You are on page 1of 2

Sumulat ng isang talata na binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap na sumasagot 

sa
tanong na: “Ano ang aral na namutawi sa binasang akda?” Ipadala ang sagot mo sa iyong  guro
(hard copy kung naka-modular learning ka at soft copy naman kung naka-online  learning ka). 

Ang aral na namutawi ko po ay pagkakaroon po ng malasakit sa kapwa at


pagkakaroon po ng katapatan sa kapwa. Kung sagana po kayo hindi po dapat na
maging maramot magkaroon po tayo ng pagpapahalaga sa kapwa sapagkat diba
nga po na “ Ang Pagbibigay ay pag-aalaga “. Mahalaga po ang pagkakaroon ng
malasakit sa kapwa dahil ito po ay isang daan ng pagkakaroon ng respeto at
pagkakaroon ng magandang pag-iisip. Ang pagiging tapat po ay mahalaga dahil ang
ibig saabihin po nito ay pagtapat po tayo sa kapwa masusuklian po ng katapatan ng
ating kapwa. Ang pagiging tapat din po ay mahalaga dahil makukuha po ang
tiwala ng ating kapwa at ang pagiging tapat po ay magbibigay daan sa
magandang relasyon ng bawat isa. Ang aral po na natutunan ko po dito sa akda ay
mahalagang aral sapagkat ang pagiging mapagmalasakit at tapat ay mahalaga sa
ating buhay dahil ang pagkakaroon po ng ganitong pag-iisip ay malaki ang
maitutulong at makakapagbigay ng saya sa ating kapwa.

Puntos Pamantayan

10 Napakataas at napakahusay ng
paglalahad ng aral.

9-8 Mahusay ang paglalahad ng aral.

7-5 Tama ang paglalahad ng aral.

4-1 Nakapaglahad lamang nang


bahagya

15 Kabuoan

Baitang 7 - Filipino

You might also like