You are on page 1of 23

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 9
Pagbuo ng Panimulang Pananaliksik

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Kwarter – Modyul 9: Pagbuo ng Panimulang Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:
Mga Bumubuo ng Modyul para sa mga Mag-aaral
Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Content Editor: Dolores A.Tacbas
Language Editor: Desiree E. Mesias
Proofreader: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Tagapagsuri: Aniceta T. Batallones
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar,PhD, EPS 1
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
fcc
Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar,PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.p
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 9
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for
educational purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures,
photos, brand names, trademarks, etc.) included in these modules are owned by their
respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made significant
contributions to these modules.
Talaan ng Nilalaman
Pahina

Aralin 9: Pagbuo ng Panimulang Pananaliksik


Alamin ……………………………………………………………………………...1
Subukin: Panimulang Pagtataya ....................................................................5
Tuklasin: Pagbuo ng Panimulang Pananaliksik ............................................7
Suriin: Gabay sa Pananaliksik .......................................................................8
Isaisip ……………………………………………………………….…………....13
Isagawa .......................................................................................................13
Tayahin : Huling Pagtataya .................................................................................................16
Susi ng Pagwawasto …………………………………………..……………….……….………..18
Sanggunian …………………………………………..…………………………………………...19
MODYUL 9

Pagbuo ng Panimulang Pananaliksik

Markahan: Ikalawa Linggo: 9 - 10

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang
pagsulat ng pananaliksik

Sa araling ito ang iyong kaalaman sa pananaliksik ay hihimukin. Ang dating


kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo „to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Pangkalahatang Ideya

Tiyak na nabigyan ka ng pagkakataong matutunan ang iba‟t ibang bagay


tungkol sa wika at komunikasyon sa mga naunang modyul. Ngayon, batid kong mas
masasabik kang matutunan ang huli nating aralin. Sa Modyul 9, malalaman mo ang
ilang panimulang kaalaman tungkol sa pananaliksik. Sa Senior High School, isang
mahalagang aspekto ang pag-aaral mo sa pananaliksik. Upang lubusang
mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing ito, itinakda
ng kurikulum sa Filipino mula sa Kagawaran

1
ng Edukasyon ang pagkakaroon ng mga bahagi ng pananaliksik para sa iba‟t ibang
kurso at larangang pang-akademiko.

Nilalaman ng Modyul

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik. Ayon


kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirical at
kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga natural
na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang suliranin.

Layunin

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang


panimulang kaalaman na kakailanganin mo sa pagbubuo ng isang pananaliksik.
Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na sasagutan nang sa gayon
ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito. Inaasahang sa
katapusan ng kabanatang ito:

1. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang


kultural at panlipunan sa bansa ( F11EP-IIij-35)

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto. Tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay (Subukin at Tayahin) kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang
mga hakbang sa pagbuo ng isang sulatin. Makikita sa bahaging pagyamanin naman
ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa pagbuo ng isang sulatin na
lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga layuning
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng
mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa
araling tinalakay.

Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang


mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong


dating kaalaman.

2
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag- alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang
paksa na nakapaloob dito.

3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga


kaugnayang gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya nang malaman ang kung


nauunawaan ba ang bawat aralin. Kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag


masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk. Upang mas lalong
makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod;

 Basahin at unawaing mabuti ang mga aralin.

 Sundin ang mga panuto ng mga gawain at pagsasanay.

 Sagutin nang mabuti at isaulo ang mga gawain.

