You are on page 1of 9

Wika Bago Dumating ang mga Mananakop sa Pilipinas

Ipinasa nina:

Van Karlo Labasan

Jeric Prince Ladores

Wika 1 Pangkat 3 (M/Th 1:00 pm - 2:30 pm)

Ipinasa kay:
Propesor Julie Ramirez
Introduksiyon

Bago pa man sumapit ang ika-15 siglo, bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa,
wala pang sistema ng pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan ang kabuuan ng Pilipinas.
Dahil dito naging mahirap ang pagkakabuklod-buklod ng buong bansa, dala na rin ng pagiging
arkipelago ng bansa. Dahil sa kondisyong ito, malaking pagsubok ang nilakbay ng wika upang
makamit lamang ang kaukulang gamit nito sa kasalukuyan.

Ang pagiging arkipelago ng bansa ay nagbigay daan sa pag-usbong ng iba’t-ibang


etnolingwistikong grupo. Ayon kay Teresita Fortunato, ang pangkat etnolingwistiko ay
tumutukoy sa grupo ng mga tao na may magkaparehong kultura at paniniwala. Ang bawat
etnolingwistikong pangkat sa bansa ay umusbong at lumago dulot ng pagkasilang nito sa liblib
na mga rehiyon ng bansa na malaya sa impluwensya ng ibang pangkat o dayuhan. Bawat pangkat
ay may sistema ng pamumuhay, wika, at paniniwala na katangi-tangi sa ibang pangkat.

Ang bawat etnolingwistikong grupo ay mayroon ng sistema ng pamamahala, hindi man


sentralisado ay nagtulay sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay na lokal. Ang bawat
barangay ay pinamumunuan ng maharlika o datu, na siyang katumbas ngayon ng presidente; ang
mga timawa; na siyang tumatayong kawal upang mapanatili ang katiwasayan ng barangay; at,
mga alipin. Ayon sa ibang pag-aaral at/o aklat, meron ding mga babaylan, na tumatayong
espiritista at manggagamot sa pamayanan. Ang paninirahan ng mga sinaunang Pilipino bilang
isang grupo ay isang paraan ng paninigurado ng kanilang kaligtasan. Ang salitang barangay ay
hango sa salitang balangay na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa pangingisda.

Ang bawat etnolingwistikong pangkat ay may sariling paraan ng pakikipag-ugnayan.


Dulot ng lokasyong heograpikal ng Pilipinas sa timog-silangang Asya, nagbigay-daan ito sa
pagdaloy ng komersyo. Sa kadahilanang ito, ang mga sinaunang Pilipino ay nakikipagkalakan sa
ibang pangkat o mga dayuhan tulad ng mga Tsino, Indones at Malay. Ang ugnayang ito ay
nagbunga din malaking impluwensya sa wika at pamumuhay nila.

1
Samakatuwid, wala pang wikang pambansa ang Pilipinas sapagkat hindi pa binalangkas
ang bansa bilang sentralisadong yunit. Wala ring wikang opisyal ang bansa sapagkat wala pang
inilathalang batas na tumatadhana sa isang wika na gamitin sa anumang panlabas o panloob na
pakikipag-ugnayan ng bansa. Ang mga ginagamit na unang wika sa bawat pangkat ay
nagsisilbing opisyal na wika. Sa wakas, wala ring pambansang wikang panturo ngunit ang bawat
etnolingwistikong grupo ay mayroong unang wikang ginagamit sa komunidad para sa
komunikasyon.

Nilalaman
Pagtunton sa Kasaysayan ng Wika

Wika ng mga katutubo sa rehiyon ang ginagamit ng bawat pangkat o tribu sa bansa sa
pagtuturo at pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit sino ay maaaring matuto ng pagbabasa at
pagsusulat di kagaya sa ibang mga bansa na limitado lamang sa mga prayle o mga dugong
bughaw. Dahil dito, malawak at napakarami ng iba’t-ibang dayalek ang mga wika na nagkaroon
ang bansa.

