You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CATBALOGAN CITY

Office of the Schools Division Superintendent

LEARNER’S ACTIVITY SHEET FOR QUARTER 2, WEEK 1


(GRADE 11-KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK)
Name:____________________________________ Grade&Section: __________________________
School:___________________________________ Teacher:__________________________________

Kompetensi:
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN – IIa – 88)
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog,
social media (F11PB – IIa – 96)

Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ngasanayang papel. Gumamit ng hiwlay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay

Simulan mo! (Review and Motivation)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa speech bubbles
ang maari ninyong sabihin kaugnay nito.

1. Nagpost ka sa iyong facebook account at


nakita mong may nag-angry react dito. Ano
ang iyong gagawin at magiging reaksyon
ukol dito.

2. Namasyal ka sa Imelda Park ng siyudad ng


Catbalogan ngunit napansin mong
maraming mga namamasyal an hindi
sumusunod sa health protocol. Ano ang
gagawin mo?

1
Alam mo ba? (What is it/Discussion of the Topic)

Gamit ng Wika sa Lipunan


Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang magamit ang wika sa kung anuman ang
intensyon natin. Sa panahon ng napakaraming daluyan ng impormasyon kagaya ng social
media, telebisyon at marami pang iba ay mahalagang magamit natin ng maayos ang
kakayahang ito. Narito ang isang graphic clip ng mga gamit ng wika sa lipunan.

Gamit ng Wika Katangian


INSTRUMENTAL Tumutugon sa pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap,
pagtatanong at pag-uutos.
REGULATORYO Kumukontrol/gumagabay sa kilos at asal ng iba.
INTERAKSIYONAL Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyon sosyal.
PERSONAL Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
HEURISTIKO Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
REPRESENTATIBO Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o
sagisag.

Mga Gawain (Practice Exercises/Activity)

Panuto: Mangalap ng ibat-ibang halimbawa ng mga gamit ng wika na nagagamit sa mga


pahayag, blog, radyo, social media at telebisyon. Magbigay lamang ng isang halimbawa
sa bawat gamit ng wika sa lipunan.

Gamit ng Wika Mga Halimbawa


INSTRUMENTAL
REGULATORYO
INTERAKSIYONAL
PERSONAL
HEURISTIKO
REPRESENTATIBO

Magtulungan Tayo! (What I Learned/Generalizations)

Panuto: Sa pamamagitan ng isang inverted pyramid ay isulat ang iyong mga natutunan
sa araling ito.

2
Magagawa ko! (What I Can Do)

Panuto: Gumawa ng isang blog entry na may paksang “Ang Gamit ng Wika sa Gitna
ng Pandemya sa Catbalogan.”

Pamantayan sa Paggawa ng Blog Entry


Nilalaman 45%
Kaugnayan sa Tema 30%
Paggamit ng Salita 25%
Kabuuan 100%

Subukin (Post Test)

Panuto: Basahin at suriin mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito
ay Instrumental, Regulatoryo, Interaksyonal, Personal, Heuristiko at Representatibong
gamit ng wika.

__________________ 1. Ang anunsiyo ng IATF sa mga Catbaloganon na sundin ang


health protocols.
__________________ 2. Pangangamusta ng gobyerno sa ilang mga kababayan natin sa
Cagayan.
__________________ 3. Pagsulat ng pananaliksik.
__________________ 4. Debate ukol sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa ilang mga
paaralan sa bansa.
__________________ 5. Pagbibigay panuto ng guro sa pagsagot ng modyul.
__________________ 6. Pag-uutos gamit ang ilang application sa kasalukuyan.
__________________ 7. Sarbey ng SWS ukol sa Death Penalty sa Pilipinas.
__________________ 8. Editoryal sa mga pahayagan.
__________________ 9. Patalastas sa telebisyon
__________________ 10. Pagbibigay ng direksiyon sa paggawa ng google account.
__________________ 11. Di-pormal na talakayan gamit ang facebook group.
__________________ 12. Pagbibigay ng isang Liham Paanyaya sa mga mag-aaral para sa
isang webinar.
__________________ 13. Liham Pangangalakal para sa ilang pangangailangan sa
paaralan.
__________________ 14. Pakikipanayam sa ilang mga mag-aaral ukol sa blended
learning.
__________________ 15. Pagbibigay direksyon gamit ang waze app.

You might also like