You are on page 1of 38

2

KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE SCIENCES AND TECHNOLOGY

ANG INTERES SA PAGKATUTO AT LAWAK NG PAGPAPAHALAGA SA


ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKATLONG TAON SA
BATSILYER NG SEKONDARYANG EDUKASYON MEDYOR SA INGLES SA
KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE SCIENCES AND TECHNOLOGY

Isang Tesis na Iniharap sa


Guro ng Gradwadong Paaralang Dalubhasaan ng
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology
Municipalidad ng Kapalong

Bilang Bahagi sa Katuparan ng mga kinakailangan para sa


Kursong Introduksyon sa Pananaliksik

GABAY, HANNA MAE G.

PEBRERO 2021
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT i

Kabanata

1 INTRODUKSYON 1

Rasyunale 1

Layunin ng Pag-aaral 3

Haypotesis 4

Mga Kaugnay na Literatura 4

Batayang Teoritikal 18

Batayang Konseptwal 20

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 22

Kahalagahan ng Pag-aaral 22

Katuturan ng mga Terminolohiya 23

Kabanata

2 METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik 25

Lokal ng Pananaliksik 26

Populasyon at Sampol 28

Paglikom ng Datos 30

Statistikal Tritment ng Datos 31


Kabanata 1

INTRODUKSYON

Rasyunale

Sinasabing ang lawak ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino ay hindi ganoon katibay. Ang mga kabataan ay mayroong kakulangan sa

pagmamahal sa asignaturang lubos na nagpapakilala sa kanilang pagka-Pilipino at mas

pinipili pa nilang pahalagahan ang ibang mga asignatura. Ang pagpapahalaga sa

asignaturang Filipino ay isang isyung matagal nang hindi masulusyonan kahit ng mga

dalubhasa sa asignaturang ito. Kung ating papansinin lalong-lalo na sa henerasyon

ngayon mabibilang na lamang ang mga kabataang tunay na nagpapahalaga sa

asignaturang Filipino at ang iba ay hindi na ito binibigya ng sapat na importansya dahil na

rin sa kakulangan nila ng interes sa pagkatuto dito (Sanchez, 2015)

Samantala, ang interes sa pagkatuto sa sabjek na Filipino ay isa sa mga dahilan

kung paano pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang asignaturang ito. Ang interes sa

pagkatuto sa asignaturang Filipino ay nangangahulugang pagbibigay ng sapat na

pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika. Ito ay isa sa mga hakbang upang

matangkilik ang paggamit ng Wikang Pambansa lalong-lalo na nang mga kabataan

(Simborio, 2016).

Sa bansang Australia, sinasabing ang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino ng

mga Pilipinong kabataan na nag-aaral doon ay unti-unti nang nawawala sapagkat ang

kanilang interes ay nakatuon na lamang sa mga dayuhang wika. Batay sa pag-aaral na

ginawa sa isa sa mga paaralan sa Australia, napatunayan na ang pagkakaroon ng interes

sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay isang paraan upang pahalagahan ng mga

kabataang Pilipino ang asignaturang ito. Sa madaling salita, ang interes sa pagkatuto sa
2

asignaturang Filipino ay direktang nakaaapekto sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa

asigntaura (Constantino, 2015).

Sa Pilipinas, partikular na sa Ateneo de Davao University, napag-alaman na

kadalasan sa mga mag-aaral ay hindi pinapahalagahan ang asignaturang Filipino mas

pinipili pa nilang pahalagahan ang mga asignaturang gaya ng Ingles. Mas tinatangkilik nila

ang sabjek na ito kaysa sa asignaturang sumasalamin sa kanilang pagka-Pilipino.

Napatunayan batay sa pag-aaral na ginawa na ang interes sa pagkatuto sa asignaturang

Filipino ay may malaking koneksyon sa pagpapahalaga ng mga kabataan sa nasabing

asignatura (Royo, J. 2019).

Sa Kapalong, ayon sa isa sa mga guro ng Kapalong College of Agriculture

Sciences and Technology ipinaliwanag niya na ang pagkakaroon ng interes sa pagkatuto

sa asignaturang Filipino ay lubos na napakahalaga sapagkat ito ang daan upang

mabigyang halaga ang ating sariling wika. Sinabi niya na ang interes na ito ang pupukaw

sa damdamin nating mga Pilipino na hindi dapat tayo maging dayuhan sa sarili nating

wika. Dagdag pa niya, sa interes nagsisimula ang lahat lalong-lalo na ang pagpapahalaga

ng mga kabataang Pilipino sa sariling wika.

Batay sa pag-aaral, maging sa kasulukuyang pahanon ay marami sa mga mag-

aaral ang walang interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino kung kaya’t ang

pagpapahalaga at pagmamahal nila rito ay hindi gaano kalaki o katibay. Kung papansinin

nating mabuti, marami sa kabataan ang mas tinatangkilik ang dayuhang wika ito ay sa

kadahilanang nakatuon ang kanilang atensyon at interes sa mga wikang ito.

Ang mananaliksik ay hindi nakatagpo ng isang pag-aaral na nagtatatag ng interes

sa pagkatuto at lawak sa pagpapahalaga ng Wikang Filipino sa lokal na setting. Pinupuno

ng pag-aaral ang agwat sa pagitan ng mga baryabol na kasangkot. Sa kontekstong ito


3

interesado ang mananaliksik na matukoy kung ang interes sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ay may epekto sa lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang tuon ang kahalagahan ng

pagkakaroon Interes sa Pagkatuto at Lawak ng Pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino

ng mga mag-aaral sa Ikatong Taon sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa

Ingles sa Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology

Sa katiyakan, nilalayon ng mananaliksik na matugunan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Para malaman ang lebel o antas ng Interes sa Pagkatuto batay sa:

1.1 Pag-uugali

1.2 Motibasyon

2. Para malaman ang lebel o antas ng Lawak ng Pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino

batay sa:

2.1 Paggamit ng Wikang Filipino

2.2 Paggawa ng mga Kursong Pangangailangan

2.3 Kawilihan sa Asignatura

3. Nais ng mga mananaliksik na malaman kung may makabuluhang ugnayan ba ang

Interes sa Pagkatuto at Lawak ng Pagpapahalaga sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral.

Haypotesis

Ang sumusunod na haypotesis ay susubukan sa 0.05 antas ng kabuluhan:


4

1. Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng Interes sa Pagkatuto at Lawak ng

Pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Batsilyer

ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles sa Kapalong College of Agriculture

Sciences and Technology.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang mga teorya, konsepto at ideya na nauugnay sa pag-aaral na ito ay tinalakay sa

seksyong ito upang magbigay ng isang malakas na mga sanggunian tungkol sa mga

baryabol na ginamit sa pag-aaral

Interes sa Pagkatuto

Ang interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay nangangahulugang

pagkakaroon ng labis na kasiyahan sa paggawa, pagbabasa at pag-komply sa mga

gawaing nakapaloob sa asignaturang ito. Ayon sa pananaliksik sinasabing mas

napapadali ang pagkatuto ng isang mag-aaral kung siya ay may sapat na interes sa isang

asignatura o bagay. Ibig sabihin ang interes sa pagkatuto ay isang pamamaraan upang

lubos na mahalin ng mga mag-aaral ang asignaturang Filipino. Kung may sapat na interes

ang mga mag-aaral sa nilalaman ng nasabing aignatura ay lubos na mapauunlad ang

kanilang pagmamahal sa sariling wika. Mas nararapat na gawin ang bigayng pansin ng

bawat mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malaking interes sa pagkatuto sa

asignaturang Filipino sapagkat ito ang sumasalamin sa ating lahi. (Robles, 2016).

