You are on page 1of 16

8

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 3:
Karunungang-Bayan
Isatitik na!
Filipino – Baitang 8
Kwarter 1 – Modyul 3 : Karunungang-Bayan Isatitik Na!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Melissa Jane M. Madrona


Editor: Emilia B. Boboyo
Tagasuri: Nora J. Laguda

Tagaguhit: Andrew R. Valladolid , Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Melodie C. Bueno, Brian Navarro

2
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok . Kung tapos nang sagutin ang modyul
na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob
nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak
kong matutuwa ka habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan


at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng
sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na
natin!

ii
Karunungang-Bayan, Isatitik Na!

Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka na kaibigan? Marahil ay marami ka nang
natutuhan sa mga modyul na pinag-aralan nitong mga
nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong
bagong modyul para sa iyo na tiyak na ikawiwili mo. Sundin ang
mga panuto at unawaing mabuti ang mga tanong sa
pagsasanay.
Halika, umpisahan na natin!
Sa panahon natin ngayon, maraming mga makabagong sinaunang anyo ng
panitikan, kabilang na rito ang mga bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na
nabubuo ng mga millennial.
Ngayon sa araling ito, sisikapin mong makasulat ng sarili mong bersiyon ng
Karunungang- Bayan na angkop sa kasalukuyang kalagayan.
Handa ka na ba?

Sa modyul na ito, inaasahan na


nakasusulat ka ng sariling bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan na
Layunin
angkop sa kasalukuyang kalagayan.

1
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto:
Basahing mabuti ang mga karunungang-bayan sa bawat bilang.
Isulat sa patlang ang A kung Bugtong; B kung salawikain; C kung
sawikain o kasabihan.

__________1. Amoy pinipig si Juliana.


__________2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
__________3. Takbo roon, takbo rito. Hindi makaalis sa tayong ito.
__________4. Ang magandang-asal ay kaban ng bayan.
__________5. Si Margaret ay alilang kanin ng kanyang Tiya Bety.

Binabati kita! Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 11 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, di ba kayang-kaya mong tukuyin ang mga


karunungang-bayan.

Halika, may inihanda pa akong gawain para sa iyo.

2
Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Alam mo ba?

…na ang mga karunungang-bayan ay ang mga sumusunod:


Bugtong- ang mga io ay nagtataglay ng butil ng karunungang
hinabi sa maikli at patugmang pahayag upang ipasagot sa iba.
Halimbawa: Bahay ni Donya Ines, napapalibutan ng butones.
(ATIS)

Salawikain- matalinghagang mga salita na nagpapahayag ng


mga aralna magiging batayan sa magandang pag-uugali. Ang
mga ito ay ipinahahayag sa anyong taludtod.
Halimbawa: Ang maagang gumising
siyang maraming aanihin

Sawikain- mga salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit


upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa: anak-dalita= mahirap
Dalawa ang bibig= madaldal

Kasabihan- ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang


ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang
kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay
masasalamin sa mga kasabihan.
Halimbawa : Kung ano ang puno, siya ang bunga.

https://www.slideshare.net/mobile/mimay13/panitikan-at-
karunungang-bayan

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

3
Gawain 1

A. Sumulat ng sariling karunungang-bayan na angkop sa


kasalukuyang kalagayan tungkol sa paksa na nasa loob ng kahon.

BUHAY

1. Bugtong: ___________________________________
2. Salawikain: _________________________________
3. Sawikain: ___________________________________

Ipagpatuloy mo.

Nakasulat ka ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa


kasalukuyang kalagayan.
Maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

4
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.
___________________________________
PANUTO:

A. Sumulat ng sariling bugtong, salawikain, Pagsasanay 1


sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan tungkol sa mga
larawan na nasa bawat bilang.

1. Bugtong
________________________________________
________________________________________

https://pixabay.com/photos/virus-protection-coronavirus-woman-4898571

2. Kasabihan
________________________________________
________________________________________

https://pixabay.com/photos/newbor-kid-newburn-dream-sleepy-1328454/

3. Sawikain
________________________________________
________________________________________

http://pixabay.com/photos/lightning-thunder-ligntning-storm-1056419/

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 11.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

5
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Panuto: Bumuo ng sariling Salawikain, Sawikain o Kasabihan na angkop


sa kasalukuyang kalagayan batay sa mga sitwasyon sa ibaba.

