You are on page 1of 9

POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS

PANDIWA SA WIKANG FILIPINO AT HILIGAYNON:


ISANG LINGGWISTIKONG PAGSUSURI AT PAGHAHAMBING

Isang Pananaliksik na iniharap para kay

Gng. Ma. Emma O. Pagayon

Guro, Filipino II

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Filipino

(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

Group 1

Mark Edrian R. Bolivar

Josua V. Ituriaga

Casmer M. Jubelag

Dainoh P. Porras

Babie Jane P. Arlos

Edgie Mari S. Figueroa

Crysse L. Partisala

Rochill G. Pasaporte

Raizza Ven S. Rodillado

11 STEM 2
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS

KABANATA I

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang nag-iisang bagay na nanatili sa ating mundo ay ang pagbabago.

Halos hindi na mapipigilan ang mabilis na pag-uunlad at pagbabago sa buhay ng

tao. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang walang pagod na pagnanasang nag-

imbento at pagtutuklas upang lalong maabot ang ninanais at may tatagang

mahaharap ang mga hamon ng buhay at panahon.

Kasama ng makabagong-teknolohiya world class na kaalaman at

kagamitan ay sumasabay na rin ang ating wika. Nagkaroon na rin tayo ng

wikang “pang world-class”. Gaano man kalayo ang mararating, tiyakin lamang

natin na dapat mayroon tayong napakatatag na sandigan at pundasyon. Yaong

hindi kayang buwagin ng napakalakas na lindol bagyo at anumang pagsubok ng

mundo. Ganoon din dapat sa ating wika. Mas lalo nating mapahalagahan ang

pangalawang wika at iba pang wika kung ginagamit at kilalang-kilala natin ang

unang wika, ang Wikang Hiligaynon. Ito ang nagsisilbing matatag nating haligi.

Ang pagkakaroon ng maraming wika ay nakakahadlang sa pagkakaisa at

pagkakaunawaan ng mga Pilipino. Tulad ng suliraning likha ng pagkakaisa, ng

tungalian at tradisyon. Ang pagkakaiba ng wika ay karaniwang nagbubunga ng


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
2

malakas na damdaming pambansa. Dahil dito, itinadhana ang ang saligang batas

1987 ang pagkapamayanan at pagpapaunlad ng wikang pambansa, ang Filipino

na maasahang nagpapatindi sa pagbubuklod ng sambayanang Pilipino.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay linggwistikong paghahambing at pagsusuri ng

pandiwasa wikang Filipino at Hiligaynon ayon sa aspekto nito.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga aspekto ng pandiwa sa Wikang Filipino at mga

panlaping ginagamit nito?

1. Anu-ano ang mga aspekto ng pandiwa sa Wikang Hiligaynon at mga

panlaping ginagamit nito?

2. Anu-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pandiwa sa Wikang Filipino

at Hiligaynon batay sa mga panlaping ginagamit nito?

Balangkas Teoritikal

Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa mga teorya ng wika kaugnay ng

unang wika sa pagtatamo ng pangalawang wika. Isa sa mga pinagbatayan ng

pag-aaral na ito ay ang pag-aaral ng mga kakayahang pangwika (Language


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS

Competence) na hinango ni Nadayo (2007). Iba-iba raw ang pananaw ng mga

linggwistika ukol dito.

Sa mga strukturalista ang paglalarawan ng kayarian ng wika ang

binibigyang pansin (Bayo, 1994). Pinaniniwalaan nila na ang wika ay isa lamang

code na binubo ng istruktura o linguistic accuracy. Iginigiit nila na ang

kakayahang panglinggwistik ay ang pagkabihasa at kasanayan sa paggamit ng

wika ng kaniyang ponolohiya, morpolohiya at sintaks.

Ayon kay Paz (2003) sa pananaliksik ni L. Tamayo (2007), natural lamang

sa tao ang pagkatuto, pagkaroon at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula

pagkabata. Ito ay kung wala siyang kapansanan para hindi matuto ng wika o

kaya ay para matigil ang kaniyang paggamit ng wikang kinagisnan.

Sumang-ayon sa paniniwala na innativist ang paliwanag ni Paz (2003)

sapagkat nakasaad sa teoryang innative na ang pagkatuto ay batay sa

paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak na may “ likas na salik” sa pagkatuto

ng wika kaya hindi na kailangan suportahan ang bata sa pagtamo ng wika dahil

likas na siya itong matutuhan.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
Sa pag-aaral ni Plazo (2003) na binanggit din sa pananaliksik ni Bendalan

(2006), isinasaad ang paniniwala ni Skinner na kailangan alagaan ang intelektwal

nap ag-unlad sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay sigla at pagpapatibay

sa anumang kilos o gawi. Tinukoy niya na maaring isagawa ng bata ang

anumang gawain kung tuturuan at bigyan siya ng tamang direksyon.

Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set

ng simulain at mga pamaraang madaling maisagawa at ituro. Natuto ang mga

bata sa mga panutong ibinigay sa kaniya at naniniwala siyang mapapaunlad ang

isipan sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay sigla at pagpapatibay sa

anumang gawi o kilos.