Walang wikang pambansa ang ipinatupad ng mga Kastila. Sa mga tala ng kasaysayan
tulad ng pagmamay-akda ni Chirino sa ‘Relacion de las Islas Filipinas’ ang mga misyonerong
prayle ang nag-aral ng mga katutubong wika ng bansa upang mas mapadali ang pagtuturo ng
Kristiyanismo. Bernakular ang tawag sa mga wikang katutubo habang sa panahon na ito at ang
mga iba’t-ibang uri nito ang nagsilbing wikang pang-turo noong panahon. Ayon kay Nicole
Stevens, takot ang mga Kastila na matuto ang mga Pilipino ng wikang Espanyol baka kasi
maghimagsik ang mga Pilipino dala na rin ng kanilang kaalaman sa naturang wika katulad ng
Amerikano atbp.  

Ayon sa pagsusuri ni Nicole Stevens sa kanyang akdang pinamamagatang ‘The History


of the Filipino Languages’, marami ang naka-impluwensya sa mga wika ng Pilipinas dahil sa
lokasyon nito sa Asia. Ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino katulad ng paninirahan sa mga
barangay at kawalan ng iisang gobyerno ay maaring nagdulot ng pagkakaroon ng iba’t-ibang

2
wika at dayalek ng mga ito. Isang dahilan din ay ang pagkakaugnay ng bansa sa Japan, China,
Borneo, Sumatra, Thailand, Cambodia at iba pang mga isla. Paglaganap ng relihiyong Islam sa
Mindanao hanggang Maynila ay nagdulot din ng pagkakaroon ng mga panibagong salita at
konsepto sa wika bago pa man dumating ang mga Kastila.

Mayroong ebidensya na ang Tagalog ay may pagkaugnay sa Bahasa Indonesia dahil sa


paulit-ulit na pagpunta ng mga Indones sa bansa. Halimbawa sa mga salitang Pilipino na may
Indones na pinagmulan ay ang mga salitang: Bunso (youngest born) ay hango sa salitang Malay
na Bongsu; Kulambo (mosquito net) ay hango sa salitang Kelambu; at Bibingka (cassava cake)
ay hango sa salitang Kuih bingka.

Ang mga Muslim ay nagdulot ng impluwensya sa wikang Pilipino noong sila’y dumayo
sa bansa noong ika-14 na siglo. Kasabay din nito ang pagdala ng Islam sa bansa. Halimbawa ng
mga salitang Pilipino mula sa mga muslim o mga Arabo ay ang mga: Alam (salitang-ugat ng
“kaalaman”) na hango sa Alham; Hiya (salitang-ugat ng “mahiya”) na hango sa Hayaa; Salamat
ay hango sa Slamah; at, Hukom (salitang-ugat ng “paghuhukom”) na hango sa salitan Hukum.

Halimbawa ng mga salitang Pilipino na may pinag-ugatan sa wikang Tsino ay ang mga
salitang: Hikaw (earrings); Pakyaw (wholesale buying); Petsay (cabbage); Susi (key); Suki
(important customer); at marami pang salita—karamihan dito ay mga pagkain (siomai, buchi,
tokwa, etc). Iilan din sa mga wikang Pilipino na pinagmulan sa wikang Hapon ay ang mga
salitang: Kampay hango sa Kanpai (Cheers! Ginagamit sa inuman); Tansan o yung takip sa mga
bote; at, Katol (mosquito coil) na hango sa salitang Katorisenko.

Ang pangunahing bunga ng Sanskrit (wika sa India) sa wikang Pilipino ay hindi tuwirang
idinulot ng mga Malay o Javanese. Ayon sa akda ni Jessica Klakring, may dalawang posibleng
paraan kung paano naka-impluwensya ang Sanskrit sa wikang Pilipino. Ang mga ito ay sa
pamamagitan ng direktang kalakalan at hindi direktang kalakalan. Sa ika-5 siglo AD, naglakbay
ang mga mangangalakal mula sa iba’t-ibang panig ng timog-silangang Asya at timog Asya
upang direktang mangalakal. Kasabay nito ang pakikisalamuha nila sa isa’t-isa at paghihiraman
ng mga salita. Ang pagkalat din ng Hinduismo sa timog-silangang Asya ay nagresulta ng hindi

3
direktang impluwensya sa wikang Pilipino. Nagdala ng makabagong kultura at paniniwala ang
Hindiusmo sa mga bansa sa Asya na nakapagdulot ng pagbabago at paggamit ng mga salita sa
mga bansang ito. Ang pag-usbong ng mga salitang ito ay naipasa din sa ibang bansa tulad ng
Pilipinas, samakatuwid, hindi direkta.

