You are on page 1of 2

Tumbang Preso

On Palakasan

Ang tumbang preso ay isang larong pambatà at sinasabing lumaganap mula sa San Rafael, Bulacan.
Maraming maaaring lumahok sa larong ito.

Nilalaro ito noon sa bakuran o sa lansangan. Sa larong ito, kailangang mayroong mga láta walang laman,
karaniwang basyong láta ng gatas, na magsisilbing target ng mga manlalaro.

Ang bawat manlalaro rin ay kailangang may hawak na pamatò na karaniwan ay tsinelas. Sa preparasyon
ng laro, ilalagay ang mga láta, 6-8 metro ang layò mula sa linyang pupuwestuhan ng mga manlalaro.

Pumipila ang mga manlalaro sa linya at hawak ang kanilang mga pamato ay isa-isa niláng susubukang
patumbahin ang mga nakatayông lata. Hindi maaaring magbato ng pamatò ang susunod na manlalaro
hanggang napapatumba pa ng unang manlalaro ang mga láta.

Pinagmulan: NCCA Official | Flickr

Ang Mayamang Tao ni Dennis Austria

Sa isang syudad may isang lalaking nagngangalang Pablo.Walang siyang anak,asawa o kamag-anak.Nag-
iisa lng siya sa mundo.Siya ay isang mayamang lalaki.Ngunit siya ay may sakit sa puso at wala ng lunas
ito.Gusto niyang ipamana ang lahat ng kanyang kayaman pero wala siyang pwedeng
pagpamanahan.Kaya naisip niya na maging isang pulubi ang pumunta sa iba't ibang bahay para malaman
kung sino ang karapat-dapat na magmana ng lahat ng kanyang ari-arian.Sa kanyang paglalakad nakakita
siya ng isang babae at sinubukan niyang humingi ng pagkain para masukat kung siya na ang hinahanap
niya.Pero sa halip na siya ay bigyan tinulak pa siya ng babae.Kaya si Pablo ay umalis at pumunta sa ibang
barangay.Doon nakakita siya ng isang lalake na kumakain ng tinapay.Siya ay muling pinagtabuyan at
tinulak.Siya ay umupo sa isang gilid at may nakakita sa kanya,isang binatang lalaki na naghahanap ng
trabaho."Tatang mukhang gutom na gutom na kayo",sabi ng binata."Eto po o pagkain",alok ng
binata."Maraming salamat iho napakabuti mo.Gusto mo bang pumunta sa bahay ko?,tanung ni mang
Pablo.Ang binata ay nagtaka sa sinabi ni mang Pablo pero siya ay sinamahan niya at ngaulat siya ng
tumapat na sila sa isang malaking bahay."Tatang sigurado po ba kayong ito ang bahay nyo?,tanung ng
binata na nagtataka."Oo naman,halika at pumasok tayo",sagot ni mang Pablo.Sila ay pumasok ang sila
ay binati ng mga kasambaahy ni mang Pablo.Kaumagahan ikinuwento ni mang Pablo ang lahat."Dahil sa
iyong mabuting kalooban ikaw ang magmamana lahat ng aking ari-arian",sabi ni mang Pablo.Takang taka
na masaya ang binata.Pagkalipas ang ilang buwan namatay na si mang Pablo at naging mayaman na ang
binata.

Aral:Maging matulungin at mabait sa kapwa dahil meron itong kapalit na kabutihan na matatanggap
mula sa panginoon.

Ang Pilipinas ay mayroong labingpito (17) na rehiyon, at sa bawat rehiyon na ito ay mayroong "Tourist
Spots" o sa tagalog, Mga lugar na kung saan madalas dinadayo ng mga Turista o mga manlalakbay. Isa na
rito ang Lungsod ng Vigan na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas. Ang Vigan ay matatagpuan sa
Rehiyon ng Ilocos (Rehiyon I) sa hilangang kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur. Ang
lungsod na ito ay kilala dahil sa makasaysayang mga bahay at mga gusali na may pinaghalong
impluwensyang disenyo ng Asyano at Europeo. Ito ay tinaguriang "best preserved Spanish colonial
town". Kapag ito'y nilakbay mo, para ka na ring naglalakbay sa panahon ng sinakop ng mga Kastila ang
Pilipinas. Kamangha-mangha ang pag-aalaga nila dito dahil napapanatili nila ang kalumaan at kasaysayan
ng lugar na ito. Ito ay natatanging "World Heritage City" sa Pilipinas base sa UNESCO World Heritage list
of Sites and Monuments noong December 2, 1999. Ito ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong
mundo dahil ito ay napasama sa titulong "7 Wonders of the World" at sa kasalukuyan ito ay kasama sa
"New 7 Wonders City".

You might also like