You are on page 1of 16

Filipino -6

Activity for the month of June week 1

Pagsasanay #1
Kasanayan:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang pabula;Nagagamit nang wasto ang mga
pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon.

Panuto:Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Kwento ng Kalabaw at Kambing

Isang araw naliligo sa ilog si kalabaw ng siya’y tapos sa pagtrabaho, naligo siya ng buong araw
hanggang natabunan na ng araw. Kinabukasan si Kalabaw ay palakad papunta kung saan naroroon ang
trabaho kasama niya ang kanyang Amo hanggang sa hinayaan ito ng maghapon subalit may isang hayop
na nilalamig na dahil sa sobrang lamig at nangangailangan ng tulong niya at ito ay si kambing.

Hindi lamang sa malamig ang panahon ito ay lumakas narin ang hangin, ulan at naninilim ang
langit. Nang si kambing ay nakita niyang giniginaw ito’y pinuntahan sa kinaroroonan upang tulungan
subalit si Kambing ay takot na takot sa tubig dahil siya’y mababasa. Ang ginawa ni Kalabaw ay naghakot
ng ilang dahoon ng saging at ginawang parang bahay kubo upang sa ito’y may mapag silungan si
Kambing.

Kinabukasan sila’y nakamulat na lamang ng maayos na ang takbo ng panahon ng sila’y


makalabas sa ginawang parang bahay kubo na ginawa ni Kalabaw. Laking pasalamat ni Kambing kay
Kalabaw kasi di siya nabasa at napag-alagaan pa ito ni Kalabaw.

Sa katagalan sila’y nagging magkaibigan kahit saan mn sila magkita. Patulo’y na nilalagay sa taos
puso ni Kambing ang nagawang tulong sa kanya ni Kalabaw.
1. Sino ang tumulong kay kambing?
a. Kalabaw
b. Kabayo
c. Amo
d. Wala
2. Saan takot si kambing?
a. Bahay
b. Kalabaw
c. Tubig
d. Panahon
3. Saan naligo si kalabaw nang siyay matapos sa kanyang pagtrabaho?
a. Ulan
b. Ilog
c. Dagat
d. Banyo

4. Sinu-sino ang magkaibigan sa kuwento?


a. Kalabaw at amo
b. kambing at amo
c. kambing at kalabaw
d. kalabaw at ulan
5.Magsulat ng limang pangngalan na nabasa sa kwento at gamitin ito sa pangungusap
a._______________________
b._______________________
c._______________________
d._________________________
Filipino -6

Activity for the month of June week 2

Pagsasanay #2
Kasanayan:
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kwento; Nasasagot ang
mga tanong tungkol sa tekstong pang -impormasyon

Panuto:Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Si Ronie Ang Batang Matiyaga, Matulungin, Masipag at Mabait

Noong unang panahon isang batang napakabait at napakabuting anak na lumaki lamang sa
kanyang Lola at Lolo. Ang kanyang pangalan ay si Ronie ay nag simulang mag-aral sa Kinder at maraming
naging kaibigan maliban sa nag-aaral siya rin ay tumulong sa kanyang Lolo't Lola sa paghihigpit ng mga
aayusin na gamit sa loob ng bahay.

Isang araw ng si Ronie ay pauwi na may nakasalubong siyang isang matandang babae na
napakaputi na ang buhok subalit di niya ito pinansin ipinagpatuloy ang paglakad. Si Ronie ay isa sa mga
tinatanyag na magaling magsulat, magtula, at iba pa sa loob ng klase.

Nakalipas ang ilang araw, nakasalubong ulit ni Ronie ang matandang babae na nakatitig sa kanya
habang siya'y patungo sa pinatutunguhang bahay na kung saan nakatira siya. Gayundin, di parin niya ito
pinansin at ng dumating ang oras na itoy natapos na sa pag-aaralang mga takdang aralin niya ay
papatulog na.

