You are on page 1of 2

Paggawain/Task:  CERAE - KERAE    (25 pts)

1.  Ano ang iyong natuklasan ukol sa pelikula batay sa videong napanood?
(Konteksto)
2.  Ano ang naging karanasan mo ukol sa iyong natuklasan sa pelikula? (Eksperyens)
3.  Bumuo ng sariling repleksyon batay sa iyong karanasan.  (Repleksyon)
4.  Batay sa naging repleksyon mo, anong angkop na aksyon ang iyong gagawin ukol
dito?  (Panatilihin, ipagpapatuloy o iwasan ang naging karanasan) Pumili ng isa at
bakit? (Aksyon)

5.  Tayahin o gumawa ng ebalwasyon ukol sa naging aksyon mo.  (Karapat-dapat na


panatilihin,  Mahalagang  ipagpatuloy, o kailangang iwasan na maulit muli) ang
karanasang iyon? Pumili ng isa at bakit?  (Ebalwasyon)

Ang pelikula, na tinatawag ding sine o pinilakang tabing, ay isang


anyo ng sining na gumagamit ng mga gumagalaw na larawan upang
maipahayag ang isang kwento. Mula sa bidyo, naniniwala rin ako na ang
pelikula ay isa sa mga maimpluwensiyang midyum na kadalasan
nagpapahayag ng reyalidad ng buhay. Hindi lamang ito isang libangan
ngunit isang instrumento na maaaring magbigay-alam, magpadama ng
emosyon, at magpahayag ng katotohanan sa mga manonood at
tagapakinig na may layuning pumukaw ng isip at damdamin.
Bilang isang taong mahilig sa pelikula, marami na akong naging
karanasan base sa mga napanood kong obra. May mga pelikulang
nagbigay ng mahalagang kaalaman, naghatid ng saya, kilig, lungkot at
iba pang emosyon, at mayroon ding nakapagpabago sa aking mga
pananaw sa buhay. Halimbawa, ang Seven Sundays na isa sa mga
paboritong kong pelikulang Pilipino. Nagustuhan ko ito dahil sa
magandang aral na pinahiwatig ng pelikula tungkol sa pagpapahalaga at
pagmamahal sa pamilya.
Hindi lamang sa mga rason na nabanggit ang tunay na hangarin
ng pelikula at ng mga tao sa likod nito. Napagtanto ko na ang pelikula ay
pwede ring makapagdulot ng pagbabago sa isang tao, maging sa
komunidad o ‘di kaya’y sa isang bansa. Dahilan kung bakit isa itong
maimpluwensiyang kasangkapan, sapagkat sinasalamin nito ang
reyalidad. At sa pelikulang Seven Sundays, sinasalamin nito ang isang
pamilyang Pilipino na kahit sa gitna ng away at kaguluhan, ang isa’t isa
ang magiging sandigan at sandalan pagdating sa dulo. Ang
pinakamahalaga, ang pagmamahal ay unconditional lalo na ng isang
magulang sa kanyang mga anak. Natuto akong umunawa at
pahalagahan ang aking pamilya.
Marapat lamang na ipagpatuloy ko ang naging karanasan
sapagkat nakapagdulot ito ng magandang impluwensiya sa aking sarili
at sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa pamamagitan ng karanasang
ito, mas lalawakan ko pa ang pag-unawa sa mga bagay-bagay hindi
lamang ukol sa paksa ng pamilya. At saka, mahalagang titiyakin ko na
ang aking mga pinapanood ay angkop sa aking edad upang mas
maintindihan ko nang mabuti ang mensahe ng pelikula.
Mula sa aksyong nabanggit, sa aking palagay, mahalagang
ipagpatuloy ito kung nagdadala naman nang mabuti sa isang tao. Hindi
naman masama ang kuryosidad dahil ito ay likas na katangian ng tao
subalit tama lang na maging maingat pa rin sa pagpili ng panonoorin.

You might also like