You are on page 1of 2

Palalimin

Basahin ang maikling kwento sa ibaba at alamin kung paano nakapagpapatatag ng


pamilya ang pakikipagkapuwa-tao.

Ang Mag-anak na Simon


Sa isang maliit na apartment nakatira sina Nestor at Medy Simon. Apat ang kanilang mga anak na
tatlong lalaki at isang babae: sina Ely, Jun, Joy, at Sherwin. Sa kanila rin nakatira ang nanay ni
Medy. Sapagkat dalawa la,ang ang kuwarto sa bahay nila, kusang loob na ibinahagi ng
magkakapatid sa kanilang lola ang knailang kuwarto. Pito silang lahat sa bahay. Bagama’t maliit ito,
masaya naman silang sama-sama.
Pinalaki nina Nestor at Medy ang kanilang mga anak na may takot sa Diyos. Sama-sama silang
nagdarasal gabi-gabi bago matulog at nagsisimba tuwing Linggo. Lumaki ang mga anak na maka-
Diyos at makatao dahil sa ipinapakitang halimbawa ng mga magulang.
Isang araw, isnag malungkot na balita ang dala ni Nestor, “Medy, mga anak, nagbawas ng
empleyado ang aming kompanya at isa ako sa natanggal.” Nabigla ang mga anak.
Pagkaraan ng ilang sandal nagsalita si Medy. “ Huwag kayong mag-alala, may awa ang Diyos,”
nakangiting sinabi ni Medy. “ Mapagmahal ang Diyos”, ang dugtong pa niya.

Pagkaraan ng dalawang araw ay may kumatok sa kanilang pintuan. Ito ay ang kapitbahay na si
Aling Celia na umiiyak at balisa. “ pasensya na kayo. Ang aking anak ay inaapoy ng lagnat at gusto
ko siyang dalhin sa ospital. Wala na akong malapitan. Kahit isang libo lang, babayaran ko rin kayo
agad”, ang daing ni Aling Celia.
Pinaupo muna ang kapitbahay at nag-usap ang mag-asawa.” Paano bay an, ngayon pa naman tayo
kulang sap era,” ani Nestor.
“pero kawawa naman si Aling Celia, buhay ang nililigtas niya,” sagot ni Medy. “di bale higit niyang
kailangan ngayon, mayroon pa naming matitira sa atin, “ ang paliwanag ni Medy. “Heto ang 2,000.
Hindi utang iyan. Sana gumaling ang anak mo,” ani ni Medy. Masayang- masayang nagpasalamat si
Aling Celia.
Basahin ang maikling kwento sa ibaba at alamin kung paano nakapagpapatatag ng pamilya ang
pakikipagkapuwa-tao.
“Nanay, hindi poo ba wala nang trabaho si Tatay, bakit pa po kayobnagbigay ng pera?” ang tanong
ng panganay na si Ely.
“Anak, makakaya ba ng puso mo na umalis ang isang nangangailangan na wala man lang tayong
naibigay na tulong?” ang sagot ng ina.
Ang Mag-anak na Simon
Sa magandang hamlimbawa ng pagmamalasakit sa kapuwa na ipinakita ng kanilang mga
Sa isang
magulang, lalomaliit
nila na apartment
silang nakatira
minahal sina Nestor at
at hinangaan at Medy
ito angSimon. Apat ang
nagging kanilang
daan upang mga anak maging
lalong na tatlong
lalaki
matatag ang at kanilang
isang babae: sina Ely,Iginagalang
pamilya. Jun, Joy, at Sherwin.
din at Sa kanila rin nakatira
minamahal ng mga angkapitbahay
nanay ni Medy.
angSapagkat
pamilya nina
Nestor at Medy. Hindi lamang sa kanilang pagiging matulungin kung hindi dahil sa Nakita nilang
pagiging maka-Diyos at makatao ng mag-anak.
Pagkaraan ng dalawang buwan ay muling tinawag si Nestor sa kanilang opisina. Ibinalik siya sa
trabaho. Laking tuwa ng mag-anak.
Nang makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho ang mga anak nina Nestor at Medy,
nakuha nila ang magandang ugali ng mga magulang: mapagmalakasakit, mapagbigay, at
may matibay na pananampalataya sa Diyos. Bukas-palad sila sap ag-abot ng tulong sa
mga nangangailangang kapitbahay at kamag-anak. Sa mabuting pakikipagkapuwa higit na
tumibay ang samahan ng pamilya. Bagama’t mga binate at may trabaho na, naroon pa rin
ang paggalang at pagsunod sa mga magulang at sa lolang nakatira sa kanila.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Paano mo ilalarawan ang mag-anak na Simon?

2. Masasabi mo bang huwaran sa pakikipagkapuwa-tao ang pamilya nina Nestor at


Medy? Bakit?

3. Ano-ano ang mga virtue at pagpapahalaga na natutuhan ng mga anak nina


Medy at Nestor ang nakatulong sa pagiging matatag ng pamilya?

4. Paano napatatag ng pakikipagkapuwa-tao ang pamilya nina Nestor at Medy?

Isabuhay
Itala ang mga virtue at pagpapahalaga na natutuhan s apamilya tungo sa pakikipagkapuwa. Isulat sa
unang kolum ang mga ito. Sa ikalawang kolum, isulat ang planong pagsasabuhay ng pakikipagkapuwa.

Pagpapahalaga at Virtue Pagsasabuhay ng Pakikipagkapuwa

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

You might also like