You are on page 1of 6

Characters of Rizal's Novel

NOLI ME TANGERE CHARACTERS

1) Elias- Isa sa mga katiwala ng ibarra. Taong nagbuwis ng buhay para maligtas si crisostomo ibarra sa
Kapahamakan. Simbolismo siya ng isang mapusok na pilipinong lumalaban para sa kalayaan.

Pamosong Linya "Mamatay akong di na sisikatan ng bukang liwayway ang aking bayan. Kayong
makakakita, batiin niyo sila,lahat ng natakpan ng dilim ng gabi"

2.) Maria Clara "Clarita" de los Santos.

Anak-anakan ni Kapitan Tiago; Ina - Pia Alba; Tunay na Ama - Padre Damaso

Simbolo: 1)Ang malungkot na estado ng Pilipinas na siyang produkto ng pananamantala ng mga


kastilang pinuno ng bayan at ang pagkabigo ng mga mamamayan nito. 2) Pagiging immature at kawalan
ng kakayahang makapagpasya ng sarili nang walang pag-apruba ng mga magulang, nakakatanda o
nakatataas.

3. Kapitan Tiyago -

dating Gobernadorcillo at mayaman na ama-amahan ni Maria Clara. Kaibigan ni Don Crisostomo Ibarra
at Padre Damaso. Mahilig magbigay ng regalo at kasundo ng karamihan. Madalas hamakin ang mga
Pilipino dahil ang tingin niya sa kanyang sarili ay isang Espanyol. Malapit sa mga opisyal ng gobyerno
dahil mayaman at kasundo niya ang mga ito.

Simbolismo: Mga Pilipino noon at ngayon na handang mang-api ng kapwa Pilipino para sa
kapangyarihan at impluwensiya.

4.Padre Salvi

- Bernardo Salvi ay ang Pransiskanong Prayle na kapalit ni Padre Damaso bilang kura paroko ng bayan ng
San Diego. Ang kanyang pisikal na kaanyuan ay inilarawan bilang payat, maputla, tahimik, at mukhang
sakitin.

Ang kanyang pagkatao ay maituturing na tuso, mapagpanggap, at hayok sa pagnanasa. Nagawa niyang
malaman ang lihim ng maraming tao sa bayan, kabilang ang totoong relasyon ni Padre Damaso bilang
ama ni Maria Clara. May pagkakataon din na si sinasadya niyang silipan si Maria Clara dahil sa labis
niyang paghanga at pagnanasa sa dalaga. Siya din ang nagpasimuno ng kabagsakan ni Ibarra sa tulong ni
Padre Damaso.

Simbolismo: Mga Paring labis ang pagnanasa sa kababaihan noong panahon ni Rizal.
5. Kapitan Heneral.

Kinatawan ng hari ng espana sa pamumuno sa Pilipinas. Maintindihin at patas sa pangkalahatan. May


oras palagi para sa katarungan. Tumulong kay Ibarra upang maalis ang parusang excomunion rito.

Ang simbolismo ng Kapitan Heneral sa Novelang Noli Me tangere ay ang Liberal na General Governor sa
panahon ni Rizal na si General Carlos Ma Dela Torre. Isang Heneral na patas at ang nais ay tulungang
paunlarin ang kalagayan at istatus ng mga Filipino sa kanilang sariling bayan. Ang kapitan heneral rin ay
sumisimbolo sa pag-asa. Na sa kabila ng kalupitan sa mga Pilipino ay mayroong pag-asang makakakalas
sila sa sistema ng pagkaalipin sa sariling bayan.

6. Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra),

siya ang pangunahing tauhan sa nobela. Isang binatang nag-aral sa Europa ng pitong taon. Nangarap na
makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San
Diego.

Sumisimbolo siya kay Rizal at sa mga Pilipinong nakapagaral at may maunlad at makabagong kaisipan.
Halimbawa ng pananaw at nais ni Jose Rizal para sa mga Pilipinong kabataan noong kanyang panahon si
Crisostomo Ibarra.

7. Donya Consolacion

Dating labandera na nakapamgasawa ng isang alperes. Mula noon lagi na siyang nagsasalita sa Wikang
Espanyol kahit napakapangit pakinggan. Mayroon ring mataas na pagtingin sa sarili at malupit manlait

Simbolo

Nais maipabatid ni Rizal na sa pamamagitan ni Donya Consolacion naipapakita kung oaano nasisira o
nababago ang kababaihan dahil sa kalupitan at kasamaan ng mga Espanyol

8. Pilosopo Tasyo- NOLI ME TANGERE

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon
ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod
ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.

Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng
San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman,
baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito
sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang
kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa
mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.

Siya ay iwinangis sa kapatid ni Rizal na si Pasyano


El Fili

1) DON CUSTODIO (el fili) -

- " Buena Tinta " inatasan ng Gobernador Heneral na magpasya sa pagpapatayo ng akademya sa
wikang espanyol.....

