Professional Documents
Culture Documents
Epekto NG Kontemporaryong Panahon Sa Pagbabagong Pisikal at Istruktural NG Panitikang Filipino Sa Mga Mag-Aaral NG Pambansang Pamantasan NG Batangas
Epekto NG Kontemporaryong Panahon Sa Pagbabagong Pisikal at Istruktural NG Panitikang Filipino Sa Mga Mag-Aaral NG Pambansang Pamantasan NG Batangas
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Sa kontemporaryong panahon, ang mundo ay nakararanas ng pag-unlad
sa teknolohiya at mga kompyuter. Ito ang pangkasalukuyan at modernisadong
henerasyon kung saan laganap ang paggamit ng internet, telebisyon at social
media lalo na sa mga kabataan. Sa pamamagitan nito, mas napapadali para sa
mga estudyante ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa nila estudyante at mas
napapabilis ang pangangalap ng impormasyon para sa aralin at proyekto.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto Ng Kontemporaryong
Panahon Sa Pagbabagong Pisikal At Istruktural Ng Panitikang Filipino Sa Mga
Mag-Aaral Ng Pambansang Pamantasan ng Batangas” ay ginawa upang
matuklasan ang kaugnayan ng kontemporaryong panahon sa paraan ng
pagsulat at interes ng mga mag-aaral ng Batangas State University sa panitikang
Filipino.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa Epekto Ng Kontemporaryong
Panahon Sa Pagbabagong Pisikal At Istruktural Ng Panitikang Filipino Sa Mga
Mag-Aaral Ng Pambansang Pamantasan ng Batangas ay naghahangad na
makamit ang mga sumusunod na layunin:
3
Haypotesis (Ho)
1. Walang kaugnayan ang kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at
istruktural ng panitikang Filipino.
2. Walang kaugnayan ang pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang
Pilipino sa mga mag-aaral ng sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ng epekto ng kontemporaryong panahon sa kaanyuang
pisikal at istruktural ng panitikang Pilipino na makatutulong upang malaman ang
lawak ng positibo at negatibong epekto nito sa mga mag-aaral. Kaugnay nito,
mailalahad din na ang mga sumusunod na grupo ng mga indibidwal ay
makikinabang sa pananaliksik na ito.
Komisyon ng Wikang Filipino. Sa kanilang pagpupursigi na maisulong
na maiangat ang antas at kahalagahan ng Wikang Filipino gamit ang
makabagong teknolohiya para lalong maging mabisa at mas mapabilis ang
pagpapalawak ng kaalaman ng bawat isa sa sariling wika.
Sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang lubos na
maunawaan ng mga saklaw ng paaralan ang epektong positibo at negatibo sa
pagbabagong pisikal at istruktural ng panitikang Pilipino upang maging gabay sa
paglathala ng mga ipapatupad na kautusan ukol sa pagpapaunlad ng panitikang
Pilipino sa kontemporaryong panahon.
4
KABANATA II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Kaugnay na Pag-aaral
2.1 Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakakaapekto sa Panitikang Filipino
2.1.1. Internet
Ayon kay T. Santos (2016), mababatid na sumasabay ang panitikan sa
modernisasiyon ng mundo—sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at
internet. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga makabagong anyo at
pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan. Dahil din
sa internet, mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at sulatin ng
mga manunulat sa maraming mambabasa. Subalit Internet din ang tinutukoy na
isa sa mga dahilan ng kawalan ng interes ng mga milenyal sa panitikang Filipino
dahil mas nahuhumaling ang mga mambabasa ngayon sa mga banyagang akda
at ibang anyo ng panitikan.
2.1.1.3. Wattpad
Isa sa mga sikat na paraan ng online writing na tinatangkilik ng mga
kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site na
itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa
lahat noong 2011. Sa site na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang lahat para
libreng maibahagi ang sarili nilang kwento at makapagbasa ng mga likha ng ibang
manunulat. Ang aksesibilidad nito para sa mga manunulat at mambabasa ang isa
sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko partikular
na ang mga kabataang Pilipino. Ayon sa isang pag-aaral sa Universidad ng Bicol
(2015), ang pag-usbong nito ay dala ng mabilis na pag-unlad ng modernong
teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba at
napapadali dahil sa modernisasyon gaya na lamang ng aspeto ng pagbabasa.
