You are on page 1of 15

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Baitang: 7
Markahan: Ikatlong Markahan
Module No. and Title: Module 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud Feedback
Pages: pp 1 to 22
DepEd Module Link: https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7


Heading
Jadormio, John Arvin D.
Vecino, Emmanuel G.

Pamantayang  Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


Pangnilalaman pagpapahalaga at birtud.
(Content
Standard)
Pamantayan sa  Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsasabuhay ng mga
Pagganap pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad ng kanyang
(Performance buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Standard)
Kasanayang 9.1. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at
Pampagkatuto pagpapahalaga. (EsP7PB-IIIa-9.1)
DLC (No. &
Statement)
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran: Natutukoy ang pagkakaiba at


pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga.
Mga Layunin
b. Pandamdamin: Naisasaalang-alang ang pagkilos ayon sa
(Objectives)
pagpapahalaga at birtud.

c. Saykomotor: Naisasabuhay ang mga pagpapahalaga at


birtud sa araw-araw na pamumuhay.

Paksa
(Topic) Pagpapahalaga at Birtud

Pagpapahalaga Dimension: Moral


(Value to be Core Values: Love and Goodness
developed) Value: Kabutihan (Goodness)
Sanggunian  Department of Education. (2012). Edukasyon sa
(APA 7th Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang
Edition format) Bahagi). Retrieved from
https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4
2

 Dy, M. B. (1994). The Philosophy of Value, the Value of


Philosophy. Values in Philippine Education (Philippine
Philosophical Studies, I), 7(3), 9-18.
http://crvp.org/publications/Series-III/III-7.pdf

 Krupansky, J. (2018, January 25). Relationship between


virtues and values. Medium.
https://jackkrupansky.medium.com/relationship-between-
virtues-and-values-5f6b90861165

 MacKinnon, B., & Fiala, A. (2016). Ethics: Theory and


Contemporary Issues (9th ed.). Cengage Learning.

 Mintz, S. (2018, August 1). What are values? Ethics Sage.


https://www.ethicssage.com/2018/08/what-are-values.html

 PEDIAA. (2017, January 8). Difference Between Value and


Virtue. Pediaa.Com. https://pediaa.com/difference-between-
value-and-virtue/

 Synergy. (2017, March 21). The Difference Between a


Value and a Virtue. Synergy Group.
https://synergygroup.net.au/difference-value-virtue/

 Richert, S. P. (2020, August 28). What Are the 4 Cardinal


Virtues? Learn Religions.
https://www.learnreligions.com/the-cardinal-virtues-542142

 Superior North Catholic District Board. (2018). Virtues of


the Month. Superior North Catholic District School Board.
https://www.sncdsb.on.ca/app/programs-and-initiatives-at-
superior-north-catholic-dsb/virtues

Mga
Kagamitan  Laptop
(Materials)  Mobile Android Phone
 Internet
 Applications for Activities and Instruction
 Google Jamboard
 Youtube
 Slido
 Emaze
 AhaSlides
 GoSoapBox
3

 Google Slides
 Penzu

Pangalan at
Larawan ng JOHN ARVIN D. JADORMIO
Guro

Stratehiya: Identification Technology Integration

A. Panuto: Isulat ang katumbas na Jamboard


BIRTUD mula sa ibinigay na
pagpapahalaga.

Pagpapahalaga Birtud

Pagkiling sa
katotohanan

(Love of truth) LINK:


https://tinyurl.com/y3
pzbyn7
Pagiging patas
- Jamboard is a
Panlinang Na (Fairness) collaborative, digital
Gawain whiteboard makes it
(Motivation) easy to create without
Pagtitimpi boundaries and share
ideas in real time. 
(Self Control)

B. Panuto: Isulat ang katumbas na


PAGPAPAHALAGA mula sa
ibinigay na birtud.

Pagpapahalaga Birtud

Kabaitan

(Kindness)
4

Matiyaga

(Perseverance)

Disiplina sa sarili

(Self-discipline)

Pamprosesong Tanong:

1. Naging madali ba ang iyong


pagsagot sa gawain? Bakit oo? Bakit
hindi?

