You are on page 1of 1

Page | 1

MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION CANDELARIA, INC.


Quezon, Philippines

Theoretical Framework

Meta Analisis sa Pagsusuri ng Maiikling Kwento

sa mga Tesis at Disertasyon(2014)

Ang maikling kuwento ay isang uri ng sanaysay na nababasa sa iisang upuan lamang.
Ito ay naglalaman ng iba’t ibang istorya na may halong katotohanan at kathang-isip. Ang
maikling kwento ay makapagdudulot ng mga pagbabago sa buhay. Ang mga aral,
mensahe at tema ay magiging gabay sa mga gawaing araw-araw at magiging bukas sa
anumang hamon sa buhay, magiging batayan din sa pagdesisyon at magsisilbing
refleksyon sa mabubuting tahakin sa buhay.
“Aking nabasa na kailangan na ako ay matulog ng maaga upang magkaroon ng sapat
na lakas na aking kailangan sa kinabukasan”. “Kailangan ko itong subukan, upang
makamit ko ang tagumpay”. “Batay sa aking binasa kailangan kong isiping mabuti kung
anong kurso ang aking kukuhanin sa kolehiyo upang gumanda ang aking pamumuhay”.
“Ang aking ginagawang pag inom ng alak ayon sa aking binasa ay makapagdudulot ng
masamang epekto sa aking kalusugan kaya’t ito ay akin nang ititigil”.

Ang mga senaryong iyon ay malinaw na nagpapatotoo sa teorya galing sa


pananaliksik na Meta Analisis sa Pagsusuri ng Maiikling Kwento sa mga Tesis at
Disertasyon(2014). Ito ay sapagkat habang tayo ay nagbabasa marami tayong mga
impormasyon, paniniwala, kaugalian, kaalaman at karunungan na natututunan. Tayo ay
nakapagbabasa ng mga sitwasyon na hindi pa natin nararanasan kung kaya’t sa tulong ng
pagbabasa ay madali nating nalalaman ang mga dapat nating gawin upang maresolba ang
ating problemang kinahaharap. Sa tulong din ng pagbabasa ng maikling kuwento ay
nababatid natin ang mga tamang asal na dapat nating taglayin upang maging
kapakipakinabang na mamamayan ng bansang ating kinabibilangan. Ang pagbabasa rin
ng maikling kuwento ay makatutulong na alamin ang mga bagay na nararapat gawin
upang maiwasan ang mga pangyayari na ayaw nating mangyari sapagkat ang pagbabasa
ay makatutulong upang magkaroon tayo ng malinaw na pag-iisip sa mga bagay-bagay na
ating kinahaharap sa araw-araw. Makatutulong din ang pagbabasa upang ating malaman
at mabatid ang mga maling gawain na ating nagagawa at ipabatid sa atin na kailangan na
natin iyong baguhin.

Senior High School Department


ANTAS NG KAKAYAHAN NG MGA PILING MAG-AARAL NA
MAGSURI NG MAIKLING KUWENTO SA MSEUFCI

You might also like