Sa katunayan, mas napapadali ang pagmamahal ng isang mag-aaral sa

asignaturang Filipino kung ang kanyang interes at atensyon ay nakatuon dito na kung

saan mas binibigyan nila ng higit at sapat na panahon ang paggawa ng mga gawain at

aktibiti gaya ng pagbibigay nila ng sapat na oras sa ibang sabjek. Sinasabing ang interes

ng isang estudyante sa asignaturang ito ay lubos na mababa dahil para sa kanila ay isa
5

itong nakakaantok at nakakabagot na asignatura. Marahil marami sa mga mag-aaral ang

nagkakaroon lamang ng interes sa mga asignaturang mas high class kung tawagin gaya

ng asignaturang Ingles at iba pa. Ang interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

ay lubos na nakakaapekto sa kanilang pagmamahal sa Wikang Filipino sapagkat ang

pagkakaroon lamang ng interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ang natatanging

paraan upang mabigyang halaga an gating sariling wika. (Nolaso, 2015).

Samantala, ang interes ng isang mag-aaral sa asignaturang Filipino ay lubos na

nakaaapekto sa kanyang marka lalong lalo kung hindi ganoon kataas ang kanyang

interes ay maaring maiasawalang bahala na lamang niya ito . Ibig sabihin, mas binibigyan

niya ng prayoridad ang ibang asignatura kaysa sa Filipino. Batay sa pananaliksik, marami

sa mga mag-aaral ang may kakulanagan ng interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino

sa kadahilanang ang panahon ay patuloy sa pagiging modern. Sa madaling sabi

naaapektuhan nito ang interes ng mga mag-aaral kung kaya’t mas malaki na ang kanilang

pagmamahal sa wikang dayuhan gaya ng Korean Language (Gonzalez, 2017).

Dagdag pa, ang globalisasyon ang isa mga dahilan kung bakit ang interes ng mga

mag-aaral sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay naibabaling sa mga bagay na wala

naming koneksyon sa kanilang pagiging Filipino. Marami sa mga kabataan ngayon ang

mas tinatangkilik ang mga asignaturang Ingles dahil sa tingin nila ang asignaturang ito ay

lubos na mahalaga sa asignaturang Filipino na kung iisiping mabuti, ang asignaturang

Filipino ang dapat mas bigyan nila ng atensyon at pagtuonan ng kanilang atensyon

(Lawrence, 2018)

Sa madaling salita, ang interes ng isang bata o mag-aaral ay may malaking epekto

sa kanyang pagpapahalaga sa wika sapagkat kung mayroon siyang sapat na interes na

matuto sa asignaturang ito ay lubos na mas magkakaroon pa siya ng maraming kaalaman


6

tungkol sa kasaysayn ng Wikang Filipino. Ibig sabihin mas makikita niya ang

kahagalagahan at importansya ng ating sariling wika kung ganoon na lamang siya ka

interesadong matuto sa asignaturang Filipino. (Christopher, S, 2015).

Pag-uugali. Ang pag-uugali ay isang sikolohikal na konstruksyon, ito ay isang

entity ng kaisipan at emosyon. Ang pag-uugali ng isang mag-aaral ay lubos na

nakakaapekto sa kanyang interes sa pagkatuto ng asignaturang Filipino sapagkat ang

kanyang pag-uugali ang pagiging batayan sa mga kilos na kanyang gagawin upang

mabigyang halaga ang asignaturang ito. Halimbawa, ang ugali ng isang mag-aaral ay

masipag pagdating sa mga gawaing pampagkatuto ibig sabihin nito na ang kanyang kilos

na pagiging masipag ay may kaugnayan sa kanyang interes sa pagkatuto. Sa mdaling

sabi, ang pag-uugali ang siyang daan upang makita sa isang mag-aaral ang kanyang

interes sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ang pag-uugali niya sa pag-aaral o

pagkatuto sa nasabing asignatura ay makikita sa kung paano niya binibigyan ito ng sapat

na oras maging sa paggawa ng mga gawaing kaugnay sa asignatura. (Aldave, Y. 2016).

Gayundin, ang pag-uugali ng mag-aaral ay direktang nakakaapekto sa

pagkakaroon niya ng interes sa pamamaraang ito ay lubos siyang matututo sa

asignaurang Filipino. Ang pag-uugali ng mag-aaral sa pagkatuto sa asignaturang Filipino

ay sumasalamin sa kung paano siya gumawa ng paraan upang mapagtagumpayan ang

mga bagay na kinakailanagn sa sabjek na ito. Nakikita ang pag-uugali ng mag-aaral sa

pamismong mga bagay na kanyang ginagawa maging sa simpleng pagbibigay niya ng

oras sa pagbabasa ng aklat na may kaugnayan sa Filipino. Dito natatanaw kung siya ba

ay isang kabataang may matayog na pagmamahal sa kanyang sariling wika (Headlan, T.,

2017).
7

Samantala, Ang isang pag-uugali ay maaaring isang positibo o negatibong

pagsusuri sa mga tao, bagay, pangyayari, aktibidad, at ideya. Maaaring ito ay kongkreto,

mahirap unawain o anupaman sa iyong kapaligiran, ngunit kung ang isang mag-aaral na

mayroong pag-uugali na mnagsusumikap upang malaman ang mga bagay na

nagpapaunlad sa kanyang pagka-Pilipino ibig sabihin ganoon na lamang katas ang

kanayang interes upang matuto tungkol sa mga nailalaman sa asignaturang Filipino. Ang

pag-uugaling gaya nito ay isang mabuting at positibong ugali sapagkat hindi niya lamang

napaunlad ang kanyang kakayahang umunawa ng mga impormasyong nakasulat sa aklat

kundi nahubog niya rin ang kanyang pagiging Pilipino. (Brown,et al., 2018).

Sa kabilang banda, ang pag-uugali ng isang mag-aaral ay may direktang

kaugnayan sa kanyang interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino. Madaling makita sa

isang mag-aaral ang pagiging interesado niya sa asignautrang ito kung lubos na biibigyan

niya ito ng sapat na oras gaya na lamang ng pagsaggot sa kanyang modyul na seryoso t

may kasamang sinsiridad sa kanyang puso at isipan. Kung ang pag-uugali niya ay

nagpapakita ng positibo kaugnay sa asignaturang Filipino ibig sabihin ganoon na lamang

ang kanyang interes upang matuto rito (Potet, J., 2016)

Samakatuwid, ang pag-uugali ng isang mag-aaral tungo sa pagkakaroon ng interes

sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay nagsisilbing gabay upang maging ganap niyang

maunawaan konteksto at nilalaman ng asignatura. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon

siya ng sapat na pag-unawa lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Sa pamamagitan ng

pagkakaroon niya ng interesadong pag-uugali sa pagkatuto sa asignturang Pilipino

magiging makabuluhan ang bawat oras at panahaon na kanyang inilalaan sa pagkatuto

nito sapagkat lubos niyang mauuunawaan sa kanyang sarili kung ano ang ka importante

para sa kanya bilang kabataang Pilipino ang ating sariling wika. Mapapansin natin na

kadalasan, ang mga kabataan ay isinisintabi na lamang kahalagahan ng pagkakaroon ng


8

positibong pag-uugali tungo sa pagkatuto ng asignatrung Filipino. Ang hindi nila alam ay

ito ang daan upang mas mahubog ang kanilang sarili bilang mga Pilipino (Zorc, R.,

2015).

