You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY

Grade 10-12 Learners

PSYCHOSOCIAL & MENTAL HEALTH ACTIVITIES FOR LEARNERS AND


PARENTS
Pangalan: Danica C. Masangkay Petsa: October 5, 2020
Grade at Seksyon : 12- HUMSS2 Marka: ___________

Day 1 | Activity #1: EMOSYON NGAYON, ALAMIN NATIN!

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong.


1. Ano-ano ang iyong mga nararamdaman o naranasan ngayong pandemya?

Hindi natin maiiwasan na makaramdam ng lungkot at pangamba sa panahong ito dahil hanggang
ngayon ay patuloy pa rin ang pagdagdag ng mga kaso sa Covid-19. Maraming mga pangyayari
sana ang magaganap at isa na ito ang pagpasok sa paaralan. Nakakalungkot isipin dahil hindi mo
na masisilayan ang iyong mga kaibigan, kamag-aral at pati na rin ang iyong mga guro sa loob ng
klase. Dahil sa bagong new normal ay kailangan mo na ng pag access sa internet o sa modular
learning. Sa bawat hamon na dumarating sa buhay wag tayong mawalan ng pag asa marahil isa
lamang itong pagsubok na ibinigay sa atin na kailangan natin malampasan.

2. Magtala ng tatlong (3) pamamaraan para mapanatiling panatag ang kalooban ngayong panahon ng
pandemya. Ipaliwanag ang bawat isa.
• Maging mahinahon sa lahat ng bagay.
- Kung ikaw ay natatakot o nangagamba dahil sa panahong ng pandemya marahil ito ay maaring
maging dahilan ng iyong mental health problems kaya mas mabuti kumalma at pakaisipin mabuti
ang mga bagay sa lahat ng oras.

•Ituon ang iyong atensyon sa mga bagay na makakapagpasaya sayo at magbibigay ng relaxation.
-Kapag tayo ay nageenjoy sa isang bagay nagiging panatag ang ating kalooban at dahil dito ito'y
nakakapagbigay sa atin ng dopamine na kung saan nagkakaroon tayo ng satisfaction.

•Ang pinakaimportante sa lahat ay magdasal.


-Humingi ng gabay sa Diyos upang sa bawat araw na darating ito magiging makahulugan at
matiwasay.

3. Sa inyong palagay, ano-ano ang mga dapat gawin para makalimutan ang mga negatibong pag-iisip
ngayong panahon ng pandemya?

● Gumawa ng journal na naglalaman ng masasayang alaala at mga hindi mo malilimutang


pangyayari sa iyong buhay.

● Makinig sa mga musika na naayon sa iyong nararamdaman. Ito'y naglalaman ng mga


kahulugan na ikaw lang mismo ang nakakaalam at nakakaramdam.

● Magkaroon ng refleksyon sa sarili at sa mga bagay na iyong nagawa.

Pagninilay-nilay (Reflection):
Gumawa nang maikling sanaysay na naglalahad kung papaano nabago ng pandemya ang inyong pang
araw-araw na pamumuhay.

Ilang buwan na ang lumipas simula nung dumating ang pandemyang ito. Maraming nagbago hindi
lamang sa bansa kundi pati na rin sa ating mga sarili. May mga bagay na sa simula ay hindi mo akalain na
ngayon ay naging normal na lang para sa atin.

Simula nung walang pasok ay lagi na akong late gumising at late na rin matulog.Sa paulit ulit na
ganitong senaryo ay nakakasawa na talaga. Hindi ka rin pwede lumabas kung pwede man ay kung
kinakailangan lang kaya malimit mo ng makikita ang iyong mga kaibigan. Dahil nasa bahay ka lang malaki
ang iyong naging responsibilidad bilang anak at kapatid. Dahil sa panahon ito naisipan ko na ituon ko ang
aking sarili sa ibang gawain na makakatulong sa akin sa panahon ng pandemya. Natuto ako sa mga bagay
na akala ko sa simula ay mahirap. Napagtanto ko na kailangan lang pa ng pasensya at pokus upang
maisagawa ang isang bagay.

Hindi natitigil ang kaalaman at kakayahan ng isang tao sa isang bagay kaya dapat ay mas palawakin at
paigtingin ang nalalaman. Gawin itong panahon na pagkakataon upang matuto at lumago bilang isang
tao. Mahirap man pero kakayanin!

Day 2 | Activity #2: IDAAN NATIN SA MUSIKA!

Panuto: Sa isang buong papel, gumawa ng sariling music playlist batay sa ibinigay na kategorya. Pumili
ng isa o dalawang awitin at sagutin ang mga sumusunod na

1. Bakit iyon ang napili mong awitin? ANG AKING “MUSIC PLAYLIST”

“Time of Our Life” Ang aking napili dahil isa ito •Happy Songs- NAVILLERA sa
aking mga paboritong kanta at napakaganda ng
•Uplifting/Inspiring Song- Grow Up
mensahe nito kahit ito ay isang Korean song. Ang
tono nito ay upbeat pero ang kahulugan ng bawat •Upbeat/Hyper- Time of Our Life
lyrics ay patungkol sa pag-ibig. Wala man akong
karanasan sa pag-ibig pero nararamdaman ko ang •In Love - Beautiful Feeling
ibig ipahawatig ng kantang ito.
•Hugot Songs- Spring Day
2. Ano ang tema ng awitin?

Ang tema ng awitin ay patungkol sa oras at lugar ng emosyon ng dalawang tao.

