Professional Documents
Culture Documents
Portfolio Content
Portfolio Content
#BOOM-BOOM!
Babaeng
Oras
Oras
Masaya!
Babaeng
Oras
Oras
Maganda!
MGA AWITING LOKAL
MANG-AAWIT
Ito ang sumasalamin sa imahe ng realidad. Ipinapakita dito ang mga kaganapan sa
buhay at sa lipunan. Ito ay pagkakaugnay sa dalawang bagay, ang kultura at
buhay dahil ang mga pangyayari ay ginagawa ng tao samantalang ang kultura ang
buhay na siyang sinusunod ng mga tao.
(Reyes, 2008)
Kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
(Panopio, 2007)
Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang
lipunan. (Mooney, 2011)
Ito ay nakabatay sa pagkagusto ng mga tao at tinatangkilik nila ang isang bagay.
(Agustin, 2012)
Kayang ipatanggap ang realidad ng namamayaning kaayusan bilang realidad ng
mga indibidwal. Ang modernong panahon ay edad ng kulturang popular.
(Torralba, 1999)
MGA SANGGUNIAN:
www.http://en.wikipedia.org/wiki/kulturangpopular
http://tl.wikipedia.org.wiki/manunulat
http://pusongfilipino.kulturangpinoy.com
TAKDANG ARALIN BLG. 2
HIGHBROW LOWBROW
MGA SANGGUNIAN:
http://tl.wikipedia.org.wiki/highlowbrow/tl.com
http://udyang.gov.ph/index.php.highbrow
http://edu.uk.highlowbrow.exa.tp.com
KABUUANG REAKSIYON SA KULTURANG POPULAR BILANG KABULUHAN,
MIDYUM, DAIGDIG, AT PANINDA
Ang Kulturang Popular ay ang nagsisilbing paraan ng mga tao upang sila ay
tanggapin sa lipunan. Ang pag-ayon ng komunidad sa pag-usbong ng Kulturang
Popular ay ang nagpapadama sa mga tao na sila ay nabibilang sa isang modernong
bansa na may mga modernong bilihin at produkto. Ito ay maaaring pagkain, kasuotan,
musika at teknolohiya na nabubuklod sa kultura dahil sa mga makakapangyarihan na
tao na nagtulak nito upang mabilang at sumikat sa bansa. Ginagamit ito hindi lamang
ng mga mayayaman ngunit pati na rin ang mga mahihirap sapagkat ito ay
kinakailangan nila araw-araw. Mautak sila dahil nagagawa nilang makuha ang
atensiyon ng madla para tumangkilik sa kanilang produkto at kapag ang tao ay
tumatangkilik ng isang bagay at mayroon itong pera, tiyak ay bibilhin ang kanilang
produkto. Sa paglalahad ng mga representante ng bawat grupo, masasabi na ang
paksa ay malalimang pinag-aralan sapagkat ito ay nangangailangan ng pag-uunawa.
Sa kabuuan, ito ay nagbigay impormasyon at puna sa bawat isa.
Para sa akin, ang midyum ang nangingibabaw dahil ito ang dahilan o ang
nagmamanipula sa mga tao para magkaintindihan sa pakikipagkomunikasyon. Ang
midyum o ang wika ay kinakailangan ng mga tao upang mas masusi nila kung ano ang
patok sa lipunan o kung ano ang mas makabubuti sa kanila at sa pamilya. Sa
Kulturang Popular ang midyum ang kinakailangan ng mga negosyante dahil ang mga
tao ay nadadala o nakukuha ang atensiyon kapag may impormasyon na
napapakinggan o nakikita bilang batayan kahit na ang mga ito ay hindi angkop sa
totoong kalalabasan ng produkto. Ngunit kung ang midyum ang siyang
nagpapabuklod ng mga tao, ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay may hindi
pagkakaintindihan. Maaring iba ang iniisip ng tao mula sa taong kanyang kinakausap
o di kaya’y ang kausap mo ang may ibang intensiyon pa mula sa iyo ngunit hindi ka
naman din isang tanga nga madali lang mauto. Sa madaling sabi ang midyum ay
sobrang napakahalaga sa mga taong naninirahan sa lipunan o sa isang lugar ngunit
ito ay nababatay rin sa uri ng mga taong naninirahan sa pook na gumagamit ng
midyum sa pagtuklas ng Kulturang Popular