Motibasyon. Ang motibasyon o inspirasyon ay isang pagbuong hipotesis na

ginamit upang linawin ang kilos. Nagbibigay ito ng paliwanag sa likod ng mga aktibidad,

kagustuhan, at pangangailangan ng mga indibidwal. Ipakilala ang pagganyak kaugnay sa

pagkakaroon ng interes sa pagkatuto ng asignaturang Filipino sa pamamaraang pagiging

positibo sa paggawa ng mga bagay na nakakapagpaunlad ng kanyang motibasyon sa

nasabing asignbatura. Ang motibasyon ng mag-aaral tungo sa pagkakaroon ng interes sa

Filipino ay lubos na napakahalaga sapagkat kung wala ito hinding hindi magagawa o

mapagtagumpayan ng isang mag-aaral na makkuha ng malaking marka sa asignaturang

ito. Kung kaya’t ang moyibasyon ang siyang nag tutlak sa mga mag-aaral upang lubos na

bigyang interes ang asignaturang Filipino. Nagsisilbi itong driving force ng mga mag-aaral

na pahalagahan ang asignaturang Filipino at ito rin ang magiging daan upang lubos na

mabigyang linaw niya sa kanyang isipan ang kahalagahan ng wikang sa ati’y nagbubuklod

bilang mga mamamayang Pilipino (Frank, 2015)

Gayundin, ang pagganyak o motibasyon ay maaaring mailalarawan bilang

pagdadala ng isang tao sa pag-uugali o kung ano ang kailangan ng isang tao na ibalik ang

isang pag-uugali at iba pang paraan. Ibig sabihin ang motibasyon ang maaari ring

mabigyang kahulugan sa kung paano dinadala ng isang mag-aaral ang kanyang sarili at

pag-iisip tungo sa pagbibigay interes sa asignaturang Filipino. Ang motibasyon ng mag-

aaral ay konektado sa kanyang hangarin sa buhay. Halimbawa, kung hinahangad ng

isang mag-aaral na sya ay makakuha ng mataas na marka sa asignaturang Filipino ibig

sabihin magkakaroon siya ng motibasyon na mas bigyan pa ng atensyon at interes ang

pagkatuto sa asignaturang Filipino. Kapag nagkaroon na siya ng sapat na interes dito ay


9

maaaring ang kanyang hinahangad na marka ay kanyang mapagtagumpayan Susan, A.

(2018).

Samakatuwid, ang motibasyon ay isang kadahilanan sa pagmamaneho para sa

mga aksyon, pagpayag, at mga layunin na ninanais ng mag-araal. Ang pagganyak ng

isang mag-aaral ay maaaring inspirasyon ng mga puwersang panlabas (motibasyong

extrinsic) o ng kanilang mga sarili (motibasyong intrinsik) gaya na lamang ng mga

kaibigan na nagdudulot ng negatibo o di kaya’y positibong motibasyon sa isang mag-

aaral. Ang pagkakaiba sa pagitan ng panloob na pagganyak at extrinsic na pagganyak ay

nakasalalay sa mga aksyon sa likod nito. Ang Intrinsic na pagganyak ay may kinalaman

sa pagkakaroon ng panloob na pagnanais na gampanan ang isang gawain at ang

pagganyak ng extrinsic ay may kinalaman sa paggawa ng isang gawain upang

makatanggap ng ilang uri ng gantimpala. Ibig sabihin ang motibasyon sa pagktuto sa

asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ay maaaring dulot ng motibasyong intrinsic o di

kaya’y extrinsik (Mathieu (2016).

Dagdag pa, ang ayon sa teorya ng orientation ng layunin, mayroong dalawang uri

ng mga layunin na humihimok ng pagganyak o motibasyon ng mag-aaral na matuto sa

asignaturang Filipino. Ang mga layunin sa masteral na pagtuon ay nakatuon sa pag-aaral

ng bagong materyal at kasanayan, habang ang mga layunin sa pagganap ay nakatuon sa

pagkamit ng mga nasasalat na kinalabasan tulad ng mga marka o parangal. Ang

motibasyong ito ang nagtutulak sa mga mag-aaral na magpursige at maging aktibo

pagdating sa kanilang pag-aaral sa asignaturang Filipino maging samg aktibiting

ipinapagawa ng mga guro (Perencevich KC 2015).

Kaugnay nito, natuklasan ng pananaliksik na kapag nagtakda ang mga mag-aaral

ng mga layunin sa pagwawalang-kilos, taliwas sa mga layunin sa pagganap, mayroon


10

silang mas mahusay na mga kinalabasan sa pag-aaral sa asignurang Filipino at mas

malamang na magkaroon ng pagsasaayos sa kanilang mga kaalaman at kasanayan sa

pag-aaral at positibong pag-uugali sa nasabing asignatura. Dahil ang mga mag-aaral ay

naaakit upang ihambing ang kanilang sarili sa iba at mag-focus sa pag-iwas sa kabiguan

tulad ng paghangad ng tagumpay. Ang pag-iisip na ito ay nakakaapekto sa kanilang

interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino (Roy A. 2019). 

Lawak sa Pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino. Ang pagpaunawa sa

kahalagahan at gamit ng wika ay nakasandig sa balikat ng mga guro mula sa elementarya

hanggang tersarya. Subalit, nakalulungkot isipin na sa kasalukuyan ay iilan lamang ang

mga estudyante na may marubdob na pagpapahalaga sa asignaturang Filipino.

Kadalasan marinig mula sa umpukan ng mga estudyante na kapag “Filipino” salitang-ugat

agad ang mamumutawi sa kanilang bibig. Hindi lamang kabataan ang nagpakita ng

negatibong impresyon sa asignatirang ito maging ang iilang mga propesyunal din. Kapag

ganito ang sitwasyon mahihinuha na maaapektuhan din ang kanilang pagpapahalaga sa

asignatura pati na ang kanilang interes dito (Rubino, G. 2018). 

Batay sa pag-aaral na ginawa ni Calisang sa kanyang tesis kaugnay sa “Lawak ng

Paggamit ng mga Estudyante sa Wikang Filipino”, napatunayan niya na kalimitang ginamit

lamang ang wikang Filipino sa silid-aralan kung saan Filipino ang itinuturo at kung

nakapagsalita man nahihirapan pa rin sa paglalahad ng mga kahulugan sa mga mahihirap

na termino at ito ay dahil ang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral

ay hindi mataas. Sa sitwasyonng pagpapahalaga sa nasabing asignatura makikita ang

pagmamahal ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino na siyang sumasalamin sa ating lahit

at kulturang mayroon tayo (Calisang, 2015)


11

Gayundin, ang lawak sa pagpapahalaga sa asignaturang Filipino ay hindi ganoon

ka importante sa maraming mga kabataan kung kaya’t mas binibigyan nila ng sapat na

oras ang ibang sabjek. Ang pagpapahalaga sa asignaturang ito ay sumasalamin sa kung

paano pinapahalagahan ng mga kabataan o mag-aaral ang Wikang Filipino. Kung ang

isang mag-aaral ay binibigyang prayoridad ang asignturang Filipino gaya ng

pagpapahalaga niya s amga ibang asignatura ibig sabihin siya ay may marubdob na

pagmamaha sa ating Wikang pambansa sapgkat hindi niya isinasantabi ang kahalagahan

ng Filipino bagkus mas nagbibigay pa siya ng higit na pagsisikap upang makapasa sa

nasabing asignatura (Andrew, G. 2016), 

Dagdag pa, ang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino ay nangangahulugang

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa sariling wika. Malinaw na nakasaad at itinadhana ng

Saligang Batas ng Pilipinas taong 1987, sa Artikulo XIV, Sek. 6-9 na ang Wikang

Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Alinsunod sa 1987 ng Saligang Batas, ipinalabas ng

Kalihim Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang

Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo sa

alinmang antas ng pagtuturo mapapribado man o pampublikong paaralan kaalinsabay ng

Wikang Ingles. Ang tanging layunin ng batas na ito ay mapalaganap ang Wikang Filipino

bilang wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng wikang Filipino bilang

linggwistikong sagisag ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na

intelektwalisasyon ng Wikang Filipino (Badayos, et al., 2018)

Samakatuwid, ang asignaturang Filipino ay nararapat na pahalagahan lalong-lalo

na nang mga kabataang Pilipino. Dapat na isipin ng mabuti ng mga mag-aaral ang

kabuluhan nito sa ating lahi at kultura maging sa wikang ating sinasalita. Ang

pagpapahalaga rito ay hindi madali lalo na sa pagbabagong nagaganap sa buong mundo

sa kasalukuyan subalit bilang mga Pilipino kinakailangang ang pagmamahal sa ating


12

sariling wika ay manatili sa ating puso. Ito lamang ang natatanging paraan upang hindi

tuluyang mawala ang wikang Filipino. Sa kasalukuyan, nakatawag pansin sa mananaliksik

ang bagong kautusang ipinalabas ng CHED na CMO No. 20, seriesof 2013 kaugnay sa

pagtanggal ng siyam (9) na yunit ng asignaturang Filipino sa General Education

Curriculum (GEC). Bunsod nito, mapapansing unti-unting nawawala na ang pagmamahal

at pagpapahalaga sa wika lalong-lalo na sa mga tagapagtaguyod nito. Ito ang

nagpapatunay na ang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino (Anakbayan, 2016)

Paggamit ng Wikang Filipino. Ang paggamit ng Wikang Filipino ay isa sa mga paraan

sa pagpapahalaga sa asignaturang Filipino sapagkat dahil ito’y nagpapatunay lamang na

tinatangkilik at ginagamit ang wikang sa ati’y nagbubuklod bilang mamamayan ng

bansang Pilipinas. Marami sa mga kabataan ngayon na mas tinuturuan pa ng Wikang

Ingles ng kanilang mga magulang kaysa Wikang Filipino dahil naniniwala silang ang

pagsasalita sa Wikang Ingles ay nagpapakita ng pagiging matalino ng kanilang mga anak.

