You are on page 1of 25

Ang Himagsikan ni Amanda Bartolome:

Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ‘70

Tulad ng agham at agham panilipunan, isa ring anyo ng pagdalumat sa

realidad-makataong realidad, ang panitikan. Ang Ideolohiya din ay dalumat sa

realidad ng manunulat, tumatayo itong pagpapatunay sa pagpapasubali sa

panlipunan. Ito ay ang batayang konseptuwal ng Ideolohoya. Sa pagsusuring

ideolohiya sa dakada ’70 may ugat ang pag-aaral sa pampanitikan na nagsusulat ng

malikhaing pagbubunyag ng sarili at kasasalamin sa pananaw sa buhay. Dalumat sa

tao/sarili:pagpapakatao,sa nobela ni Amanda at ang pinakatema nito ay ang

makataong lipunan sa panloob na ganap ng indibidwal at panlabas niyang

kaganapan sa kanayang lipunan. Si Amanda ay isang tipical na ina at asawa, at

nagging ina din siya ng mga sugatan ng sila ay napasali s himagsikan.

Sa dalumat sa lipunan: pakikipagkapwa-tao, ay limang kategorya ang

panlipunang papel o “social roles”; ang panlipunang-pagsasamantala, kahirapan,

karahasan, pakatiwalay-ibinunya, at ang panlipunan. Sa kabilang dako, ang pamilya

ay na uugnay sa panlipunan, halimbawa na ditto ang pamilya ni Amanda, ang

kanyang mga anak ay may iba’t ibang hilig san a tapos depende sa kanilang

kagustohan tulad sa lipunan na may iba’t ibang posisyong sa bansa. Ang pamilya

bilang institusyon ng lipunan, ibinigkis ng kasal dahil sa pagmamahal, magkakadugo

at nagkakaisa.

Ang kritikal na kaayusang panlipunan, may dalawang bahagi ito at ito ay ang

mala-kolonyal at mala-piyudal. Ang mala-kolonyal ay ang kaayusan ng

lipunan/bansa, marawal ang kaayusan ng lipunan, hawak-sakal ng mga dayuhan ang

korporasyon, military at politika kaya hindi naaabot ng karaniwang mamamayan ang

kaunlaran. Dahil ditto may naging kahalili ang lipunan, ito ay ang demokraktikong

lipunan na umusbong dahil sa himagsikan na ipinaglalaban na nangangalaga sa


karapatan ng bawat indibidwal. May mga hakabang sapag kakatuparan nito. Ang

malinang ang kamalayang makabansa at ang malinang ang kamalayang makauri

para sa kagustohan ng nakakararami at mga biktima ng marahas na mga dayuhan.

Bilang salik ng anyo ang ideolohiya, ang impluwensyang lipunan sa pananaw at kilos

ng tao. Ang lipunan bagamat binubuo nag tao, kung ihahabing sa tao ay may

katawan- ang kairalan panlipunan- at kamalayan. Sa sumila, si Amanda at Julian

ang ideolohiyang indibidwalismong liberal. Sa pamamagitan ng mga truntunin ng

mga papel panlipunan nalalaman ng indibidwal kung paano siya kikilos at kung ano

ang nararapat niya madama habang ginaganpanan ang kanyang papel sa lipunan.
Ang Himagsikan ni Amanda Bartolome:
Isang Pagbasang Ideolohikal sa DEKADA ‘70

I. Batayang Konseptuwal

II. Pagsusuring Ideolohikal sa Dekada ‘70

ii.i Ugat ng Pag-aaral

ii.i. Pampanitikan

ii.i.i. Pagbubunyag ng sarili

ii.i.ii. Pananaw sa buhay

III. Dalumat sa tao/sarili: Pagpapakatao


iii.i Pinakatema ng Nobela

iii.i. Panloob

iii.ii. Panlabas

iii.ii Kinaharap ni Amanda, sa Nobela

iii.ii.i Pamilya, Pagiging asawa at ina

iii.ii.i.i Asawa

iii.ii.i.ii. Mga anak

iii.ii.ii Pagkasangkot sa tunggakiang Ideilohikal

iii.ii.ii.i Paglahok ng mga anak sa himagsikan

iii.ii.ii.ii Pagiging yaya o ina ng mga sugatan

IV. Dalumat sa lipunan: Pakikipagkapwa- tao


iv.i Panlipunang papel (social roles)
iv.i.i. panlipunang-pagsasamantala
iv.i.ii. kahirapan
iv.i.iii. karahasan
iv.i.iv. pagkatiwalag-ibinunga
iv.i.v. panlipunan
iv.ii Ugnayan ng panlipunan at pamilya
iv.ii.i. halimbawa ang pamilya ni Amanda
iv.ii.ii. pamilya bilang institusyon ng lipunan
iv.ii.iii. ibinigkis ng kasal
iv.ii.iv. magkadugo at magkaisa

