You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO: BAITANG 7
SY 2018-2019

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at sundin ang panuto.
Isulat ang inyong mga sagot sa isang malinis na sagutang papel.

A. PANITIKAN NG KABISAYAAN
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa sa salitang nabubuo sa pamamagitan ng pagkuha sa dalawang huling pantig
ng salita? Tinatawag din itong salitang kalye.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
2. Ano ang tawag sa isang uri ng antas na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap na kung
saan madalas ginagamitan ng pagkakaltas ng ilang titik?
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
3. Ano ang tawag sa salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya kung saan
nagmula ang wika?
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
4. Anong uri ng antas ng wika ang salitang bagets?
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
5. Anong uri ng antas ng wika ang salitang ambot?
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
6. Anong uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig?
a. Alamat b. Awiting-Bayan c. Dula d. Epiko
7. Sa alamat ng Capiz, sino ang namuno sa paglusob sa pulo ng Panay?
a. Alejandro de la Cruz
b. Alexander de la Cuesta
c. Alebrando de la Cuesta
d. Alejandro de la Cuesta
8. Sa alamat ng Capiz, Bakit nilapitan ng Pinuno ng mga Kastila ang babaeng naglalaba sa batis?
a. Upang itanong kung ano ang pangalan ng bayang kanilang kinaroroonan.
b. Upang makuha ang bayang kanilang kinabibilangan.
c. Upang ligawan ang babaeng naglalaba sa batis.
d. Upang takutin lamang ito.
9. Bakit pinalitan ng titik “s” ang huling titik sa salitang Capid?
a. Dahil hindi angkop sa kanilang dila ang titik “d”.
b. Dahil winasto sila ng babaeng nasa batis.
c. Dahil naalala ni heneral ang kanyang anak.
d. Dahil walang rason.
10. Ano ang salin sa wikang Filipino ng salitang Capid?
a. Kambal b. Kamay c. Kapatiran d. Kagustuhan
11. Ano-anong katangian ang ipinakita ni Juan sa Dula?
a. Mabait at masunurin b. Utos nang Utos c. Sigaw nang Sigaw d. Sibat nang sibat
12. Ano-anong katangian ang ipinakita ni Pedro sa Dula?
a. Mabait at masunurin b. Sigaw nang Sigaw c. Sibat nang sibat d. Utos nang utos
13. Paano nagkahiwalay ang magkapatid na sina Juan at Pedro?
a. Binagyo ang tahanan c. Sinalakay ng mga Kastila
b. Iniwan ni Pedro si Juan d. Sinabihan ng manghuhula na maghiwalay sila
14. Sa kabila ng mga ginawa ni Pedro, sang-ayon ka na sa naging desisiyon ni Juan? Bakit?
a. Hindi, Dahil hindi ko siya mapapatawad sa mga masamang nagawa niya sa akin.
b. Hindi, Dahil siya ang dahilan kung bakit ako minalas sa huli.
c. Oo, Dahil mahal ko ang kapatid ko at magkadugo kami.
d. Oo, upang makabawi ako sa mga kasamaang ginawa niya.
15. Ano ang tawag sa panitikang ipinapalabas sa tanghalan at kinakailangan ng isang tanghalan?
a. dula b. Maikling kuwento c. Nobela d. tula
16. Saan nagmula ang epikong Hinilawod?
a. Ilog ng Halawod c. Kapatagan ng Halawod
b. Kagubatan ng Halawod d. Karagatan ng Halawod
17. Sino ang pinili ni diwatang Alunsina na mapangasawa?
a. Donggon b. Durunuun c. Paubari d. Saragnayan
18. Bakit pinatawag ni Alunsina si Bungot-Banwa matapos niyang manganak?
a. Dahil nais niyang makita ito.
b. Dahil nais niyang mabendisyunan.
c. Dahil kay Bungot-Banwa sila magpapakasal.
d. Dahil sa kapangyarihan ni Bungot-banwa, makakamtan ng mga anak nito ang mabuting
kalusugan.
19. Ano ba ang naidudulot ng dula sa buhay ng tao lalo na ng kabataang tulad mo?
a. Nakapagbibigay ito nang bukas na kaalaman tungkol sa mga paksa nito.
b. Nakapagbibigay ito aliw sa mga manonood dahil wala silang magawa.
c. Naglalayon itong bigyan ng magulong paglalahad ng paksa.
d. Nakakatulong ito sa pagbuo ng dula.
20. Ilan ang naging asawa ni Labaw Donggon?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
21. Anong uri ng panitikan ang pinamagatang “Si Pinkaw”?
a. Alamat b. Dula c. Maikling Kuwento d. Tula
B. WIKA AT GRAMATIKA
II. Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga patlang: 1 para sa pinakamababaw at 3 sa
pinakamatindi ang digri.

