You are on page 1of 4

JUNIOR HIGH SCHOOL

UNANG SEMESTRE: LEARNING KIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


D E P A R T M E N T

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

ARALIN 3: Pag-aaral Sa Pilosopiya ng Monlimar Development Academy


Incorporated
Kakayahang Pampagkatuto:

 Malaman ng isang Monlimarian ang mga magagandang hangarin o adhikain na nakapaloob sa pilosopiya ng kanyang
paaralan. (Excellence)
 Mapahalagahan ang pag-unawa sa pilosopiya ng paaralan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga salitang
nakapaloob dito. (Character)
 Maibabahagi sa kapwa ang halaga ng pilosopiya ng paaralan sa pamamagitan
ng mga kawanggawa. (Service)

PAGTATALAKAY

Pilosopiya

Ang tunay na Pilosopiya ng isang tao, ay ang maipaglaban niya ang kaniyang Paniniwala, Karapatan, at Kalayaan, nang
walang halong takot ,pagdadalawang-isip o pag-aalinlangan na sa siyang bumubuo at humuhubog sa kanyang kabuuang
pagkatao.

Tulad ng ating sintang paaralan, ay mayroon din tayong pilosopiyang sinusundan na kung saan nagsisilbing sandalan ng
ating mga paniniwala, turo, stratehiya, kabuuang layunin, kaugalian at iba pa.

Ang pilosopiyang ito ay nagsisilbing gabay o mapa ng mga layunin na kinakailangan natin tahakin upang balang araw ay
ating makamit ang mga layunin na nakapaloob sa ating Mission, Vision and Goals na atin nang tinalakay noong nakaraang
aralin.

Monlimar’s Philosopy

Monlimar Development Academy, Inc. is a non-sectarian educational institution committed to provide highly-
acclaimed and quality system of learning, holistic character formation, molding every child to be good citizen,
who can truly lead and transform their generation through first class learning scheme backed by competent
educators and staff in learning environment conducive to achievement.

Ating isa-isahin ang mga salitang nakapaloob dito:

1. Sinasabi na ang Monlimar ay isang non-sectarian educational institution – Kung saan dito pinapatunayan na kahit
saan mang pananampalataya o relihiyon ikaw ay napapabilang, hindi ito bumabalangkas o naging hulmahan sa iyong
pagigiging lehitimong Monlimarian. Dito pinapakita ng paaralan ang suporta at pag-galang sa anumang paniniwalang
relihiyon na iyong tinataglay. Datapwa’t tayo ay tunay na naniniwala parin sa Diyos na siyang Dakilang Maylikha ng lahat,
kailan man hindi ito naging batayan ng pagtanggap sa iyo sa Monlimar.

Malaya kang isabuhay ang iyong pananampalataya na walang pag-aalinlangan. Kaya naman galangin natin ang
pananampalataya ng bawat isa tulad ng paggalang ng iyong sintang paaralan sa iyong mga karapatan at paniniwala. Kailan
man wag gagamitin sa pangungutya o pang-iinsulto o pananakit ang pananampalataya ng iyong kapuwa mag- aaral.
Alalahanin mo, lahat tayo ay magkakapatid. Paggalang at pagmamahal sa isat- isa ang pairalin.

2. Monlimar is committed to provide highly-acclaimed and quality system of learning


– Dito nakapaloob ang pangako ng paraalan sa kanyang mga mag-aaral na ibigay o ilatag ang pinakamataas na uri ng
edukasyon. Dito pinapatunayan, ang pagpapahalaga ng paaralan sa patuloy na pag-unlad hindi lamang sa mga
pagsasaayos ng mga

MONLIMAR DEVELOPMENT ACADEMY, INC. I LEARNING KIT


School Year 2020 - 2021
laboratoryo o mga pangunahing pasilidad kundi lalong-lalo sa pag-angat ng kalidad sa pagtuturo na sadyang inyong
mapapakinabangan upang hubugin ang inyong hinaharap. Hindi tumitigil ang institusyong ito na lumikha ng mga
sistemang magpapaunlad lalo sa karunungan ng bawat mag-aaral. Kaya naman, inaasahan sa bawat mag-aaral na lubusin
ang pagkakataong mahubog ang sarili sa mga pagbabagong makakatulong sa paglago ng iyong sarili. Huwag sayangin ang
mga pagkakataon na matuto, mahasa at maipamalamas ang angking galing at talino. Maging responsableng mag-aaral at
pangalagaan ang mga kagamitan na nagiging tulay sa paghasa ng inyong kagalingan. Huwag mong dungisan o sulatan ang
mga upuan, pisara at pader na nagsisilbing instrumento ng iyong pagkatuto. Alagaan mo at pahalagahan mo ang mga ito
tulad ng pagpapahalaga ng iyong paaralan sa maganda at maginhawa mong kinabukasan.