V. Kritikal sa umiiral na kaayusang panlipunan

v .i. mala-kolonyal

v.i.i kaayusan ng lipunan/bansa


v.i.i.i. marawal na kalagayan ng lipunan

v.i.i.ii. hawal-sakal ng mga dayuhan ang;

v.i.i.ii.i. korporasyon

v.i.i.ii.ii. militar

v.i.i.ii.iii. politika

v.ii. mala-piyudal

VI. Kahililing Lipunan


vi.i. demokratikong lipunan
vi.i.i nangangalaga sa karapatan ng bawat indibidwal

VII. Hakbangin ng Pagsasakatuparan


vii.i. malinang ang kamalayan makabansa
vii.ii. malinang ang kamalayang makauri

VIII. Ideolohiya bilang salik ng anyo


Lalawigan ng Panabo City

PUROK BAYABAS

LITTLE FARMER OF THE PUROK

KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG LITTLE FARMER OF THE PUROK


NG PUROK BAYABAS CAGANGUHAN ,PANABO CITY NA GINANAP SA
MEETING HALL.,BARANGAY CAGANGUHAN ,PUROK BAYABAS ,PANABO
CITY NOONG- 30 NG DISYEMBRE,2017

Mga Dumalo:

1. Juan dela Cruz Bgy. Captian

2. Yvonne B. Pontillar LFP president

3. Carlo rosita LFP vice president

4. May redwine LFP secretary

5. Rodolf therednose LFP Treasurer

6. Mang Jhuan Thomas LFP Business manager

7. Ann de Coco LFP Ass. Business manager

8. Apple C. funmore LFP P.I.O

9. Vhon Sure LFP representative

10. Sarah labtijud LFP representative

Di nakadalo

-wala-

Ang pagpupulong na ay itiniyo ni G. Juan dela Cruz,ang Brgy.Captain, ganap


na 8:30 ng umaga.Pinasimulan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ni
Bb. Sarah labtijud, ang representative. kasunod ang pambungad na pananalita ng
pangulo.

At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb. Yvonne B. Pontillar,


LFP Pangulo.sa mga kasapi sa posibling proyekto para sa taong 2018 na maaaring
ipatupad sa purok. Nagkaroon ng botohan sa maaaring maging proyekto sa pagitan
ng tatlong Proyekto ; (1) linis tayo sa Purok, (2) Organic garden sa Purok , (3)
tanimang pangbahay. Nangunang bilang may pinakamaraming boto ang proyektong
“ Organic Garden sa Purok”. Na iminungkahi ni G. Rodolf taherednose,ayon sa
kaniya, mahalagang magkaroon tayo ng organikong gulay sa purok upang maging
malakas,healty, at maka iwas tayo sa sakit at para narin ito sa ating mga anak.

Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar kung saan ilalagay ang organic
garden ang paniling proyekto para sa purok. Muling nakaroon ng botohan sa pagitan
ng sa maliit na bakanting lute at sa malaking bakanting lute. Nanguna sa bilang ang
“sa may malaking bakanting lute” na iminungkahi ni Bb. May Redwine, ayon sa
kanya mas mabuti na doon na ilagay at simulan ang organic garden para madami
silang maitanim.

At ang huling pinag-usapan ay ang kung magkano ang kanilang budget para sa
proyekto. Muling nakaroon ng pagbibigay ipinion ukol sa pagbubudget. Ayon kay G.
Rodolf Therednose, may natitirang sampung libo pa sila natitira sa nakaraang
proyekto kailangan nalng nila itong dagdagan. Ayon naman sa pangulo ng purok,
Idagdag na lng nila ito sa limang libo na iton ng purok para mabuo ang proyekto at
gagamit nalang ng remedyo para organic garden.

d At idinagdag ni Bb. Maraia Clara ,ang pangulo, ang pagtatanong kung kailan
nila sisimulan ang proyekto nagpagbotohan. Muling nagmkaroon ng botohan sa
pagitan nga ika – 17 ng Enero at ika- 17 ng pebrero. Nanguna sa

bilang ang ika-17 ng Enero. Na iminungkahin ni G. Apple C. Funmore,ayon sa


kaniya , mas mainam na sa ika – 17 ng Enero ito idaos dahil was silang pasok
lahat.

Idinagdagdin ni Juan Dela Cruz, barangay capitain , na maaring gamitin ang


kaniyang mga kagamitan sa pagtatanim at pagbuo ng organic garden sa purok.

Nagtapos ang pagpupulonag sa ganap na ika-12:30 ng tanghali sa mungkahi na


din ng ating butihing pangulo, Bb. Maria Clara, at pinangalawahan ni G. Carlo
Rosita.

Inihand ni:

MAY REDWINE
Secretary
LFP Office

Nagpapatotoo:

Bb. YVONNE B. PONTILLAR


Pangulo ng LFP
Panukalang Proyekto

PAGSASA-AYOS NG KALSADA

Caganguhan, Prk. Bayabas Panabo City

I. PROPONENT NG PROYEKTO:

a. PUROK Officials

 Pang. Yvonne B. Pontillar


 Ikalawang Pang. Coco D. Probinysano
 Business Mng. Vonne P. Sure
 Treasurer Joy joy de Castro

II. PAMAGAT NG PROYEKTO

Renobasyon para sa kalsada sa Purok Bayabas.