Si Ronie ay pinapanaginip ng matandang babae na "Ronie!!! balang araw ay matutupad mo ang


iyong mga kahilingan sapagkat ikay matiyaga, masunurin, mabait at matulungin sa kapwa mo".

1. Sino ang bata tinukoy sa bata sa kuwento?


a. Ronnie
b. Bennie
c. Renie
d. Bonie
2. Saan tanyag si Ronnie sa loob ng klase?____________________
3. Ilang beses nakita ni Ronie ang matandang babae? Ano ang kanyang ginawa sa matanda ng itoy
kanyang nakita? Saan huling nagpakita ang matanda?_____________________________
4. Sa kuwenrong nabasa, magkakatotoo kaya ang sinabi ng matanda sa panaginip ni Ronie? Bakit?
5. Anong aral ang makukuha sa kwento?___________________________

Filipino -6

Activity for the month of June week 3

Pagsasanay #3
Kasanayan:
Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na Pananong sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang
sitwasyon

Panuto:Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

May Babala ang Bagyo


Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea. Napakalamig kasi ng panahon. Ang
lakas-lakas ng hangin at walang katigil-tigil ang malakas na ulan.

Nagising si Andrea. Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi ang makapal na kumot na bumabalot sa
kanyang katawan.

“Signal number two”, ang sabi ng tagapagbalita sa radio.” Ang ibig sabihin, sa loob ng 24 na oras,
papalapit ang masamang panahon. Ang dumating na hangin ay may lakas na 80 hanggang 100 kilometro
bawat oras. Walang pasok sa mga paaralan, elementarya at haiskul. Ang lahat po ay pinag-iingat.

Nag-isip siya. Naalala niya ang napag-aralan nila sa paaralan tungkol sa bagyo. Kapag signal
number one, sa loob ng 36 na oras ay maaaring dumating ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60
kilometro bawat oras. Kapag signal number two, ang hangin ay may lakas na 60 hanggang 100 kilometro
bawat oras. Kapag signal number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras, maaaring dumating ang
hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat oras.

Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang tuluyan ang makapal na kumot na
bumabalot sa kanyang katawan at siya’y bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
upang ganap silang makapag-ingat.

Batay sa nabasa mong kwento, sikapin mong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit mahimbing ang pagkatulog ni Andrea nang araw na iyon?____________


2. Ano ang dahilan at nagising siya?___________________
3. Kailan idideklarang walang pasok sa elementarya at hiskul kapag may bagyo?_______
4. Gamit ang mga panghalip na pananong. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magtanong
tungkol sa balita, anu-ano ang iyong mga itatanong?
_____________________
____________________
5. Kapag may bagyo, anu-ano ang mga dapat mong gawin?_____________________

Filipino -6

Activity for the month of June week 4

Pagsasanay #4
Kasanayan:
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng nakalarawang balangkas

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

Noong unang panahon may isang matandang babae ng may magandang harden ng bulaklak sa
tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo.
Madalas na bumisita ang mga mangingisda at ang kani kanilang pamilya at matandang babae upang
magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at mabangong bulaklak mula sa hardin.

            Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae
dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang babae at duwendeng tumutulong sa pag
aalaga ng tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang
kasama.

            Isang araw may isang mag asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang harden.
Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang
umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit nitong anyo.

            Dahil sa kalupastangan ng dalawa ginawa silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang
anyo ng dalawa naging paru-paru at nakita lamang ng taong bayan na may kakaibang kulisap na nag
aaligid sa mga bulaklak.

Pagsunud-sunurin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa kwento. Lagyan ng bilang ang
mga sumusunod: (1-6)

______ Isang araw may isang mag asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin.
______Noong unang panahon, may isang matandang babae na may magandang hardin ng mga
bulakalak sa tabi ng lawa.

______Dahil sa kalapastanganan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap

______Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo.

______Naniniwala ang mga tao na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae dahil
palaging nagliliwanag ang kapaligiran.

______Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot.

Filipino -6

Activity for the month of July week 1

Pagsasanay #5
Kasanayan:
Naisusulat muli ang nabasang teksto

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Si Langgam at si Tipaklong
Sa isang maganda’t malawak na hardin.Si langgam doon ay may kargang pagkain. Preskong si
Tipaklong, siya’y nagpasaring, “Kawawa ka, dapat ako ay gayahin!”

Araw-araw, ako ay laging masaya, sa tabi-tabi, pagkai’y sagana, sa kargang mabigat, ika’y
makukuba!” si Langgam ngumiting patuloy ang gawa.

Kinaumagahan, dumating ang bagyo,sa bahay ni Langgam, pagkain n’ya’y puno.Sa matinding ginaw
at gutom na todo,si Tipaklong, dilat ang matang yumao.

I. 1. Anong katangian meron si tipaklong?____________

2. Sino ang dapat mong tularan si Langgam o si Tipaklong?

II. Basahin ang kwento. Pagkatapos isulat itong muli ayon sa iyong pagkakaintindi.
Filipino -6

Activity for the month of July week 2

Pagsasanay #6
Kasanayan:
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng nakalarawang balangkas

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Pagkatatag ng Katipunan
Gabi noong ika-7 ng Hulyo, 1892, itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK. Isinagawa ito sa isang
bahay sa Tondo. Katulong niya ang kanyang dalawang kaibigang sina Teodoro Plata at Ladislao Diwa.
Ang katipunan ay isang lihim na samahan ng mga Pilipinong makabayan. Ang KKK sa kabuuang
kahulugan ay Kataastaasan, kagalang-galangan na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Pwede rin itong
tawagin na lang na KKK o Katipunan. Si Andres Bonifacio ay isa ring miyembro ng La Liga Filipina ni Jose
Rizal. Nang ito’y bumagsak, lalo pa niyang pinagsumikapang mabuo at palakasin ang rebolusyonaryong
samahang Katipunan. Ang mapag-isa ang damdaming Pilipino at magkaroon ng kalayaan sa
pamamagitan ng paghihimagsik.

1.Ano ang pangunahing paksa sa kwento?


a.Ang pagkatatag ng Katipunan c. Si Andres Bonifacio
b. Ang paggawa ng bahay sa Tondo d. Ang kaibigang si Teodoro Plata
2. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Lagyan ng bilang ang patlang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod sa kwento.
______ Nang ito’y bumagsak lalo pa niyang pinagsikapang mabuo at palakasin ang
rebolusyonaryong samahang katipunan.
______ Itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK.
______ Si Andres Binifacion ay isa ring miyembro ng La Liga Filipina.
______ Isinagawa ito sa bahay ng Tondo.
3.Ano ang katangian ng pangunahing tauhan ng kwento?
a.mahina b. matatag c. malakas d. mabilis
4. Punan ang mga patlang sa mga detalyeng nangyari sa kwento.
I.Noong ika-7 ng Hulyo _______________________________.
II. Ang katipunan ay __________________________________.
III. Nang ito’y bumagsak _______________________________.
5.Ano kaya ang mangyayari kung hindi pinagsikapang mabuti ni Andres Bonifacio na palakasing muli ang
rebolusyonaryong samahang katipunan.
a.Lalong bumagsak ang samahang katipunan,
b. Lalo pa itong maging metatag.
c. Lalo pang lumakas
d. Lahat ng nabanggit

Filipino -6

Activity for the month of July week 3

Pagsasanay #7
Kasanayan:

Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kwento;Nakasusulat ng


isang talatang nagsasalaysay.

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Ayaw Nang Paniwalaan


Nakagawian na ni Luisito ang laging magkunwari upang mabahala ang kanyang mga magulang at
mga kapatid. Natutuwa siya kung nagkakagulo na sa bahay kapag nagkunwari siyang masakit ang tiyan o
may nakaaway na kamag-aral. Alam niyang mahal siya ng kanyang ama at ina sapagkat siya lamang ang
lalaki sa magkakapatid.