3. Ang isang Molimarian ay makararanas ng isang holistic character formation kung saan hinuhubog ang kanyang
pagkatao para maging isang mabuting mamamayan – Dito isinusulong ng paaralan ang pagkakaroon ng mga programang
magtataguyod sa pagpapalago ng mabuting asal o pag-uugali simula kindergarten na mag-aaral hanggang sa kanyang
pagtatapos sa Grade 12. Para sa Monlimar, mahalaga na mahubog ang pagkatao ng isang mag-aaral sapagkat ito ay
itinuturing na pinakamahalagang pundasyon na magpapatibay at maglalarawan sa isang tao. Noon pa man, ang
kagandahang asal ay sinisiguro na maisama sa pagtuturo sa bawat asignatura sa bawat baitang. Ang isang Monlimarian ay
nailalarawan na may malasakit sa kapwa at kapaligiran, nagpapakita ng paggalang kahit kanino man, may takot sa Diyos,
at may paki-alam sa lipunang kanyang ginagalawan. Sapagkat ikaw ay isa sa magpapatunay na matagumpay ang mga
layunin na binalangkas at patuloy na binabalangkas ng mga namumuno sa iyong paaralan.

Pangalagaan mo ang pangalan ng iyong paaralan, ipagtangol mo sa mga nang-aapi at naninira, isulong mo ang mga pag-
uugali na dapat taglayin ng isang mag-aaral ng Monlimar. Ipagmalaki mo na ikaw ay isang Monlimarian, pundasyon ng
galing, talino at kabutihan.

4. A Monlimarian leads and transform their generation through first class learning scheme – Sa patuloy na
pagsulong ng teknolohiya at paglago ng mga impormasyon, ang Monlimar ay hindi kailan man tumigil sa pagbuo ng mga
polisiya at sistemang magtataguyod ng mataas na antas o dekalidad na edukasyon para sa kanyang mga mag- aaral. Kailan
man, hindi nagpapahuli sa mga katunggaling institusyon at sinisigurong nangunguna sa lahat ng larangan. Ang paraalan ay
pinapahalagahan ang mga programang naghuhubog sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, pagpapahalaga sa angking talento at
galing, at sa paghulma ng 21st century skills na kinakailangan ng isang Monlimarian upang maging matagumpay sa laban
na kanyang haharapin. Dito, ihihahanda ang bawat mag-aaral sa pinakamatinding hamon ng buhay. Kaya naman, ikaw
bilang isang mag- aaral na nakikinig at nanunuod ngayon, subukan mo lahat ng mga programang inilalatag ng paraalan
para buoin ang iyong sarili. Tanggalin ang pagdadalawang-isip at maging matapang sa pagharap sa hamon.
Magpakadalubhasa ka.

5. Monlimar education is backed by competent educators and staff in learning environment conducive to
achievement – Sa pagkakataong ito, laging isinasaalang- alang ng institusyon ang pagkakaroon ng dalubhasang instruktor
sa bawat pinapatupad na asignatura, na siyang nagiging istrumento at paunang gabay sa holistikong pagpapaunlad ng
bawat mag-aaral at pagpapatupad ng mga layunin nito sa hinaharap kasama ang pagpapaunlad ng mga pangunahing
pasilididad nito. Sinisiguro ng Monlimar na ang magagaling at mahuhusay na guro lamang ang magiging katuwang ng
paaralan sa paghubog ng kanilang kinabukasan. Isinasa-alang-alang din ang husay, galing at talino o ang mataas nitong
kuwalipikasyon bilang guro bago ito tuluyang maging parte ng paaralan. Binubusisi ng mabuti kung kawangis ba ng
pilosopiya ng paaralan ang mga paniniwala ng lahat ng kaguruan sa Monlimar. Kaya naman, masisiguro mo bilang mag-
aaral na tanging ang pinaka magagaling na guro ang siyang huhubog sa inyong kamalayan. Dahil dito, inaasahan sa bawat
mag-aaral, na ibigay ang karampatang paggalang sa mga guro. Matutong bumati nang may paggalang at isaalang-alang
ang pagiging pangalawang magulang ng mga guro sa mga hakbangin o gagawin sa loob at labas ng paaralan. Sundin mo
ang inyong mga guro at palagi natin silang pasalamatan sa mga sakripisyo na patuloy nilang ibinibigay. Huwag mo
lilibakin, kukutyain o pagmamalabisan. Ipakita mo ang pagmamahal mo sa iyong guro sa lahat ng oras at pagkakataon.
Tiyak, ikagagalak ng kanilang puso.
JUNIOR HIGH SCHOOL
UNANG MARKAHAN: LEARNING KIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
D E P A R T M E N T