III. PONDONG KAILANGAN

Php33,945.00

IV. RASYONAL

Ang pag-aayos ng kalsada ng Purok Bayabas ans isa sa mga plano ng


Purok officials . Sa pagkakaalam ng mga naninirahan sa purok bayabas, Ang
kalsada ang siyang nagbibigay daanan sa mga sasakyan papasok sa purok .
Ang pagsasakatuparan ng plano ay ang magbibigay ng maayos na daanan na
hindi kayang daanan ng mga sasakyan noon.

Ang pagsasagawang proyektong ito ay mahalaga, hindi lamang para


madaanan ito ,nguti ito rin ay siyang nagsisilbing daanan pangklakal at pagpapa
unlad ng purok. Sa paglipas ng panahon kailangan na ding maging maayos at
makipag kumpitinsya sa ibang purok na mataas ang purok bayabas .

V. DESKRIPSYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

Deskrisiyon

Ang proyekto ito ay nagsisilbing daanan ng magagandang opportunidad


para sa purok para sa mga naninirahan dito, purok bayabas. Magsisimula ang
pagsasakatuparan ng pagpapasolicit ng donasyon at tulong na maaring magmula
sa munisipyo , kilalang personalidad na boluntaryo na pambigay at sa taga purok.
Ang nakalap na pondo ang siyang gagamitin sa mga kinakailangan na materyales
at labor sa pag-aayos sa kalsada.

Layunin
Layunin ng proyekto ang mapaayos ang daanan ng purok bayabas at muli
itong madaanan ng sasakyan papasok ng purok bayabas at para maging
kompurtable ang mga taga purok at bisita sa pagdaan.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:

 Jhun T. Castro – Brgy. Captain


 Mga opisyales at miyembro ng purok na pinangunahan nina:

o Pangulo Yvonne B. Pontillar

o Ikalawang Pang. Coco D. Probinsyano

 Mga mangongontrata na silang mangungu sa pagsasagawa ng mabibigat na


Gawain sa pag-aayos ng kalsada ng purok.
 Mga personalidad na taos pusong tutulong sa pagsasakatuparan ng proyekto.

VII. KAPAKINABANGANG DUOT

Ang kapakinabangang dulot ng proyektong ito ay ang maipakilala at mabigyan


ng parangal ng barangay, sa pagpapaayos ng kinabukasan ng purok.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Uang maisaktuparan ang proyektong ito. Itinada ang mga sumusunod na mga
Gawain o hakbang:

Petsa Mga Gawain Pangalan (kung sino Lugar


ang gagawa)

Enero Pagpasolicit ng Munisipyo , kilalang Panabo City,


1-10,2018 donasyon personalidad at Davao del norte
mamayanan sa purok na
may taos pusong
maghandog ng donsyon.

Enero Pagnenegosssyon sa Pangulo at ikalawang Barangay


11-15, 2018 mga mangongontrata pangulo(Yvonne Pontillar cagangohan,
na mamaring at Coco D. Probonsiyano) Panabo City
magtrabaho sa ng Purok officials
pagsasaayos ng
kalsada.

Enero Pagbili ng mga Business manager Sg . builders,


17, 2018 kinakailangang (Vonne P. Sure) New Pandan ,
materyales para sa Panabo City
proyekto
Pagsasagawa ng Mangongontrata at mga Purok bayabas ,
Enero pagaayos ng kalsada bulontaryo mamayanan Panabop City
20,2018 ng purok bayabas,
Panabo City

IX. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugulong ang pagsasaayos nng kalsada ng purok


bayabas ng kabuuang halagang Php33,945.00 na inilaan sa sumusunod na
pagkakagastusan.

Bilang ng Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong


Aytem Aytem Aytem pangkalahatan
(Php)
10 cubic meter gravel Php700 Php7,000

10 cubic meter sand Php900 Php9,000

10pcs Sacks Php15 Php150

2pcs Pala Php3,000 Php6,000

5pcs Lumbers Php345 Php1725

Kabuuang Gastusin Php23,857


+ labor +10,070
Ang Kaibigan at Ang Ka-ibigan

(Ni Yvonne B. Pontillar)

Magandang araw sa lahat, gusto ko lang bigyang kahulogan ta kaibahan ang

isang kaibigan sa isang ka-ibigan para malaman ang kagandahan sa isa kung

ikumpara sa isa.