Ang mga pangyayaring ito ay isa lamang sa mga umiiral na isyu sa kasulukuyan kung

saan ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika ay nawawala na

at unti-unti nang minamahal ng mga Pilipino ang wikang dayuhan. Hindi na bago ang mga

usaping gaya nito sa henerasyon ngayon subalit ang mga mag-aaral ay nararapat na

makita ang halaga ng paggamit ng sariling wika (Romero, K. 2016).

Bilang karagdagan, malinaw na nakasaad at itinadhana ng Saligang Batas ng

Pilipinas taong 1987, sa Artikulo XIV, Sek. 6-9 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Alinsunod sa 1987 ng Saligang Batas, ipinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing

ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-

uutos sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang antas ng

pagtuturo mapapribado man o pampublikong paaralan kaalinsabay ng Wikang Ingles. Ang

tanging layunin ng batas na ito ay mapalaganap ang Wikang Filipino bilang wika ng
13

literasi; paglinang at pagpapayabong ng Wikang Filipino bilang linggwistikong sagisag ng

pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang

Filipino (Badayos, et. al., 2018).

Bukod dito, ang pagsasaayos ng sarili ay tumutukoy sa kung gaano sapat na

pagkontrol ng indibidwal at pag-iisipan ang oras at ang nakapaloob na kundisyon upang

mabisang matupad ang mga layunin sa pag-aaral, katotohanan na nang ang mga tao ay

hiniling na lumahok sa mga takdang-aralin kabilang ang pagsasaayos ng sarili, ang

kanilang kakayahan na pamahalaan ang sarili sa kasunod na ang mga pagsasanay sa

kabuuan ay tinanggihan. Gayundin, sa mas mahahabang takdang-aralin na humihiling ng

direksyong sarili, natagpuan na mabulok pagkatapos ng ilang oras. Sa gayon, ang

pagkaubos na ito ng limitasyong pang-pamamahala ng sarili ay naitala para sa isang iba't

ibang mga gawain sa mga pisikal, iskolar, at masigasig na lugar. Ang iba pang

pananaliksik ay iminungkahi na ang asset na ito muli, katulad ng isang kalamnan ay

maaaring mapalakas ng mga tiyak na uri ng pagsasanay (Murray, K. Y. 2015).

Sa madaling salita, ang paggamit ng Wikang Filipino ay isang isang sangkap upang

mabigyang halaga ang asignaturang Filipino. Sa pamamagitan paggamit o pagsasalita ng

Wikang Filipino ay mas nabibigyang kaubuluhan kung bakit mayroong asignaturang

Filipino at kung bakit nararapat na pag-aralan ito ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng

Wikang Filipino ay mabisang paraan sa pagpapatibay sa asignaturang Filipino sapagkat

nagiging daan ito upang makita ng mga ibang kabataan na ang asignaturang Filipino ay

kaugnay sa ating pagkatao at lahi (Zafra, G.S. 2016)

Dagdag pa, ang paggamit ng Wikang Filipino ay isang mahirap na gawain para sa

iilan lalong-lalo na yaong mga mag-aaral na walang sapat na kaalaman sa patungkol sa

wika sapagkat sa kanilang pag-aaral ay hindi nila binibigyan ng sapat na halaga ang
14

asignaturang Filipino na sa kanila sana’y magbibigay ng malinaw na perspektibo sa kung

anong kayamanan mayroon tayo at iyon ay an gating sarling wika. Ang paggamit n gating

sariling wika ay hindi na masyadong naiisakatuparan sa kasalukuyan sa kadahilanang

marami ng mga dayuhang wika ang pumasok sa atong bansa gaya ng mga Korean at

Japanesse Language na siyang mas binbigyan pa nang oras ng mga kabataan upang

sila’y matuto sa ganitong uri ng pagsasalita (Tolentino, M. 2015)

Paggawa ng mga Kinakailangan sa Kurso. Ang paglalaan ng oras sa paggawa

ng mga gawain sa asignaturang Filipino ay isa sa mga simpleng paraan ng

pagpapahalaga sa asignatura. Maaaring marami ngang mga gawain o aktibiting ginagawa

ang mga mag-aaral lalo na sa kasalukuyan na kung saan ay nagbago na ang

pamamaraan sa pagkatuto subalit sa simpleng pag-komply lamang ng mag-aaral sa

hinihinging gawain ng asignaturang Filipino ay makikita na ang malaking pagmamahal

dito. May mga pagkakataong ang mga aktibiti na nakapaloob sa asignaturang Filipino ay

mahirap gawin lalo na kung ito patungkol sa pagsasadula subalit dito na nasusukat ang

kakayahan ng mag-aaral na bigyang halaga ang asignatura sa pamamagitan ng

pagsasadula sa malikhaing paraan o di kaya’y sa pamamaraang naiiba sa lahat. Ang

aksyong ito ng mag-aaral sa asignatura ay nagpapakita ng pagmamahal at

pagpapahalaga nasabing asignatura gayundin sa kanyang sariling wika (Maranan et al.

2016).

Karagdagan, ang mga gawain at aktibiti sa asignaturang Filipino ay konektado

lamang sa mga panitikang mayroon tayo ibig sabihin malaki ang porsyento na sa pag-

komply ng mga mag-aaral sa mga kinakailangan sa kurso ay magkakaroon sila ng

panibagong kaalaman na pagbibigay sa kanila ng lubos na pagpapahalaga sa Wikang

Filipino. Ang pagpapahalagang ito ay bunga ng pagpapahalagang ginawa nila sa

asignatura kung saan kahit na sa tingin nila na ang mga aktibiti ay mahirap subalit
15

nagsusumikap parin silang mapagtagumpayan ang mga ito ng buong husay (Dayag A.M.

at Rosario MG. 2017).

Sa kabilang banda, may mga mag-aaral na ginagawa lamang ang mga aktibiti para

makapasa at hindi na nila isinasaalang-alang ang maaaring kaaalaman na dulot nito sa

kanila. Ang mga mag-aaral na may ganitong pag-ugali ay nagpapakita lamang na sila ay

walang sapat na pagmamahal at pagpapahalaga sa asignatura pati na rin sa Wikang

Filipino. Ang mga kinakailangan sa kurso ay nararapat lamang na gawin ng mga mag-

aaral ngunit hindi lamang upang magkaroon sila ng malaking marka subalit nararapat na

pagtuonan din nila ng pansin kung ano ang makukuha nila sa asignaturang Filipino. Sa

panahon na makita nila ang kahalagahan nito tiyak na magkakaroon sila ng panibagong

perspektibo na hindi dapat maliitin ang nasabing asignatura sapagkat sa asignaturang ito

tayo nakilala (Giron, 2015)

. Samakatuwid, ang paggawa ng mga hinihingi sa asignaturang Filipino ay may

makabuluhang epekto sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang lahi o pagka-

Pilipino. Nasasalamin dito na ang pagpapahalaga nila sa kanilang sarling lahi sapagkat

ang mga nilalaman ng asignaturang ito ay tumatalakay sa mga kaugalian, pananaw at

tradisyon nating mga Pilipino. Ibig sabihin ang isa sa mga hakbang sa pagbibigay ng

pagpapahalaga sa asignaturang Filipino ay ang paggawa sa mga hinhiniging

pangangailangan ng asignatura (Maigue, et.al. 2015).