3
PAGBUO NG PANIMULANG PANANALIKSIK

“Maraming kabutihang naidudulot ang pananaliksik sa pagtugon sa


mga suliranin at mga katanungan ng isip”

https://www.google.com.ph/search?q=pananaliksik&sxsrf=ALeKk00d4dViR-
aWcMGgNgtrR4Ojl6FTPg:1590116166001&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjOieepvMbpAhUTrZQKHUDWDtQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=102
4&bih=457#imgrc=XMfmbE6zjVN4SM

4
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan kaugnay sa mga
hakbang sa pananaliksik. Isulat ang titik ng iyong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

1. Ano ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa


isang tiyak na paksa o suliranin?
a. Pagbabalita
b. Pagtatanong
c. Pananaliksik
d. Panayam

2. Ano ang huling hakbang sa pananaliksik?


a. Pagpili ng Paksa
b. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
c. Pagwawasto at Pagrerebisa
d. Pinal na balangkas

3. Ano ang hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang pagsasatama ng


isinulat na nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng
salita?
a. Paglalahad ng layunin
b. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
c. Pagwawasto at pagrebisa
d. Pinal na balangkas

4. Kapag ang mananaliksik ay tuloy-tuloy na nagsusulat ng ideyang dumadaloy sa


kaniyang isipan, siya ay nasa hakbang na _________.
a. Pagbabalangkas
b. Pagsulat ng burador
c. Pagwawasto at pagrerebisa
d. Pangangalap ng tala

5. Si Ana ay may index card kung saan niya isinusulat ang mga impormasyong
kaniyang nahahanap sa pananaliksik. Anong hakbang ang ginagawa ni Ana?
a. Pagbabalangkas
b. Pagpili ng paksa
c. Pangangalap ng tala
d. Pinal na balangkas

6. Ito ang pinakamahalaga upang maging matagumpay ang sulating pananaliksik.


a. Balangkas
b. Bibliograpiya
c. Buod
d. Paksa
5
7. Paano natin malalaman sa tentatibong bibliyograpiya na ito ay isang
“talasanggunian”?
a. kapag ang tala na pinaghanguan ng mga impormasyon ay nabanggit sa
kabuuan ng sulatin.
b. kapag ito'y nakalimbag na palatandaan na nakalagay sa ibaba ng teksto sa
isang nakalimbag na pahina.
c. kapag ito'y isang paraan ng pagkilala na kung saan ay parsyal
lamang,nakapaloob sa mga panaklong () ang pagkilala sa awtor.
d. kapag ito'y mayroong tiyak na tanong na naglalaan ng maliit na tanong na
kaugnay nito.

8. Ito ay talaan ng iba‟t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, website, at iba pang nalathalang material na ginamit.
a. Balangkas
b. Bibliograpiya
c. Pagsulat ng burador
d. Pangangalap ngTala

9. Nagsasad ng buod sa natuklasan sa ginawang pananaliksik.


a. Balangkas
b. Introduksyon
c. Katawan
d. Konklusyon

10. Ang bibliograpiya ay nagtataglay ng mga sumusunod maliban sa:


a. Pangalan ng awtor
b. Pamagat ng kanyang isinulat
c. Petsa ng kapanganakan
d. Impormasyon ukol sa pagkalathala

6
ARALIN 9

Pagbuo ng Panimulang Pananaliksik

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang diskorsal

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

Sa puntong ito, subuking sagutin ang sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa gawaing
may kinalaman sa pagsulat ng pananaliksik.

Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, isulat sa gitnang bilog


ang napapanahong isyu sa bansa sa kasalukuyan na may
kaugnayan sa kalagayang kultural at panlipunan. Sa mga pantulong
na bilog naman, isulat kung anong alam mong ideya mo hinggil sa
isyung iyo. Magbigay ng sariling ideya ukol sa kasalukuyang isyu na
may kaugnayan sa kalagayang kultural at panlipunan ng bansa.

7
Kasalukuyang isyu sa
kalagayang Kultural at
Panlipunan ng Pilipinas

B. SURIIN

Siyasating mabuti ang mga nakalahad na gabay para sa pagsasagawa ng


pananaliksik.

Gabay sa Pananaliksik

1. Pagtukoy ng Paksa
 Ano ang paksang nais pag-aralan?
 Ang paksa ay kailangang napapanahon.
2. Pagbuo ng Pamagat
 Magkaiba ang paksa sa pamagat. Malawak ang sakop ng paksa ngunit
ispisipiko ang sakop ng pamagat. Pansinin ang halimbawa sa ibaba.