Ang kaibigan, sila yung dumadating bigla sa buhay mo at hindi na umaalis. Sila

yung nagpapasaya sa’yo sa tuwing ikaw ay malungkot. Sila yung kumukolit ssaýo sa

tuwing ikaw ay may ginagawa. Mga taong itinuturing munang pamilya sa tagal ng

inyong pagsasama. Sila yung pinagtatawanan ka, kinukulit ka, pinag-kakaisahan ka,

ina-angkin ang iyong pagkain na para bang kanila at inaasar ka pag namimiss ka

nila. Sa kabila ng mga kulitan, tawanan at asaran, sila din yunng mga taong

pinagkakatiwalaan, sandigan, at takbuhan mo, sa oras ng iyong pangangailangan,

lalo na pagmaykaaway o kaya umaaway o kaya sumisira sa iyo. Ang saya naman

talaga magkaroon ng kaibigan diba.

Noon hangang ngayon at sa darating pagpanahon, ang samahan ng

magkakaibigan ay napagtitibay ng panahon, pagmamahal at oras na nilalaan sa isa’t

isa. Nagkakasamaan pero hindi nag-iiwanan.

Ito na, ang ka-ibigan, ito yung taong nagustohan ng puso mo at naaatrackan ka

sa kanya. Sabi ko nga “sa taong ito” ibig sabihin isang tao lng hindi marami. Siya

yung taong nagbibigay ng inspirasyon sayo upang pumasok sa paaralan dahil gusto

mo siyang Makita. Nag-eemot ka dahil gusting-gusto mo siya hanggang nagging

kayo na. Pag naging kayo na, puro kasweetan na inyong ginagawa na sa tining ko sa

paglalambing ay paglalandi na. Siya yung taong nag-eefort sayo, nagbibigay nan g

bulaklak,chocolate, cards, at ano-ano pa kapag monthsary, anniversary , buwan ng

pag-ibig, kaarawan at depende na sa kanya. Sa mga may ka-ibigan, ito ay masaya

at ewan ko sa kanila dahil walang forever.


Ang kaibahan ng kaibigan sa ka-ibigan, ang kaibigan ay nagtatagal kaysa sa

ka-ibigan dahil ang ka-ibigan ay naghihiwalayan din, kapag may problemang

dumating at hindi naresulba. Mahalaga ang kaibigan kaysa sa ka-ibigan, dahil ang

kaibigan ay nagiintindihan at pinipilit na magkaayos na walang pride na nagtataasan.

Oo, may pagkakapareho ang dalawa pero nangingibabaw parin ang mga

kaibigan,dahil sila yung taong mas nakakakilala sa iyo, pamilya kung baga. Masaya

ang magkaroon ng ka-ibigan pero mas masarap ang pagkakaroon ng kaibigang

tunay. Gaya ng aking mga natatanging kaibigan, walang plastikang pagmamahalan.


Paggamit ng Droga

Ang droga ay isa panguhahing sa mga sangkap ng mga gatom, halat ng

modernong siyensa ay nilalagyan nito, tulad ng gatum sa ubo, sakit ng ulo, mga pain

reliever at ang iba pa. Pinapagaling tayo ng mga gamut, nakaktulong ito upang

mabawasan ang mga sakit nating nararamdam, At ang higit sa lahat ay nakakaligtas

ito ng buhay ng tao pati hayop. Ngunit, may pinagbabawal na gamut na kadalasang

ginagamit ng mga adik. Sabi nga nag kasabihan masama ang sobra. May iba’t ibang

uri ng ang mga pinagbabawal na gamot, ang lahat ng ito ay masama para sa ating

kalusogan, minamanipula nito ang ating ulak at dinidiktahan na gumawa ng masama.

Dahil dumarami ang bilang mga taong gumagamit ng pinagbabawal sa bawal na

gamut, ipinaglalaban ngayon ni president duterte ang pagsugpo ng droga sa bansa.

Downer, ito ang ibang tawag sa droga o depresent ito ay ang pagpapatamlay

ng tao. Ang shabu, mariwana, cocaine, rugby, heroine, morphine at marami pang

iba, ito ang mga binagbabawal na droga dahil nakakasamaito sa kalusugan.

Nakakapatay, hindi na makokontrol ang sarili dahil sa tama nito. Ayon sa Philippine

Drug Enforcement, may tinatayang 92% ng mga barangay sa metro manila ang

apektado ng droga. Akalain mong malaki napala ang nasakop ng droga sa metro

manila pano pa kaya kung buong pilipinas na. kaya kailangan na tagalong

matuldukan ang droga sa bansa dahil marami ng pamilya , kinabukasan at buhay

ang nasira ng droga.

Ang tamang edukasyon ang pinaka epektibong solusyon sa laganap na

pagkalulung sa druga. Ang tamang gabay ng mga magulang at tulong ng goberyeno

upang maiwasan at matuldokan na ang droga sa pilipinas.