Isang araw, sa paghuli niya ng isang tutubi may biglaang kumagat sa kanyang braso. Natakot siya
sapagkat maari kung anong insekto ang kumagat sa kanya. Nagpahalaw siya ng iyak pauwi sa bahay.”
Naku ! ang sabi ng isa niyang kapatid.”Tila ba hindi ninyo kilala iyang si Luisito.

Maraming ginagawa sa bahay noon kaya hindi na rin siya gaanong pinansin ng kanyang ina at
mga kapatid. Sanay na sila sa kalokohan ni Luisito. Ngunit kinagabihan, inaapoy na ito ng lagnat kaya
tumawag agad sila ng doctor. Iiling-iling ang doctor habang tinitingnan ang parang mga sundot na
karayom sa binti ni Luisito.

I.1.Ano ang pangunahing paksa ng kwento?


a.Mabait na bata si Luisito
b. Ang Batang malikot
c. Matapang na bata si Luisito
d. Ang batang mahilig sa magsinungaling kaya wala nang maniwala
2. Ano ang kaisipang ipinahiwatig ng kwento?
a. Ang madalas na pagsisinungaling ay nagdudulot ng kawalan ng pagtitiwala sa kapwa.
b. Ang pagsisinungaling ay mabuting katangian.
c. Sa pagsisinungaling ay makukuha ang tiwala ng kapwa.
d. Ang pagsisinungaling ay magdudulot ng tagumpay.
3. Anong katangian mayroon si Luisito?
a. masipag c. matipid
b. palabiro d. mahilig magsinungaling

4. Ano ang bunga ng madalas na pagsisinungaling ni Luisito?


a. Lagi siyang pinaniniwalaan ng kanyang ina.
b. Hindi na siya pinaniniwalaan kahit totoo na.
c. Nagkasakit siya.
d. Masaya silang pamilya
5. Kung hindi madalas magkunwari si Lusito, ano kaya ang maaring gawin ng kanyang ina at kapatid sa
kanyang pagpapalahaw?
a.Patatahanin siya.
b.Sasaklolohan siya.
c. Paniniwalaan kaagad ang kanyang sasabihin.
d. Hindi siya papansinin.

II. Sumulat ng isang salaysay tungkol sa kung ano ang gamit ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano kaya ang nakakagat kay Luisito?


2. Mabubuhay pa kaya si Luisito? Bakit?
3. Kung mabuhay si Luisito, magbabago kaya siya?
Filipino -6

Activity for the month of July week 4

Pagsasanay #8
Mga Kasanayan:
Naipamamalas ang kakayahan sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin ;Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panaklaw sa pakikipag usap sa ibat
ibang sitwasyon.

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Ilog Pasig
Noon malinis, mabango, at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal sa ilog Pasig. Bawat
isa ay nasisiyahan sa kanilang pamamasyal. Nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog pinabayaan
ito ng mga tao. Kailan man walang sino mang nangahas na pigilan ang pagkasira nito. Marami ang
nagtatapon ng basura sa ilog kaya kaunting pag-ulan ay umaapaw na ito. Namatay ang mga isda dahil
marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig kaya
kailangan kumilos bago mahuli ang lahat.

I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1.Ano ang nangyari sa Ilog Pasig?_________________________

2. Bakit namatay ang mga isda sa ilog?_______________________

3.Kung ikaw ay naninirahan malapit sa Ilog Pasig, ano ang nararapat mong gawin?
________________

4.Paano maipapakita ang pagmamahal sa ating kalikasan?_________________________

II. Kuhanin mula sa kwento ang mga panghalip na panaklaw na nabasa sa kuwento. Gamitin ito sa
sariling pangungusap.
FILIPINO 6
Activity for the month of August week 1
Pagsasanay 9:
Kasanayan: Nakasusunod sa panuto

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sundin ang mga panutong nakasulat. Isulat ito sa buong papel.

