You are on page 1of 2

KAHULUGAN-DALUMAT

Ayon kay Nuncio ( 2018)- ang tawag sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga lantay o ipinapahiwatig
ng isang salita

KAHALAGAHAN SA ARALING FILIPINO AT IBA PANG LARANG

*Ang Leksikal na Talakay sa Salitang Dula

Sa pagtalakay sa leksikal na bahagi ng salitang dulansangan, dalawang salita ang dadalumatin,


ang salitang “dula” at “lansangan”.Ang dalawang salitang ito na nagtataglay ng kani-kaniyang
kayarian. Mga salitang ugat na maaaring lagyan ng panlapi upang makabuo ng isa pang salita na
magbibigay rin ng iba pang kahulugan o konotasyon. Ang tawag sa prosesong ito ay simantiko.
Isasaalang-alang rin ng pag-aaral na ito ang katangiang ng dalawang salitang “dula” at
“lansangan” bilang maliit na unit na mga salita o morpema na maaaring lapian.

Ayon kay Bernales(2016), ang paglalapi ay tumutukoy sa proseso ng paggamit ng panlapi upang
makabuo ng mga bagong salita. Sa Filipino, maaaring maglapi sa limang paraan:

1. pag-uunlapi o pagkakabit ng panlapi sa unahan ng salita

2. paggitlapi o pagkakabit ng panlapi sa gitna ng salita

3. paghuhulapi o pagkakabit ng panlapi sa hulihan ng salita

4. paglalaping kabilaan o paglalagay ng panlapi sa unahan at hulihan ng salita, at

5. paglalaping laguhan o paglalagay ng panlapi sa unahan,gitna, at hulihan ng salita.

Upang mapalawak ang talakay leksikal,sinangguni rin ang Binagong Edisyon ng UP Diksyunaryong
Filipino (2010)

Du-la pang 1: (Hill) puksa 2: (Seb) laro

Du-la pnd du-la-in, du-mu-la (BiK): kumain,makihalubilo sa kainan

Du-la pang Lit Tro 1:akdang naglalaman ng diyalogo at aksyon ng mga tauhan, sinadya upang itanghal sa
entablado: Play 2. Pagtatanghal nito DRAMA, Komedya, Parsa, Sarsuwela

Mapapansin na ang katumbas ng salitang dula sa Ingles ay stage play o drama. Ayon sa Webster
Dictionary, drama is a literacy composition designed for the atrical presentation; also a production as
film with a serious tone or subject. It is also a series of events involving conflicting forces. Ngunit may
sariling kahlugan ang dula sa wikang Filipino ayon sa UPDF (2010) na pagtatanghal o itanghal.
Sa ganang ito, mula sa mga saliin at pagpapakahulugan ng mga kinikilalang hanguan ng katumbas na
salita, ang UPDF at Diksyunaryo-Tesauro ni Panganiban, magkakaroon ng panibagong kahulugan ang
salitang dula kapag ito ay nakatambal na sa isa pang salita.

Narito ang ilan sa mga salitang mabubuo kapag nilapian ang salitang dula ayon sa Diksyunaryo-Tesauro
ni Panganiban.

Dula+ an = Dulaan n. Theatre, syn. Teatro

Dula + in = Dulain v. to dramatize, syn. Dramatizaton

Ma + dula = Madula adj. dramatic, of dramatic value, syn. Dramatic, dramatika (dramatiko)

Isa + dula = Isadula v. to dramatize

You might also like