2) Tadeo -

Isang mag-aaral. Bulakbol, hambog, mapaggawa ng kwento, mahilig manggaya ng gawa ng iba.

3. Pepay-

Dakilang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan ni Don Custodio. Nag-iisang babae na nakisama
sa desisyon ng pagpapatayo ng eskuwelahang kastila.

4.) HERMANA BALI -

isang sugalera na nagsilbing ina at tagapayo ni Huli, siya ang naghimok kay Huli na lumapit kay
Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Sumisimbolo sa pangbubugaw.

5.) HULI -

Si Juliana o mas kilala bilang si Huli ay ang anak ni Kabesang Tales at ang katipan ni Basilio sa nobelang El
Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay inilalarawan bilang isang simple, at magandang dalaga. Siya ay isang
mapag-alagang anak at magpagmahal na kasintahan. Bilang anak, isinakrikpisyon niya ang kanyang
pangarap upang tubusin ang ama sa mga tulisan. Para sa kalayan ng kanyang ama, ibenenta niya ang
lahat ng kanilang ari-arian maliban para sa locket ni Maria Clara na binigay ni Basilio sa kanya. Nagpalipin
din siya kay Hermana Penchang kapalit nang limandaang piso. Sa tahanan ni Hermana Penchang, si Huli
ay nakaranas ng diskriminasyon sapagkat siya ay hindi marunong bumigkas ng mga dasl na isinasaulo sa
simbahan. Kung kaya, kinakailangan niyang mag-aral ng dasal, magbasa ng mga aklat na ipinamimigay ng
mga pari, at gumawa ng mga gawaing bahay. Bilang isang katipan, isinugal ni Huli ang kanyang buhay.
Nang mahuli si Basilio, lumapit si Huli kay Padre Camorra kahit na alam niya ang masamang reputasyon
ng cura upang tulungan makalaya si Basilio. Sa paglapit na ito, nagtapos ang buhay ni Huli. Pinili niya ang
kamatayan para kanyang danggal bilang isang babae kaysa nabaon sa kahihiyan sa piling na isang
mapanglinglang na nilalang.

Ang buhay ni Huli ay puno ng sakripisyo at naudlot na masaganang buhay. ang kanyaang buhay ay
pareho sa buhay ni Maria Clara. Parehas silang biktima ng patriyarkal na lipunang nagkulong sa mga
Filipina sa buhay na pinamumunuan ng relihiyon at mga idealismo ng kalalakiha. Ngunit sila pareho,
sapagkat si Huli ay nilaban ang sistema at iwinawagayway niya ang kanyang mga karapatan kahit na
kapalit pa nito ay ang kanyang buhay. Siya ay larawan ng babaeng puno tapang na handang
magsakripisyon para sa mga minamahal sa buhay.

Ang mga Karapatang Iwinawagayway ni Huli

Kahit na trahedya ang wakas ng buhay ng karakter ni Huli, maraming karapatan ng kababaihan na
isinasagisag niya. Ang buhay ni Huli ang nagpapakita ng opresyon sa lipunan dala ng pagbuo ng mga
“class” ng mga Kastila. Ang pagpapaalila niya ay simbolo ng pagsasamantala sa mga kababaihan. Ang
tangkang paggahasa sa kanya ng mga prayle ay sumisimbolo sa panggahasa ng mga Kastila sa Inang
Bayan, sa panggahasa ng gobyernong Kastila sa mga “Indio”, sa pagkamkam ng mga mayayaman sa mga
ari-arian ng mga mahihirap at sa pang-aabuso ng mga nakakaginhawa sa mga ipit sa buhay (Fernandez,
1990).

Kay Huli natin makikita ang pagpapahalaga ni Rizal sa tapang ng mga Filipina upang idiin ang kanilang
mga karapatan. Dito makikita natin ang pagdiin ni Huli sa estado ng mga babae sa ating lipunan. Ang
mga babae ay may sariling pagkatao, pag-iisip at iniingatan danggal. Sila ay hinding-hindi pag

6) Ben Zayb -

tunay na pangalan ay Abraham Ybanez, kilala bilang "Padre Ybanez" dahil sa mala-pari nitong pisikal na
kaanyuan. Isang mamamahayag sa pahayagang Espanyol na pinamagatang El Grito de la Integridad.
Sinisimbolo niya ang mga mamamahayag na nagpapakalat ng maling balita (fake news) sa panahon ni
Rizal kung saan gumagamit sila ng mabulaklak na mga salita upang pagandahin ang reputasyon ng mga
Kastila at mapaniwala ang mga Pilipino

7) PAULITA GOMEZ

-Isang mayaman at magandang dalaga na pamangkin ni Donya Victorina. Katipan ni Isagani ngunit mas
piniling ikasal kay Juanito Pelaez dahil sa paniniwalang maganda ang magiging kinabukasan niya rito.
Naniniwalang hindi matutupad ang mga pangarap ni Isagani na uunlad pa ang bansa maging ang mga
taong dito naninirahan.