Paradise Island Resort Trip

Naranasan nýo bang magbakasyon kasama ang inyong mga kamag-anak na

galing abroad? At pumunta kayo sa isang resort na maganda, malinis, at may

preskong hangin at tubig? Kagaya ko, alam kung kayo din at alam naming lahat na

masaya ito tagalong masaya. May pagkakataon na nagbakasyon kami, kasama ko

ang buo naming pamilya at may kuuwi palang galing abroad. Madaling araw palang

noon andoon na kami sa resort station nila, ito yung hintayan ng mg tourista o

bakasyonista papunta sa island resort. Doon palang mamamangha ka na tagla sa

kalinisan at kagandahan ng lugar. Makikita mo na dito ang kanilang mga pagkain na

inihahanda, feature ng resort at mga puwedeng gawing aktibidad gaya ng kayaking,

banana boat, jetski, paddeling, snorkling, scuba diving at malapitang pagsalamuha

sa mga hayop sa kanilang maliit na zoo. Papunta na kami sa island resort sakay sa

isang bangkang pangmaramihan ang sakay , doon palang mismo ngingiti kana dahil

sa kulay asul na tubig at matatanaw mo na din ang mga bahay, istraktura at mga

daungan ng mga barko sa kabilang dako kung ikaw ay titingin sa likod. Nagnakadako

na kami sa island resort, tuwang-tuwa ako ng may Makita akung star fish na blue at

orange na nasa ilalim ng dagat, talagang napakalinaw ng tubig sa paradise island

resort. Pagkadating naming doon, nagandahan na agad kami lalo na ako dahil unang

pagkakataon ko palang doon, kaya manghang-mangha na ako sa lugar.

Habang ako’y naglalakad, nabubungad ko na ang mga isdang nagsasayawan

sa dagat na kulay asul sa mapuputing buhangin na parang perlas na kumikinang sa

ilalim ng magandang araw. Nadaanan ko ang mga taong kumakain sa resto ng

resort, pangmayaman ang galawan dito at mga souviner shop na nakalinya sa daan

malapit sa lutoan ng resort na nakalaan para sa mga bakasyonista. Ang mga

empleyado doon at napakabait, pinagsisilbihan ka nila lahat. Sila yung nagdadala ng


mga bagahe mo mula doon sa estation nagkanilang resort hanggang sa lamesa na

piling , silang ang gagabay sa’yo.

Nag kami ay tapos na sa paghahanda at pag-aayos ng aming mga gamit,

kumain at nagkukuwentuhan na kaming magkakamag-anak. Nag simula na kaming

magtawanan . Maya-maya ay naligo na kami, di ko akalaing lamalim pa kaya

muntikan na akongb malunod, hindi pa naman ako marunong lumangyo. Dahil

malalim pa para sa akin ang dagat naiisipan mag kayaking, pinilit ko si papa noon

para lang maka sakay sa kayak at maka sagwan-sagwan ako sa unang

pagkakataoon. May bayad ang kanilang mga rides, P100 pa taas ang isang oras.

Ang kayak ay may dalawang pagpipilian, may pag-isa ang sakay at may yung pang

dalawahan. Sa edad ko at taas, puwede na akung magkayak pero ayaw ng papa ko

na ako lang mag-isa kay sinamahan n’ya ako. Nasiyahan ako talaga at

nakakapagod ang pagsasagwan. Pagkatapos naming magkayak ni papa ay nag

banana boat na naman kami lahat. Mas masaya ang banana boat kaysa sa kayak

dahil hinihila ng jetski yung banana boat. Kalahating oras at mahigit kami natapos at

yung pagka hinto ng banana boat ay hilag-lag kami at hindi namin akalain kami ay

ilalag. Lubos ang tuwa ko noon hindi ako makapaniwala talaga, kung baga “first time

is the best”. At marami din silang lifeguard na kana bantay.

Pagsapit ng pahon, Nagkumain na kami ulit. May grupo ng mga mang-aawit na

kinakantan ang mga bakasyonista at puwede pa kayong mag request sa kanila ng

kanta. May talent show din sila doon, may nagperform na mga kumedyante, may

kumanta at may mga banda. Hindi na namin tinapos ang show pumunta na kami sa

playground ng resort at nakihalubilo sa mga hayop doon. Sa aming paglalakad sa

mini zoo napatingin ako sa peacock, sinasayawan ni’ya kami at pinakita niya sa amin

ang kanyang magandang buntot. Sayang-saya talaga ako, hindi lang maganda doon

malinis pa at masaya. Sa playground nila may volleyball court at badminton court

doon at may naglalaro doon, ang saya nilang lahat.


Nag ako ay na gutom ulit pumunta ako sa resto nila, marami ang puwedeng

pagpilian. Bumili ako ng halo-halo , ang halo-halo nila ay nakalagay sa isang buko at

hindi sa baso, bumili rin ako ng icecream na tagalong masarap at dahil guest kanila

may libre silang softdrinks doon pero isa lang. Pinuntahan ko lahat ng lugay doon

pati ang c.r at yung c.r nila ay talaga maganda, may malaking electrick fan sa itaas,

may shower at iba pa.