Dagdag pa, ang paggawa sa mga kinakailangan sa asignaturang Filipino ay isa sa

mga dapat pahalagahan ng mga mag-aarl sapagkat hindi lang sila nakakuha ng marka

mula rito bagkus ay makakakuha pa sila ng kaalaman na magagamit nila bilang isang

Pilipino. Ang mga kinakailangan sa asignaturang ito na dapat magawa ng mga mag-aaral

ang magsisilbing gabay upang malaman ng mga mag-aaral ang lubos na nilalaman ng
16

asignatura kasali na ang mga bagay na dapat pahalagahan dito. Kung kaya’t mayroong

mga requirements ang isang asignatura dahil sa pamamaraang ito lubos na maunawaan

ng mga mag-aaral ang kaalamang hatid ng asignatura gaya na lamang ng asignaturang

Filipino (Francisco, 2015).

Gayundin, ang mga pangangailangan na ito sa asignaturang Filipino ay

sumasalamin sa kakayahan ng mga mag-aaral umanawa sa mga teksto, mga aktibiti o

gawain o maging sa mga impormasyong nakapaloob sa modyul o aklat na ibinigay ng

guro. Nasa mag-aaral na ang desisyon kung babasahin niya ba ito at uunawain ng mabuti

o hindi. May mga mag-aaral naman na upang lubos nilang mapahalagahan ang isang

asignatura ay uunawain nila itong mabuti at paulit-ulit nilang babasahin ang impormasyon.

Ibig sabihin, kung ang mag-aaral ay may kakayahang umunawa sa mga ibinigay na

pangangailanagan ng asignaturang Filipino ay tiyak na mapapahalagahan niya ang

asignatura at maiisip niya sa kanyang srili kung bakit ibinigay ng guro ang gawaing iyon.

Sa huli ay mahihinuha niya na ang mga kinakailanagan sa asignaturang Filipino ay

tumutulong sa kanyang mabigyan ng importansya at kahalagahan ang nasabing

asignatura (Ponce, L., 2018)

Kawilihan sa Asignatura. Ang kawilihan sa asignaturang Filipino ay mahalaga

sapagkat kung ang isang mag-aaral ay walang sapat na kawilihan sa asigntura ay

maaaring hindi niya ito maipasa o di kaya’y ang kanyang marka ay bababa. Gayundin,

hindi makikita ang pagpapahalaga niya sa asignatura kung ang kanyang interes dito ay

mababa lamang. Ibig sabihin, napakahalagang isaalang-alang ng mga mag-aaral ang

kanilang kawilihan sa asignaturang Filipino dahil ito ang magsisilbing daan upang

magkaroon sila ng magandang pagtingin sa asignatura at nang sa ganoon ay hindi nila

maisip ang mga balakid sa pagpapahalaga nito (Anatacio H.C. 2016).


17

Sa katunayan, ang kagandahan ng asignaturang Filipino ay hindi madaling

madiskubre ng mga mag-aaral sapagkat nasa kanilang isipan na ang asignaturang ito ay

napakasimple lang, nakakabagot at nakakaantok. Ang mga kaisipang ito ang nagiging

dahilan kung bakit ang interes ng mga mag-aaral sa Filipino ay nawawala kung kaya’t mas

pinipili nalang nilang pahalagahan ang ibang asignatura na sa tingin nila ay mahalaga.

Subalit hindi nila alam na ang asignaturang Filipino ay mas mahalaga pa sa kahit na

anong asignatura sapagkat dito lamang natin matututunan ang ating pinanggalingan, mga

kaugalian at ang ating kakayahan bilang mga Pilipino (Valaro, 2018).

Dagdag pa, ang kawilihan sa asignaturang ito ay may malaking kaugnayan sa

pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura. Mapapansin natin na ang

isang mag-aaral na may mataas na kawilihan sa isang asignatura ay ganoon na lamang

ang kanyang pagsusumikap na paglaanan ito ng sapat na panahon upang siya ay

magkaroon ng magandang marka. Ibig sabihin kung ang kawilihan ng mag-aaral sa

asignaturang Filipino ay mataas may posibilidad na bibigyan niya ng sapat na oras upang

intindihin at unawain ang mga gawain o di kaya’y akda na binigay ng guro at sa ganoong

paraan ay natutuklasan niya kung ano saan patungkol ang isang paksa kung gayon ay

napapahlagahan niya ito ng buong puso (David, et al., 2016)  

Samakatuwid, ang pagkakaroon ng mataas na kawilihan sa asignaturang Filipino

ay may direktang epekto sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa asignatura. Ang dalawang

ito ay konektado sa isa’t isa sapagkat ang kawilihang ito ng mag-aaral sa asignatura ang

magsisilbing magbibigay sa kanya ng kasiyahan sa pagkatuto at kapag siya ay masaya sa

kanyang ginagawa ay natitiyak na bibigyan niya ng kahalagahan ang asignaturang Filipino

(Miller, B. W. 2015).
18

Gayundin, ang pagiging masayahin o pagiging determinado ay nangangahulugang

ang isang mag-aaral ay may kawilhan sa pagkatuto ibig sabihin ganoon na lamang ang

kanyang kasiyahan na matuto ng panibagong kaalaman sa asignaturang Filipino at ito ay

magbibigay sa kanya ng sapat pagpapahalaga sa bawat oras at panahong iginugugol niya

sa asignaturang Filipino. Sa kanyang kawilhan nagsisimula ang pagkakaroon niya ng labis

na pagmamahal sa asignaturang maging sa Wikang Filipino (Suaco, C., 2017).

Batayang Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa pag-aaral na teoryang Connectionism ni

Edward Lee Thorndike (1910) na kinapapalooban ng dalawang magkaugnay na elemento

sa pagkatuto, ang pampasigla (stimulus) at ang tugon (response). Ibig sabihin kung ang

isang mag-aaral ay mayroong interes sa pagkatuto ng Wikang Filipino nangangahulugan

lamang ito na ang kanyang magiging tugon sa pagkatutong ito ay ang pagpapahalaga

niya sa nasabing asignatura. Ang pagkakaugnay ng dalawa ay direkta sapagkat ang

interes ng pag-aaral sa pagkatuto ang magtutulak sa kanya na gawin ang mga gawain o

ang mga aktibiti na nakapaloob sa asignturang Filipino. Sa madaling sabi, ang magiging

resulta nito ay ang pagpapahalaga ng mag-aaral sa asignatura sapagkat ang kanyang

interes sa pagkatuto rito ay mataas.

Ang teoryang Connectionism ay mas lalong magiging epektibo at mas matatag sa

pamamagitan ng tatlong alituntunin sa pagkatuto na iminungkahi ni Thorndike. Ang mga

ito ay:

1. Tuntuning Kalalabasan (Law of Effect). Mapapalakas ang koneksyon kung ang

kalalabasan ay positibo. Sa madaling sabi, kung ang interes sa pagkatuto ng mag-

aaral ay nahubog ng maayos magbubunga ito ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino at ang bungang ito ay maituturing na positibo. Sa kabilang


19

banda, kung ang interes ng mag-aaral sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay

kulang ibig sabihin magbubunga ito ng kawalan ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral

sa asignatura at ang resultang ito ay maituturing na negatibo.

2. Tuntuning Pagsasanay (Law of Exercise). Maging perpekto ang isang gawain kung

may pagsasanay. Ibig sabihin, kung palagiang masanay o mahasa ng mag-aaral ang

kanyang interes sa pagkatuto sa asignaturang Filipino gaya ng pagbabasa ng mga

akdang pampanitikan, pagsulat ng mga maikling kwento at tula maaaring ang

pagpapahalaga niya sa asignatura ay ganap na mabubuo.

