You are on page 1of 6

REDULLA, Edjess Jean Angel T.

September 12, 2020


BSED 3B- FIL Kulturang Popular

Pagtataya:

1. Ipaliwanag ang mensahe ng tulang Alay sa mga Frontliners sa COVID-19

- Ang tulang ito ay para sa mga bagong bayani ng ating mundo. Sila lang naman
ang nagsasakripsyo araw-araw, malayo man sa pamilya nila, magawa lang ang
kanilang mga tungkuling sinumpaan sa bayan. Kaya nais nating ipadama sa kanila
ang ating taos-pusong pasasalamat manatili lamang tayong ligtas. At nawa’y ang
kanilang panalangin at ang ating panalangin ay sana’y matupad na

- Mensahe rin ng tulang ito na sa kabayanihang ipinapakita nila ay nawa’y


magsilbing inspirasyon sa bawat isa na maging matapang at maniwala na ang
krisis na kinakaharap ay malalagpasan din. Ika nga, walang problemang hindi
natin kayang masolusyunan.

2. Anong kaisipan o damdamin ang nakapukaw sa iyo habang binabasa mo ito?

- Napukaw sa’kin ang aking pagkaawa sa mga bagong bayani ng ating bansa o ng
buong mundo. Naaawa ako sa kanila at kasabay nito ang akin ring pasasalamat
sa kanila. Dahil kung wala sila, ay walang mga taong tutulong sa atin upang
malabanan ang kumakalat na sakit ngayon. Ang traydor na sakit na hindi makita
kita ng ating mga mata. Ngunit kahit na dumadami na ang kaso sa ating bansa o
mundo, patuloy pa rin ang ipinapakitang katapangan na tuparin ang kanilang
ipinangakong tungkulin sa bansa.

- Sila ang mga taong dapat nating ipagmalaki at huwag katakutan. Sila dapat ang
magsilbi nating inspirasyon na maging matatag sa krisis na kinakaharap sa
kasalukuyan. Dapat natin tulungan at suklian ang hirap at sakripisyong dinadanas
nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ng ating gobyerno. Ang
pagpapanatiling malinis sa ating katawan, at iba pang mga bagay na para rin sa
ating kapakanan at kabutihan.
3. Sumulat ng sariling bersyon ng tula kaugnay sa COVID 19.

“BANGON NA, MAY PAG-ASA PA”

I.
Halos limang buwan na rin ang nakalipas

Ngunit ang pandemya ay wala pa ring lunas

Walang kasagutan kung kailan magwawakas.

Ngunit pagpapala ng Diyos ay walang kupas.

II.
Salamat sa doktor, nars, pampublikong pulis at iba pang mga kasangkot dito

Buhay na inaalay para sa milyong mga tao, dugo't pawis ang sakripisyo

Kaya kapwa ko Pilipino, ipairal na ang ating bayanihan at hindi patigasan

Makiisa tayo, tumulong, at sundin ang payo ng kinauukulan.

III.
Atin ring imulat ang mga matang nagbubulag-bulagan;

mga taingang nagbibingi-bingihan

Sa sitwasyong kinalalagyan ng ating lipunan

Pagkakaisa at disiplina lang ang tanging kailangan

Upang pag-asa’y muling mabuksan.


Takdang- aralin: 
1. Tukuyin ang mga elemento ng tula.
 SUKAT – tumutukoy sa bilang ng pantig
ng bawat taludtod na bumubuo ng isang
saknong.

 PANTIG – ang paraan ng pagbasa.


Halimbawa:
(Isda) is da = 2 pantig
(Ako ay isang tao) A ko ay i sang ta o
= 7 pantig

 SAKNONG – tumutukoy sa isang grupo


sa loob ng isang tula na may 2 o
maraming taludtod.
 2 taludtod – couplet
 3 taludtod – tercet
 4 taludtod – quatrain
 5 taludtod – quintet
 6 taludtod – sestet
 7 taludtod – septet
 8 taludtod – octave

 TUGMA – isang katangian na angkin ng


mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay
tumutukoy sa magkakasintunog ng
huling pantig ng huling salita ng bawat
linya.
2 URI:
 Tugmang ganap (patinig)
 Tugmang di-ganap (Katinig)
 KARIKTAN – ito ay mga maririkit na
salita para mapasaya ang mambabasa
at mapukaw ang damdamin at kawilihan
 TALINHAGA – ito naman ay tumutukoy
na mga di-tiyak na pagtukoy ng mga
bagay ng binabanggit.

