You are on page 1of 4

4

Araling
Panlipunan
Kwarter 1
MGA GAWAING PAGKATUTO:
1-Konsepto ng Bansa
MGA GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 4
WEEK I (KONSEPTO NG BANSA)

Pangalan:
Baitang at Seksyon:
Reference Module:
Petsa:

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o pareparehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ang isang
bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa-tao, teritoryo,
pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT CODA SA MELC

Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes


Unang Markahan Natatalakay ang konsepto ng bansa AP4AAB-1a-1

III. MGA GAWAIN


Ang mga sumusunod na gawaing pampagkatuto ay makatutulong upang mapalawak mo ang iyong
kaalaman sa konsepto ng bansa, pagbuo ng kahulugan nito, at pagpapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Ito ang magiging susi sa pagsusuri ng iyong sariling kakayahan at kaalaman tungkol sa iyong bansa.

A. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pangungusap.


1. Ito ay ang lugar o teritoryo na may naninirahang grupo ng tao na may makakatulad na kulturang
pinanggalingankung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.
____________________
2. Ito ang grupong naninirahan sa teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. __________
3. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas
nito. _______________
4. Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. ____________________
5. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala ng kanyang nasasakupan.
____________________

B. Punan ang bawat pangungusap upang maipaliwanag nang malinaw ang konsepto ng aralin.
1. Ang bansa ay _______________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.

2. Ang isang lugar ay maituturing na bansa kung____________________________________


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.

3. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil _______________________________________________


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________.
1
C. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Matatawag kaya na bansa ang isang lugar kung tatlo lamang sa apat na elemento ang
mayroon dito? Bakit? ____________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bilang isang Pilipino, paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa ating bansa? _____________
______________________________________________________________________________

D. Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagiging isang bansa ng Pilipinas. Ipaliwanag.


(Gawin ito sa isang hiwalay na papel – short/long bond paper)

IV. REPLEKSIYON/PAGNINILAY

1. Mula sa aralin at mga gawain, natutunan ko na ______________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ang gustong gusto kong gawain ay ________________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3.Ang nais ko pang pag-aralan at gawin ay ____________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

V. MGA SANGGUNIAN

Araling Panlipunan 4, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 1-7


MELC, Week 1 / 1st Q

Inihanda ni:

MARIA ANGELINE T. PEBRES


Teacher III, AGOS ES

2
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain A
1. bansa
2. tao
3. teritoryo
4. pamahalaan
5. soberanya

Gawain B
1. Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon
at lahi.
2. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa :
Tao, Teritoryo , Pamahalaan, at Kalayaan o Soberanya
3. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil ito ay may apat na elemento ng pagkabansa; ang tao, teritoryo,
pamahalaan, at kalayaan o soberanya.

RUBRIC

Para sa Gawain C - Talata


4 3 2 1
Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo ang Walang mensaheng
mabisang naipakita naipakita ang mensahe naipakita
mensahe

Para sa Gawain D - Islogan


8-10 5-7 3-4 1-2
Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo ang Walang mensaheng
10 puntos mabisang naipakita naipakita ang mensahe naipakita
mensahe
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit di Di maganda at
8 puntos napakalinaw ng malinaw ang gaanong malinaw malabo ang
pagkasulat ng mga pagkakasulat ng ang pagkakasulat ng pagkakasulat ng
titik mga titik mga titik mga titik.
6-7 4-5 2-3 1
Kaugnayan sa Paksa May malaking Di gaanong Kaunti lamang ang Walang kaugnayan
7 puntos kaugnayan sa paksa naipakita ang kaugnayan ng sa paksa ang islogan
ang islogan kaugnayan sa paksa islogan sa paksa
ang islogan
4-5 3 2 1
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong malinis Marumi ang
5 puntos ang pagkakabuo pagkakabuo ang pagkakabuo pagkakabuo
Kabuuang Puntos =30

You might also like