Kung dati-rati, makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong
magbasa sa ating mga kompyuter, laptop, tablet at maging sa ating mga
cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications, maaari na rin
tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati,
mahirap para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala
ang kanilang naisulat, ngayon ay mas napadali na gawa ng mga online writing
communities.
Ang mga libro gaya ng “Diary ng Panget” at “She’s Dating the Gangster”
ay iilan lamang sa mga Wattpad books na ginawang pelikula. Ngunit, kahit
marami ang tumatangkilik sa mga ito, mayroon din na bumabatikos at pumupuna
sa mga kwento sa Wattpad. Ayon sa kanila, hindi napapaunlad ng pop fiction
ang kritikal na pag-iisip ng mga mambabasa. Kakaunti lamang sa mga ito ang
may mga kalidad na inaasahan ng mga kritiko ng panitikan. Karaniwan sa mga
istoryang Wattpad ay nagtataglay ng impormal na pagkakasulat na
nakaiimpluwensiya sa istilo ng pagsusulat. Nagkaroon din ng #SaveLiterature
campaign upang “maibalik ang makabuluhang panitikan ng mga dalubhasang
manunulat sa Pilipinas at mawala ang mga baguhang manunulat na ang
ginagawa lamang ay palalain ang delusyon ng mga kabataan.”
2.1.2. Telebisyon
Binanggit ni Almario (2015), nais rin niyang himukin ang mga mambabasa
na kilalanin ang kanilang mga manunulat. “Ang mga awtor natin, hindi
masyadong kilala, Katulad ko, hindi naman ako makikilala kung hindi ako
national artist eh. Mas kilala ang mga komiks writers, ‘yong ibang artist o painters
kasi mas napo-promote sila ng media” aniya. Ito ang nakikita na suliranin sa pag-
usbong ng kontemporaryong panahon. Nawawaglit sa kaisipan ang mga
katutubong awtor at mas tinatangkilik ang mga di-pormal na uri ng mga sulatin at
babasahin.
ng mga nagbabasa ay dahil sa ginagawa nilang mga 'activities' lamag may libre
silang oras. sinasabi sa datos na may 39% na mga kabataan ang pumupunta sa
mga sporting events ka pag may libre silang oras, mayroon ding 36% ang
pumupunta sa mga concerts, pagtatanghal at mga dance performance. Ang iba
namang 32% ay pumupunta sa mga bookstores, at 26% ay pumupunta sa mga
museyo, art galleries, at mga makasaysayang tanawin. (Younger americans and
public libraries. September 10, 2014)
Kaugnay na Literatura
2.1 Lawak ng Epekto ng mga Salik na Nakakaapekto sa Panitikang Filipino
2.1.1. Internet
2.1.1.1. Social Media
Natuklasan na ang internet language ay nakakatulong upang
mapagyaman ang ating bokabolaryo at tinutulungan din tayong makasabay sa
mabilis na pagbabago ng makabagong panahon.
2.1.1.3. Wattpad
Noong 2011, kinilala ang Wattpad bilang “Hottest Digital Media Company”
sa Canadian Innovation Exchange, isang kumpanya na naglilista ng mga patok
na website, dahil sa patuloy na paglawak at paglaki ng sakop ng mga nagsusulat
at nagbabasa rito. Hindi kalaunan, nakarating ang kasikatan ng Wattpad sa mga
Filipinong mambabasa na nagdulot ng paglilimbag at pagsasapelikula ng mga
akda rito tulad ng “Diary ng Panget,” “She’s Dating the Gangster” at “Talk Back
and You’re Dead.” Gayunpaman, tulad ng lahat ng bagay na nagiging patok sa
karamihan, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga kritiko ang Wattpad na
nagresulta sa diskurso tungkol sa mga mabuti at hindi mabuting dulot nito hindi
lang sa mga Filipino kung hindi pati na rin sa iba pang lahi na nagbabasa at
nagsusulat dito.