8
Paksa Pangkalahatang Nilimitang Paksa Pamagat ng
Paksa Pananaliksik
Eleksiyon Eleksiyon 2022 Ang mga Ang
tatakbo sa iba‟t preperensya ng
ibang posisyon mga mag-aaral
sa 2022 na ng Ika-11
eleksiyon Baitang ng
Kibungsod
National High
School na
Katangian ng
mga Tatakbong
Pangulo sa
Eleksiyon 2022
Musika Kabtaan, Kaugnayan ng Epekto ng
musika, at pag- musika sa pag- Pakikinig ng
aaral aaral ng Musika sa Pag-
kabataan aaral ng mga
Mag-aaral ng
Ika-12 Baitang
ng Kibungsod
National High
School

3. Panimulang Tanong at Layunin


 Sa lawak ng iyong interes o dami ng natutuhang kaalaman ukol sa
penomenang pangkultura at panlipunan, ilimita ang paksa sa paghahain
ng isang tiyak na tanong. Tiyakin na ang paksa ay ukol sa kultura at
lipunang Pilipino.
 Tukuyin kung ang tiyak na tanong na ito ay nakapaloob sa praktikal,
pilosopikal, tentatibo, imbestigatibo o disiplinal na tanong.
 Ilahad ang layunin ng pag-aaral.

4. Tentatibong bibliyograpiya
 Tiyakin na mayroong inihandang tala ng mga sanggunian
 Isulat ito sa magkakahiwalay na indeks kard- para sa aklat, sa
pahayagan, sa websites at iba pa.
9
 Sipiin nang buo ang orihinal na teksto kung sa palagay mo ay higit na
magpapalinaw sa puntong nais bigyang-diin.
 Ang talasanggunian ay tala ng mga pinaghanguan ng mga
impormasyong nabanggit sa kabuuan ng sulatin, samantalang ang
bibliyograpiya ay lista rin ng mga sanggunian na ginamit lamang na
batayan sa nilalaman ng sulatin.
 Ang talababa-bibliyograpiya, isang nakalimbag na tandaan na
nakalagay sa ibaba ng teksto sa isang nakalimbag na pahina
 Ang Parentetikal-Sanggunian isa pa ring paraan ng pagkilala na kung
saan ay parsyal lamang, nakapaloob sa mga panaklong () ang pagkilala
ng awtor at ang taon ng paglimbag at ito‟y makikita sa hulihan ng
pangungusap.

Bibliyograpiya
Ang bibliyograpiya ay talaan ng mga pinaghanguan ng teksto. Ang karaniwang
paraan ng estilong APA ay nagsisimula rin sa awtor--‐petsa. Laging tandaan ang sumusunod
(http://owl.english.purdue.edu/owl/resource/560/05):

 Lahat ng linya matapos ng unang linya ay nararapat na naka--‐indent ng kalahating


pulgada mula sa kaliwang margin o tinatawag na hanging indention.
 Mauuna ang apelyido kasunod ng inisyal ng unang ngalan ng awtor. Maaaring itala
hanggang 7 ngalan ng awtor. Kung higit sa 7 ang bilang ng mga awtor, isulat ang ngalan
ng unang 6 na awtor at sundan ng ellipses … at matapos ng ellipses, isulat ang apelyido
ng panghuling awtor.
 Paalpabeto ang pagsasaayos ng mga entri ng bibliyograpiya.
 Tiyaking buo ang pamagat, mapa--‐libro, artikulo o jornal.
 Panatilihin ang bantas sa lahat ng pagkakataon. Unang titik ng unang salita ng pamagat
at subtitle lamang ang nakasulat sa malaking titik.
 Isulat nang pahilig ang pamagat ng mahahabang akda tulad ng aklat, at jornal.

Isang awtor:
Dominguez, T. (2001). Pananaliksik para sa kolehiyo: Isang pahapyaw na
sulyap. Manila: Victoria Publishing.
Dalawang awtor:
Dominguez, T., & Quijano, L. (2001). Pananaliksik para sa kolehiyo: Isang
pahapyaw na sulyap. Manila: Victoria Publishing.
Edited na teksto, walang awtor:
Solis, M., & Fernandez, X. (Eds.). (2003). Ang pananaliksik sa panahon ng
teknolohiya. Manila: Bahaghari Publishing Company.