Bago pa mag alas-singko ay papauwi nakami, 5:00 doon ay para na sa mga

magninight swimming, at kung hindi pa kami uuwi mag babayad kami ulit. Nalungkot

ako dahil uuwi na kami at nasiyahan ako ng sobra sa pagbabakasyon namin doon,

sa uulitin ulit. Pag naka punt aka ditto talagang gusto mung mubalik ulit dahil sa

ganda ng lugar. Na daan ko ulit ang mga magagandang nadaan ko noong kami ay

papunta palang. At ditto nagtatapos ang paglalakbay ko sa paradise island resort sa

samal.
Replektibong sanaysay

Pamilya

Ang pamilya, isang grupo ng tao na magkakadugo at binubuo ng tatay , nanay

at mg anak. Sila yung grupo ng tao na pinagmulatan at kinalakhan, yung mga

nagsasama sa isang bahay at nagmamahalan. Ang pamilya nag pinakamaliit na unit

sa isang kumonidad. Sila ang nagtatanggol sa iyo at nagmamahal ng lubos.

May pagkakataon na nagseselos ako sa pamilya ng kaibigan ko, may nanay

silang nagsasaing sa umaga, sa bahay lng, naghahanda ng pangbaon sa school ,

yung tipikal na ina. At may tatay na umuuwi sa tanghali para kumain , sumasabay sa

trip ng kabataan, dinadala ang pamilya sa kunsaan man at nagkakape sa umaga na

nasa bahay lang. nagseselos ako sa ibang pamilya dahil iba masyado ang pamilya

namin sa kanila. Nagtatanong ako kung bakit ganito ang pamilya ko, puro trabaho

parang wala ng oras para sa amin. Parang may kulang sa akin na di ko alam, siguro

pagmamahal nila lalo na ang pagmamahal ng kapatid, kalinga nilang lahat. Bunso

ako, ako yung palaging inuutusan, pinapagalin, binabaliwala at pinagkakainitan ng

mga kapatid. Bakit ang ibang magkakapatid ang saya-saya nila, nagbibigay regalo

tuwing kaarawan ng kanilang kapatid, binibilhan ng kung ano-ano, dinadal kahit

saan at minamahal.

May pagkakataon na gusto kung umalis, palitan sila, may mawala sa kanila at

iba pang hindi kaayaayang isip at gawin. Dahil sa sama ng loob ko sa kanila at hindi

ko na nakayanan talaga, pinapagalitan nila akon lahat, binabaliwana yung bang

nagtatawanan sila at hindi ka kasali at pinagsasabihan nga kung ano-ano tulad ng

“hindi ka anak nila papa” ,“abopted ka lng dito” “ hindi ka namin kapatid!” . napaka

sakit para sa akin ang mga ganitong salita na galing pa sa kanila. Gusto ko na silang

mawala, umalis sa bahay at dina babalik pa. noon, hinihiling ko tagala ang mga

ganito. Pero noong ako’y lumaki na nag-iba na ang ihip ng hangin at hiling ko.
Ngayon, ako’y matanda na kaysa sa dati, nagpagtanto ko sa buhay ko na ang

mga ayaw ko noon ay gusto ko na ngayon. Pero sa kasamaang palad, ako nalang

mag isa sa bahay , wala na sila ate at kuya ko dahil nag-asawa at nagtatrabaho sa

malayo. Ang nanay at tatay ko naman parang sa tindahan na namin pumaparati kung

uuwi gabi na at kung aalis naman sa madaling araw na din. Wala na ako kasabaya

kumain di tulad noon na andito sila. Wala ng umaayaw sa akin, nagagalit, walang

nagaasar, walang nagseselos at wala na din nag uutos sa akin. Napakalungkot ko,

namimis ko lahat noon. Saan hindi ko nalang hiling na mawala sila o umalis.

Hinahanap ko na ngayon ang kanilang mga ginagawa sa aking, makakamiss at

nakaklungkot. Mahalaga pala talaga siya sa buhay ko bilng pamilya, hindi matatawag

nag buo ang pamilya namin kung wala sila.

Sana may nagawa ako noon para mahalin nila, sana sinunod ko sila noon,

sana nasabihan ko man lang sila noon na “mahal” ko sila kahit inaayaw nila ako,

sana hindi ko hiniling anga mawala sila at sana napahalagahan ko pa sila noon

kaysa nagseselos ako sa ibang pamilya. Tama may iba’t ibang uri ng pamilya at iba

ang pamilya ko sa kanila. Sana talaga hindi sila umalis at hindi nila ako iniwan. Sana

hindi ako nagalit sa kanila. Sana nalaman ko na noon na mahal pala nila ako kaya

nili ako pinapagalit para matama ang mali.

Ngayon, pinapahalagan ko na ang aking pamilya. Pinapatawad ko na sila sa

mga nagawa nila akin. Sinasabihan ko na sila na mahal ko sila. Hindi kina

kinukumpara ang pamilya ko sa iba, proud na ako na kabilang ako sa kanila. At ang

higit sa lahat masaya na ako na pamilya ko na sila. Natutunan kung pahalagahan

ang aking pamilya higit pa sa lahat sa tulong ng diyos sa siyang sentro ng pamilya.
Ang araw-araw na Gawain ng aking pamangkin

#pagtulog #paggising

#bago matulog,aral si besh #pagpasok sa paaralan.

