You are on page 1of 1

Pamagat: Kaalaman sa Balarila at Panitikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Unang Taon sa

Kolehiyo sa Isang Pang-Maritimang Pamantasan

Mananaliksik: Yap, Lacson, et. al

Uri ng Lathalain: Di-nalathalang Tesis

Paaralan: Foundation Maritime University, Iloilo City

Abstrak

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matiyak ang antas ng kaalaman sa balarila at


panitikang Filipino ng mga mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo sa isang pamantasang pang-
maritima. Ang mga tagatugong saklaw ng pag-aaral ay binubuo ng 60 na mag-aaral na pinili
mula sa kabuuang 2,426 sa unang taon ng kursong Inhinyeryang Pangmarino ng Foundation
Maritime University - Molo, Inc., sa pangalawang semestre ng taong panuruan 2010-2011.
Pinangkat ang mga mag-aaral batay sa paaralang sekondaryang pinanggalingan at kaalamang
pang-akademiko. Tinaya ang mga ito sa pamamagitan ng isang panukatan, ang kaalaman ng
mga mag-aaral. Ang pagsusulit na may 30 aytems na binuo ng mga mananaliksik ay ginamit
upang makakuha ng datos sa para sa nasabing pag-aaral. Ang katampatan at pamantayang
paglihis ang ginamit sa palarawang pagsusuri ng mga datos samantalang ang t-test at
Pearson’s r ay ginamit na imperensyal na estadistika. Ang mga natipong datos ay tinuos at
sinuri sa pamamagitan ng Statistical Package for Social Sciences (SPSS). Ang antas ng
kabuluhan ay itinakda sa .05 alpha na antas. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, katamtaman
lamang ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa balarilang Filipino at mababa naman ang
kanilang kaalaman sa panitikan. Napatunayan din sa pag-aaral na walang makabuluhang
pagkakaiba ang kaalaman ng mga mag-aaral sa balarila at sa panitikan nang sila ay pinangkat
batay sa paaralang sekondaryang pinanggalingan at kaalamang pang-akademiko. Natuklasan
din na walang pagkakaugnay ang kaalaman sa balarila ng mga mag-aaral sa kanilang
kaalaman sa panitikan. Mairerekomenda ng mga mananaliksik na huwag magbase sa balarila
lamang kapag ang mga mag-aaral ay nagsusulat ng panitikan. Mahalagang isaalang-alang din
ang mga elemento,istraktura at balangkas nito. Nais din ng mga mananaliksik na ipaalam sa
mga mag-aaral na ang pagsulat ay isang makrong kasanayan na nakatutulong upang
maibahagi ang nararamdaman at opinion ng isang indibidwal.

You might also like