaryo. Kawiliwili dapat itong pakinggan,
dapat madaling maintindihan, at higit sa lahat, ito ay sumasagot sa mga tanong na ano saan, sino,
bakit, kailan, at paano.

(BIGLANG MAGTATAAS SI LOUIS)

Louis: Ano naman po ba ang katangian ng isang newscaster?

Tristan: ‘Yang katanungan mo ay maaring masagot ng ating mga punong-abala na sina Dave
Panlaqui at Moira Clemente

Dave: Bilang isang news anchor, ang newscaster at marapot magkaroon ng kasanayan sa
parehong wikang Ingles at Filipino.
Moira: Bilang dagdag sa mga sinabi ni Dave Panlaqui, marunong dapat magdala ng isang
diskyusyon, may alam sa binabalita, may halakas ng loob, kahali-halina ng tinig, ngunit higit sa
lahat may tiwala sa sarili.

(MANANAHIMIK NA ANG MGA TAGAPAGTANONG)

Dave: At mukhang nakuntento na ang ating mga tagapagtanong para sa araw na ito.

Moira: Oo naman, Dave! Sino nga ba namang hindi makukuntento sa pagkamalaman ng mga
sagot ng ating mga panauhin ngayong umaga.

Dave: At hanggang sa muli, ako si Dave!

Moira: At ako naman si Moira!

Dave at Moira: Magandang Umaga!

You might also like