Edited na akda, may awtor:


Gomez, Y. (2007). Ang panulaang Filipino. P. F. De Dios (Ed.). Manila:
Bahaghari Publishing Company.
10
Hindi unang edisyon ng akda:
Cruz, T. (2012). A life full of mysteries (4th ed.). Manila: Sarimanok Publishing.
Artikulo mula sa online periodical:
San Juan, H. (2008). Understanding computers. Technology today, 156.
Retrieved from http://www.TechnologyToday/article/understandingcomputers

* Tandaan, matapos ng taon ay ang pamagat ng artikulo kasunod ang pamagat ng


online periodical at ang volume number.

Artikulo mula sa online na pahayagan:


Durano, Paolo. (2012, February). Industrial Engineers. The Daily Newscaster.
Retrieved from http://www.articles.dailyNewscaster/2012/02/IndustrialEngineers
Electronic Books:
Salvador, R. (n.d.). The world from a distance. Retrieved from
http://digital.library/theworldfromadistance

Artikulo mula sa mga peryodikal:


Ballestero, G., Gumban, R., & Reyes, K. (2003). Pakikipagsapalaran sa ika--‐21
siglo. Teknolohiya ngayon, 20, 37--‐48. {matapos ng petsa ay isusunod ang
pamagat ng artikulo na susundan ng pamagat ng peryodikal, Volume number,
pahina.

Artikulo mula sa pahayagan:


Castro, J. (2012, Marso 23). Demand ng nurses sa US, bumaba. The Daily
Newscaster, p. 5b.

Pormat para sa Pelikula:


Polistico, E. (Producer), & Quezon, U. (Director). (2004). Ang pagbabalik ng nakaraan
[Motion Picture]. Pilipinas: Golden Buddha Productions.

Pormat para sa Musika:


Songwriter, S.W. (Petsa ng copyright). Pamagat ng kanta [Recorded by mang--‐
aawit]. On Pamagat ng album [Medium of recording]. Location: Label.
(Recording date).
Halimbawa:
Fuentes, D. (2011). Please don‟t go [Recorded by Sarah Geronimo]. On Fly high,
Sarah [CD]. Manila: Star Records. (2012)

5. Paglalatag ng Iba pang Tanong at Pagbabalangkas ng Paksa


 Mula sa tiyak na tanong, maglaan ng maliliit na tanong kaugnay nito.
 Isulat ang balangkas ayon sa mga tanong na inilatag.

6. Pangangalap ng Datos at Interpretasyon nito


 Tiyakin na angkop ang metodo sa pangangalap ng datos
 Masinop na tipunin at suriin ang datos na nakuha
 Talakayin ang mga konsepto o ideya na gagabay sa pag-unawa ng
datos.
11
7. Pinal na Balangkas
 Ayusin ang balangkas ng iyong paksa sa karagdagang
impormasyon at detalyeng nakuha.
 Magdagdag ng sub-topics kung kinakailangan
 Sikaping nakatuon sa orihinal na tanong at nakaayon pa rin sa
paksa ang pulidong pagsulat ng pinal na balangkas.

12
Gawain 2

Panuto: Isulat sa tamang format ng bibliograpiya ang mga sangguniang nasa


mga kahon gamit ang estilong APA.
Pangalan ng awtor o mga awtor:
Ma. Gemma C. Dela Fuente
Pamagat ng artikulo: Kahalagahan ng
Pagsasaling-Wika
Petsa ng Publikasyon: Oktubre 23, 2014
Pamagat ng Publikasyon: Udyong Bataan
Official Website
Pangalan ng awtor o mga awtor:
Richelle Sy-Kho
Pamagat ng artikulo:
Kto 12: Lessons to be Taught in Mother Tongue
to Help Students Learn Better and Stay in School
Petsa ng Publikasyon: June 18, 2012
Pamagat ng Publikasyon:
GMA News Online

C. ISAISIP

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik. Ayon


kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirical
at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga
natural na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng
paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang suliranin.May
mga hakbang na sinusunod ang pananaliksik upang maging sistematiko at
matagumpay.