Ibig sabihin kapag hinikayat at tinuruan ang bata na dapat niyang

matutunan ang kaniyang unang wika gaya ng Hiligaynon ay kaniya itong lubos

na maunawaan at makasanayang gamitin kaysa anumang pangalawang wika.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral sa elementarya at maging

sa sekondarya ay minabuti ng pag-aaral na ito na maihahambing ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pandiwa ayon sa ponema, uri, kayarian,

kaantasan at gamit nito.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga


mag-aaral na nagnanais malaman ang katumbas, pagkakaiba at pagkakatulad ng

pandiwa sa wikang Filipino ayon sa aspekto sa Wikang Hiligaynon. Ito ay

magsisilbing gabay sa paghubog ng kanilang kaisipan at kaalaman sa paggamit

ng Wikang Filipino at Hiligaynon.

Guro. Malaki ang magiging ambag ng pag-aaral na ito sa mga guro

upang magkaroon nang mas malinaw na ideya at kaalaman sa pagkakaiba at

pagkakatulad ng pandiwa sa Wikang Filipino ayon sa uri, ponema, kayarian at

kaantasan nito sa Wikang Hiligaynon. Makakatulong ito ng malaki upang lubos

nilang maunawaan ang mga balakid o kahriapang kinakaharap ng kanilang mga

estudyante sa pag-aaral ng Wikang Filipino at Hiligaynon.

Magulang. Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga magulang

na siyang unang guro ng mga mag-aaral. Kung ang mga magulang ay mayroong

sapat na kaaalaman sa pagkakaiba at pagkakatulad ng pandiwa ayon sa uri,

ponema, kayarian at kaantasan nito sa Wikang Filipino at Hiligaynon hindi

mahihirapan ang mga bata sa pagintindi ng wikang itinuturo sa kanilang

paaralan.

Pinuno ng paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pinuno

ng paaralan sa pagbigay ng kaalaman at syempre sa mga tagagawa ng


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
kurikulum nang sa gayon ay mahikayat ang mga guro sa pagpapatuloy,

pagpapayabong at pagpapaunlad ng kanilang propesyon.

Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakinabang sa susunod pang mga mananaliksik, sapagkat ito ay

magsisilbing kanilang gabay at magtatagalay ng mga impormasyong

maykaugnayan sa gagawin nilang pag-aaral. maari ring gawing batayan ang

pag-aaral na to upang mapatunayan na ang mga wika sa pilipinas ay

magkakaugnay.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Pandiwa na Wikang Filipino at

Hiligaynon”. Isang Linggwistikong Pagsusuri ng Pandiwa sa Wikang Filipino ayon

sa uri, ponema, kayarian at kaantasan nito sa Wikang Hiligaynon. Ang mga

tagatugon ay ang limang bihasang guro ng Pototan National Comprehensive

High School, Pototan, Iloilo. Sinikap na ibinigay ang katumbas, pandiwa sa

dalawang wika sa pamamagitan ng talatanongan. Ang gagamiting disenyo sa

pag-aaral na ito ay komparatibo.

Depinisyon ng mga Salita (Kahulugan ng mga Termino)

Sa ikalilinaw at ikauunawa, ang mga katawagan ay binigyang kahulugan o

depinsiyon ayon sa pagkagamit sa pag-aaral nito.


POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS

Filipino. Wikang kasangkapan ng mga Pilipino sa pagpapanayag ng

kanilang kultura (Santiago, 2003).

Sa pag-aaral na ito, ang Filipino ay isa sa mga wikain sa Pilipinas na sinuri

ukol sa pandiwa.

Hiligaynon. Tinatawag din na Wikang Ilonggo, ay tumutukoy sa wika at

kultura na may kaugnayan sa Bacolod, Iloilo at Capiz (Clarin, 2019).

Sa pag-aaral na ito, ang Wikang Hiligaynon ay isa ring wikain sa Pilipinas

na pinasurian ukol sa pandiwa.

Linggwistiko. Ay ang maagham nap ag-aaral sa wika ng tao. (Flores,

2017).

Sa pag-aaral na ito, ang linggwistiko ay masusing pag-aaral ng mga

pandiwa sa Wikang Filipino at Hiligaynon batay sa ponema, paano nabubuo ang

mga salita ay paggamit ng mga ito sa pahayag.

Paghahambing. Pagbibigay linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng

paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na

pinaghahambing (Tolosa, 2017).

Sa pag-aaral na ito, ang paghahambing ay pagbibigay ng pagkakiba at

pagkakatulad ng mga pandiwa sa Filipino at Hiligaynon ayon sa ponema, uri,

kayarian at kaantasan.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Pototan, Iloilo
SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM
SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING & MATHEMATICS
Pandiwa. Bahagi ng pananlita na nagsasad ng kilos o galaw ng simuno

ng pangungusap (Ghaz, 2019)

Sa pag-aaral na ito, ang pandiwa ay bahagi ng pananalita sa Filipino na

binibigyan ng katumbas sa Hiligaynon na siyang pinaghahambing at sinuri ayon

sa ponema, uri, kayarian at kaantasan nito.

Pagsusuri. Pag-aanalisa o pago-obserba upang mapag-aralan at

mabigyang kasagutan ang problema (Parra, 2018)

Sa pag-aaral na ito, ang pagsusuri ay ang proseso sap ag-aaral ng

pandiwa sa Wikang Filipino at Hiligaynon at pagkakatulad at pagkakaiba ng mga

ito ayon sa ponema, uri, kayarian at kaantasan.

You might also like