Importanteng malaman na lahat ng wika sa timog-silangang Asya ay may pagkakatulad


bagkus may iisang pinagmulan (Francisco, 1973). Lahat din ng paraan ng pagsusulat at
pagbabasa ng mga simbolo o karakter ay mula sa kaliwa papuntang kanan.

Tungkol sa Baybayin

Tagalog, Ilokano, at Bisaya ang mga nangibabaw na wika ayon kay Chirino. Hindi
magkalayo ang gramatiko ng mga ito kaya madali lang natutunan. Mayroong hindi bababa sa 70
hanggang 170 na wika sa Pilipinas. Dahil sa mga tala ng mga prayle ay natunton ang sistema o
ang iskript ng panunulat ng mga tao. Gamit ang mga kutsilyo at “styli” inuukit ng mga Pilipino
sa bamboo at dahon ng niyog ang mga simbolo sa Tagalog.

Ang unang tatlong simbolo ay ang patinig na a, i, at u kasunod ang simbolo ng paghinto
at ang simbolo ng ka, ga, nga, ta, da, na, pa, ba, ma, ya, la, wa, sa, at ha. Sa baba ay nakasaad
ang pagamit ng kudlit ito ay nagpapa-alam na ang pagbigkas ng ba ay nagiging bi at nagiging bu

“Baybayin” ang tawag sa sistemang ito. Mayroong 17 mga simbolo, kung saan tatlo ang
mga patinig. Tulad ng wikang Hebrew, ang baybayin ay may katangiang tinatawag na syllabary,
na nangangahulugang ang bawat simbolo o karakter na ginagamit sa iskript ay kumakatawan sa
isang pantig o ponema. Halimbawa, ang salitang “baha” ay binubuo ng dalawang pantig, bagkus
kung isusulat sa baybayin ay binubuo ito ng dalawang simbolo. Ang naturang paraan ng pagsulat
ay maya-mayang tinawag ni Dean Paul Versoza na ‘Alibata’ noong 1914. Galing ito sa tatlong

4
pangunahing letra sa Maguindanao na pagkasunod-sunod ng Arabic na mga letra alif, ba, at ta.
Hindi niya ipinaliwanag kung bakit ito ang ginamit niya na sistema ng panunulat upang bigyan
ng pangalan ang iskript.

Isang simbolo sa baybayin na iskript ay katumbas ng isang pantig, hindi kagaya sa Latin
na ang isang simbolo ay katumbas ng isang ponema. i.e.sa Tagalog Ba, Ka, DA, GA, PA atbp; sa
Latin B /buh/, C /kuh/, D /duh/, G /guh/, P /puh/, Mayroong paglaglag ng mga katinig sa
pagsusulat upang ma-irepresenta ang mga salita na hindi napaloob sa CV (Katining Patinig) o
kaya V (P) lamang na istraktura. Katulad nang pagsulat ng Kam na nabubuo ng CVC (KPK).
Kung ang kailangang isulat ay ang salitang ito nasusulat ito na na ‘Ka’ lamang. Pero sa
pagbabasa ng nasulat na ‘Ka’, ‘Kam’ ang pagbigkas nito; nababalik ang nalaglag na katinig.

Mga Katibayan

Hindi katulad sa ibang bansa, hindi karamihan ang mga artepakto na magpapatunay ng
pag-iral ng sinaunang paraan ng pagsulat, dahil karamihan sa mga ito ay sinunog daw ng mga
prayle.
Isa sa mga pisikal na ebidensya na
nagpapatunay sa pagkakaroon ng istrukturang wika at
pagsulat sa bansa ay ang Laguna Copper Plate
(Larawan 1) na nahukay sa Lumbang River, Laguna
noong 1989. Naglalaman ito ng sampung linya ng
mga simbolo sa isang bahagi nito. Ang naturang
arbitraryong simbolo ay pinaniniwalaang ginagamit
Larawan 1. Kuha ni/ng: http://rdadventurer.
noong 900 A.D. Ayon din sa pag-aaral nina Anton blogspot.com
Postma at Dr. Johannes Caparis, ang mga simbolo ay
Old Malay na may halong Sanskrit, old Javanese, at mga sinaunang Tagalog na termino.