#pagahaponan na #pag-uwi galing eskwelahan, laro-laro


Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka:

Ang Pilosopiya ng Wikang Pambansa/Filipino

(Humanidades)

Ni Lagahit Flores

Kaligiran

Wika, konstitustion at kasanayan, mga mahalagang dokumentong


pangbabatayan kung hindi ang mga nasabing konstitusyon. Ang diskurso ay
matatawag na ding nasyunalismo, isang mahalaganf papel sa pambansang wika.
Ang wika ang puweding pumili ng mga katutubong o local na mga pampulitikang unit.
Gaya ng mga dating kolonasyopn ng pilipinas. Sa karanasan ng pilipinas, makikita
kung gaano na gagamit ng konstitusyon at mga kilusan sa rebolusyon, madugtongan
lang ang pagpapaplanong pangwika..

Layunin

Layuning talakayina ang mga katangian, pinagmilan/batayan at gamit bilang


isang mahalagang aspekto o usapin sa sinasagot sa pagbubuo ng pilosopiya.
Sinusubokang tuldukan ang walang katapusang pagdedebste sa usaping wika at
masasugat ang nararpat na wikang panturo at walang patumanggang debate.

Metodolohiya

May dalawang anta sang pagpaplanong pang wika: makro at maykro. At may
tatlong dimension, kagyat na layunin o component. Ang mga ito ay istatus na
pagpaplanong pag wika, na nagbibigay pasin sa mga tiyak na gamit mula sa wika ng
pangkatutio samga akademikong sulatin.

Resulta.

Bilang produkto ng pandaigdigang kumperensya sa wika, ang paghubog ng


wika sa lipunan ay mahalaga. Pinatunayan ang nasabing multidisplinryo lapit sa pag-
aaral ng wika. Na buo ang paambansang wika sa hula ng larangang pagpaplanong
pangwika, nakabuo ng bunga ng mga pagpupunyagi at panawagan kaugnayan ng
wika.

kongklusyon

Na dapat gawin ang pagtatakda ng midyum ng pagtuturo ay hindi lamang


usapin pang pedagohikal at linggwistik. Dapat ring isaalangalang ang pagrespeto ng
historical na pagpapasya ng bayan, bilang essenya ng demokrasya. Sakabilang
banda, di rion dapat kalimotan ang pagkatuto sa kasaysayan. Mahigpit na ugnayan
ng sandata ng wika at kilusang pagbabago.
panitikan, Ideolohoya, Rebolusyon:

Edukasyon at Pedagihiy sa Pagbasa ng

Nobelang Desaparasidos ni Lualhati Bautista

(Agham Panlipinan)

Ni Epifanio San Juan, Jr.

Kaligiran

Ang ideolohiya sa pagkilatis at pagpapahalaga sa anumang likhang-sining. Sa


salitang “ideolohiya” ano ba ito, propaganda o chika tungkol sa politika na hindi
bagay sa okasyong ito at kung nabasa ang “batas at memo ni Dr. Liuanan”, nais
hasain ang mga estudyante sa kritikal at malikhaing pagiisip upang itransporma ans
sarili at kapaligiran. Sa ano’t anuman, ang ideolohiya ay salitang laganap na sa iba’t
ibang sanaysay ng aralin sa humanidades at siyensiyang sosyal.

Layunin

Ang layuning iugnay ang produksiyong pampanitikan sa proseso ng tunggalian


ng mga uri’t sector s neokolonyal sa kasalukuyang yugto ng kasaysayang global. At
malaman ang pagkakaiba ng indididwal at sabjek na natutunan noon sa panahon ng
mga espanyol at amerikano.

Metodolohiya

Sa bias ng ideolohiya, ginagawang sabjek ang individual sa praklika’t na kilos ,


nagpapasiya, nananagot. Ginawang halimbawa ang relasyon ng titser at estudyante.
Ang titser ang may awtoridad,kinatawan ng estado at siyang nagdedeposito ng
kaalaman sa basong utak ng mga estudyante o banking method ng edukasyon.
Galing ito sa habang karanasan sa disiplinang pedagohikal ng kolonyanismomh
espanyol at amerikano.

Resulta

May tatlong resulta, una, didaktikong motibasyon: birtud ng literature ang


pagpukaw ng diwa o damdamin at magbigay ng aral na
mapapakinabangan.masisinag ang utilitaryanismong ugit sa dokumentong
nabanggit. Pangalawa, ang empirisistikong hilig na sa reyalistikong pamamaraan
nailalahad ng akda ang katotohanan, tiwalag sa anumang paniniwalang moralno
etikal ng awtor. Pangatlo, aliw ang dulot ng ayos o porma ng sining; kariktan o
kagandahan ang mahalagang katangian nito para sa esklusibo’t sopistikadong
sensibilidad.

