You are on page 1of 8

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang Wikang Filipino ay isang yaman na hindi maaalis sa kanilang lahat. Dito sa

mundong kanilang ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-ugnayan.

Ginagamit ito sa pang-araw-araw na pamumuhay, halimbawa na lamang sa pagpasok at

paglabas sa paaralan (Panes, 2015). Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at

nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay (Cruz,

1998). Sa Pilipinas, marami nang naglipanang iba’t-ibang uri ng mga salita na lagi nilang

naririnig sa araw-araw hanggang sa mabilis na nila itong natutunan at kinalaunan ay

natatanggap na rin nila. Isa sa karakarakang umusbong ay ang “sward speak” o mas

kilala nila sa tawag na gay language. Walang nakakapagsabi kung saan at kailan

nagsimula ang mga salitang ito (Glacia, 2007).

Isa ang gay language sa may malaking epektong nagpapabago sa kultural na wika

ng mga Pilipino dahil marami na ang tumatangkilik dito lalong-lalo na ang mga kabataan

(Santos, 2014). Nagsimula ang gay language sa Pilipinas noong dekada 60 upang itago sa

lipunan ang kanilang mga kuwento (Ruth, 2008). Ang lenggwahe na ginagamit ng mga

bakla o gay ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensiyong ipagamit ito sa

hindi nila kauri. Ito ay sekretong lenggwahe na hindi dapat maintindihan ng mga taga-

labas (Rubirico, 2001). Ang gay language ay isa sa mga baryasyon ng wika sapagkat sa

panahon ngayon ay hindi maitatanggi na mayroon na itong espasyo sa loob at labas ng


2

pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng

pakikipagtalastasan.

Ang gay language ay may abilidad na bigyang-kulay at saya ang isang lipunan

tulad ng lipunang Pilipino kung saan walang sinusunod na unibersal na tuntuning

gramatika, sapagkat kusa itong nabubuo sa ating kaisipan (Roque, 2010). Ipinapakita

lamang nito na ang wikang Filipino ay buhay. Kaya hindi dapat pagtakhan kung

nakakarinig ng mga bagong usbong na salita na bago sa pandinig na galing sa isang

pangkat o grupo ng mga taong nasa ikatlong kasarian. Ang wikang ito ay patuloy na ring

lumalaganap, mapababae man o lalake ay gumagamit na nito. Isa na rin itong paraan ng

pagpaparating ng kanilang nais sa mundo. Isa ang gay language sa nagpapatunay na

buhay at daynamiko ang wika sa Pilipinas na tulad nito ay nagbabago ang kahulugan,

nag-iiba ang gamit at iba’t-ibang terminolohiya na dumidepende sa estado ng buhay ng

tao ang paggamit ng wikang ito.

Naobserbahan ng mga mananaliksik na ang gay language ay naging isang

malaking pampublikong penomenang ginagamit na ng halos lahat, tulad na lamang ng

mga mag-aaral. Ang gay language ay ginagamit ng mga mag-aaral nang hindi

binibigyang-pansin ang maaaring hinaing o saloobin ng kanilang kapwa na kanilang

nakakasalamuha partikular na sa loob ng paaralan. Kung kaya naganyak ang mga

mananaliksik ng kanilang sariling interes na tuklasin ang pananaw ng mga mag-aaral

hinggil sa gay language partikular na sa mga mag-aaral na nasa ikalabing-isang baitang

ng Garcia College of Technology, Inc.


3

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang pananaw sa gay language ng mga

Grade-11 na mag-aaral ng Garcia College of Technology, Inc.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na:

1. mabatid ang personal na profayl ng mga tagatugon tulad ng kasarian at strand;

at

2. malaman ang pananaw ng mga Grade-11 na mag-aaral ng Garcia College of

Technology, Inc. tungkol sa gay language.

Teoritikal na Balangkas

Masusing binigyang-pansin ng mga mananaliksik ang mga teoryang sumusuporta

sa ginawang pananaliksik na “Pananaw sa Gay Language ng mga Grade-11 na Mag-

aaral ng Garcia College of Technology, Inc.” Tumatalakay ang mga ito sa mga

teoryang nabuo ng samot-saring personalidad na may kani-kaniyang pananaw ukol sa

wikang ito. Ito rin ang nagpapakita ng mga pagkakaiba ng gay language sa ibang wika na

nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga bakla bilang isang grupo ng indibidwal na may

sariling wikang ginagamit. Nang dahil sa taglay nitong pagkakaiba sa ibang wika,

marami ang mga reaksiyon, mabuti man o masama, ang nagsilabasan. Kaya ang mga

mananaliksik ay nais malaman ang mga pananaw ng mga Grade-11 na mag- aaral ng

Garcia College of Technology, Inc. hinggil sa wikang ito. Ang teorya na maiuugnay sa

gay language ay ang Deindividuation Theory ni Leon Festiger.