D. ISAGAWA

D. ISAGAWA
Gawain 3
Gamit ang iyong naging tugon sa Gawain 1, pag-ugnayin ang mga ideya mo
sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga salita at pangungusap upang
makabuo ng isang sulating pananaliksik.

Panuto: Naatasan kang magsaliksik at bumuo ng sulating pananaliksik tungkol sa


paksang may kaugnayan sa penomenang kultural at panlipunan sa
ating bansa. Gumamit ng angkop na mga salita at pangungusap
13
upang mapag-ugnay ang ideya sa iyong sulatin.
 Maari kang pumili ng isa sa mga paksang nakalahad sa ibaba subalit
maaari din namang ikaw ay mag-isip ng kaugnay na paksang ihihingi mo
muna ng pahintulot o pag-apruba ng iyong guro bago simulan ang gawain.

Mga natatanging kultura sa inyong sariling bayan,lalawigan,o rehiyon na


hindi makikita saan mang bahagi ng bansa
Mga instrumentong pangmusikang natatangi sa inyong lugar
Mga pagkaing natatangi sa inyong lugar na may potensiyal na maipagbili sa
ibang lugar upang mapagkakitaan.
Magandang lugar sa inyong pamayanan o lalawigan na hindi pa
naipakikilala sa mga turista subalit may potensiyal na maging tourist
spot.

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong gagawing sulating


pananaliksik. Isulat ang iyong gawa sa isang pirasong papel, ayusin ang
pagkasulat upang mas madaling mabasa at lubos na maintindihan.

Pamantayan 4 3 2 1
Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng
pananaliksik ay pananaliksik ay pananaliksik ay pananaliksik ay
nakabatay sa nakabatay sa nakabatay sa walang
penomenang penomenang penomenang kinalaman sa
kultural- kultural- kultural- kultural-
panlipunan at panlipunan at panlipunan panlipunan ng
sadyang makikita sa ngunit hindi sariling
Paksa natatangi sa sariling matatagpuan sa pamayanan,
sariling pamayanan, sariling lalawigan o
pamayanan, lalawigan o pamayanan, rehiyon maging
lalawigan o rehiyon subalit lalawigan o sa iba pang
rehiyon. makikita rin sa iba rehiyon kundi panig ng bansa.
pang bahagi ng sa iba pang
bansa. bahagi ng
bansa.

Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Walang


angkop na mga angkop na mga ibang angkop kaangkupan
salita at salita at na mga salita at ang
pangungusap. pangungusap sa pangungusap pagkakagamit
Paggamit ng Napag-ugnay- pag-ugnay- sa pag-ugnay- ng mga salita at
Angkop na ugnay nang ugnay ng mga ugnay ng mga pangungusap
Salita maayos ang
ideya sa binuong ideya sa sa pag-ugnay-
mga ideya at
sulatin. binuong sulatin. ugnay ng mga
naging kapana-
panabik ang ideya sa
pagbasa sa binuong sulatin.
bawat pahina.
14
Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa Maguloang
tamang hakbang mga tamang ilang hakbang naging proseso
sa pagbuo ng hakbang sa sa pagbuo ng sa pagbuo ng
sulating pagbuo ng sulating sulating
Pagkakabuo pananaliksik na
ng Sulatin sulating pananaliksik. pananaliksik .
nagbunga ng pananaliksik.
sulating lumabis
pa sa
inaasahan

Mga mahahalagang layunin ng pananaliksik ay:

Makadiskubre ng bagong kaalaman


Maging solusyon sa suliranin
Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan estratehiya.
Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.
Napauunlad ng pananaliksik ang kritikal at analitikal na pag-iisip ng
isang mag-aaral na magbubunga ng pagkakaroon ng higit na malawak na
perspektiba at kaalaman sa mga bagay-bagay sa lipunan at sa mundo sa
pangkalahatan. Nakakaya rin niyang tumayong mag-isa, at masanay na siya
sa paghahanap ng mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa
mga pagsubok sa buhay.