2. Nakaranas ka ba ng pagkalito sa
pagsagot? Sa anong bahagi ng
gawain?

3. Sa iyong sariling pakahulugan, ano


ang pagpapahalaga? ano ang birtud?

Stratehiya: Video Analysis Technology Integration

Panuto: Panuorin at unawaing mabuti Youtube


ang maikling kwento sa video. LINK:
Magkakaroon ng pagbabahagi https://www.youtube.com
(sharing) matapos ang gawain. /watch?v=zXOH1TL-Qhs

Pamagat: Yapak
Link:
Pangunahing https://www.youtube.com/watch?
Gawain v=zXOH1TL-Qhs
(ACTIVITY)
- YouTube is a free
video sharing website
that makes it easy to
watch online videos.
You can even create
and upload your own
videos to share.

Mga A-1. Ano ang iyong naramdaman SLIDO


Katanungan Link:https://app.sli.do/e
5

matapos mapanood ang kuwento? vent/bi0ozuk9


Code: 60681
Ipaliwanag.

C-2. Ano sa iyong palagay ang


pinahalagahan ng pangunahing
tauhan?

C-3. Paano niya nakamit ang bagay


na kaniyang pinahahalagahan? Slido is the ultimate
Q&A and polling
platform for live and
A-4. Ano sa iyong palagay ang virtual meetings and
(ANALYSIS) magiging kahihinatnan kung hindi events. It offers
interactive Q&A, live
pinahalagahan ng pangunahing polls and insights about
tauhan ang bagay na sa tingin niya ay your audience.
mahalaga?

P-5. Anong aral ang iyong napulot


mula sa kwento? Ipaliwanag.

P-6. Ano ang kaugnayan ng


pinahahalagahan ng tao sa kanyang
kilos o gawi?

Pangalan at EMMANUEL G. VECINO


Larawan ng
Guro

Pagtatalakay OUTLINE: Technology Integration


(ABSTRACTION) 1. Pag-unawa sa kahulugan ng Birtud
at Pagpapahalaga Emaze
LINK:
2. Pagtukoy sa Kaugnayan at https://tinyurl.com/v4l
Pagkakaiba ng Birtud at ues
Pagpapahalaga
6

- Emaze is a web-based
MGA NILALAMAN: tool (and Chrome
extension) that lets
I. Ano ang Birtud at users create, save, and
Pagpapahalaga? share presentations
A. Birtud (Virtues) online. You can create a
- Ang birtud ay mga katangian o kilos free account and access
na tinataglay ng isang tao mula sa 38 animated templates,
mga nakasanayang gawi na ayon sa endless design options,
pagnanais na maging mabuti at and more than 2 million
makatwiran. user-generated
presentations.
Halimbawa:
 Maagap (Punctual)
 Maagang pumapasok sa klase si
Grace araw-araw.

 Katatagan (Fortitude)
 Sinisikap ni Ricky na aktibong
makibahagi sa klase upang
iwasan ang pagiging mahiyain.

Iba pang halimbawa:


1. Katarungan (Justice)
2. Pagtitimpi (Temperance)
3. Matiisin (Patience)
4. Malasakit (Compassion)
5. Katapatan (Honesty)

- Sa mga ibinigay na halimbawa, ang


mga birtud ay gabay sa pagiging
mahusay o “excellent” at mabuting
pamumuhay.
B. Pagpapahalaga (Values)
- Ang ating pagpapahalaga ay
motibasyon at inspirasyon sa ating
paggawa o pagkilos.

Halimbawa:
 Paggalang sa Kalayaan (Respect
for Freedom)
 Pinakikinggan ni Paolo ang mga
mungkahi ng kanyang mga
kaklase tuwing may pangkatang-
gawain.
7

 Pagiging Mapanagutan
(Accountability)
 Tinitiyak ni Lily na nagagawa
niya ang mga takdang-aralin
bago pumasok sa klase.

II. Ano ang Pagkakaiba at


Pagkakaugnay ng Birtud at
Pagpapahalaga?

A. Pagkakaiba ng Birtud at
Pagpapahalaga

1. Ang birtud ay mga katangian na


nagsisilbing paraan upang makamit
ang pinahahalagahan samantalang
ang pagpapahalaga ay nagsisilbing
pamantayan natin sa pagkilos.