3. Tuntuning Kahandaan (Law of Readiness). Nais ipahiwatig ng tuntuning ito ang tamang

pagkondesyon ng utak. Sa madaling sabi, kung ang isang mag-aaral ay palaging handa

sa bagong kaalaman o pagkatuto sa asignaturang Filipino mas magkakaroon siya ng

pagmamahal sa asignatura gayundin sa Wikang Filipino dahil lagi siyang handing

matuto lalong-lalo na tungkol sa ating sariling wika.

Ang pag-aaral ding ito ay nakabatay sa ikalawang teorya na Operant Conditioning

ni Skinner (1937) ito ay naglarawan na ang pagkatuto ay resulta ng pagbabago ng ugali

ng tao. Ibig sabihin, kung ang mag-aaral ay may pag-uugaling interesado sa ano mang

oras na matuto sa asignaturang Filipino magkakaroon ito ng magandang kinalalabasan.

Ang kinalalabasang ito ay ganap niyang mabibigyan niyang kahalagahan ang asignatura

at lubos niyang makikita ang importansya nito sa kanya bilang isang mag-aaral. Subalit

kung ang pag-uugali na ito ng mag-aaral ay nagbago at kung ang kanyang pagiging

interesado sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ay nawala tiyak na magbubunga ito ng

hindi maganda. Ibig sabihin, hindi niya makikita ang kahalgahan ng nasabing asignatura

sa kanyang sarili bilang mag-aaral at bilang isang Pilipino.

Batay sa teorya ni teorya ni Bandura (1986) tungkol sa “Self-efficacy theory” na

kung saan kanyang isinaad na ang sariling kakayahan at sariling pagkatuto ay nabuo sa
20

loob ng balangkas ng isang lipunan. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag lamang na ang

interes sa pagkatuto ng mag-aaral ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga taong nasa

kanyang paligid. Halimbawa ang mga kaibigan niya na nagsasabing ang asignaturang

Filipino ay hindi mahalaga at tanging nakakaantok lamang ibig sabihin ang kanyang

interes sa pagkatuto sa asignatura ay mawawala at direktang maapektuhan nito ang

pagpapahalaga niya sa asignaturang nabanggit.

Batayang Konseptwal

Ipinapakita ng Tambilang 1 sa susunod na pahina ang balangkas konseptwal ng

pag-aaral. Ipinapakita nito ang ugnayan sa pagitan ng interes sa pagkatuto at lawak ng

pagpapahalaga sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ikatlong taon sa Batsilyer ng

Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles sa Kapalong College of Agriculture Sciences

and Technology

Ang malayang baryabol ng pag-aaral ay ang interes sa pagkatuto ay

nangangahulugang pagkakaroon ng mahigit na positibong pananaw sa pagkatuto sa

Wikang Filipino; ito ay may dalawang indekeytors ayon kina (Ariaso, R. N., 2020). Ito ang

pag-uugali o ang ipiapakitang asal ng mag-aaral at ang motibasyon o ang pagkakaron ng

determinasyon sa pagkatuto.

Ang di-malayang baryabol ng pag-aaral ay ang lawak ng pagpapahalaga sa

asignaturang Filipino o ang pagbibigay importansya sa nasabing asignatura na at ito ay

may tatlong indekeytors ayon kina (Sullera, B. 2015). Ito ay ang paggamit ng Wikang

Filipino o kakayahang makipagtalastasan gamit ang Filipino, paggawa ng mga kursong

pangangailangan o paggawa ng mga hinihinging gawain sa kurso at ang kawilihin sa

asignatura o kasiyahan sa asignatura.


21

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

Interes sa Pagkatuto Lawak ng Pagpapahalaga sa


Wikang Filipino
 Pag-uugali  Paggamit ng Wikang Filipino
 Motibasyon  Paggawa ng mga Kursong
pangangailanagn
 Kawilihan sa Asignatura

Tambilang 1. Balangkas ng Konseptwal ng Pag-aaral


22

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang Ang Interes sa Pagkatuto at Lawak ng

Pagpapahalaga sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Batsilyer ng

Edukasyon Medyor sa Ingles sa Kapalong College of Agriculture Sciences and

Technology. Ang mananaliksik ay kumuha ng na mga respondenteng galing sa Ikatlong

Taon sa Batsilyer ng Edukasyon Medyor sa Ingles upang sumagot sa talatanungang

ibibigay ng mananaliksik at maging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang ang resulta ng pananaliksik na ito ay napakaimportante lalong-lalo na sa mga

mag-aaral sapagkat ito’y makakatulong sa kanila upang sila ay magkaroon ng kamalayan

tungkol sa pagakakaroon ng interes sa pagkatuto at lawak ng pagpapahalaga sa Wikang

Filipino. Ang resulta ng pananaliksik ay magagamit bilang isang mahalaga at mabisang

impormasyon para sa mga mag-aaral upang magkaroon sila ng bagong perspektibo na

may makabuluhang antas ng pagkakaugnay ang interes sa pagkatuto at lawak ng

pagpapahalaga sa Wikang Filipino (Fritwch, 2018).

Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong partikular na sa

Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd), ang

pag-aaral na ito ay maaaring maging batayan sa paggawa ng mga bagong estratehiya,

pamamaraan at programa upang matulungan ang mga mag-aaral kung paano paunlarin

ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng interes sa pagkatuto sa asignaturang ito. Dagdag pa rito, ang pag-aaral

na ito ay magbibigay ng bagong kaalaman at impormasyon sa mga susunod na

henerasyon ng mga mananaliksik at magiging batayan ng mga mas malalaking pag-aaral

sa hinaharap.
23

Gayundin, ang pag-aaral na gagawin ay makatutulong sa mga Guro na tutulong sa

mga mag-aaral upang mas maging aktibo at magkaroon lawak ng pagpapahalaga sa

Wikang Filipino pamamagitan ng interes sa pagkatuto. Bukod pa rito, ang mga Opisyales

o Tagapangasiwa ng Paaralan ay tutulong din sa mga guro upang makabuo ng

panibagong mga estratehiya na magagamit sa pagtuturo upang mas bigyang pansin ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng interes sa pagkatuto sa Wikang Filipino ng mga mag-

aaral na tiyak na makatutulong sa kanila bilang indibidwal. Gayundin, ang resulta ng

pananaliksik ay makakatulong sa mga Guro at Mag-aaral sa pagpapanatili ng interes sa

pagkatuto at lawak ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino ng bawat mag-aaral. Dagdag pa

rito, ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga susunod na mananaliksik, maaari

nilang gamitin ito bilang gabay sa kanilang gagawing pag-aaral at sa pagdebelop ng iba

pang pag-aaral na may kaugnayan interes sa pagkatuto at lawak ng pagpapahalaga sa

Wikang Filipino ng mga mag-aaral.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Interes sa Pagkatuto. Ang interes sa pagkatuto ay kung paano gumawa ng hakbang o

ang mag-aaral upang matuto sa asignaturang Filipino. Tumutukoy din ito sa pagiging

positibo ng mag-aaral na matuto at malaman ang mga nakapaloob sa asignaturang

Filipino..

Lawak ng Pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Ito’y maaaring mailalarawan bilang

pagbibigay importansya sa asignaturang Filipino gayundin ang pagmamahal sa Wikang

Filipino. Maiuugnay ito sa pagpapahalaga sa ating sariling Wika.


24

Mga Respondente. Tumutukoy sa kumpletong bilang ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon

sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles sa Kapalong College of

Agriculture Sciences and Technology.