Ayon sa teorya ni Leon Festiger (1950) na Deindividuation Theory (Linguistic

Divergence), nawawala ang indibidwal na pagkakakilanlan dahil sa napapalitan na ito ng

identidad ng isang grupo ng lipunan. Sa pag-usbong ng grupong sosyal na tulad nito ay


4

nagkakaroon ng malaking pagbabago. Makikita na unti-unting nasisira ang kanilang

sariling wika dahil sa impluwensiya ng grupong sosyal. Ito ay may koneksiyon sa

socioeconomic na katayuan, mahirap o mayaman, hindi nakapag-aral o propesyunal,

manager o janitor, edad o gulang ng nagsasalita. Maaari rin itong matukoy sa kasarian ng

isang tao kung babae, lalaki, bakla o tomboy ang nagsasalita. Isang patunay dito ay

mayroon na ring sariling salita ang mga bakla na tinatawag na gay language o mas kilala

sa tawag na bekimon.

Kaugnay sa pananaliksik, ayon sa teoryang Deindividuation Theory o Linguistic

Divergence ni Leon Festiger, ang pagkakaroon ng isang linggwahe ay dahil sa pag-

usbong ng isang grupong sosyal at isang halimbawa ay ang gay language na nabuo dahil

sa isang grupong sosyal na tinatawag na mga bakla, kaya naman nais malaman ng mga

mananaliksik ang pananaw sa gay language ng mga Grade 11 na mag-aaral ng Garcia

College of Technology, Inc

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang pananaw sa gay language ng mga

Grade-11 na mag-aaral ng Garcia College of Technology, Inc. at ang maitutulong ito sa

mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang mabigyan ng

kaalaman ang mga mag-aaral sa pananaw ng iba sa gay language at malaman nila ang

kanilang limitasyon sa paggamit nito lalo na sa pakikipag-usap sa iba, halimbawa sa

kanilang mga magulang o sa kanilang mga guro.

Sa mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ)

Community. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang malaman ng mga bakla o ng


5

LGBTQ Community ang kabuuan ng mga pananaw ng ibang tao patungkol sa kanilang

lengguwahe at maiaangkop nila ang lenggwaheng gagamitin sa pakikipagkomunikasyon

sa taong kausap.

Sa mga Magulang. Sa pananaliksik na ito, malalaman ng mga magulang kung

ano ang gay language at pananaw ng kanilang mga anak patungkol ditto para mabigyan

nila ng patnubay ang kanilang mga anak tungkol sa gay language.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang

mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa gay language. Maaari rin itong

maging gabay sa pagsagawa ng panibagong pananaliksik na may kaugnayan dito.


6

Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay may dalawang baryabol, ang

malayang baryabol at di-malayang baryabol. Sa malayang baryabol nakasaad ang profayl

ng mga tagatugon kagaya ng kanilang kasarian at strand. Sa di-malayang baryabol naman

ay nakasaad ang titulong “Pananaw sa Gay Language ng mga Grade-11 na Mag-aaral

ng Garcia College of Technology, Inc.”

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Pananaw sa Gay Language ng


Profayl ng mga tagatugon
mga Grade-11 na Mag-aaral ng

 Kasarian Garcia College of Technology,


 Strand
Inc.

Pigura 1. Malayang Baryabol at Di-Malayang Baryabol ng Pag-aaral.


7

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaw sa Gay Language ng mga

Grade-11 na Mag-aaral ng Garcia College of Technology, Inc.” ay nakatuon sa lahat

ng mga mag-aaral na Grade-11 ng Garcia College of Technology, Inc. na hinati-hati sa

mga strands na: STEM, ABM, at HUMSS sa unang semestre ng Taong Panuruan 2018-

2019.

Hindi sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang anumang pananaw ng mga kaguruan, o

maging ng mga Grade-12 na mag-aaral ng Garcia College of Technology, Inc.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito

batay sa kabuuan ng pananaliksik. Ang mga nasabing terminolohiya ay nasa

paalpabetong pagkakasunod-sunod:

ABM – ang Accountancy, Business and Management ay isa sa mga strand na inaalok sa

Academic Track ng Senior High School. Dito kumuha ng mga taga-tugon upang

mapunan ng mga kasagutan ang mga katanungan.

HUMMS –ang Humanities and Social Sciences ay isang strand na nakapaloob sa

makabagong kurikulum ng pag-aaral kung saan, inaalok ang mga mag-aaral na kuhain

ang strand na ito. Ang layunin nito sa pananaliksik ay dito kumuha ng mga taga-tugon

upang mapnunan ng mga kasagutan ang mga katanungan.

STEM –ang Science and Technology, Engineering and Mathematics ito ay isang strand

na nakapaloob sa academic track ng makabagong kurikulum pang edukasyon. Dito


8

kumuha ng madaming taga-tugon upang mapunan ng mga kasagutan ang mga

katanungang inihanda sa kanila.

Gay Language – Wikang ginagamit ng bakla o binabae. Ito ang pamagat ng pananaliksik

kung saan ito ang pangunahing problema ng pananaliksik na kailangang hanapan ng iba’t

ibang mga artikulo at mga pahayag ng mga tao sa lipunan o maging sa internet at

telebisyon na mai-aaplay sa pananaliksik.

Kasarian –ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae. Ito ay

tumutukoy kung babae o lalaki ang mga taga-tugon.

Profayl – ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng bawat tagatugon

You might also like