1. Konting tiis na lang at makaaahon na kami sa hirap.


Salawikain: ___________________________
2. Bilin sa akin ng aking magulang, na huwag daw akong basta-basta magtitiwala
kahit kanino. Mukha nga silang mabait pero hindi ko pa sila lubusang kilala.
Kasabihan: ___________________________
3. Palaging sabihin ang katotohanan upang ang pagtitiwala ay hindi mawala
Salawikain: ___________________________
4. Gustong bumalik ni Selya sa kanyang nanay, hirap na hirap na raw siya sa buhay
may-asawa.
Kasabihan: _____________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay .

6
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3
Panuto: Bumuo ng usapan tungkol sa
larawan na makikita sa ibaba, ibatay ito sa
kasalukuyang krisis na kinakaharap ng ating bansa –COVID-19. Lagyan
ng sariling likhang bugtong, salawikain sawikain o kasabihan ang
kanilang usapan.

COVID-19

https://pixabay.com/illustrations/speech-balloon-talk-bubble-1027854 https://pixabay.com/illustrations/fax-white-male-3d-model-isolated-1889016

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 10.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

7
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa
mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Sumulat ng isang sariling karunungang-bayan (bugtong,


salawikain, sawikain o kasabihan) na angkop sa kasalukuyang
kalagayan at ilagay ito sa isang bookmark.

Bugtong:

www.learningisfun.facebook.com

RUBRIKS:
Pamantayan 1 2 3 4 5
1. Pagiging malikhain at pagkakaroon ng
orihinalidan

2. Angkop ang paksa sa kasalukuyang kalagayan


ng bayan

3. Kahusayan ng pagkakasulat ng Karunungang-


bayan at pagsasaalang-alang sa anyo at
pagkakabuo nito.

Kabuoang Puntos

11-15: Napakahusay
6-10: Mahusay
1-5: Nangangailangan pa ng pagsasanay.

8
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng sariling karunungang-bayan na angkop sa
kasalukuyang panahon tungkol sa larawan na nasa ibaba.

https://pixabay.com/photos/apple-imac-ipad-workplace-606761/

1. Bugtong: ___________________________________________________
2. Salawikain: _________________________________________________
3. Sawikain: ___________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo k aibigan!

9
10
Pagsasanay 3
 Ano kaya ang pinag-uusapan dalawang iyon? Hindi kaya nila
alam ang layo-agwat?
 Hindi makahawak ng manibela ang mister ko dahil sa
pandemya. Sakto nalang ang gastusin namin hanggang
katapusan
 Hayaan mo mare, habang may buhay may pag-asa
Panapos na Pagsubok
BUGTONG:
Kakaiba ka sa lahat
Sa gobyerno’y hindi nagpatinag
Tanging ikaw lang ang nagpabago sa lahat
Tungo sa tinatawag na new normal
Karagdagang Gawain:
1. Gusto kang makuha ng lahat
Dahil gagamitin daw sa online class (kompyuter)
2. teknolohiya’y gamitin sa kabutihan upang ikaw ay matulungan
3. bukas-isip (maraming kaalaman)
Susi sa Pagwawasto
11
Panimulang Gawain
1. C
2. B
3. A
4. C
5. C
Gawain sa Pagkatuto
Gawain 1
1. Isang biyaya ng maykapal
Ilaan sa kabutihan, nang hindi pagsisihan
2. Hirap ng buhay ay hindi alintana, para sa pag-aabot ng ninanasa.
3. Maluwag ang bulsa- mapera/may kaya sa buhay
Pagsasanay 1
1. Suki ngayong may pandemya
Lumingon sa kaliwa’t kanan, ito’y gamit nila (Facemask)
2. Hindi dapat ipagwalang bahala ang pagpapalaki sa bata dahil ito ang
pundasyon ng ugali nila.
3. Kidlat sa bilis-napakabilis
Pagsasanay 2
1. Anumang pagtitiis ay kaginhawaan ang kapalit
2. Kabutihang loob ang sukatan ng tunay na pagkakaibigan
3. ANg taong tapat kaibigan ng lahat
4. Pag-aasawa’y pag-isipan mo ito’y hindi biro
Mga Sanggunian:
https://www.slideshare.net/mobile/mimay13/panitikan-at-karunungang-bayan

https://pixabay.com/photos/virus-protection-coronavirus-woman-4898571
https://pixabay.com/photos/newbor-kid-newburn-dream-sleepy-1328454/
http://pixabay.com/photos/lightning-thunder-ligntning-storm-1056419/

https://pixabay.com/illustrations/speech-balloon-talk-bubble-1027854
https://pixabay.com/illustrations/fax-white-male-3d-model-isolated-1889016

www.learningisfun.facebook.com
https://pixabay.com/photos/apple-imac-ipad-workplace-606761/

12
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

13

You might also like