25

Kabanata 2

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga paraan na ginamit sa pag-aaral ng

mananaliksik. Nahahati ito sa disenyo ng pananaliksik, lokal ng pananaliksik, populasyon

at sampol, instrumento ng pananaliksik at pagkolekta ng datos. Binigyang-diin din sa pag-

aaral na ito ang pagsaalang-alang sa paniniwalang moral upang mapangalagaan ang

kapakanan ng mga partisipante at maipakita ang respeto sa kanila bilang mga kalahok sa

pananaliksik na ginaw.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang non-experimental quantitative sa

pamaraang deskriptibong korelasyunal kung saan sinusukat ng mananaliksik ang

dalawang baryabol at sinusuri ang ugnayan sa pagitan nila. Sapagkat nilalayon ng pag-

aaral na ito na matuklasan ang kaugnayan ng pagkakaroon ng interes sa pagkatuto at

lawak ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng sariling

gawang talatanungan bilang instrumento sa paglikom ng mga datos na kinakailangan ng

pananaliksik (Paul, C. 2017).

Ginagamit ang non-experimental quantitative design kung ang label na ibinigay sa

isang pag-aaral ay hindi makontrol o mabago ng isang mananaliksik ang baryabol o mga

paksa, ngunit sa halip, umaasa sa interpretasyon, pagmamasid o pakikipag-ugnayan

upang magkaroon ng isang konklusyon. Karaniwan, nangangahulugan ito na ang di-pang-

eksperimentong mananaliksik ay dapat umasa sa mga ugnayan, mga sarbey o pag-aaral

at hindi maaaring magpakita ng isang tunay na ugnayan ng sanhi-at-epekto (Bushman,

B.J., 2018).
26

Ang pagsasaliksik na hindi pang-eksperimento ay may kaugaliang may mataas na

antas ng panlabas na bisa, nangangahulugang maaari itong gawing pangkalahatan sa

isang mas malaking populasyon na disenyo. Mayroon itong mga kasamang disenyo ng

pagsasaliksik kung saan inilarawan ng isang eksperimento ang isang pangkat o sinusuri

ang mga ugnayan sa pagitan ng mga nag-iisang pangkat. Ang mga disenyo na hindi

pang-eksperimento ay ginagamit lamang upang sagutin ang mga katanungan tungkol sa

mga pangkat o tungkol sa kung mayroong mga pagkakaiba sa pangkat (Neil, J., 2017).

Lokal ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay gagawin sa Kapalong College of Agriculture Sciences and

Technology. Ang mga partisipante sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa

Ikatlong Taon sa Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles na may kabuuang bilang na

dalawangpu’t walong na mag-aaral.


27

Tambilang 2. Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology


28

Populasyon at Sampol

Ang mga kalahok ng pag-aaral ay ang mga mag-aaral na nasa Ikatlong Taon sa
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles sa Kapalong College of
Agriculture Sciences and Technology. Ipinakita sa Ibaba ang populasyon, sampol at
porsyento ng mga mag-aaral, sa pamamagitan ng Solvin’s Formula, ang bilang ng mga
kalahok ay nalaman.

Table 1
Tsart ng Frequency Distribution ng mga Respondente

Tsart ng Frequency Distribution ng mga Respondente

Departamento Populasyon Sampol Porsyento

BSEd English 3a 28 28 100%

Instrumento ng Pananaliksik

May dalawang pamamaraang ginamit sa pananaliksik. Una, ang talatanungan sa

malayang baryabol na Interes sa Pagkatuto at ito ay pinag-aralan ng miyembro ng panel

at ng research adviser upang makuha ang kabuuang antas na very satisfactory. Sinukat

ng talatanungan ang Lawak ng Pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng

Interes sa Pagkatuto. Ang pangalawang baryabol ay ang Lawak ng Pagpapahalaga sa

Wikang Filipino, ang talatanungan nito ay ginawa rin ng mananaliksik.

Ang Likert Scale ang gagamiting panukat upang malaman ang lebel ng mga

kalahok ayon sa kanilang Interes sa Pagkatuto at Lawak ng Pagpapahalaga sa Wikang

Filipino. Ang Likert Scale ay nangangailangan ng indibidwal na pagsulat ng tsek sa kahon

bilang tugon sa mga bilang ng pag-uugali, bagay at stimulus.

Sa pag-interpreta sa lebel ng Interes sa Pagkatuto, ang sumusunod na panukat ang

ginamit:
29

Saklaw ng Kahulugan Interpretasyon


Paglalarawan

4.20-5.00 Napakataas Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay laging
sinusunod.

3.40-4.19 Mataas Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay
madalas na sinusunod.

2.60-3.39 Katamtaman Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay
sinusunod kung minsan.

1.80-2.59 Mababa Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay
bihirang sinusunod

1.00-1.79 Napakababa Ang antas ng pagsasa-


ayos sa sarili ay hindi
sinusunod.

Sa kabilang banda, aa pag-interpreta sa lebel ng Lawak ng Pagpapahalaga sa Wikang

Filipino, ang sumusunod na panukat ang ginamit:

Saklaw ng Kahulugan Interpretasyon


Paglalarawan

4.20-5.00 Napakataas Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
laging sinusunod.

3.40-4.19 Mataas Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
madalas na sinusunod

2.60-3.39 Katamtaman Ang antas ng pananaw


sa oras ng hinaharap ay
minsan lang na
sinusunod
1.80-2.59 Mababa Ang antas ng pananaw
sa oras ng hinaharap ay
bihirang sinusunod

1.00-1.79 Napakababa Ang antas ng pananaw


30

sa oras ng hinaharap ay
hindi sinusunod

Pagkolekta ng Datos

Sa pagkolekta ng datos, ang mananaliksik ay ginawa ang sumsusunod na hakbang:

Paghingi ng pahintulot na magsagawa ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay

hihilingin ang pahintulot mula sa OIC-College of the President na may kasamang sulat ng

pahintulot na magsagawa ng pag-aaral sa mga mag-aaral na nasa Ikatlong Taon sa

Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles sa Kapalong College of

Agriculture Sciences and Technology.

Pamamahagi at Koleksyon ng Palatanungan. Kapag inaprubahan ng OIC-

College of the President ang pahintulot na magsagawa ng pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay personal na ipamamahagi ang instrument ng pananaliksik. Sa tulong ng

OIC-College of the President tiyak na maayos na maipamamahagi ang palatanungan sa

mga mag-aaral.

Koleksyon at Tabulsyon ng mga datos. Sa pagkakataong ito, ang instrument ng

pananaliksik ay makukuha at mai-tabulate at ibibigay sa statistician upang makuha ang

resulta ng palatanungan.

Statistical Tool. Ang sumusunod na pamamaraan na pang-istatistika ay gagamitin sa

pagkalkula ng data tulad ng sa pagsubok ng teorya sa isang 0.05 antas ng kabuluhan.

Pearson r. Gagamitin ang pamamaraan na ito para sa layunin ng pagsasaliksik

upang matukoy ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng interes sa pagkatuto at lawak

ng pagpapahalaga sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral.


31

Mean. Gagamitin ang pamamaraang ito sa pag-aaral na nagpapahiwatig ng

pamantayan at ito ay ang kabuuan ng isang hanay ng datos na hinati. Maaari itong

patunayan na maging isang mabisang pamamaraan kapag inihambing ang iba't ibang

mga hanay ng datos at upang makuha ang kabuuang resulta ng instrumento sa

pagsasaliksik.

Standard Deviation. Gagamitin ito sa pag-aaral bilang isang sukatan ng

pagpapakalat ng isang pamamahagi ng dalas na ang square root ng arithmetic mean ng

mga parisukat ng paglihis ng bawat isa sa mga frequency ng klase mula sa arithmetic

mean ng pamamahagi ng dalas.

Statistikal Tritment ng Datos

Ang mga sagot sa talatanungan ng mga mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Batsilyer ng

Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Ingles sa KCAST ay pinag-aralan ng istatistika

gamit ang mga kailangang datos sa pag-aaral. Ang mga respondente ay pinag-aralan ng

mabuti base sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga deskriptibong Statistika

gaya ng Statistical Tool, Pearson r. Mean at Standard Deviation ay kinonsidera.

Upang mabigyan ng kaalaman kung may makabuluhang relasyon ang Malaya and

Di- Malayang Baryabol ginamit ang 0.05 bilang antas ng kabuluhan.


