You are on page 1of 13

MODYUL 1

Mga Konseptong Pangwika


Panimulang Ideya
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman
sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing
inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao?
Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang
tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng
komunikasyon. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang
malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng
mabungang interaksyon.
Nilalaman ng Modyul
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika.
Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.

Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang
sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86;
b. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika .

F11PT – Ia – 85. Sa huli, nilalayon ng kabanatang ito na masuri ang kalikasan at


gamit ng wika.

PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo
ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay.
Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-
pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa
paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating
kaalaman.
2. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na
gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
3. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay
at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?”
4. Isulat ang sagot sa yellow paper (mga sagot lamang) Isulat ang pangalan, baitang,
at seksyon.
5. Kunan ng litrato ang mga sagot at e PM sa guro sa araw ng deadline. Ang mga
papel ay ialagay sa plastic envelope na kinapalolooban ng iba pang modyul.

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong sa
pagkakaroon ng mabungang interaskyon”
–Anonymous-
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang
titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga
Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit
bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d. Wikang
Panturo
______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita,gamit ito bilang _____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K.
Santos
_______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray
_______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill c. Gleason d. Hutch
_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987
na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII c. XIV d.XVI
_______7.Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano c. Tagalog d. Filipino

_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng


paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro c. Quezon d. Hemphill
_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang-
sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya c. Ingles at Filipino
d. Ingles at Kastila
_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal d.Wikang
Pandaigdig
GAWAIN 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang akasulat sa loob ng bilohaba. Isulat ang iyong sagot
sa yellow paper

Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang


mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang
Opisyal.
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang
paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong
pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela at Messiah.
Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas?
Maxine: Ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan
natin, gagawan ng handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para
masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng
tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog.
Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na
ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng
komunikasyon, hindi maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang
tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang
kapwa tao.
Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan
sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
na idudulot sa mag-aaral na matutunan ang wika upang
makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine.
Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba?
Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Isinaayos ko
ito sa pamamagitan ng isang tsart.

Angelo Carrtte: Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman natin si


Angela sa pagtatalakay niya.
Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.

Wikang Panturo

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang


Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo
upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang
pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika
ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo
na:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang
pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.
Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si Messiah
naman ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang Wikang
Opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal

Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa


pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo
XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang
opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at
edukasyon. Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing
sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.
Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa
talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na
umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak din at
nagbabago. Sige, bukas na natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para
bukas.
Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
- Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016
p.4-6

Gawain 2

Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula kina:


Sapiro,Hemphill, Hutch at Otanes. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang

Hal: Gleason - ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika ay may
tuntunin o Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa
ay ang pagbubuo ng pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may
Sistema tama o angkop na pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap

Dalubhasa sa pag-aaral ng wika Sariling Paliwanag

1. Sapiro
2. Hemphill

3. Hutch

4. Otanes

C. PAGYAMANIN

Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang pagsisikap ng KWF na bumuo


ng Ortograpiyang Filipino. Sa pamamagitan nito, mahuhutok maging may alam at
maingat kayo bilang mag-aaral hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal,
hiram, balbal, jargon, siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Basahin ang Dekalogo
ng Wikang Filipino. Isinusulat ang nasabing dekalogo ni Jose Ladera Santos. Ang
kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa
pagmamahal sa lahi, sa bansa, at sa Diyos.

Dekalogo ng Wikang Filipino


(ni Jose Ladera Santos)
I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa
sangkatauhan.Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng
kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.
II.
Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika
bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.
III.
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang
Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay
katuparan ng pangarap na wikang panlahat.
IV
Ang wikang pambansa ay pinayayabong,pinagyayaman
at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.
V.
Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap
sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa
sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.

VI.
Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan,gamitin,
Pangalagaan , palaganapin,mahalin at igalang ang
Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit
sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.
VII.
Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng
pagmamahal at paggalang sa sarili.Tumitiyak ito
upang igalang din ang kapwa.Taglay ng lahat ng
katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas
VIII.
Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang
gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang
dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano
mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay
wikang hiram. Hindi matatanggap bilang
pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin.
IX.
Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip
Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.
X.
Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ngwika
ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.

- Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc


,2016 p.14-15

Gawain 3
Pagsusuri: Gumawa ng talahanayan sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa
ibaba. Sa unang kolum, isulat ang limang (5) konseptong pangwikang inyong
natutunan mula sa modyul na ito. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang
kaukulang bilang ng Dekalogo kung saan nakapaloob ang konseptong ito at
sa ikatlong kolum, magbigay ng maikling paliwanag. (Naiuugnay ang mga
konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86)
GAWAIN 4

Natutuwa ako na natapos mo na nang maayos ang mga gawain sa tatlong yugto
ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka ng kaalaman upang sagutin
ang mga tanong na ibibigay ko sa iyo sa gawain 4.
Panuto: Gumawa ng hugis puso at kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo
sa ibaba Sagutin ang hinihingi sa bawat hugis base sa kabuuang talakayan
sa modyul na ito.
BUOD AT PAGLALAHAT

Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong
pangwika,kailangan ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo
o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng panayam sa
mga taong eksperto sa larangan ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong
gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-
araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa
kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito natutunghayan ang
kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang pambansa,wikang
panturo,at wikang opisyal).
Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng:
Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan. Wikang Pambansa naman ay
pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-
ugnaya sa mamamayan. Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas
na antas ng edukasyon. Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na
wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika,sa komersiyo at
industriya .☺

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA:

Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang
titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel.
______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga
Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit
bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d.Wikang Panturo
______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K.
Santos
_______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray
_______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill c. Gleason d. Hutch
_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987
na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII c. XIV d.XVI
_______7.Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano c. Tagalog d. Filipino

_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng


paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro c. Quezon d. Hemphill
_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang-
sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya c. Ingles at Filipino d. Ingles at
Kastila
_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig

You might also like