Kahalagahan ng Lupa
Binubuo ng dalawampu’t limang bahagdan ng lupa ang ating daigdig. Maraming bagay ang
makukuha sa lupa. Sa ibabaw ng lupa nakatira ang mga tao at karamihan sa mga hayop. Dito rin
tumutubo ang mga halaman. Halos lahat ng ginagamit natin sa ating tahanan, damit, at pagkain ay sa
ibabaw ng lupa nanggagaling. Sa ilalim naman ng lupa nanggagaling ang mga mahahalagang bato at
mineral tulad ng metal, buhangin, luwad, mahahalagang bato, langis, karbon at gaas.

1. Sipiin ang pamagat ng salaysay at ilagay ito sa loob ng parihaba.

2. Isulat kung gaano kalaking bahagi ng daigdig ang lupa at bilugan ito.

3. Kung mahalaga ang lupa, isulat ang salitang “mahalaga” kulayan ito ng bughaw at kung hindi naman
mahalaga, isulat ang salitang “hindi mahalaga”, kulayan ito ng pula.

4. Isulat ang tatlong bagay na nanggagaling sa ibabaw ng lupa.

5. Isulat ang limang bagay na naggagaling sa ilalim ng lupa.


FILIPINO 6
Activity for the month of August week 2
Pagsasanay 10:
Kasanayan: 1. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kwento.

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang sumusunod ng mga tanong.

Mariang Makiling

Sinasabing noong araw ay may napakagandang dalagang nakatira sa isa sa mga bundok sa
Laguna. Siya ay si Mariang Makiling na itinuturing na isang diyosa. Lagi siyang nakasuot ng mahaba at
putimputing damit na may mga perlas at brilyante.
Mahal na mahal ni Maria ang mga karaniwang tao. Lagi niyang tinutulungan ang mga magsasaka
at iba pang mahihirap na taumbayan. Sa tulong niya ay umaani nang sagana ang mga magsasaka,
nakahuhuli nang marami ang mga mangingisda at magaan ang pamumuhay ng lahat sa Laguna.
Isang araw, nawala ang mga perlas at brilyante sa kanyang damit. Gayon na lamang ang
pagdaramdam ni Maria sa mga tao. Ang kanyang pagmamahal ay hindi nila ginantihan ng katapatan.
Buhat noon, hindi na nakita pang muli si Maria. Humirap na rin ang kabuhayan sa Laguna. Bilang
panggunita sa kanya, ang bundok na kanyang tinirhan ay tinawag na Bundok ng Makiling.

Mga Tanong:

1. Paano tinutulungan ni Mariang Makiling ang mga magsasaka at iba pang mahihirap na taumbayan?
A. Binigyan niya ng sagana at magaan na pamumuhay.
B. Binigyan niya ng perlas at brilyante.
C. Binigyan niya ng pagkain ang kasuotan.
2. Bakit nagdamdam si Maria sa mga tao?
A. Hindi siya ginantihan ng katapatan.
B. Hindi siya dinadakila ng sapat.
C. Hindi siya binabati sa daan.
3. Paano niya ipinahalata ang kanyang pagdaramdam?
A. Pinarusahan niya ang mga tao.
B. Hindi na siya nagpakita sa mga tao.
C. Pinarangalan niya ang mga tao.
4. Bakit magaan na magaan ang pamumuhay ng mga tao sa Laguna noon?
A. Dahil sa kanilang kasipagan
B. Dahil sa kayamanan ng kanilang lupa
C. Dahil sa mga tulong ni Mariang Makiling
5. Paano siya dinakila ng mga tao?
A. Sinasamba pa siya hanggang sa ngayon.
B. Ipinangalan ang bundok sa kanya.
C. Pinaghahanap siya.

FILIPINO 6
Activity for the month of August week 3
Pagsasanay 11:
Kasanayan: 1. Naibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng kayarian nito.
2. Nakasusunod sa panuto.

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang sumusunod na mga tanong. Piliin at isulat and titik
ng tamang sagot.