Ayon naman kay Jun Cruz Reyes (2015), kilalang manunulat at kritiko ng
panitikan, kinakailangang suriin muna ang pinagmulan ng Wattpad bago ito
punahin ng iba pang kritiko. Dagdag pa niya, kinakailangang unawain na pawang
mga batang maagang namulat sa paggamit ng mga produkto ng teknolohiya at
pawang mga bubot pa sa karanasan ang mga manunulat sa Wattpad. Sa usapin
naman ng pagtuturing sa mga kuwentong Wattpad bilang makabagong uri ng
panitikan, ipinaliwanag ni Reyes na malaking bahagi ng pinagmumulan ng mga
kritiko laban sa Wattpad ang paggamit ng wika sa mga kuwento na naililimbag
14
rito. Gayunpaman, inamin ni Reyes na basta hindi maaaring ikumpara ang mga
gawa nina Ong at Atalia sa mga kuwentong Wattpad sapagkat kahit
pangkaraniwan ang wikang gamit, iba ang lalim ng mga usapin kung saan
umiinog ang kanilang mga kuwento.
2.1.2. Telebisyon
Sa pamamagitan ng malayang panonood sa telebisyon ay malalaman,
madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating
mga ninuno. Ang mass media kasama panitikan ay nagsisilbing tulay para
makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang sa
ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino. Sa pag-aaral natin ng
panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog
at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan at
ito’y masasalamin sa bawat palabas at pelikulang masusumpungan sa panonood
sa telebisyon.
bilang source at gamitin ito bilang standards nila sa kanilang pagsusulat. Kung
magpapatuloy ang ganitong gawain ay hindi rin malabong bumaba ang kalidad
ng panitikan sa bansang ito sa takdang panahon.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon
upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral
upang matiyak ang kalidad ng ipiprisintang datos. Ginamit nito ang talatanungan
sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging
sa mga tagasagot. Ang mga nalikom na datos ay sinuri, inalisa, at binigyang-
interpretasyon sa pamamagitan ng frequency count at Slovin formula.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantiteytib at korelasyonal na uri
ng metodolohiya na naglalayong ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng
baryabol na kailangang i-estima (dependent na baryabol) at ng baryabol na
kailangang manipulahin upang malaman ang dependent na baryabol
(independent na baryabol). Mula sa pakahulugan ni Waters (2010), anh
korelasyonal na pananaliksik ay isang kwantiteytib na pananaliksik kung saan ay
dalawa (2) o higit pang baryabol mula sa parehong grupo ng kalahok na
naglalayong malaman ang relasyon sa pagitan ng mga baryabol. Ang uri ng
pananaliksik na ito ay tumutukoy sa pag-iimbestiga kung nakaiimpluwensya ang
isang penomenon sa isa pa. Ito ay naglalayon na tukuyin ang relasyon ng
independent na baryabol na kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal
at istruktural ng Panitikang Filipino.
Respondente
Ang ginamit na respondente ng mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral
ng BS Accountancy at BS Management Accounting sa Pambansang
Pamantasan ng Batangas partikular sa unang taon na may kabuuang bilang na
limampung (50) mag-aaral. Ito ay kinabibilangan ng tatlumpu’t pito (37) buhat sa
BS Accountancy at labintatlo (13) mula sa BS Management Accounting.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyuneyr o
talatanungan na binigay sa limampung (50) mag-aaral na kumukuha ng unang
18
Slovin Formula
N
n=
1+ N e 2 kung saan: N – bilang ng populasyon
174 n – bilang ng sampol
n= 2
1+174 (0.12) e – bilang ng pagkakamali
174
n=
1+174 (0.0144)
174
n=
1+2.5056
174
n=
3.51
n=50 sampol mula sa kabuuan
Kaligiran ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na nasa
unang taon na mula sa Kolehiyo ng Akawntansi, Bisnes, Ekonomiks, at
Pamamahalang Internasyonal sa Hospitalidad ng Pambansang Pamantasan ng
Batangas, Lalawigan ng Batangas. Ang mga respondente ay mga mag-aaral na
silang mga primaryang nakararanas ng pagbabago sa Panitikang Filipino sa
makabagong panahon.
