You are on page 1of 5

MODYUL 2 MGA GAWAIN

(Sagutang Papel)

PANIMULANG GAWAIN

Suriin ang mga larawan ng mga hayop na nasa modyul. Tukuyin kung anong
katangian ng tao ang maaaring maihambing sa mga ito.

1. leon

2. kalabaw

3. ahas

4. aso

5. ibon

GAWAIN 2: PAGHIHINUHA

Alamin natin ang alam mo na kung bakit mga hayop na nagsasalita at


nagsisikilos na parang mga tao ang karaniwang ginagamit na mga tauhan sa pabula.
Gamitin ang sumusunod na ekspresiyon sa pangungusap.

1. Maaaring

2. Baka

3. Siguro

4. Marahil

5. Sa aking palagay

GAWAIN 3: PAG-UNAWA SA BINASA


Sagutin ang sumusunod na katanungan, subukin mo ang iyong pag-unawa sa
pabulang binasa.

1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula. Ibigay ang kanilang mga katangian.

ARDILYA LEON MATANDANG ASO

2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa ardilya


na, “matanda na ako at maraming karanasan”?

3. Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan at bakit?


4. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw o pananalita ng
mga tauhan sa akda? Karapat-dapat o di karapat-dapat ba ang paggamit ng hayop
bilang tauhan sa pabula? Pangatuwiranan.

PAGSASANAY

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng pabulang “Ang Aso


at Ang Leon”, ano kaya ang maaaring mangyari sa matandang aso kung sakaling hindi
niya nautakan ang mabangis na Leon?

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na eskspresyong nagpapahayag


ng posibilidad sa pagbibigay ng iyong sariling hinuha sa kalalabasan ng pabula.

1. Siguro

2. Baka

3. Sa palagay ko

4. Posible

5. Marahil
PAGTATAYA

Natitiyak kong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng paggamit ng mga


ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad sa pagsasalaysay. Upang matiyak ko na
naunawaan mo ang kahalagahan ng konseptong nakapaloob sa araling ito, sagutin ang
kasunod na mga tanong.

1. Bakit hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ang karaniwang


ginagamit na tauhan sa pabula?

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga ekpresiyong nagpapahahayag ng


posibilidad sa pagbuo ng pabula?
Binabati kita! Natapos mo nang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito. Nawa’y
isaisip mo ang lahat ng natutuhan mo sa araling ito.

You might also like