You are on page 1of 2

II.

KONTEKSTO

Ayon sa Baybayin Buhayin, ang baybayin ay parte ng isang mga kulturang pamana at
kayamanan na magsisilbi bilang ating pambansang pagkakakilanlan, at kasangkapan sa pag-iisa
natin bilang mga tao. Makakatulong din ito sa pagtanim ng pagkamakabayan ng ating mga
mamamayan lalo na ang ating mga kabataan.

Iba’t ibang paraan na ang mayroon sa pagtuturo ng Abakadang Filipino, gaya ng


ABAKADA Original Alpabetong Pilipino ng tsanel na Pinoy Babies and Kids Channel sa
YouTube o isang bidyo na nagtuturo ng Abakadang Filipino, o sa isang printed na libro naman
gaya ng Ang Aking Abakada: Katon-Kartilla ni Salud R. Enriquez. Ngunit, base sa aming
paghahanap sa Internet, wala kaming nahanap na paraan na nagtuturo ng Abakadang Filipino na
nasa palatitikang Baybayin.

Para sa sanligang politikal naman, ayon sa GMA news (Ika-2 ng Setyembre, 2015)
ipinanukala ni na Sen. Loren Legarda ang Baybayin Act kung saan ilalim nito, ipag-uutos na ang
lahat ng pampublikong ahensya ng gobyerno. Ngunit sa ngayon, mistulang parang hindi naman
naisatupad ang Baybayin Act na ito at kung sakaling ipinatupad talaga ito, maaaring makatulong
ito sa pag-aalala at pagkilala muli ng mga Pilipino sa ating sinaunang palatitikang Baybayin.

III. SULIRANIN

Mayroon nang naaprubahang batas sa kongreso na nagdedeklara na gawin ang Baybayin


bilang pambansang sistema ng pagsulat sa Pilipinas. Nakapaloob dito na dapat mabigyan ng
proteksyon, pangangalaga, at promosyon ang pagsulat at paggamit ng Baybayin sa mga
produktong

You might also like