2. Talakayin ang mga uri ng tula.

A. TULANG PASALAYSAY- pinakapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o


pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
a) Awit at korido – tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng mga taong
nabibilang sa dugong bughaw tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa,
duke, at marami pang iba.

Ang Awit ay may sukat na labindalawang pantig na inaawit nang mabagal


sa saliw ng bandurya o gitara.

Ang Korido naman ay sukat na walong pantig at binibigkas sa kumpas ng


martsa.

b) Epiko – tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali sa mga


kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpong
kababalaghan at hindi kapani-paniwala.
c) Balad – ginagawa noong unang panahon. Ito ay may himig awit sa
dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
d) Balitao – ito ay isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang
babae at lalaki.

B. TULANG LIRIKO o TULANG DAMDAMIN – karaniwang maikli, likas, at


madaling maunawaan ng tao. Ito ay tumatalakay sa damdamin ng tao.
a) Elehiya – tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala
ng isang yumao.
b) Dalit – ito ay awit na nagbibigay papuri o parangal sa Diyos at nagtataglay
ng Pilosopiya sa buhay.
c) Soneto – ito ay binubuo ng 14 na taludtod at naghahatid ng aral sa mga
mambabasa.
d) Awit – ang pinapaksa ay pag-ibig, pamimighati, kaligayahan, kabiguan,
pag-asa, at kalungkutan.
e) Oda – nagsasaad ng papuri o iba pang masiglang damdamin. Ito ay
walang tiyak na bilang ng pantig at taludtod sa isang saknong.

C. TULANG PANDULAAN o PANTANGHALAN – karaniwang ginagawa sa


entablado na may saliw o himig ayon sa tema o diwa ng pinapaksa.
a) Melodrama – an`g simula ay malungkot ngunit sa katapusan ay nagiging
masaya.
b) Komedya – ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may
layuning pasayahin ang mga manonood. May tunggalian at nagwawakas
ito nang masaya.
c) Parsa – ang layunin ay magpasaya sa pamamagitan ng pagkukuwento ng
mga pangyayaring nakakatawa.
d) Trahedya – ito ay may tunggalian na nagwawakas sa pagkamatay ng
pangunahing tauhan.
e) Saynete – pinapaksa nito ang kaugalian ng isang tao o lahi.

D. TULANG PATNIGAN – karaniwang nagpapahayag ng masidhing damdaming


makabayan. Ito ay walang sukat ngunit may malayang taludturan.
a) Karagatan – isinasagawa bilang pang-aliw sa mga naulila. Ginaganap sa
ika-30 araw ng pagkamatay at unang taon ng kamatayan.
b) Duplo – pamalit sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga
namatayan. Ito ay pahusayan sa pagbigkas ng tula.
c) Balagtasan – tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kuro-
kuro o katuwiran sa pamamaraang patula. Ang “balagtasan” ay galing sa
pangalan ni Francisco Baltazar na kilala sa tawag na “Kikong Balagtas”.
3. Paghambingin ang mga anyo ng tula ang
mga uri ng tula.
ANYO NG TULA URI NG TULA
 Ang anyo ng tula ay tradisyunal,  TULANG PASALAYSAY-
malayang taludturan, at berso pinakapaksa nito ang mahahalagang
blangko. mga tagpo o pangyayari sa buhay,
 Ang tradisyunal ay isang anyo ng tula ang kagitingan at kabayanihan ng
na may sukat, tugma, at mga salitang tauhan.
may malalim na kahulugan.  TULANG LIRIKO o TULANG
Ang mga halimbawa nito ay diyona, DAMDAMIN – karaniwang maikli,
tanaga, haiku, dalit, at soneto. likas, at madaling maunawaan ng tao.
 Ang malayang taludturan naman ay Ito ay tumatalakay sa damdamin ng
tulang walang sukat at walang tugma. tao.
Ang anyo ng tulang ito ay siyang  TULANG PANDULAAN o
nanaluktok na anyong tula sa PANTANGHALAN – karaniwang
panahon ng paghingi ng pagbabago ginagawa sa entablado na may saliw
ng mga kabataan. o himig ayon sa tema o diwa ng
 Ang berso blangko naman ay tulang pinapaksa.
may sukat bagamat walang tugma.  TULANG PATNIGAN – karaniwang
nagpapahayag ng masidhing
damdaming makabayan. Ito ay walang
sukat ngunit may malayang taludturan.

You might also like