You are on page 1of 11

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA AKADEMIKONG PERFORMANS

NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10 NG PALO NATIONAL


HIGH SCHOOL TAONG PANURUAN 2015-2016

_____________________________________________

Isang payak na Pananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Filipino Yunit,


Kolehiyo ng Edukasyon ng Leyte Normal University
Lungsod Tacloban

_____________________________________________

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang


Filipin0_ 102 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina:

Abrio, Mariso 1
Amante, Caroline 1
Flores, Milbert 1
Noquera, Marjorie 1
Petilla, Eugene 1

Marso 2016
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Mga Salik na

Nakaapekto sa Akademikong Performans ng mga Mag-aaral na nasa Baitang 10

sa Palo National High School” ay iniharap nina Marjorie Noquera, Eugene Petilla,

Mariso Abrio, Milbert Flores, at Caroline Amante, bilang pagtupad sa isa sa mga

pangangailangan ng asignaturang Filipino 102, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik kina:

Wayne Aubrey B. Salceda Dhorie Lynne D. Sulla

Pamela C. Telimban Jane Mae M. Colinares

Romeo C. Batican Sharena Mae M. Peñaflor

________________________________________________________________

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyong

Sining at Agham, Leyte Normal University, bilang isa sa mga pangangailangan

sa asignaturang Filipino_102 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

ALDWIN B. AMAT, M. A. T.

Instruktor

ii
DAHON NG PASASALAMAT

Taos – pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa mga

sumusunod na institusyon at sa lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang

suporta, tulong at kontribusyon nang walang pag-aalinlangan upang maging

matagumpay ang pag-aaral na ito:

Una sa lahat ay ang Poong Maykapal, sa kanyang walang-kapantay na

paggabay at pagbibigay lakas sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ang

pananaliksik na ito;

College Library, na nagsilbing hanguan ng mga impormasyon at naging

gabay sa pagbuo ng pamanahong papel na ito;

Dr. Alvin Rom De Mesa, tagapangulo ng Filipino Yunit, sa kanyang

pagtanggap sa pananaliksik na ito;

G. Aldwin B. Amat, guro at tagapayo ng mga mananaliksik, sa kanyang

walang sawang paggabay sa pagsasagawa ng payak na pananaliksik na ito sa

pamamagitan ng pagwawasto ng mga unang gawa at sa pagbibigay ng mga

ideya at suhestiyon upang lalo pa itong mapaganda at matapos sa nakatakdang

oras;

Mga Lupong Tagasulit, sa kanilang mapagkumbabang pagsusuri sa pag-

aaral na ito at sa oras na inilaan upang basahin ang buong teksto ng

pananaliksik na ito;

iii
Sa mga respondente, sa paglaan ng panahon upang matapat at

makatotohanang masagutan ang inihandang kwestyuneyr ng mga mananaliksik

at sa pagbibigay ng mga impormasyong napakahalaga sa pagli linang ng pag-

aaral;

Sa mga awtor, editor at mga mananaliksik na lumikha ng mga aklat at

artikulong nagsilbing hanguan ng mahahalagang impormasyon kung saan

nakasalalay ang kredibilidad ng pag-aaral;

Sa pamilya ng mga mananaliksik, sa pagbibigay ng suportang pinansiyal

at moral upang matapos ang pag-aaral na ito at sa walang sawang pag-unawa at

pagsilbing motibasyon at inspirasyon.

Muli, lubos pong nagpapasalamat ang inyong lingkod.

MGA MANANALIKSIK

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGATING PAHINA ........................................ i

DAHON NG PAGPAPATIBAY .................................. ii

DAHON NG PASASALAMAT .................................. iii

TALAAN NG NILALAMAN ........ ......................... v

TALAAN NG TALAHANAYAN .................................. vii

TALAAN NG MGA APENDISIS . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . viii

ABSTRAK ................................................. ix

KABANATA

I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon ................................. 1

Layunin ng pag-aaral ............. .......... .... 3

Kahalagahan ng pag-aaral ....................... 3

Saklaw at Limitasyon ............................ 5

Depinisyon ng mga Terminolohiya .................. 5

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay na Literatura ....................... 7

v
Mga Kugnay na Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9

III. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral ...... ...................... 11

Lokal ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11

Kalahok ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

Prosedyur ng Pangangalap ng Datos ..... ............ 13

Tritment ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

IV. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

V. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ....................................... 21

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Rekomendasyon ............................. .... 25

BIBLIOGRAPIYA ............................................. 28

APENDESIS ............................................. 29

TALANG PERSONAL ....................................... 35


Caroline A. Amante ........................ ....... 36

Eugene C. Petilla ........................ ......... 37

Marjorie P. Noquera ............................ 38

Mariso Abrio .................................. 39

Milbert A. Flores .................................. 40

vi
TALAAN NG TALAHANAYAN

Pahina

1. Mga Kalahok ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

2. Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Performans


ng mga Mag-aaral sa Baitang 10 ng Palo National High School . . . . . 15

3. Mga Pahayag kung Bakit Nakaaapekto ang mga Salik sa


Akademikong Performans ng mga Mag-aaral sa Baitang 10
ng Palo National High School . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18

vii
TALAAN NG APENDESIS

Pahina

A. Liham 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 30

B. Liham 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 31

C. Talatanungan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 32

viii
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO

SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 10

NG PALO NATIONAL HIGH SCHOOL TAONG PANURUAN 2015-2016. Ang

kabuuan nito ay binuo, ginawa at sinuri sa pamamagitan ng talatanungan na

nababatay sa mga kasagutan ng mga respondente.

