You are on page 1of 4

AKADEMIYA

 isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin,
palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng
partikular na larangan.
 Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus)
noong gitnang bahagi ng ika-16 nasiglo.
 Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na nagbibigay-tuon sa
pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
Akademiko - tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag-aaral na nagbibigay tuon
sa pagbasa, at pag-aaral, kaiba sa praktikal at teknikal na gawain
Di-Akademiko - mga gawain na sa labas matututunan.
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Layunin Layuinin
 Magbigay ng ideya at impormasyon  Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
 Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa  Sariling karanasan, pamilya, at komunidad
Audience
Audience
 Iba’t ibang publiko
 Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
Pananaw
 Subhetibo
Pananaw  Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy
 Obhetibo  Tao at damdamin ang tinutukoy
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi  Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
sa mga bagay, ideya, facts Organisasyon ng ideya
 Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat  Hindi malinaw ang estruktura
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin, at  Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
hindi gumagamit ng pangalawang panauhan Halimbawang gawain
 panonood ng pelikula o video upang maaliw o
Organisasyon ng ideya
magpalipas-oras
 Planado ang ideya
 pakikipag-usap sa sinuman ukol sa paksang di-
 May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga
akademiko
pahayag
 pagsulat sa isang kaibigan
 Magkakaugnay ang mga ideya
 pakikinig sa radyo,
Halimbawang gawain  pagbasa ng komiks, magasin, o diyaryo
 pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase pakikinig ng
lektyur
 panonood ng video o dokumentaryo
 pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o
isang simposyum
 pagsulat ng sulatin o pananaliksik

TEORYANG PANGKOMUNIKASYON NI CUMMINS (1979)


 Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) - kasanayang di-akademiko. Batay sa mga usapan, praktikal, personal,
at impormal na mga gawain
 Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) - ang kasanayang akademiko na pang eskuwelahan at pangkolehiyo.
Batay sa mga pormal at intelektuwal.
Mapanuring pag-iisip - ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga
sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.

MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA


 Uri ng pagbabasa na kumikilala ng pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon.
 Mabatid ang mga propagandang ginagamit sa mga materyal na humihikayat sa mambabasa.
 Kumikilala ng pagkiling ng manunulat na nakapaloob sa kanyang akda.

TEKSTONG BINABASA AYON SA PILING LARANGAN:


 Panitikan - Tekstong Pampanitikan(tula, sanaysay, nobela, dula, maikling kwento, telenobela)
 Pamahayago Komunikasyong Pang-braodcast - Artikulo o dyaryo, Balita, Report sa Radio at Telebisyon, Editoryal,
Datos sa Social Media
 Pisika - Resulta ng eksperimento, siyentipikong report
 Sining - Akdang pansining, Rebyu ng mga akda
 Antropolohiya - Case study, Libro ng pagaaral ng isang pangkat-etniko, interview sa isang komunidad
 Sikolohiya - Eksperimento sa laboratory, case study, siyentipikong report
 Linggwistika - Analisis ng grammar, pagaaral ng diksyonaryo

ESTRUKTURA NG TEKSTONG AKADEMIKO


 Deskripsyon ng Paksa - Kasama rito mga depinisyon, paglilinaw, at pagpapaliwanag.
 Problema at Solusyon - pinakatema ng teksto, ang punto at layunin ng paksa.
 Problema at Solusyon - Dito umiikot ang pagtatalakay sa buong teksto, at iba pa.
 Sekwensiya ng mga Ideya - Maari itong kronolohikal (panahon) o hierarkikal (ideya)
 Sanhi at Bunga - Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran sa teksto.
 Pagkokompara - Kaugnay ito ng pagkakapareho at pagkakaibang mga datos.
 Aplikasyon - Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.

TEKSTONG DEPENDE SA LAYUNIN:


 Estruktura ng Tesis - Tekstong nangangatuwiran o may pinapatunayan.
 Estrukturang Problema - Tinatalakay ito ng mga problema o isyu at posibleng solusyon.
 Estrukturang Factual Report - Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isang ulat.