Kongklusiyon
Kung taglay na ang lahat na akda o diskurso ang hugis ng ideolohiyang
nahimay, walang dapat alalalahanin at walang panganib ang magbasa ng diskurso
nag-uulat ng nakaririmarim.
Pagsisiyasat sa Elektripikasyon

Sa kanayunan

(agham)

Ni Allan Joseph F. Mesina

Kaligiran

Ang modernong serbisyong enerhiya ay akilala sa buong mundo, sa pagsugpo


ng kahiran at pang-ekonomiyang pagunlad. Malaki ang maiaambag ng pagkakaroon
ng modernong serbisyong enerhiya sa pagsugpo ng kahirapan ayon sa United
Nations Development Program (UNDP). Ang enerhiya ay isang intermedyang
produkto kung saan ang serbisyong iniluliwal nito ang siyang mas nabibiagay ng
pansin tulad ng pagkakaroon ng malinis na tubig,sanitasyon, epektibong serbisyong
pangkalusugan, pa-ilaw, pagpapatakbo ngnmga makinarya, transportasyon at
komunikasyon.

Layunin

Layuning mapalaganap ang pagkakaroon ng elekrisidad sa boung ban sa.


Maserbisyohan ang mga hindi pa naaabot ng enerhiya sa iba pang luagr. Gustong
pataasin ang mga pabrika ng enerhiya upang ma ihatid ang serbisyo sa lahat.
Kailangan ng malaking halaga upang maitala ang mga linya, magtayo at magpatakbo
ng planta ang kuryente upang wala pribabong kompanya ang mangangahas
gumastos sa negosyong hindi sigurado ang kita.

Metodolohiya

Sa pagpapaunlad ng serbisyong enerhiya, nagpatupad sila ng batas na ang


intensiyon ay ang pagpapasabatas ng EPIRA para resolbahin ang problema ng
sistemang padrinno sa sector sa pamamagitan ng polisiyang ng sisiguro sa aboy-
kayang presyo ng kuryente, inaaasahang ang daloy ng elektrisidad at may isang
sector na Malaya sa impluwensya ng politika ipin.anukala ng batas. Para sa reporma
ng sector.

Resulta

Dahil hindi malinaw ang EPIRA, ang elektripikasyon sa malalayong lugar ay


hindi na tugunan. Naabuo ang ilang isyung ng implementasyong ng pagpapakabit ng
kuryente. Ang mga sumusunod ay ang distorted marke, pagmaha ng presyong
produkto, enerhiyang para lang sa palinaw na layong gawing pantay ang merkado sa
pamamagitan ng pagtanggal sa subsidy sa lahat ng aspekto ng sector ng
elektrisidad.
Kongklusyon

Ang paggamit ng renewable energy system ang mahusay na alternatibo para


mabigyan ng kuryente ang mga malalayong lugar. At ang paggamit ng solar home
system, micro hydro at small wind turbine ang nagging pangunahing opsiyon dahil
mas mura at madali lng ikabit sa komunidad na malalayo.
Epilogo
Bionote ni Yvonne B. Pontillar

Kilalang manlalaro ng lawn tennis at athlete ng eskwelahan, si Yvonne B.

Pontillar ay ipinangaanak noong Pebrero 17, 1999 sa Panabo City , Davao del norte.

Nag-aral ng elementarya sa Doña Nenita R. Floirendo elemtary school noong 2012,

nag-aral ng secondarya sa Panabo National High School noong 2016 at nag-aral sa

Panabo City Senior High School sa taong 2018 kumuhan ng Accountancy, business,

and management . Gustong Kumuhan ng accountancy, mag-aral sa U.M matina,

Davao at maging varsity iskolar ng Unibersidad.

Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Yvonne sa larangan ng isports.

Nakapanglaro siya sa iba’t ibang lugar , sa sultan kudarat, mati at sa karatig city ng

panabo. Nanalo ng 1st runner up sa tagum na inisponsoran ng Wilson, pinarangalan

ng kampiyon ng naglaro sa isang turniyo dito sa Panabo City ng naglaro ng doubles

at binigyan ng medalya ng paaralan ng naglaro siya sa davraa mati.

Sa kabila ng pagiging manlalaro, hindi niya nakalimotan ang halaga ng pag-

aaral, pagiging estudyante at kaibigan. Meyembro din siya ng Math Club bilang

Business manager at naparangalan din siyang with honor noong unang semester

ngayong grade 12.

Maraming beses na ring nakasama si Yvonne sa Davraa. Patuloy parin siyang

naglalaro ng lawn tennis sa makatuwid ay ilang beses na din siyang natalo. Palaging

mailap sa kanya ang pagiging kampiyon dahil marami din ang mas malakas sa

kanya, pero hindi parin siya nawawalan ng tibay at lakas ng loob na maglaro. Sa

kabila ng lahat na ito, isa siyang mabuting anak ng kanyang magulang. Ang pamilya

at diyos ang inspirasyon ni Yvonne sa lahat, sila ang nagpapalakas ng loob at

sumusuporta sa kanya.

You might also like