Kung saan:
n = bilang ng sampol
N = bilang ng populasyon
e = bilang ng pagkakamali (0.12)
Kung saan:
f = Dami/Kadalasan
n = kabuuang bilang ng kalahok
Σ fx
x=
n
kung saan,
x - weighted average
Σ fx - kabuuang bilang ng frequency at iskor
n - bilang ng baryabol
kung saan,
x - weighted average
Σ fx - kabuuang bilang ng frequency at iskor
n - bilang ng baryabol
22
Test statistic
t=( x́−μσ )/ s √ n
where:
x́ =sample mean
μσ = hypothesized population mean
s = karaniwang lihis (standard deviation)
n = kabuuang bilang ng kalahok
Test statistic
t=( x−μσ )/ s √ n
where:
x́ =sample mean
μσ = hypothesized population mean
s = karaniwang lihis (standard deviation)
n = kabuuang bilang ng kalahok
23
kung saan,
x - weighted average
Σ fx - kabuuang bilang ng frequency at iskor
n - bilang ng baryabol
Grado Berbal na Interpretasyon Saklaw
5 Lubos na Sumasang-ayon 4.1-5.0
4 Sumasang-ayon 3.1-4.0
3 Medyo Sumasang-ayon 2.1-3.0
2 Hindi sumasang-ayon 1.1-2.0
1 Lubos na hindi sumasang-ayon 0.1-1.0
24
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Talahanayan 1
Distribusyon mga Respondente Batay sa Edad
16-18 8 16%
19-21 42 84%
22-24 0 0%
KABUUAN 50 100%
Talahanayan 2.2
Lawak ng Epekto ng Internet batay sa Youtube
Weighted Berbal na
YOUTUBE
Mean Interpretasyon
1. Nakaaapekto ang panonod ng mga
bidyo sa youtube sa pagbabago ng 3.8 Sumasang-ayon
paraan ng pagtula.
2. Ang panonood ng mga bidyo mula sa
iba’t ibang mga bansa upang mabago 3.92 Sumasang-ayon
ang paraan ng pananalita.
3. Ang salitang naririnig mula sa mga
napapanood sa bidyo ay pinagsama-
samang mga salita ng iba’t ibang 3.8 Sumasang-ayon
kultura na nakaaapekto sa paraan ng
pagsulat sa Filipino.
4. Ang mga salitang nahinuha mula sa
youtube ang nagagamit na 3.72 Sumasang-ayon
makabagong panahon sa pagsulat.
5. Madaming mga salita ang naiimbento
at naririnig sa mga bidyo sa youtube. 3.96 Sumasang-ayon
Talahanayan 2.3
Lawak ng Epekto ng Internet batay sa Wattpad
Weighted Berbal na
WATTPAD
Mean Interpretasyon
1. Nakaaapekto ang wattpad upang gawing
batayan ng mga manunulat sa pagsulat 3.84 Sumasang-ayon
ng mga akda.
2. Nakaiimpluwensya ang mga binabasang
makabagong salita upang maglahad ng 3.94 Sumasang-ayon
mga ideya o eksplanasyon sa paaralan.
3. Ang wattpad ay nakaaapekto sa pagbuo
ng mas kawili-wiling sanaysay at tula. 3.98 Sumasang-ayon
4. Nakaiimpluwensya ang wattpad sa
paggamit ng mga salitang modernisado o 3.94 Sumasang-ayon
napapanahon sa pakikipagtalastasan.
5. Nakatutulong ang wattpad sa
pagpapahayag ng mas malinaw na
damdamin sapagkat natututunang 3.96 Sumasang-ayon
damahin ang karakter sa binabasa.
Composite Weighted Mean 3.932
Talahanayan 2.4
Lawak ng Epekto ng Telebisyon
Weighted Berbal na
TELEBISYON
Mean Interpretasyon
1. Ang panonood ng telebisyon at ang
impluwensya nito sa paraan ng pag-iisip Lubos na
4.02
ng kabataan sa paraan ng pananalita. sumasang-ayon
2. Mas nakadaragdag interes ang pagbasa
kung katulad ng mga napapanahong Lubos na
4.04
programa sa telebisyon ang napanonood. sumasang-ayon
3. Mula sa mga napanonood sa telebisyon
nalalaman ang konyong paraan ng Lubos na
4.06
pananalita. sumasang-ayon
4. Ang mga barayti na palabas kung saan
ay impormal na pananalita ang ginamit ay Lubos na
4.04
nakaaapekto sa persepsyon ng pagsulat. sumasang-ayon
5. Ang mga palabas na nagpapakita ng mga
panoorin mula sa iba’t ibang bansa ay Lubos na
nakaaapekto sa pinaghalong paraan ng 4.0
sumasang-ayon
pakikipagtalastasan.
