You are on page 1of 4

TXTBK/SLM + QALAS

Textbook/SLM based SANAYANG PAPEL Blg. 5


instruction paired with
sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
MELC-Based Quality
Assured Learner’s Activity Kwarter 2 Linggo 5
Sheet (LAS)

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________________________

Guro: _____________________________ Petsa ng Pagpasa: ________________________

MELC: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba.


(EsP4P-IIf-21)
Layunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa sumunod na sitwasyon:
1.1 oras ng pamamahinga at kapag mayroong may sakit
Aralin: Paggalang
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Pahina: 133,141-142

Gawain Bilang 1: Paggalang sa pamamahinga at may sakit Araw: 1-2

KONSEPTO:
Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito
ay isang hakbang para makamit ang isang mapayapang pamayanan. Kapag
iginagalang ng lahat ang kaniyang kapuwa tiyak walang magkakagalit dahil
nirerespeto ang karapatang pantao. Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga
(Right to Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO- Article 24).
Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng
tahimik na paligid. Kaya ang iyong mga kilos ay kinakailangang maayos at
marahan. Maraming paraan upang maipakita ang paggalang sa karapatan ng
ating kapuwa. Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating
kapuwa na kailangang igalang tulad ng kanilang pamamahinga, mga taong may
sakit, oras ng kanilang pagsasalita/pagpapaliwanag at sap ag-aaral.

Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa atin at sa ibang tao ay


napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais mo na gawin sa iyo ay siya ring
1
gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ang paggalang at paggawa ng kabutihan sa iba
ay bahagi ng pakikipagkapuwa-tao. Ang paggalang sa ating kapwa o sa iba ay
maaaring maipapakita hindi lamang sa salita kundi gayundin sa gawa. Bata man
o matanda ay nararapat na igalang. Dapat bawat isa ay may pantay na karapatan
sa paggalang.
Ang paggalang sa karapatan ng iba ay susi upang magkaroon nang
maayos na pagsasama ang bawat isa. Sab inga ang pakikinig sa nagsasalita o
nagpapaliwanag ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang. Ang pagbibigay
ng konsiderasyon sa pangangailangan sa oras, lugar, at panahon ng iba ay
nagpapakita rin ng paggalang. Halimbawa, sa oras ng pag-aaral ng ibang mag-
aaral, ang karapatan niya para sa tahimik, ligtas, at maayos na lugar ay dapat
isaalang-alang.
Sa kabuuan, ang pagpapakita ng paggalang ay pagkilala sa karapatang
pantao. Ang karapatang ito ay kailangang bigyan ng pagpapahalaga upang
makamit natin ang mapayapang paligid at ito ay nakabatay sa kung paano kumilos
at gumawa ang tao para sa kanyang sarili, sa kaniyang kapuwa, sa bansa, at sa
Diyos.

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ito ay nagpapakita ng


paggalang sa nagpapahinga at malungkot na mukha ( ) kung hindi .
______ 1. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog.
______ 2. Maglalaro at mag-iingay kapag may nagpapahinga.
______ 3. Tahimik na naglalaro kapag may nagpapahinga.
______ 4. Magpatugtog ng malakas habang may natutulog.
______ 5. Makipaglaro sa tatay pagkatapos magpahinga.

Panuto: Iguhit ang sa patlang sa mga sitwasyong nagpapakita lamang ng


paggalang sa may sakit.
______1. Hindi ginigising ang magulang na may sakit upang sagutin ang
tawag sa telepono.

2
9.10.
5.
1. 2.6.

ph-lovepik.com
7. soulloverianz.blogspot.com
news.abs-cbn.com
fil.postermywall.com
bulgaronline.com
tl.wikicell.org
pt-br.facebook.com
3. downloads.capta.org
gmanetwork.com
lorenztanjo.wordpress.com 4.
Nagbabasa ang bata 8.
batang nag-aaral habang may maingay na naglalaro

Gawain Bilang 2: Paggalang sa Iba Araw: 3 - 4


Panuto: Itsek ( / ) ang bilang kung ito ay nagpapkita ng paggalang sa mga
nagsasalita at nag-aaral at ekisan ( X ) naman ang bilang kung hindi
nagpapakita ng paggalang.

3
Gawain 1-
Susi sa Pagwawasto A. B.

1. 1.

2. 2.

Gawain 2

1. X 3. 3.
2. /
3. x
4. /
5. / 4. 4.
6. /
7. /
8. /
9. / 5. 5.
10. /

Prepared by:
LYDIA I. LABENDIA
MT–1 Calbayog5

Checked:

___________________________ __________________________ _________________________

You might also like