15
TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan kaugnay sa mga hakbang


sa pananaliksik. Isulat ang titik ng iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano ang hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang pagsasatama ng


isinulat na nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng
salita?
a. Paglalahad ng layunin
b. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
c. Pagwawasto at pagrebisa
d. Pinal na balangkas

2. Ano ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang


tiyak na paksa o suliranin?
a. Pagbabalita
b. Pagtatanong
c. Pananaliksik
d. Panayam

3. Ito ang pinakamahalaga upang maging matagumpay ang sulating pananaliksik.


a. Balangkas
b. Bibliograpiya
c. Buod
d. Paksa

4. Ano ang huling hakbang sa pananaliksik?


a. Pagpili ng Paksa
b. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
c. Pagwawasto at Pagrerebisa
d. Pinal na balangkas

5. Kapag ang mananaliksik ay tuloy-tuloy na nagsusulat ng ideyang dumadaloy sa


kaniyang isipan, siya ay nasa hakbang na _________.
a. Pagbabalangkas
b. Pagsulat ng burador
c. Pagwawasto at pagrerebisa
d. Pangangalap ng tala

6. Si Ana ay may index card kung saan niya isinusulat ang mga impormasyong
kaniyang nahahanap sa pananaliksik. Anong hakbang ang ginagawa ni Ana?
a. Pagbabalangkas
b. Pagpili ng paksa
c. Pangangalap ng tala
d. Pinal na balangkas
16
7. Ito ay talaan ng iba‟t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, website, at iba pang nalathalang material na ginamit.
a. Balangkas
b. Bibliograpiya
c. Pagsulat ng burador
d. Pangangalap ngTala

8. Ang bibliograpiya ay nagtataglay ng mga sumusunod maliban sa:


a. Pangalan ng awtor
b. Pamagat ng kanyang isinulat
c. Petsa ng kapanganakan
d. Impormasyon ukol sa pagkalathala

9. Paano natin malalaman sa tentatibong bibliyograpiya na ito ay isang


“talasanggunian”?
a. kapag ang tala na pinaghanguan ng mga impormasyon ay nabanggit sa kabuuan ng
sulatin.
b. kapag ito'y nakalimbag na palatandaan na nakalagay sa ibaba ng teksto sa isang
nakalimbag na pahina.
c. kapag ito'y isang paraan ng pagkilala na kung saan ay parsyal lamang,nakapaloob sa
mga panaklong () ang pagkilala sa awtor.
d. kapag ito'y mayroong tiyak na tanong na naglalaan ng maliit na tanong na kaugnay
nito.

10. Nagsasad ng buod sa natuklasan sa ginawang pananaliksik.


a. Balangkas
b. Introduksyon
c. Katawan
d. Konklusyon

17
18
PANIMULANG PAGTATAYA
1. C 6. D
2. B 7. A
3. C 8. B
4. B 9. D
5. C 10. C
PANGHULING PAGTATAYA
1. C 6. C
2. C 7. B
3. D 8. C
4. B 9. A
5. B 10. D
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Ateneo de Davao University Learning Plan. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino. 2016.

Bernardino, E. C., Belida, M. E., Cuevas, A. B., dela Salde, M. S., Limpot, M. Y., Napil, M.
E., Palconit, J. G. A. Pagbasa at pagsusuri ng iba‟t ibang teksto sa pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. 2016

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Diwa. 2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. C&E. 2016 Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

B. Websites

https://www.google.com.ph/search?q=pananaliksik&sxsrf=ALeKk00d4dViR-

aWcMGgNgtrR4Ojl6FTPg:1590116166001&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved

=2ahUKEwjOieepvMbpAhUTrZQKHUDWDtQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1024

&bih=457#imgrc=XMfmbE6zjVN4SM

https://www.google.com/search?q=introduksyon+sa+pananaliksik&rlz=1C1RLNS

AQ0Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1035&bih=580#imgrc=FmLFnXUbd5HQdM

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

19

You might also like