Naging pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagtukoy

sa mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa

baitang 10 ng Palo National High School.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat makapagbibigay ito ng mga

kaalaman ukol sa mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng

mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pagtukoy ng mga salik na

nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang

mga mag-aaral na nasa baitang 10 ng Palo National High School, Lungsod ng

Palo, Leyte taong panuruan 2015-2016. Isandaan at dalawampong (120) mag-

aaral na nasa baitang 10 ng Palo National ang sumagot sa tatlong pahina ng

sarbey kwestyuner.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

deskriptib-analitik na pananaliksik dahil ang pag-aaral na ito ay kailangang

suportahan ng impormasyon o patunay mula sa kinauukulan upang lalong

mapalawak ang pagtatalakay sa paksa. Tinangkang matukoy sa pag-aaral na ito

ix
ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral

sa Palo National High School.

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay talatanungan o sarbey-

kwestyuner. Ang mga tanong ay may kinalaman sa mga salik na nakaaapekto sa

akademikong performans ng mga mag-aaral na nasa baitang 10 ng Palo

National High School.

Matapos makakuha ng mga impormasyong kinakailangan sa pag-aaral na

ito ay sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok at

inorganisa ang mga nakuhang kasagutan. Binigyang representasyon at

interpretasyon ang ginawang talahanayan na naglalaman ng mga datos na

nakalap mula sa mga mag-aaral ng Palo National High School.

Sa isandaang porsyento (100%) ng mga mag-aaral na pinasagot, may

siyamnapu’t limang porsyento (95%) na may katumbas na isandaan at labing-

apat (114) na mag-aaral ang nagsabing ang Kompyuter at Teknolohiya ay salik.

Ayon sa datus na nakalap, ang salik na ito ang higit na nakaaapekto sa

akademikong performans ng mga mag-aaral sa baitang sampu ng Palo National

High School. Maliban sa Kompyuter at Teknolohiya, ang Pasilidad ng Paaralan

ay isang salik na nakaaapekto rin na kung saan ay may siyamnapung porsyento

(90%) o katumbas ng isandaan at walong (108) mag-aaral. Sumunod ang

Pinansyal na may walumpu’t apat na porsyento (84%) o isandaan at isang (101)

mag-aaral ang nagsabing nakaaapekto din ito. Pang-apat na salik ang

Kagamitan sa Pagtuturo ng guro at ang Social Media na nakakakuha ng

parehong pitong porsyento (78%) at may katumbas na siyamnapu’t tatlong (93)

x
mag-aaral. Ika-limang salik ang Skedyul ng Klase. Nakakuha ito ng pitumpu’t

tatlong porsyento (73%) na may katumbas na walumpu’t pitong (87) mag-aaral.

Lumabas sa pag-aaral na ang Guro ay ang ika-anim na may maraming

porsyentong nakuha na kung saan umabot sa pitumpong porsyento (70%) o

labinwalu’t apat (84) na mag-aaral. Sumunod rito ang Asignatura na may

animnapu’t walong porsyento (68%) o walumpu’t isang (81) mag-aaral. May

animnapu’t tatlong porsyento (63%) o katumbas nito ay pitumpo’t limang (75)

mag-aaral ang nagsabing salik ang Extra-curricular Activities. Ang Kalusugan at

Karelasyon ay parehong nakakuha ng animnapu’t dalawang porsyento (62%) na

may katumbas na pitumpu’t apat (74) na mag-aaral. Ika-siyam ang Pamilya

bilang salik na nakaaappekto na kung saan ay binigyan ng limampu’t walong

porsyento (58%) na may katumbas na animnapu’t siyam (69) na mag-aaral.

Ayon sa talahanayan, limampu’t pitong porsyento (57%) o animnapu’t walong

(68) mag-aaral ay itinuring salik ang Lokasyon ng Paaralan sa kanilang pag-

aaral. Sumunod rito ang Sariling Interes na may limampu’t talong porsyento

(53%) o animnapu’t tatlong (63) mag-aaral ang nagsabing ito ay nakaaapekto rin.

At ang panghuling salik ay ang Kaibigan o Barkada na nakakuha ng apatnapu’t

walong porsyento (48%) na kung saan ay may katumbas na limampu’t pitong

(57) mag-aaral ang nagsabing nakaaapekto ito sa kanilang pag-aaral.

Sa kabuuuan, may labinlimang (15) salik ang nakaaapekto sa

Akademikong Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10 ng Palo National

High School na kung saan ay pinangungunahan ng Kompyuter at Teknolohiya.

xi

You might also like