You are on page 1of 1

Ang nasabing dokumentaryong pantelebisyon hinggil sa kalusugan ay may paksa na tungkol sa

karanasan niya sa pagkakaroon ng virus na COVID-19. Tinalakay dito kung ano ang naging karanasan niya
sa ospital at ang sakripisyo ng mga doktor at nars. Ito ay may layunin din na makatulong o makapagbigay
ng impormasyon sa mga manonood sa kung ano ang karanasan niya noong siya ay ibukod dahil sa
COVID-19 kung saan ay magisa siya sa tahimik na ospital na tila nakakabingi ngunit sa kalaunan ay
napagisip isip niyang hindi siya nagiisa dahil karamay niya ang mga nars at doctor sa kanyang laban.
Layunin din nitong makapagbigay ng impormasyon sa mga pamamaraan ng mga nars kung paano
ginagamot ang COVID-19 patients. Ito ay may anyo rin na kung saan ang mga pangyayari ay umiiral sa
mga karanasan sa COVID-19 virus. Ang Estilo at/o Teknik naman na ginamit ay kadalasan pag gamit
lamang ng selpon para itala ang iba’t ibang pangyayari at saka ito pinagsamasama, karamihan ay sariling
kuha mismo ng nag dokumentaryo ang mga tala mula sa kanyang kamera. Ito rin ay may uri ng
karanasang aestetiko at epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon,
sinabi niyang tungkulin niya ito upang makapagbigay alam sa kanyang karanasan.

Ang nasabing dokumentaryong pantelebisyon hinggil sa kalusugan ay masusuri rin sa


pamamagitan ng dimensyong panliteratura. Sa panlipunan ay nakapagbigay siya ng impormasyon sa
kanyang karanasan sa laban sa sakit na COVID-19 at ang pamilya, kaibagan, katrabaho na nagalala,
sumuporta at nagdasal para sa kanya. Nakapagbigay impormasyon din siya karanasan ng mga doctor at
nars. Sa pangkaisipan naman ay sinabi ng nag dokyumentaryo na minsan siyang pinanghinaan ng loob at
tila handa na siyang mamatay sapagkat hindi siya makatulog at iniisip niya na dahil sa hindi siya
makatulog ay baka hindi kayanin ng kanyang katawan dahil hindi ito nakakapagpahinga. Tinalakay din
dito ang determinasyon ng isang nars na nag boluntaryong tumulong sa mga may sakit na COVID-19. Sa
kalagayang pang ekonomiya naman ay ang karanasan nila sa nagkaroon, kaibigang nagkaroon, at
pamilyang nagkaroon ng COVID-19, pati narin ang nars na tumulong sa mga nagkaroon ng COVID-19
upang malabanan ito. Samantalang sa Pansarili o Personalisasyon naman ay karanasan din niya sa pag
laban niya sa COVID-19 virus, kung saan ay nakaranas siya ng hindi lamang sa pangkalusugang
pangangatawan kundi pati narin sa mentalidad. Sa Pangkasaysayan / Historikal naman ay ganoon rin,
ang karanasan niya sa COVID-19. Bagamat malakas ang kanyang pangangatawan at bihira siyang
magkasakit dati ay tinamaan parin siya ng COVID-19 virus. Hindi niya ito inaasahan dahil malusog ang
kanyang pangangatawan at naririnig niya lamang ang virus na ito sa mga tao dati. Nabigla siya noong
nakaranas siya ng mga sintomas ng sakit. Mabuti nalamang at naisipan niyang magpatingin agad.
Bagamat tinamaan siya ng nasabing sakit kahit malakas ang kanyang pangangatawan, siguro’y
nakatulong rin ang kanyang malakas na pangangatawan niya upang labanan ang virus na ito. Tinalakay
sa kanyang dokyumentaryo na isa sa kakilala niyang artista ay hirap makahinga dahil sa sakit na ito
noong ang artista ay nagkaroon din ng sakit. Ngunit hindi niya ito naranasan kaya’t nasabi ko nalamang
na nakatulong din ang kanyang malakas na pangangatawan dahil kung mahina ito, malamang ay narasan
niya rin ang hirap sa paghinga o ang masama ay ikamatay pa niya.

You might also like