Simbolismo: kumakatawan sa kababaihang Pilipino subalit salat sa pagmamahal sa bayan. Madaling


sumuko sa mga pangarap.

8)Kabesang tales-

biktima ng magmamalabis ng mga ganid na prayle.. Mukha ng inhustisya noong panahon ng mga
kastila... Anak ni tandang Selo, ama nila huli at tano, naging cabesa de baranggay na taga singgil ng
buwis..

9) Simoun
A.k.a Crisostomo I Isang mayamang mang aalahas, aroganteng representante ng mga elitista, taga payo
ng Gobernador- Heneral. Naglalayon syang maghigante. Sya ay nakasumbrero (yung mahaba),
nakasalamin ng itim at may mahabang balbas. Simbolismo sya ng mga galit na Pilipinong nais
maghigante sa mga mapangabusong pamahalaan

Pinatay ni Rizal ang karakter ni Simoun upang patayin ang ideya ng rebolusyon sapagkat hindi
sinusuportahan ni Rizal ang aktwal na rebolusyon.

10)Padre Sibyla-

Si Hernando dela Sibyla o mas kilala bilang Padre Sibyla ay isang dominikong pari at kura ng Binondoc.
Siya ay may manipis na labi at gintong salamin. Siya ay bata pa, makisig at tahimik na tao. Siya ang paring
sumusubaybay kay Ibarra. Sumisimbolo si Padre Sibyla sa mga paring pailalim kung kumilos at paring
hindi mapagkakatiwalaan.

11) Sandoval-

peninsulares,liberal,optimistiko,larawan ng isang kastilang may malasakit sa pilipinas at mga indio.panig


sa mga ipinaglalaban(pagpapatayo ng akemdya ng wikang kastila) ng mga kapwa mag-aaral

12) Padre Camorra

-mukhang artilyerong pari. Kura paroko ng Tiani, San Diego. Mahilig sa magagandang binibini, may
matinding pagnanasa kay Huli.

13)Tandang Celo

- ama ni kabesang tales at Lolo nila tano at huli. Siya ay may mahabang pisi at mas gusto mamuhay ng
tahimik kesa ang kalabanin ang mga kastila. At dahil sa mga problema ng kanyang pamilya siya ay napipi
at napilitang maging tulisan.

Siya ang may pinakamasalimuot na buhay sa El fili Kung saan napatay siya ng sarili niyang apo na si
Tano.SIMBOLOSMO:connected sa Phil. A century hence, pinakita lang dito ni Rizal na may posibilidad
talaga na magrebolusyon ang mga pilipino

-ito rin Yung patunay na hindi nais ni Rizal ng rebolusyon dahil Kung gusto Niya hindi Niya papatayin sa
ito nobela

14. ISAGANI-

Pamangkin ni padre Florentino at katipan ni paulita Gomez. Isa sa mga estudyanteng sumuporta sa
hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang pilipinas.

Simbolismo: Piping hangarin ni Rizal


"Ang kalayaan ay katambal ng tao at gayundin ng talino ang karunungan"

MAKAMISA

1. Kapitan lucas (makamisa)

Kilalang matapang at masalita lalo na pag daig at nasasaklaw ang kaharap pero pagpari kastila o
sinumang maykatungkulan ang kaharap takot na at sasang ayon o susunod na lang sa kagustuhan nila

2) Marcela -

Perlas or Bituin ng Pili. Birhen. Anak ni Kapitan Lucas at Kapitana Barang. Nais maangkin ni Padre
Agaton. Iniirog si Isagani. Maria Clara ng Makamisa.

3) Aleng Anday -

Katulong ng pamilya nina Marcela. Isang batang ina (18/19 yo.) dahil nabuntis ng anak na estudyanteng
pari ng dating amo (anak= Felicidad). Sinampal ni Padre Agaton. Nasa simbahan upang ipabinyag ang
anak sa kura ng Pili.

4. Padre Agaton

ang koraparoko sa bayan ng Tulig, siya'y kilala bilang isang masayahing pari,isang paring madaling
lapitan at may bukal na kalooban. Isang makapangyarihang tao na nagmamahal sa bayan.

Tinitingala at sinasamba siya ng taong bayan kahit mga mayayamang pamilya.

Lahat ng kanyang utos patungkol man sa simbahan at ekonomiya ay nasusunod.

Malakas rin ang kanyang impluwensya sa mga taong bayan pagdating sa paghalal ng gobernadorcillo.

Siya ay nagkagusto kay Marcela (Cecelia) ang anak ni kapitan Lucas

Marami ang nagtaka kung bakit nagalit si Padre Agaton sa kalagitnaan ng kanyang misa. Kaya naging
palaisipan sa lahat kung ano nga ba ang dahilan ng kanyang pagkagalit.

You might also like