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
ARALIN 3: Pag-aaral Sa Pilosopiya ng Monlimar Development Academy Incorporated

PAGTATAYA #3

Panuto:
Sagutan ng Tama o Mali ang bawat mga Pangungusap. Isulat ang Tama kung ang buong pangungusap ay wasto, kung hindi,
isulat ang Mali. Ilagay ang mga kasagutan sa isang malinis na papel at ilalagay sa long folder na isusumite ng inyong magulang
tuwing Biyernes sa ating paaralan.
1. Ikaw ay lumiban sa iyong klase sa kadahilanan na sumama ang iyong pakiramdam, tinawagan mo ang
iyong kamag-aral at tinanong mo ang mga naging talakayan noong ikaw ay lumiban.

2. Naglalakad ka papunta sa canteen, ikaw ay nakapulot ng pitaka ngunit may nagsabi sa iyo na sa kanya ang
pitaka at kaagad namang itong iyong ibinigay.

3. Nakita mo ang kaklase mo na sinisira ang mga dekorasyon sa inyong silid aralan, kinabukasan nakita ng
inyong guro ang mga nasira at nagtanong kung sino ang may gawa ngunit pinagtakpan mo at hindi ka kumibo.

4. Alam mo na mayroong Flag Ceremony tuwing Lunes ngunit ikaw ay palaging nagpapalate upang hindi ka
maka attend.

5. Sinabi ng inyong guro na mayroon kayong maikling pagsusulit kinabukasan, ngunit hindi ka nag-aral dahil
sa gusto mong makakuha ng mataas na score nangopya ka na lang sa iyong kaibigan.

6. Ang pilosopiya ay nagsisilbing gabay sa buhay ng isang tao kung kaya’t


ito dapat ay pa-iba iba sa bawat panahon.

7. Ang paaralan ay dapat lamang magtuon sa paghahasa ng pang-akademikong kagalingan ng mag-aaral.

8. Kung ikaw ay may personal na pilosopiya na pinapaniwalaan, dapat mo itong ipilit sa iyong mga ibang
kamag-aral.

9. Ang teknolohiya ay hindi dapat bigyang pansin bilang paraan ng pagtuturo sapagkat ito ay parating hadlang
lamang sa pagkatuto.

10. Ang isang Monlimarian ay nailalarawan na may malasakit sa kapwa at kapaligiran, nagpapakita ng
paggalang sa piling tao lamang, may takot sa Diyos, at may paki-alam sa lipunang kanyang ginagalawan.

11. Ang Monlimar ay isang sectarian educational institution kung saan kahit saan mang pananampalataya o
relihiyon ikaw ay napapabilang, hindi ito bumabalangkas o naging hulmahan sa iyong pagigiging lehitimong
Monlimarian.

12. Character, Excellence at Governance ang mga pangunahing Pilosopiya na sinusundan ng ating paaralan.

13. Ang governance ay pagbabahagi sa kapwa sa pamamagitan ng mga kawanggawa.

14. Ang character naman ay ang pagsasabuhay sa mga salita na napapaloob sa ating mga Pilosopiya.

15. Para sa Monlimar, mahalaga na mahubog ang pagkatao ng isang mag-aaral sapagkat ito ay itinuturing na
pinakamahalagang pundasyon na magpapatibay at maglalarawan sa isang tao.

MONLIMAR DEVELOPMENT ACADEMY, INC. I LEARNING KIT


School Year 2020 - 2021
ARALIN 3:Pag-aaral Sa Pilosopiya ng Monlimar
Development Academy Incorporated

AWTPUT #3

Panuto:

Upang maipamalas mo ang iyong natutuhan sa aralin na ito, nais kong lumikha ka ng isang makabuluhang kasagutan na may
5-7 na pangungusap sa bawat tanong na aking ipapakita:

1. Paano mo maisasabuhay ang mga pilosopiyang nakapaloob sa Monlimar Philosophy? Magbigay ng mga SITWASYON SA
BAWAT BAHAGI NG PILOSOPIYA na isinasabuhay mo ito sa loob at labas ng paaralan.
Mahalaga ba sa isang Monlimarian na malaman ang mga pilosopiya ng Monlimar at kanya itong isinasabuhay sa pang araw-
araw? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.

Pamantayan:

Nilalaman 25%
Paggamit ng mga
Salita 10%
Kaugnayan sa
Paksa 15%
Kabuan
50%
Huling araw ng Pagsusumite: Oktubre 16, 2020 – 1:00 PM – 5:00 PM

You might also like