Ekspresyon Sa Pagpapahayag NG Konsepto NG Pananaw

You might also like

You are on page 1of 4

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

Sa pagsulat ng komentaryo, kailangang maglahad ng iba’t ibang pananaw upang


magkaroon ito ng kredibilidaad. Dapat na may pananaw o paningin ito ng isang awtoridad at
mga personalidad na kinikilala sa paksang tatalakayon. Dapat ding nakabatay ita sa isang pag-
aaral o pananaliksik bago magbigay ng sariling pananaw ang isang komentarista.

Narito ang mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw:


1. Paghuhudyat ng iinisip , sinasabi , o pinaniniwalaan ng isang tao

Ginagamit ang ayon, batay, sang-ayon sa, akala ko/ni, sa paniniwala ko/ni, sa
tingin ko/ni, sa palagay ko/ ni, pinaniniwalaan ko/ni, iniisip ko, sa ganang
akin, at iba pa.

Halimbawa:

a. Sa palagay ko, makabubuting harapin muna natin ang problema sa wastong


pagtatapon ng mga basura.

b. Iniisip ko na ganitong simpleng hakbang ay magbibigay ng magandang


epekto sa pagliligtas ng kalikasan.

2. Pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa o kaya ay pagbabago ng pangkalahatang


pananaw

Ginagamit ang mga ekspresyong tulad ng sa isang banda, sa kabilang dako, sa


kabilang panig, samantala, habang, kung tutuusin , at iba pa.

Halimbawa:

a. Mabuti ang kanilang mungkahi ngunit sa kabilang dako, suriin muna ang
hindi magandang idudulot nito sa kapaligiran.
b. Kung tutuusin , tama ang unang hakbang na inisip ng mga nagkilos-protesta.
Pangkatang Gawain: Isulat sa papel ang Ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng
konsepto ng pananaw o ekspresyong nagpapahiwatig ng
pagbabago
o pagiiba ng paksa o pananaw.

1. Ayon ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

2. Sa isang banda, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isang


maunlad na bansa.

3. Akala ko siya na , naghanap pa ng iba.

4. Marami akong nasasagap na balita tungkol kai Maria, sa palagay ko hindi naman
totoo.

5. Iniisip ko pa siya hanggang ngayon kahit ilang beses na niya akong sinaktan.

You might also like