Ang Butuan Ivory Seal (Larawan 2) na gawa sa marpil ng Rhinoceros ay nadiskubre sa


Libertad, Butuan, Agusan del Norte. Ayon sa pagsusuri, ito ay ginawa noong ika-9 hanggang
ika-12 na siglo. Ang nakasulat sa selyo ay salitang butban na naka-istilong Sanskrit. Ang

5
Sanskrit ay mayroong pagkakatulad sa Tagalog.
Ayon sa linggwistika, ang salitang butban ay hango
sa Butwan o Butuan gayumpaman, ang u at b ay
maaaring mapagpapalit. Ang pagkakadiskubre ng
Butuan Ivory Seal ay nagpapatunay ng paggamit ng
mga prekolonyal na Pilipino ng selyo sa papel na
maaaring ginamit upang aprubahan ang mga
kalakal.
Larawan 2. Kuha ni/ng: http://www.
wikiwand.com /en/Butuan_Ivory
Ang Calatangan Pot (Larawan 3) ay ang
pinaniniwalaang pinakasinaunang artepakto na may
prekolonyal na inskripsyon (ika-14 hanggang ika-
16 siglo). Ito’y nahukay sa Calatagan, Batangas
noong 1958. Marami nang pagtatangkang
pagsasalin nito ngunit karamihan nito ay bigo.
Ayon kay Rolando Borrinaga, ang nakasulat ay
kombinasyon ng sinaunang Bisaya at Tagalog na
alpabeto, ngunit ang ito’y hindi rin sigurado. Larawan 3. Kuha ni/ng: http://
mandirigma.org/?p=260
Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pananaliksik
upang malaman ang kahulugan ng nakasulat sa
bunganga ng palayok, sa kadahilanang maraming pagkakaiba ng pagsasalin nito.

Konklusyon

Maraming mga dayalek at bernakular na mga wika sa loob ng bansa bago pa man
dumating ang mga mananakop. Dahil sa lokasyon ng Pilipinas sa Asya, marami itong
nakihalubilo na mga dayuhan, at ang kani-kanilang mga impluwensya ay nagdulot sa pagdami ng
mga wika ng bansa. Madami rin ang mga makakabigay ng ebidensya ng pagkakaroon ng mga
katutubong wika sa bansa mula sa mga aklat ng mga misyoneryong prayle, mga sulatin at awitin
ng mga katutubo, at mga artepakto na naipamana ng ating mga ninuno. Dito natin malalaman na

6
kahit noon pa man, ang wika ay naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino, bagkus isang
elementong naging bahagi na rin ng ating kasaysayan.
Sa mga susunod na mga pananaliksik, mas makabubuti kung ihahambing ang iba’t-ibang
wika ng bansa; paano ito nagkakatulad; at, paano ito umusbong. Mas mabuti din kung aalamin
ng mga susunod na mga mananliksik kung paano nakaapekto ang iba’t-ibang salik na
pumapalibot sa sa pag-usbong ng wika.

Salamat sa-la-ma(t)

7
Bibliyograpi

Fortunato, Teresita. (2017). Mga Pangunahing Etnolinggwistikong Grupo sa Pilipinas. Anvil


Publishing, Incorporated

Francisco, J.R. (1973). Philippine Paleography. Philippine Journal of Linguistics, Special


Monograph

Klakring, J. (September 6, 1999). The Tagalog Language from Roots to Destiny. Retrieved from
http://linguistics.byu.edu/classes/Ling450ch/reports/Tagalog1.html

Peralta, J.T. (1979). The Butuan Paleograph: Ethnographic Implications of an Ancient Script. In
Archipelago

Stevens, N, J. (June 30, 1999). The History of the Filipino Languages. Retrieved     from
http://linguistics.byu.edu/classes/Ling450ch/reports/filipino.html

You might also like