Pagninilay-nilay (Reflection):
Gumawa ng maikling tula na naglalahad kung paano nakakatulong ang musika sa iyong buhay. Ibahagi
ang ginawa sa miyembro ng iyong pamilya.

Musika ang naging kaibigan


Sa lahat ng pagkakataon
Binubuo ng letra makahulugan
At tono kay gandang pakinggan

Mensaheng tatak sayo


Sa bawat nota at ritmo
Nagbibigay ng matingkad na kulay
Sa realidad na tinatamasa sa buhay

Iba-iba man ang lengwahe ng musika


Pareho naman ang layunin ng bawat isa
Ito ay ang magbigay ng pag asa
Sa mga taong nawawalan na
Day 3 | Activity #3: MAGANDANG HINAHARAP SA GITNA NG PANDEMYA

Panuto: Magsulat ng tatlong (3) magagandang bagay na nangyari sa inyo o at sa paligid mo araw-araw.
a. Nakakapagrelax na ako at nagagawa ko na ang mga bagay na nakakapagpasaya
sa akin.

b. Nagagawa ko na ang mga bagay na dati ay hindi ko maisakatuparan. Dahil sa


kakulangan ng oras o di kaya walang sapat na kaalaman.

c. Mas nakikilala ko ang aking sarili sa araw araw at mas naiintindihan ko ang mga
bagay-bagay.

Pagninilay-nilay (Reflection):

Gumuhit ng isang larawan na gusto mong maranasan o makita sa darating na linggo tungkol sa
pandemya. Maaring gumamit ng iba’t ibang uri ng materyales sa paglalahad ng inyong ideya.

Day 4 | Activity #4: MATATAG NA INDIBIDWAL TUNGO SA TAGUMPAY

Panuto: Gumawa ng talaan sa isang buong papel kung papaano ninyo mapaghahandaan ang inyong
hinaharap gamit ang sumusunod na format.
Mga Benepisyo/ Mga Balakid sa Mga Paraan
Mithiin Para sa Takdang Panahon Bunga ng Katuparan ng Upang
aking: (Petsa/Oras) Katuparan ng Mithiin Malampasan ang
Mithiin mga Balakid
Sarili
Mag aral ng
1. Makapagtapos 2024 Makatulong sa Academic or mabuti.
ng pag- aaral pamilya Personal Problems
Matutong
2. Makahanap ng 2025 Mabiili ang mga magbudget.
permanenteng pangangailangan Financial Situation
trabaho

3. Makapaglakbay Kung kailan ko Maging masaya Oras at Panahon Magkaroon ng


sa ibang bansa man gustuhin. time sa sarili

Pamilya

1. Maibalik ko ang 2025- hanggang Maging matiwasay Kung hindi ka Magsikap mag
sakripisyo nila sa hinaharap ang pamumuhay. mag aaral ng aaral.
para sa akin. mabuti.

2.Mabigyan sila ng 2025-hanggang sa Mabibili nila ang Abutin ang iyong


magandang hinaharap anumang kanilang Kung hindi ka pangarap.
buhay. pangangailangan. mag aaral ng
mabuti.

3. Umunlad ang 2025-hanggang sa Mabibili nila ang Magtiwala sa


financial na hinaharap kanilang mga iyong sarili na
aspeto. gusto. Kung hindi ka magagawa mo ito.
mag aaral ng
mabuti.
Trabaho
2025- hanggang Upang mas Strand or Courses Piliin ang course
1. Makakuha ng sa hinaharap maging madali na kinuha mo na Kung saan naroon
trabaho na ang pagtatrabaho. hindi tugma sa Ang iyong hilig o
angkop sa aking papasukan mo ng talento.
kakayahan. trabaho
Mas maging
2025- hanggang Malaking tulong Kompanya iyong mapanuri sa pag
2. Mataas na sa hinaharap ito sa panahon ng napasukan aapply ng trabaho
sweldo at retirement. tanungin ang
magandang benefits na
benepisyo sa makukuha dito.
bawat empleyado. Mga empleyado o
2025- hanggang Upang malayo sa lugar kung saan Maging mabuting
3.Magandang sa hinaharap gulo o away. ka nagtatarabaho. empleyado
kapaligiran sa lumayo sa gulo o
trabaho. away.

Pagninilay-nilay (Reflection):

Gumawa ng maikling kwento tungkol sa inyong pangarap at kung papaano niyo ito matutupad
habang kinakaharap natin ang pandemya.
Nagsimula akong mangarap nung ako'y nasa kindergarten pa lamang. Naalala ko kapag may
programa sa paaralan na kailangan mong ibigkas ang iyong pangalan, edad, kung taga saan ka
at kung ano ang gusto mong maging trabaho paglaki mo. Sa bawat taon na dumadagdag sa
edad ko iba't ibang perspektibo ang aking nalalaman sa kung ano ba talaga ako sa hinaharap.
Ngayon isa na akong senior high school student at malapit na akong magkolehiyo. Ilang taon na
lang ang gugulin ko para makapagtapos. Ang aking pangarap lang naman ay napakasimple ito ay
maibalik ang sakripisyo ng aking ina at bigyan siya ng magandang buhay. Magiging posible ito
kung ako'y mag aaral ng mabuti. Hindi hadlang sa akin ang panahon ng pandemya upang hindi
magsikap at abutin ang pangarap. Mahirap man gawin pero kakayanin.

Paalala:
Ang activity sheets na ito ay maaring sagutan sa loob ng apat (4) na araw. Maaring gumamit
nang karagdagang papel kung kinakailang.

You might also like