Halimbawa:
 Hindi nahihiyang magtanong si
Erika sa kanyang guro upang higit
niyang maunawaan ang kanyang
aralin.

Pagpapahalaga ni Erika: Maunawaan


ang kanyang mga aralin.

Birtud na nililinang: Katapatan o


Determinasyon

2. Ang birtud ay nagmumula sa


pagsasagawa ng mabuting gawi
samantalang ang pagpapahalaga ay
nagmumula sa puso o damdamin.

Halimbawa:
 Pinakikinggan ni Paolo ang mga
mungkahi ng kanyang mga
kamag-aral tuwing may
pangkatang-gawain.

Pagpapahalaga ni Paolo: Paggalang


sa mungkahi ng ibang tao.

Birtud na nililinang: Respeto


8

3. Ang Pagpapahalaga ay
Pampersonal samantalang ang Birtud
ay mga kinikilala ng lahat o
Universal.

Halimbawa:
 Si Dave ay masinop sa loob ng
silid-aralan dahil ito ay
mahalagang alituntunin ng
kanilang guro para sa kanya
habang masinop naman si Jenny
dahil ito ay palaging itinuturo sa
kanya ng kanyang mga magulang.

Paliwanag: Parehong birtud ng


kalinisan o pagiging masinop ang
nililinang ni Dave at Jenny ngunit sila
ay may sariling mga pagpapahalaga.

B. Pagkakaugnay ng Birtud at
Pagpapahalaga

1. Ang pagpapahalaga at birtud ay


mga paraang nagpapaunlad sa ating
pagkatao.

Halimbawa:
 Tinitiyak ni Lily na naisasagawa
niya ang mga takdang-aralin
bago pumasok sa klase.

Paliwanag: Ang birtud at


pagpapahalaga ni Lily ay nagsisilbing
gabay niya upang maging laging
responsable sa kanyang mga
tungkulin.

2. Ang pagpapahalaga at birtud ay


kumikilala sa paniniwala, ideya,
katangian, prinsipyo, at kultura ng
isang tao o grupo ng tao.

Halimbawa:
 Binibigyan ni Teacher Annie ang
lahat ng kanyang mga mag-aaral
9

ng pagkakataon na pangunahan
ang panalangin ng kanilang klase
upang magpasalamat sa
Panginoon.

Pagpapahalaga: Pagpapasalamat at
paghingi ng gabay sa Diyos.

Birtud: MakaDiyos
Paliwanag: Ang pagdarasal sa klase
at ang paghubog sa pagiging
MakaDiyos ay nagsisilbing
repleksyon ng ating paniniwala,
ideya, o kultura.

Stratehiya: Self-evaluation Technology Integration

Panuto: Pumunta sa AhaSlides


ahaslides.com/MAGBAHAGI at
sagutin ang mga sumusunod na For TEACHER’S
tanong. view:
https://bit.ly/39bh2GN
1. Para sa iyo, ano ang tatlong (3)
pagpapahalaga na kailangan ng isang For STUDENT’S
mag-aaral ngayong New Normal? view:
Paglalapat
ahaslides.com/MAGB
(APPLICATION 2. Mula sa tatlong (3) pagpapahalaga AHAGI
) na iyong ibinigay, pumili ng isang (1)
pinakamahalaga para sa iyo at - AhaSlides is a
magbigay ng kilos o gawain na iyong platform that engages
ginagawa upang mapahalagahan ito? the audience and
presenter through
3. Anong birtud ang iyong nalilinang
interactive Polls, Live
sa pamamagitan ng pagpapahalaga at
Charts, Quizzes, Word
kilos na iyong ibinahagi sa ikalawang
Cloud, Open Text and
tanong?
Q & A Sessions.

