Ikatlong Pangkat Aralin 2 - Pagtataya 2 (Pangkatang Gawain)

You might also like

You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN

Guro: Bb. Emerlyn Lingues

Ikatlong Pangkat
PAGTATAYA 2

Panuto: Basahin at suriin ang Ang Ningning at Ang Liwanag na isinulat ni: Emilio
Jacinto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang iyong binasa?


Ang akdang "Ang Ningning at ang Liwanag" na isinulat ni Emilio Jacinto y Dizon ay
isang sanaysay. Naglalaman ito ng tatlong bahagi ng importanteng nilalaman ng isang sanaysay,
mayroon itong panimula o introduksyon, katawan na naglalaman ng mga ideya at impormasyon
na bumubuo sa nais ipahayag at ang huli ay konklusyon kung saan muling inilalahad ang buong
ideya na nilalaman ng teksto. Ito ay isang uri ng sanaysay sapagkat ito ay tumatalakay sa mga
kaisipan sa ating mga Pilipino na sadyang kapupulutan ng aral. Ang akdang ito ay masusing
pinag-aralan ng may-akda, kinapapalooban ng obserbasyon at opinyon ng manunulat sa kanyang
paksa, at pang huli ay nakapagbibigay ng impormasyon sa kanyang mambabasa.

2. Paano binigyang larawan ang salitang Ningning sa akda?


Mula sa teksto na aking nabasa, ang ningning ay madaya. gaya na lamang ng sinabi sa
teksto na "Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot."Tama na ang nakakasilaw ang ningning
subalit hindi lahat ng ningning ay totoo, kundi ang iba ay nakakasakit din sa mata.Ang ningning
ay sinasabing tulad ng isang bubog kung saan kapag natatamaan ng sinag ng araw ay
nagniningning ngunit kay sakit sa mata at kapag ito’y nahawakan ay maaaring makahiwa at
magdulot ng kirot. Ipinaliwanag din sa akda na ang ningning ay maaaring makapanloko at
malinlang ang mga ating mata. Sapagkat ito ay ginagamit ng mga nais manlinlang at magtaksil
sa atin, nais nilang pagtakpan ito ng nakakasilaw na bagay upang hindi natin tunay na makita ang
katotohanan.

3. Paano naiba ang Liwanag sa Ningning buhat sa akdang iyong binasa?


Ang Ningning ay binigyang kahulugan bilang nakasisilaw sa paningin, sapagkat ang ibig
sabihin nito ay nakaka-bighani ngunit nawawala at lumilipas din. Ang liwanag naman ay
nananatili hindi tulad ng ningning na sa sandaling panahon lamang masisilayan. Kaya ayon sa
akda, liwanag ang ating hanapin.Ang Liwanag ay nagsisilbi nating tanglaw hindi lamang sa
pinaka madilim na gabi ngunit maging sa ating buhay. Tinutulungan tayo nito na makita nang
maayos ang tama at malinawan sa mga bagay bagay na maaaring magbigay kalituhan sa atin.
Ang Ningning sa kabilang banda ay mapanlinlang. Tulad ng ibinigay na halimbawa, maaaring
makakita tayo ng karwaheng nagniningning sa daan tulad ng mga pulitikong patuloy na
nangangako sa taumbayan ngunit sa loob nito ay may kasakimang dinadala gaya ng mga
pansariling interes ng mga ito.

4. Bilang mag-aaral ano ang iyong pipiliin ang Ang Liwanag o Ang Ningning? Bakit?
Bilang isang estudyante lalo na sa istrand na HUMSS, pinipili ko ang liwanag kaysa sa
ningning sapagkat ang layunin ko kung bakit napili ko ito ay dahil nais kong magsilbi sa ating
bayan para sa hinaharap. Nais kong magsilbing liwanag sa lahat at gabayan sila tungo sa
ikabubuti ng nakararami at hindi pansarili lamang. Nais kong maging liwanag upang sa gayon ay
maging parte ako ng pagbabagong maaaring humubog unti-unti ng isang magandang
kinabukasan na pinapangarap at nais mamithi ng bawat isa. Bilang isang mag-aaral mas pinipili
ko ang liwanag kaysa sa ningning, sapagkat mas nais kong dinggin ang kailangan ng bayan
kaysa sa pansariling hangarin lamang. Kaya liwanag ito ang paraang pagsisilbihan ko ng tapat at
malinis na serbisyo mula sa akin. Ang bawat isa ay bibigyan ko ng tamang kaliwanagan at
pagbabago na tutulong sa kanilang magandang layunin at hangarin sa sarili at nais na para sa
bawat isa sa bayan.
Sa madaling salita, ang pagpili ng liwanag bilang isang mag-aaral ay nangangahulugan
ng pagiging bukas sa mga bago at makabuluhang kaalaman, pag-unawa sa mga konsepto at
kahalagahan nito, at pagpapakita ng mabuting asal at kalooban sa pag-aaral at sa mga kapwa tao.
Sa ganitong paraan, maaaring makatulong ang pagpili ng Liwanag upang magtagumpay bilang
isang mag-aaral.

5. Sa paanong paraan makakatulong ang pagkakaroon ng malawak na pananaw sa isang


bagay?
Ang pagkakaroon ng malawak na pananaw ay makakatulong upang mas lalong
maintindihan ang mga bagay bagay o mga teksto hindi lamang sa iisang anggulo sapagkat ang
bawat kwento ay may iba't ibang bersyon sa iba't ibang perspektibo. Nakakatulong din ito upang
makabuo ng isang malusog at malaman na diskurso sapagkat mas nahahasa ang ating kritikal na
pag iisip. Ang malawak na pananaw ay binigyan tayo ng tyansa na mas maintindihan ang isang
akda sa mas malalim pang kahulugan at mas maintindihan ang mensaheng nais ipabatid ng may
akda sa atin. Tulad ng ating nabasang akda, ito ang magbibigay ng direksyon sa atin upang mag
unawain ang mga kahulugang maaring maging parte ng ating buhay. Sapagkat ang lahat ng ating
dinaranas sa buhay ay kailangan din natin bigyan ng malawak na pag unawa, bagamat hindi lahat
ng nakikita natin ay liwanag, maaaring ito ay sadyang ningning lamang na humihiwalay sa ating
atensyon mula sa ating patutunguhan. Ang bawat sanaysay ay may iba't ibang bersyon mula sa iba't
ibang pananaw, kaya't ang mas malawak na pananaw ay nakakatulong sa atin na mas maunawaan ang
mga bagay at teksto, hindi lamang mula sa parehong punto ng “view”. Pinatatalas din nito ang ating
kritikal na pag-iisip kaya nakakatulong din ito sa isang masagana at matalinong diskurso. Ang
pagkakaroon ng mas malawak na pananaw ay nagbibigay-daan sa atin upang mas mapaunlad ang
pag-unawa sa may akda at ang mensaheng nais iparating ng manunulat sa madla o mambabasa.

You might also like