TALASANGGUNIAN

Anakbayan,(2016). Pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, itinigil ng Korte


Suprema.http://www. anakbayan.org/pagtanggal-ng-wikang-filipino-sakolehiyo
itinigil-ng-korte-suprema/;

Andrew, G. (2016), "The Language Planning Situation in the Philippines"(PDF), Journal of


Multilingual and Multicultural Development, 19 (5, 6): 487–488, 
Anatacio H.C. 2016. Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C &
E publishing Inc.;

Badayos, et al., (2018). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika: Mga Teorya, Simulain at


Istratehiya, Grandwater Publications and Research Corp. Makati. 1999. (Isang aklat
na para sa mga datihan at bagong gurong nangangailangan ng tulong hinggil sa
pagharap ng mga klaseng pangwika).

Brown, et al. (2018). Fighting Words: Language Policy and Ethnic Relations in Asia. MIT
Press. pp. 323–325. ISBN 978-0-262-52333-2. Retrieved August 4, 2020

Calisang, (2015). Tesis kaugnay sa “Lawak ng Paggamit ng mga Estudyante sa Wikang


Filipino”

Christophe, S. (2015) "Languages or Dialects?". Understanding the Native Tongues of


the Philippines. Archived from the original

Cooper, J. (2017). Dissonance and self-perception: An integrative view of each theory's


proper domain of application. Journal of Experimental Social Psychology,
13(5), 464-479. Doi: 10.1016/0022 1031(77)90031-2.

Constantino, (2015). Ang Wikang Filipino". Translated by Antonio Senga. Darwin,


Northern Territory, Australia: Northern Territory University. Retrieved 07 April 2015.

David, et al., (2016) Beyond goals: effective strategies for coaching and mentoring.
Farnham, Surrey: Gower Publishing Limited. pp. 229
244. ISBN 9781409418511. OCLC 828416668

Dayag A.M. at Rosario MG. 2017. Pinagyamang Pluma K-12, Komunikasyon at


pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino.Quezon City: Phoenix Publishing
House, INC.;

Francisco, Arturo P. 2015. Communication on Filipino academics (Komunikasyon sa


Akademikong Filipino). Quezon City: Mutya Publishing House Co.

Frank, (2015). "Self-Efficacy Beliefs, Motivation, and Achievement in Writing". Reading


and Writing Quarterly. 19 (2): 139–158. doi:10.1080/10573560308222
Gerd Bohner. (2016). Attitudes and Attitude Change: Social Psychology. Publisher
Psychology Press. ISBN 0863777791, 9780863777790

Giron, 2015. Paglinang ng Kaalaman sa Larangan ng Edukasyon

Gonzalez, Andrew (2017). "The Language Planning Situation in the


Philippines"(PDF). Journal of Multilingual and Multicultural Development. 19 (5, 6):
487–525. 

Headland, Thomas (2017). "Thirty endangered languages in the Philippines". Work


Papers of the Summer Institute of Linguistics, University of North Dakota
Session. 47(1). Doi:10.31356/silwp.vol47.01

Lawrence (2018). Philippine minor Languages: Word lists and phonologies. University of


Hawai'i Press. ISBN 0-87022-691-6 Maigue, et.al. 2015 K-12:
Pagsulong sa Pagunlad ng Kaalaman sa Wika;
Lunenburg, F. C. (2015). Implications for motivation and
performance.Internationaljournal of management, business, and administration,
14(1), 1-6. ^ Stajkovic, & Luthans, (2017) Social cognitive theory and self
efficacy: implications/

Maranan et al. 2016. Ang Guru: Komunikasyon at pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Recoletos St. Intramuros, Manila: Mindshappers Co., Inc.;

Mathieu (2016). "Does intrinsic motivation enhance motor cortex excitability? Intrinsic


motivation and corticospinal excitability". Psychophysiology. 53 (11): 1732
1738. Doi:10.1111/psyp.12732

Miller, B. W. (2015). Patterns of continuity: A dynamic model for conceptualizing the


stability of individual differences in psychological constructs across the life course.
Psychological Review, 112, 60–74.

Nolasco (2015) "Maraming Wika, Matatag na Bansa - Chairman Nolasco" (in


Filipino). Commission on the Filipino Language

Perencevich KC (2015). "Children's motivation for reading: Domain specificity and


instructional influences". Journal of Educational Research. 97 (6): 299
309. doi:10.3200/joer.97.6.299 310. S2CID 145301292.

Philippine Journal of Linguistics, Manila, Philippines: Linguistic Society of the Philippines,


The Evolution and Disappearance of the "Ğ" in Tagalog orthography since the 1593
Doctrina Christiana, ISSN 0048-3796, OCLC 1791000,

Ponce, Ligaya S. 2004. Instructional supervision in Filipino for secondary public schools in
Leyte Division: Developmental suggestions (Instruksyunal Superbisyon ng
Filipino sa Paaralang Sekundaryang Pampublikon sa Sangay ng Leyte:
Mungkahing Pahayag.

Potet, Jean-Paul G. (2016). Tagalog Borrowings and Cognates. Raleigh, NC: Lulu Press,
Inc. p. 343. ISBN 978-1-326-61579-6.

Renato Perdon; Periplus Editions (2015), Renato Perdon (ed.), Pocket Tagalog


Dictionary: Tagalog-English/English-Tagalog, Tuttle Publishing, pp. vi–vii, ISBN 978-0-
7946 0345-8

Robles (2016) Law Library Commission on the Filipino Language Act"..

Romero, K. 2016. Paglulugar ng Kahalagahan ng Pananaliksik sa Baitang 10 sa Filipino.


https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/viewFile/KA2016.00109
2180;

Roy A. (2019). "Maslow's Hierarchy of Needs as a Framework for Understanding


Adolescent Depressive Symptoms Over Time". Journal of Child and Family
Studies. 29 (2): 273–281. doi:10.1007/s10826 019-01577-4. ISSN 1062-1024

Royo, J. (2019) Mga Saloobin a t Suliranin ng mg a Mag-Aaral sa Pagkatuto ng


Asignaturang Filipino sa Ateneo De Davao High School.
Rubino, G. (2018).  Hippocrene Books. ISBN 0-7818-0961-4
Rusbult, C. (2016). "Are normal narcissists psychologically healthy? Self-esteem
matters". Journal of Personality and Social Psychology. 87 (3): 400
416. doi:10.1037/0022 3514.87.3.400. PMID 15382988.

Sauco, Consolacion P. 2000. The art of discussions in Filipino 1 (Sining ng


Pakikipagtalastasan Filipino 1). Makati City: Grandwater Publication a
Research Corporation.

Sanchez, (2015) "The Filipíno Language" (PDF), Balanghay: The Philippine Factsheet,


archived from the original (PDF) on October 12, 2013
Simborio, (2016) Filipino language," . History of the Filipino language, Gabby's Dictionary,
Gabby Dictionary.com

Susan, A. (2018). "The goals behind the goals: pursuing adult development in thecoaching
enterprise". For motivation theory and practice. In R. M. Steers, L.W. Porter, &
G.A. Bigley (Eds.), Motivation and leadership at work (8th Ed.).

Tolentino, M. 2015. Senior Language Researcher ng Komisyon sa Wikang Filipino;

Urry, H. L. (2017). "Seeing, thinking, and feeling: emotion-regulating effects of gaze


directed cognitive reappraisal". Emotion. 10 (1): 125
135. CiteSeerX 10.1.1.514.4324. doi:10.1037/a0017434. PMID 20141309.
Valaro, 2018. Ang Pagtuturo ng Wikang Ingles Bilang Midyum na Salita;

Wiggins, E. C. (2015). On defining attitude and attitude theory: Once more with feeling. In
A. R. Pratkanis, S. J. Breckler, & A. C. Greenwald (Eds.), Attitude structure and
function. Hillsdale, NJ: Erlbaum. pp. 407–427.

Zafra, G.S. 2016. Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino
(Konteksto ng K-12) Understanding the K-12 Basic Education Program_updated
0423122014-2015 Training of trainers (NTOT Cebu City) http://www.dep.ed.gov.ph;

You might also like