Pagsusulit Uri ng pagsusulit: 8-item Multiple Technology Integration


(ASSESSMENT) Choice Quiz, 2-item Identification,
and Essay. GoSoapBox
LINK:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat app.gosoapbox.com
tanong at piliin ang pinakatamang
sagot. CODE: 537213656

1. Ang Birtud o Virtues ay nagmula - GoSoapBox is a


10

powerful, flexible, and


sa salitang “Virtus” na ang intuitive student
kahulugan ay “pagiging tao”. Alin response system for
sa mga sumusunod ang kahulugan educators to use in their
ng Birtud? classrooms. Leveraging
web-enabled devices,
a. Ito ay mga bagay na nagsisilbing teachers digitally
inspirasyon ng tao upang maging engage students to
masikhay sa buhay. conduct formative
assessment and gain
b. Ito ay mga katangiang tinataglay insight into student
ng tao mula sa nakasanayang comprehension that was
mabuting gawi ayon sa katwiran. never before possible.

c. Ito ay mga damdaming


nararamdaman ng tao upang matukoy
ang kanyang pagnanais sa buhay.

d. Ito ay mga mabubuting pag-uugali


na hinuhubog ng tao sa pamamagitan
ng moral na pamantayan ng kanyang
kultura.

2. Ang ating mga Pagpapahalaga


ay kailangan upang maging
matatag sa buhay. Alin sa mga
sumusunod ang wastong
paglalarawan ng Pagpapahalaga?

a. Ang pagpapahalaga ay nagmumula


sa obheto ng ating pag-iisip at
damdamin na nagsisilbing
motibasyon sa pagsasakatuparan ng
ating mga mithiin.

b. Ang pagpapahalaga ay nagmumula


sa obheto ng ating pag-iisip na
nagsisilbing moral na pamantayan sa
pagsasagawa ng kilos.

c. Ang Pagpapahalaga ay nagmumula


sa obheto ng ating pag-iisip na
nagsisilbing moral na pamantayan sa
pagsasagawa ng kilos.

d. Ang Pagpapahalaga ay nagmumula


11

sa obheto ng ating damdamin at


nagsisilbi nating motibasyon at
mithiin.

3. Ang mga birtud at


pagpapahalaga ay magkaibang
konsepto ngunit magkaugnay. Alin
sa mga sumusunod ang
pinakamabisang paliwanag sa
pagkakaugnay ng birtud at
pagpapahalaga?

a. Ang pagpapahalaga at birtud ay


likas na tinataglay at nililinang ng tao
upang mahubog ang kanyang
kamalayan para sa kapwa tao.

b. Ang pagpapahalaga at birtud ay


likas na tinataglay at nililinang ng tao
upang bigyang kahulugan at
katuturan ang kanyang pagkatao.

c. Ang pagpapahalaga at birtud ay


likas na tinataglay at nililinang ng tao
upang makalikha ng pamantayang
makatutulong sa pagkilala sa
makatwirang kilos.

d. Ang pagpapahalaga at birtud ay


likas na tinataglay at nililinang ng tao
upang makamtan ang mga
hinahangad para sa buhay.

4. Tukuyin kung alin sa mga


sumusunod na pahayag ang
nagsasaad ng PAGKAKAIBA ng
Birtud at Pagpapahalaga.

a. Ang Pagpapahalaga ay mga mithiin


ng isang tao na nais makamit habang
ang Birtud ay ang mga motibasyon na
kailangan upang makamit ang
pinahahalagahan.

b. Ang Pagpapahalaga ay pare-pareho


12

sa lahat ng tao habang ang Birtud ay


maaaring maiba ayon sa ilang salik.

c. Ang Pagpapahalaga ay mga


partikular na mabuting bagay na
pinahahalagahan ng indibidwal
habang ang Birtud ay mga nililinang
na katangiang kinikilala ng mabuti ng
lahat.

d. Ang Pagpapahalaga ay nakakamit


nang mabilis habang ang Birtud ay
nangangailangan ng mahabang oras
upang makamit.

5. Alin sa mga sumusunod na


sitwasyon ang nagpapakita ng
KATARUNGAN?

a. Si Mark ay patuloy na
nagsusumikap sa pag-aaral sa kabila
ng mga pagsubok na nararanasan ng
kanyang pamilya.

b. Si Joshua ay umiiwas sa labis na


pagkain at sa mga hindi
masustansyang pagkain upang
mabawasan ang kanyang timbang.

c. Si May ay lakas-loob na lumapit sa


kanyang guro upang ipaalam ang
nararanasang bullying ng kanyang
kamag-aral.

d. Si Cj ay hindi nangongopya sa
kanyang kamag-aral upang makakuha
ng mataas na marka.

