You are on page 1of 1

Magandang hapon! Tulad ng mga magaganda’t guwapo kong kaklase. Charot.

Magandang hapon Ginang


Penuliar. Kami ang Ikatlong Grupo na naatasan upang magbigay pagpapalalim sa Modyul 15 na
pinamagatang Mga Isyung Moral tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan.

Maaari po ba nating ilabas ang ating mga libro at ibuklat ito sa pahina 316.

Bago tayo dumako sa ating aralin, gusto ko munang tanungin kayo kung natry niyo na bang macriticize o
mangcriticize? Or natry niyo na ba yung nakaasa ka lang sa sarili mong kutob kahit na walang concrete
na evidence? O kayo yung tahimik na lang para hindi na madamay at mahusgahan?

Tatalakayin natin kung ano nga ba ang misyon ng katotohanan.

Sabi sa aklat na Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral, ang katotohanan daw ang
nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman, at layunin niya sa buhay.

So imaginin natin na gabi ngayon tas nagblackout, sobrang dilim. Tapos ang tanging maiiwan or makikita
mong liwanag is yung apoy ng kandila. Ganun natin maihahalintulad yung katotohanan, magsstay siyang
maliwanag kahit na anong mangyari, hindi tulad niya.

Ang sumusunod sa katotohanan ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life), eto yung
feeling na alam mo sa sarili mo na totoo ka, na chill ka lang alam mo yung totoo relax, may kalakip na
kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.

Sa Modyul 2, napag-aralan natin yung pahayag ni Fr. Roque Ferriols about sa “tahanan ng mga katoto”
na ibig sabihin ay may kasama ako na makakita o may katoto ako na makakita sa katotohanan.

Importante satin na Makita yung totoo kasi kung hindi, magiging bulag tayo sa mga bagay na
makakaapekto saating isip para makaalam.

Mahalaga ang pagsasabi ng totoo sa paninindigan ng katotohanan. Kasi nga alam mo yung tama, alam
mo yung totoo. So dito natin makikita yung tunay na halaga ng pagsasabi ng totoo, yun yung kaisahan at
katatagan ng ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman. Eto yung sinasabi mo lang kung ano yung alam
mo sa simple at tapat na paraan.

Sa modyul 7 naman, dun natin natutunan yung pagiging mapanagutan sa isang kilos. So dito
magbubukas yung isipan natin na magkaroon ng paninindigan sa katotohanan kasi nga yun yung daan
para makamit natin ang kabutihan.

Sabi sa Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative) ni Immanuel Kant, idsng obligasyon ang
pagtupad ng tao sa kaniyang tungkulin at mga Gawain. Ibig sabihin, makakamit natin ang mataas na
pagpapahalaga dahil mas higit yung pag-anib niya sa katotohanan at maging mapanagutan sa aspektong
iyon.

You might also like