_______22. Hagulhol _______25. inis _______28. tawa


_______23. Hikbi _______26. Tampo _______29. ngiti
_______24. Iyak _______27. Galit _______30. halakhak

III. Panuto: Ilahad ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Epikong Hinilawod
sa pamamagitan ng bilang 1 hanggang 10.
_____31. Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga Diyos at Diyosa na ipakasal na si Alunsina pagsapit
sa edad ng pagdadalaga.
_____32. Si Alunsina ay nagpakasal kay Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod.
_____33. Dumating ang kanilang mga anak na nagngangalang Labaw Donggon, Humadapnon at
Dumalapdap.
_____34. Nagpaalam siya upang hanapin ang dalagang si Anggoy Ginbitinan sa bayan ng Handug.
_____35. Bago niya mapasakamay si Anggoy Ginbitinan kinakailangan niya munang mapatay ang
halimaw na si Manalintad.
_____36.Ipinagdasal ng mga asawa ni Labaw Donggon na muling bumalik ang lakas nito.
_____37. Naibalik ng magkakapatid si Labaw Donggon sa kanilang tahanan at muling nasilayan ng
kanyang mga asawa.
_____38. Pagkalipas ng mahabang panahon na paghahanap kay Labaw Donggon ay nakita rin nila
ito sa loob ng isang lambat.
_____39. Natalo ng magkapatid si Saragnayan dahil nalaman nila ang kahinaan nito.
_____40. Naglakbay ang magkapatid upang hanapin ang kanilang ama.
IV. Panuto: Tukuyin kung saan ang nagpapakita ng karaniwang pangyayari at kababalaghan
sa tunay na buhay. Isulat ang salitang KABABALAGHAN o KARANIWAN.
____________41. Ang isang diwatang tulad ni Alunsina ay nagpakasal sa mortal na tulad ni Datu
Paubari.
____________42. Nagsilang si Alunsina ng tatlong sanggol na lalaki.
____________43. Ang tatlong sanggol ay agad na naging makikisig at malalakas na binata nang
mabendisyunan ni bungot-banwa.
____________44. Isang lalaking nagkaroon ng dalawang asawa.
____________45. Isang lalaki ang nakipaglaban sa isang malakas na halimaw para makuha ang
kanyang gusto.

V. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng elemento ng maikling kunwento ang bawat pahayag.
Piliin sa kahon ang wastong kasagutan.

Banghay Suliranin
____________46. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Tauhan
____________47. Ito ang nagbibigay-buhay Tunggalian
sa maikling kuwento.
____________48. Ito ang panahon o lugar kung saan naganap ang kuwento.
Tagpuan
____________49. Ito ang problemang kinahaharap ng mga tauhan sa kuwento.
____________50. Ito ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang
kahaharapin.
VI. Panuto: Tukuyin ang wastong pang-ugnay na ginamit sa bawat patlang. Piliin sa kahon ang
wastong kasagutan.
Sa Wakas Hindi Nagtagal

Maya-maya Samantala

Isang araw

____________,51) isang pangkat ng mga taong nakaputi ang dumating sa tambakan.


Dala ang isang kasuotang may mahabang manggas na puwedeng itali sa likuran upang hindi
makapalag ang susuotan at hinanap nila si Pinkaw.____________, 52) ang lahat ng kapitbahay ay
nagsilabas upang makita ang susunod na mangyayari. ____________,53) pa ay naririnig na ang
sigaw ng tumututol na si Pinkaw habang sinusuotan siya ng straightjacket.____________,54) ay
umalingawngaw ang tunog ng papalayong ambulansiya.____________,55) may nagmalasakit din
upang mapagamot si Pinkaw.
VII. Panuto: Sumulat ng isang awitin (chorus lamang) na nagpapatungkol sa bayan at
nagagamit ang sukat, tugma at kahulugan ng awitin.
56-60. _________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
“Kebaw ko nga wa ka nakopya sa imong tapad, SALAMAT ”

Inihanda ni: NIKKO D. MAMALATEO

You might also like