6. Sa tuwing may hindi


pagkakaunawaan, ang pamilya Del
Monte ay naglalaan ng oras upang
pag-usapan at ayusin ang mga
suliranin sa kanilang pamilya. Alin
sa mga sumusunod na birtud ang
kanilang nalilinang?
13

a. Maingat na paghuhusga

b. Katatagan

c. Katarungan

d. Pagtitimpi

7. Si Jules ay mahilig makiisa sa


mga “Donation Drive” para sa mga
biktima ng sakuna upang
makatulong sa pag-ahon ng
kanyang mga kababayan. Alin sa
mga sumusunod na birtud ang
maaaring nagtutulak kay Jules
upang magpatuloy sa kanyang
ginagawa?

a. Makabayan

b. Maaasahan

c. Mapagbigay

d. Lahat ng nabanggit

8. Napakahalaga para kay Hans


ang pagsasabuhay ng katapatan.
Alin sa mga sumusunod na gawain
ang HINDI paraan upang
malinang ang katapatan?

a. Sinisikap ni Hans na maging totoo


sa kanyang sinasabi sa kanyang mga
kausap.

b. Ipinababatid ni Hans sa kanyang


mga kaibigan ang problema na
nakaapekto sa kanilang
pagkakaibigan.

c. Lumilikha si Hans ng gawa-


gawang dahilan sa tuwing humihingi
siya ng paumanhin sa kanyang mga
magulang.
14

d. Wala sa mga nabanggit.

9-10. Sa kabila ng kahirapan,


masipag na mag-aaral si Hannah
dahil sa pagnanais niya na iahon
ang kanyang pamilya mula sa
kahirapan at bigyan sila ng
matiwasay na pamumuhay.
Tukuyin mula sa pahayag ang
Pagpapahalaga ni Hannah at ang
Birtud na kanyang nililinang at
tinataglay.

Pagpapahalaga:__________
Birtud:__________

B. Sanaysay

Panuto: Lumikha na isang sanaysay


na may 4-6 na pangungusap gamit
ang mga gabay na tanong sa ibaba

1. Paano nahuhubog ng isang tao ang


birtud?

2. Sa iyong pagkakaunawa sa
talakayan, ano ang birtud (virtue) at
pagpapahalaga (values)?

Mga Kasagutan:

A. Multiple Choice and


Identification
1. B
2. D
3. B
4. C
5. C
6. A.
7. D
8. C
9. Pag-aaral o Pamilya
10. Kasipagan

B. Sanaysay
1. Ang birtud ay nalilinang sa
15

pamamagitan ng gawi o ang paulit


ulit na pagsasagawa ng kilos na
magdudulot sa tao ng kasanayan na
gumawa ng mabuting kilos.

2. Makakapagbanggit ng
mahahalagang konsepto na
naglalarawan sa pagpapahalaga at
birtud.

Technology Integration
Panuto: Basahin ang mga sumusnod
na hakbang sa paggawa ng isang Google Slides
Interactive Journal. (Instructions)
LINK:
1. Pumunta sa Penzu.com at lumikha https://bit.ly/3fxEjng
ng sariling account.
- Google Slides is an
2. Ikaw ay magkakaroon ng sariling online presentation app
journal sa pagpasok mo sa iyong that lets you create and
account. format
presentations and work
3. Maaari mong baguhin ang kulay ng
with other people.
iyong journal o ‘di kaya’y pindutin
Takdang-
ang New Entry upang pumunta sa
Aralin Penzu
pahina ng journal.
(ASSIGNMENT) LINK (Sample Work):
4. Sa loob ng limang araw, ikaw ay https://penzu.com/p/25
susulat sa iyong journal ng isang d80158
mahalagang karanasan sa bawat araw.
- Penzu is a free online
5. Sa Pangwakas na talata, ibahagi diary and personal
ang iyong naging pagpapahalaga at journal focused on
birtud na nalinang mula sa iyong privacy. Easily keep a
isinulat na karanasan. secret diary or a private
journal of notes and
6. Ipapasa ang journal sa ideas securely on the
pamamagitan ng pagbahagi nito sa web.
email ng guro.

You might also like