Isang Katutubong Instrumento

Isa sa katutubong instrumento ng ating mga ninuno ang kudyapi. Yari ito sa kahoy. Nakahahawig
ito sa isang mahabang gitara. Tila bangka ang hugis nito at karaniwan nang may dalawang kwerdas.
Dahil sa laki at haba, mayroon itong tukod sa ibabang-likuran upang hindi gumalaw habang tinutugtog.
May mga palatandaang naimpluwensyahan ang kudyapi ng mga instrumenting galing sa China.
Mayroon din namang instrumentong tinatawag na “kechapi” sa India. Sa mga Tiruray sa Cotabato,
“ketyapi” ang tawag sa kudyapi.
May magandang tunog ang kudyapi bagamat bihira na ngayon ang tumutugtog nito. Ang isang
mahusay na manunugtog nito ay hinahangaan ng kahit na sinong makaririnig lalo na ng mga taga-ibang
bansa. Ginagawang sagisag ng musikang Pilipino ang kudyapi.

Mga tanong:
1. Alin sa sumusunod ang nagbigay kahulugan sa salitang kudyapi?
A. Yari sa plastic, kahawig sa baho at hugis puso na may
B. Yari sa bakal, kahawig sa biyolin at hugis bola na may anim na kwerdas.
C. Yari sa kahoy, kahawig sa mahabang gitara at hugis bangka na may dalawang kwerdas

2. Alin ang nahahawig sa kudyapi?


A. Biyolin
B. Lira
C. Gitara
3. Kung ang gitara ay may anim na kwerdas, ang kwerdas ng kudyapi ay ___________.
A. Lima
B. Tatlo
C. Dalawa
4. Saan sa sumusunod hawig ang hugis ng kudyapi?
A. Puso
B. Bahay
C. Bangka

5. Iguhit ang hugis ng iyong sagot sa bilang 5 sa itaas.

FILIPINO 6
Activity for the month of August week 4
Pagsasanay 12:
Kasanayan: Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng nabasang kwento.

Panuto: Basahin ang bawat kwento at piliin ang angkop na wakas.

Bakit Umiyak si Sonya?


Nakaramdam ng uhaw si Aling Mameng habang namamalantsa ng kanilang mga damit.
Iniwan niyang sandali ang kanyang ginagawa at kumuha ng baso sa kanilang banggerahan.
Sinalinan niya iyon ng tubig na nasa pitsel.
Ngunit bigla siyang napaudlot nang iinumin na niya ang tubig sa baso. May nakita siyang
maliliit na bagay na gumagalaw sa tubig. Itinapon niya iyon sa labas ng bintana. “Sonya!” tawag
niya sa anak. Dalhin mo nga sa labas ang pitsel na ito at ikuha mo ako ng ibang tubig na inumin.
Subalit nagtaka si Aling Mameng nang bumalik si Sonya. Umiiyak siya at walang dalang pitsel.

A. Umiyak si Sonya dahil walang tubig na makukuha.


B. Umiyak si Sonya dahil nawala ang pitsel.
C. Umiyak si Sonya dahil nadapa siya at nabasag ang pitsel.

Si Pepito at ang mga Tutubi

Nagsawa na sa katatawag si Aling Cora sa anak na naghuhuli ng tutubi sa gitna ng arawan.


“Pepito, Pepito, umuwi ka na! Lalagnatin ka”. Nang magsawa na si Pepito sa panghuhuli ng mga
tutubi, umuwi na rin siya agad, ngunit may dala pa ring mga tutubi. Kakawag-kawag ang mga ito,
sapagkat putol na ang mga pakpak. Ang iba naman ay pinutulan niya ng mga buntot at paa.
“Napakalupit mo sa mga hayop! Hindi ka ba naaawa sa kanila?” wika ni Aling Cora. Nang
tanghaling iyon, samantalang natutulog, biglang naghihiyaw sa takot si Pepito. “Bakit, bakit? Anong
nangyari sa iyo?” tanong ng ina. “Nanaginip po ako! Pinutol po ng isang balbasing matandang lalaki ang
aking mga kamay.

A. Manghuhuli ulit siya ng tutubi at hanapin niya ang balbasing matandang lalaki.
B. Magsisisi na si Pepito at hindi na siya manghuhuli ng tutubi.
C. Patuloy si Pepito sa panghuhuli ng tutubi at gawing libangan.

Nang Utusan si Mila

Tinawag si Mila ng kanyang ina.


“Bumili ka ng isang kilong asukal,” wika ni Aling Ana. “Kulang sa asukal ang niluluto kong
matamis na saging. Dalian mo sana at maluluto na ito. Pagkaabot ni Mila ng pera, nagmamadali na
siyang umalis.
Nasalubong ni Mila si Minda sa pagtungo niya sa tindahan. Nag-usap sila tungkol sa
palatuntunang kanilang panonoorin sa paaralan. Nawili ang dalawa sa pag-uusap, kaya natagalan si Mila.
“Naku diyan ka na! Bibili nga pala ako ng asukal,” wika niya.

A. Pagdating ni Mila sa bahay papagalitan siya ng nanay.


B. Ipapasauli niya ang asukal, pagdating sa bahay.
C. Pagdating sa bahay uutusan siyang muli ng nanay.

Magandang Aklat

May hawak na aklat nang lumapit kay Oscar ang kanyang guro.
“Gusto mo bang basahin ang aklat na ito, Oscar?” tanong ng guro.
“Maganda ang nilalaman nito. Basahin mo ngayong gabi, ngunit dapat mong isauli bukas,
sapagkat hiniram ko rin iyan,” ang paliwanag ng guro.
“Opo, Gng. Santos,” sagot ni Oscar.
Pagdating sa bahay, sinimulan na agad ni Oscar ang pagbasa sa aklat. Huminto lamang siyang
sandali upang kumain ng hapunan, at pagkatapos ipinagpatuloy niya ang pagbasa.
Nang magising ang kanyang ina, gising pa rin si Oscar. “Aba, Oscar! Alas dos na. Hindi ka pa
natutulog,” wika ng ina. “Ano ba iyang binabasa mo?”
“Sandali na lamang, Inay. Matatapos ko na po ito,” sabi ni Oscar.

A. Natulog si Oscar at hindi niya natapos na basahin ang aklat.


B. Hindi natapos ni Oscar ang pagbabasa ng aklat at hindi niya ito isinauli sa guro.
C. Tinapos ni Oscar ang pagbabasa ng aklat at isinauli niya sa kanyang guro kinabukasan.

Matalik na Magkaibigan

Matalik na magkaibigan sina Tita at Senyang. Dati, lagi silang magkasama sa anumang lakaran.
Ngunit simula nang magtungo sa Amerika si Senyang, matagal-tagal na ring hindi sila nagkikita, bagamat
malimit silang magsulatan.
Isang araw, samantalang si Tita at ang kanyang Ate ay bihis na upang manood ng sine, siya
namang pagdating ng isang telegrama para kay Tita. Nakasaad sa telegrama ay ganito: DARATING
NGAYONG GABI IKAPITO PALIPARAN – Senyang
Ipinakita ni Tita sa kapatid ang telegrama. Masaya silang nag-usap at pagkatapos, nagpaalam sa
kanilang ina. Nagmamadali silang tumawag ng taksi sapagkat noon ay ikaanim na ng hapon.

A. Nakarating sila sa paliparan sa tamang oras at masayang nagkita ang matalik na magkaibigan.
B. Huli na silang nakarating sa paliparan at hindi na nagkita ang magkaibigan.
C. Nanood nalang sila ng sine dahil nahuli na sila.
Prepared by:

Filipino Technical Working Group

Chairman: Wilfreda O. Flor


EPS, Filipino & MTB

Christopher S. Bamba
Principal I, UBay I Central

Milagros M. Tianan
Principal I, Hagbuyo ES, San Miguel

You might also like