MAPANURING PAGBASA - MGA ESTRATEHIYA:


 Maingat - Maingat ba ang may akda sa paggamit ng ebidensya at kauwiran?
 Aktibo - pagtatala. Nagtatanong din siya sa sarili kaugnay ng teksto o may ipanahahayag nito.
 Maparaan - Estratehiya upang maunawang mabuti ang teksto. Ilan sa mga ito ang pre-viewing o pre-reading, skimming, at
brainstorming.

METAKOGNITIBONG PAGBASA TUNGO SA MAPANURING PAGBASA AT MAMBABASA


 Tradisyonal na Pananaw - Lahat ng ideya, impormasyon at kuhulugan ay matatagpuan sa teksto. Ang mambabasa ay
nakatuon lamang sa salita at estruktura ng teksto.
 Pananaw na Kognitibo - May interaksyon ang mambabasa sa teksto. Kaalaman at estratehiya sa pagbasa ang katangian
nito.
 Metakognitibong Kognitibo - Sa teoryang ito may nabubuong interaksyon sa pagitan ng teksto at mambabasa. Ito ay
pagsasamang analitikal at kritikal.

PROSESO NG METAKOGNITIBONG PAGBASA:


Estratehiya - Tiyakin kung anong uri o anyo ng teskto.
Hanapin o tukuyin and paksang pangungusap - ito ang pangungusap sa loob ng teksto, nasa unang talata o introduksyon na
tumutukoy sa paksa. Minsan hindi mababasa sa teksto ngunit nasa mambabasa kung paano niya masasabi sa pangungusap.
Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang binabasa ang teksto - malinaw ba niyang
naipaliwanang ang layunin o naliligaw ang mga argumento? Ano ang gusto niyang patunayan?
Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya - Angkop, kapani-paniwala o mapagkakatiwalaan, o
sinasaliksik ba ang mga ito?
Suriin ang paraan ng pagkasulat - Organisado ba ang mga ideya? Ano ang estilo ng pagsulat ng may-akda?
Alamin ang gamit ng wika - angkop ba ito sa uri ng teksto? Sa layunin? Sa iniisip ng mambabasa? Ano ang tono?
Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksiyon kung ano ang sunod na mangyayari batay sa integrasyon ng datos.
Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto - Maaring Ibatay ito sa alinman sa sumusunod:
 Mga paksang pangungusap sa bawat talata upang makuha ang ugnayan ng mga bahagi sa kabuuan ng teksto
 Pagkakasunod-sunod ng mga ideya mula sa yong pagtatala
 Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
 Pagkokompara ng mga pangyayari o mga ideya at datos sa loob ng teksto
 Iba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang pangkalahatang mensahe ng teksto
Gumawa ng ebalwasyon o konklusyon batay sa mga tinukoy sa teksto, sariling opinyon, karanasan, datos, impormasyon mula sa
labas ng teksto at sariling makatuwiran at maalam na pagdedesisyon at disposisyon. Natamo ba ang layunin ng may-akda? May
maibibigay ba itong kontribusyon sa mundo ng mga kaalaman?

MAPANURING MAMBABASA
 Sa kabuuan, ano ang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang mambabasa pa rin ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon
kung ito ay mahalaga, makabuluhan, may ibubuga.
MGA RESPONSIBILIDAD AT GAWAIN NG MAPANURING MAMBABASA
Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at gawain ng isang mapanuring mambabasa
1. Bago gumawa ng obserbasyon at reaksiyon sa teksto, masusi itong binabasa at hindi pahapyaw lamang.
2. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may akda o ng teksto.
3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sarili niyang ideya.
4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng iba.
5. Maalam, nagsasaliksik at naghahanap ng paraan upang maunawaan ang teksto at paksa mula sa mga libro, panayam, Internet,
obserbasyon, at iba pa.
6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anuman ang palagay sa binasang akda.
7. Nakatutulong ang pagsusuri upang makabahagi sa pagpapaunlad ng kaalaman
8. Nakagagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto o ideya mula sa teksto
9. Sinusuri ang teksto mula sa iba't ibang lente at hindi mula sa isang pananaw lamang
10. Nabibigyang pagpapahalaga at pagtatasa ang mga ideya sa teksto

MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA: PAGBUO NG MAPANURING SANAYSAY


MAPANURING PAGSULAT AT TEKSTONG AKADEMIKO
Malaking hamon sa isang mag-aaral na makasulat ng mapanuring teksto sa loob ng akademiya. Ang kaalaman at kasanayan sa
mapanuring pagsulat na maaga palang natutunan na ay salik sa matagumpay na pag aaral sa mataas na edukasyon.
1. Layunin - Karaniwang pagpapaunlad a paghamon ito sa mga konsepto katuwiran
2. Tono - Impersonal ita, hindi parang nakikipag-usap lang Hindi rin ito emosyonal.
3. Batayan ng datos - Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang batayan ng katuwiran dito.
 Obhetibo ang posisyon - Batay ito sa pananaliksik Iniwasan dito ang anomang pagkiling. Makikita ang pagka-obhetibo sa
paksa, organisasyon, at mga detalye.
 Katotohanan (Fact vs. Opinion) - Kailangan ang pruweba o ebidensiyang mapagkakatiwalaan o talagang nangyari hindi
haka haka o gawa gawa lamang.
Opinyon - batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala.
4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba - Ito ang piniling ideya o kaisipan na gustong patunayan ng sumulat.
Binibigyang pagkakataon dito ng sumulat na pokus ang atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksyon anggulo hanggang sa
umabot sa konklusyon.
5. Perspektiba - Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.
6. Target na mambabasa - kritikal mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya naman mga akademiko o propesyonal ang
target nito. Tinatawag silang mga ka diskursong komunidad.

ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA


Etika - nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga
batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.
Pagpapahalaga - istandard o batayan, mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo—na
pinagbabatayan natin kung tama o mali ang isang desisyon. Tumutulong itong timbangin o balansehin ang ating mga desisyon.
PAGPAPAHALAGANG PILIPINO
Kultura - ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
 Pagmamahal at katapatan sa pamilya
 Pagpapahalaga sa edukasyon
 Hiya o kahiyaan
 Pakikipagkapuwa
 Pagiging maparaan
 Pagkamalikhain
 Sikat at tiyaga
 Utang na loob
 Oakikisama
 Bahala na
ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA PAGSULAT SA AKADEMIYA
Copyright - mga karapatan at obligasyon ng may-akda pati na ang paggamit sa mga ginawa niya
Plagiarism - maling paggamit at pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao sa layuning
angkinin ito o magmukhang sa kanya.
Paghuhuwad ng datos - imbensiyon ng datos (malinaw na sinadyang pandaraya), sinadyang di-paglalagay ng ilang datos,
pagbabago o modipikasyon ng datos, pagbili ng mga papel o pananaliksik, pagsubscribe, pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang
igawa ang tesis.
MGA PAGPAPAHALAGANG INTELEKTUWAL AT MORAL SA AKADEMIYA
 Kababaang-loob - huwag angkinin ang hindi saiyo at aminin na hindi saiyo ang ideya o datos.
 Lakas ng loob na harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatuwiranan ito.
 Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba - maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga
salita upang maiwasan ang insult at pananakit ng damdamin.
 Integridad - pinapahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
 Pagsisikhay, hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. - gagamitin ang iba't ibang pamamaraan upang makakuha ng
mga datos sa legal at matapat na paraan.
 Paniniwala sa katuwiran - pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapapahalaga ng komunidad na tagabasa ang
anomang ideyang gusting patunayan.
 Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin, may matuwid at karampatang pagpapahalaga sa tao,
katuwiran, ideya at mga gawain.

Kamalayang Mapanuri - binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap. Kailangan ang kaniyang aktibong
pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kaniyang ikinikilos, ibinabahagi at isinusulat.
Pag-aatubili - hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat.
Hiya - ayon kay Dr. De Castro (1998), ang "hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-kanilang
mga kalooban... ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya nag kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan."
PAGBUO, PAG-UUGNAY, AT PAGBUBUO NG MGA IDEYA
Buod -

You might also like