Composite Weighted Mean 4.032
Talahanayan 3.1
Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Filipino
batay sa Paraan ng Pagsulat
Talahanayan 3.2
Lawak ng Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa Panitikang Pilipino
batay sa Interes sa Pagbasa
na ang pinagutuunan ng pansin ang mga akdang nasa anyo ng bidyo at may
kaagapay na musika na mayroong weighted mean na 4.02 na may berbal na
interpretasyon na lubos na kapansin-pansin. Ipinahahayag lamang nito na
mayroong malaking epekto ang kontemporaryong panahon sa interes sa
pagbasa ng mga mag-aaral kung saan ang salik ng pabidyong pag-aaral ay may
bahagi sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinundan ito ng ikaapat na pahayag
kung saan binibigayang pansin ang mga akdang nakapaloob sa media at internet
na may weighted mean na 4 na may berbal na interpretasyon na lubos na
kapansin-pansin. Kasunod nito ay ang higit na pagtangkilik ng mga akdang nasa
anyo ng bidyo at may kaagapay na musika at pagpili ng mga basahin at mga
akdang binubuo ng mga napapanahong salita/diyalekto na may weighted mean
na 3.9 at 3.8 na parehong may berbal interpretasyon na kapansin-pansin. At ang
pinakahuli ay ang kawalan ng interes sa mga babasahing nakalimbag na may
weighted mean na 3.64 na may berbal na interpretasyon na kapansin-pansin.
Talahanayan 4
Ugnayan ng kontemporaryong panahon sa pagbabagong pisikal at
istruktural ng Panitikang Filipino
t – critical
Desisyon Berbal na
Determinant t - stat value (one
sa Ho Interpretasyon
tailed)
Pagbabagon
g Pisikal at 1.977061024 1.676550893 Reject Significant
Istruktural
Talahanayan 5
Ugnayan ng Pagbabago ng Panitikang Filipino sa mga Mag-aaral
Propayl ng t – critical
Desisyon Berbal na
mga t - stat value (one
sa Ho Interpretasyon
Respondente tailed)
Talahanayan 6
Mga Posibleng Solusyon sa Problema
Weighted Berbal na
Mga Posibleng Solusyon sa Problema
Mean Interpretasyon
1. Bigyang-diin ang malalim na paggamit Lubos na
ng mga salita sa mga paaralan sa 4.32 sumasang-
pagsusulat. ayon
2. Higpitan ng mga guro ang pagbibigay
marka sa paraan ng mga mag-aaral ng Sumasang-
3.66
pagsulat. ayon
3. Bigyan ng mataas na konsiderasyon
ang pagpili ng mga salita ng mga mag- Sumasang-
3.98
aaral. ayon
4. Tuwirang gamitin ang mga babasahin
na nanghihikayat nang malalalim na Sumasang-
3.9
pananalita. ayon
5. Paunlarin ang gamit ng
matatalinhagang salita sa Sumasang-
pagpapabasa ng mga sinaunang mga 3.8
ayon
babasahin.
6. Iklian lamang ang oras ng paggamit ng Sumasang-
internet sites para sa mga mag-aaral. 3.78
ayon
7. Limitahan ang akses ng mga mag-aaral Sumasang-
sa social media kapag nasa paaralan. 3.68
ayon
8. Manghikayat na basahin ang mga Lubos na
pormal at pang-edukasyon na mga sipi. 4.12 sumasang-
ayon
9. Ipaintindi ang kagandahan ng mga Lubos na
matatalinhagang salita at ang 4.14 sumasang-
kahalagahan nito sa panitikan. ayon
10. Mag-ensayo sa pagsulat at pagbasa ng Lubos na
mga kilalang mga aklat ng mga kilalang 4.4 sumasang-
manunulat ng Panitikang Filipino. ayon
Composite Weighted Mean 3.978
Berbal na Interpretasyon Sumasang-ayon
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom
Ang pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Kontemporaryong Panahon sa
Pagbabagong Pisikal at Istruktural ng Panitikang Filipino” ay isinagawa ng mga
mananaliksik upang malaman at mailahad ang mga pananaw ng mga mag-aaral
ukol makabagong panitikan dulot ng kontemporayong panahon. Ang pag-aaral
ay batay sa limampung (50) mag-aaral na nasa ika-unang taon sa kolehiyo sa
Pambansang Pamantasan ng Batangas taong panuruan 2018-2019 sa
ikalawang semestre.
Konklusyon
36
Rekomendasyon
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga suhestiyon at mungkahi ng mga
mananaliksik para sa patuloy na pag-unlad ng panitikang Filipino. Batay sa
lagom at kongklusyon ng pag-aaral ay minumungkahi ng mga mananaliksik ang
sumusunod: