You are on page 1of 2

Pananaliksik

Kahalagahan at ang Pagsasalita ng Wikang Pambansa

Kaisipan
Ang paggamit at pagsasalita ng wikang Filipino o wikang Pambansa ay mahalaga
sapagkat ito ay nasabatas na at kailangan sundin. Lalo’ng dapat itong ituro sa buong antas ng
pag-aaral sapagkat ito ang nagsisilbing instrument na ay isang Pilipino at may malaya tayong
wika na ginagamit. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang
Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao
na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino

Tulong na Detalye

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw,
kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay
katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay
nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika
nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at
bansa. (nicolejarguilla0915)

Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at di-dayuhan,
ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo ng isang bandila, isang
marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang bulaklak, isang pambansang
kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay
mga tanda lamang — isang simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga
simbolo. At mas mahalaga ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang —
walang kabuluhan kung wala roon ang damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga
palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago kung kailangan. (Andrew Gonzalez, 2009)

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit
ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw
ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil
sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga
tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino
ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.(Gavino, 2014)

You might also like