You are on page 1of 5

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang


interaskyon”

Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga
konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal.
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang paksang tatalakayin ng
kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine,
Stephanie, Nathalie, Angela at Messiah.

Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas?

Maxine: Ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin, gagawan ng
handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa
komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang
wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay
mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang
tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.

Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa


pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot sa mag-aaral
na matutunan ang wika upang makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.

Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine. Si Stephanie naman,
wika rin itinakda sa iyo, di ba?

Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Isinaayos ko ito sa pamamagitan
ng isang tsart.

Gleason Sapiro Hemphill


(1961) (Sapiro sa Ruzol 2014:15) (Hemphil sa Ruzol
2014:15)
Ang wika ay Ang wika ay isang lakas at Ang wika ay isang
masistemang balangkas makataong pamamaraan ng masistemang kabuuan
ng mga sinasalitang paghahatid ng mga kaisipan, ng mga sagisag na
tunog na pinili at damdamin,at hangarin sa sinsalita o binibigkas na
isinaayos sa paraang pamamagitan ng isang pinagkaisahan o
arbitaryo na ginagamit kusang-loob na kaparaanang kinaugalian ng isang
sa pakikipagkomunikasyon lumikha ng tunog. pangkat ng mga tao,at
ng mga taong kabilang sa sa pamamagitan nito’y
isang kultura nagkakaugnay,nagkaka-
unawaan at nagkakaisa
ang
Angelo Carrtte: Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman natin si Angela sa
pagtatalakay niya.

Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.

Wikang Panturo
Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang
Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa
akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo.
Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas
ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga
wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo
sa sistemang pang-edukasyon.

Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si Messiah naman


ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang Wikang Opisyal.

Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal
Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV
seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang
batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t walang batas na
nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang
Wikang Opisyal.
Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa talakayan
bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa mga
pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak din at nagbabago. Sige, bukas na
natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para bukas.
Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa talakayan bukas, Maidaragdag na,
dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon
lumalawak din at nagbabago. Sige, bukas na natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para bukas.

Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
- Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.4-6
Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan
ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing
pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangan
ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na
gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring
batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito
natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang
pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal).
Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng:
Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon
upang magkaunawaan.
Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa
pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan.
Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan at sa politika,sa komersiyo at industriya .☺
Pangalan: Petsa:
Kurso: Prof: Gilbert G. Joyosa

AWPUT BILANG 1
MGA KONSEPTONG PANGWIKA

GAWAIN 1
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang
akasulat sa loob ng bilohaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

..........

.......... wika .

GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula kina:


Sapiro,Hemphill, Hutch at Otanes. Gayahin ang kasunod na pormat.

Hal: Gleason - ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika ay may tuntunin o
Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa ay ang pagbubuo ng
pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may Sistema tama o angkop na
pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap.
Dalubhasa sa pag-aaral ng wika Sariling Paliwanag

1. Sapiro

2. Hemphill

3. Hutch

4. Otanes

You might also like