You are on page 1of 6

I. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot.

_______1. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose.


A. Magkasinbilis B. Napabilis C. Magkasingbilis D. Magkasimbilis

_______2. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.


A. kung saan B. noong C. ng D. nang

________3. Nakaranas ang mga tao sa Maynila ng gutom _______ panahon ng Hapon.
A. noong B. ng C. nang D. dating

________4. __________ ka bang naimpok sa bangko?


A. Saan B. Ano C. Mayroon D. Merong

________5. __________ piraso ang dala niyang pasalubong.


A. labingwalong B. labimwalong C. labinwalong D. labing-walong

________6. ________ talagang gusto mong magtagumpay, kailangan mong magsumikap.


A. Upang. B. Kung. C. Nang D. Kaya.

________7. Nanawagan ang pamilyang naging biktima ng kalamidad ________


humingi ng tulong.
A. upang B. bago C. subalit D. maski

________8. Wala _______ gagawin pa kundi ang maghintay.


A. ng B. pang C. nang D. ng mga

________9. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.


A. Nalagyan B. Nilagyan C. Inilagay D. Naglagay

________10. Kapag ang isang tao ay sinabing may kaya sa buhay, siya ay ________.
A. marunong magtrabaho B. sakim sa pera C. masipag mag-aral D. mayaman

II. Piliin ang titik na tumutukoy sa maling bahagi ng pangungusap. Kung wasto, piliin ang
titik E na siyang nagsasaad na walang mali sa pangungusap.

11. Magaling sa nag-alaga ng mga bulaklak ang hardinero nila. Wasto.


A B C D E
12. Bakit ang daan patungo sa Baguio kung sa Kenon Road ang gusto mong lagusan?
A B C D
Wasto.
E
13. Galak na galak ang mag-iina ng makabalik ang kanilang mga asawa mula sa Saudi. Wasto
A B C D E

14. Habang naglilinis ay nag-aalaga rin nang nakababatang pinsan ang napakabait na si Maria.
Wasto.
ABCD
E
15. Namasyal sila sa makalawa upang ipagdiwang ang kaarawan ng kaniyang ama. Wasto.
ABCDE
16. Ipinahihiram ni Carla ang kaniyang mga laruan na siyang ikinatutuwa ng kani-kaniyang magulang.
Wasto.

ABCD
E
17. Malaking suliranin ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot kaya nararapat lamang na naging
mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban dito. Wasto.
ABCDE
18. Ang taong matiyaga ay madaling umunlad ang kabuhayan. Wasto.
ABCDE
19. Sa panahon ng taghirap ay nararapat lamang na matutu tayo mamaluktot sa maikling kumot.
Wasto.

ABCD
E
20. Huwag hayaang lumipas ang araw na wala ka man lamang kabutihang magawa sa iba. Wasto.

ABCD
E
21. Kay tagal nang panahong tiniis ng mga Pilipino ang karahasan ng mga Kastila. Wasto.
ABCDE
22. Parami ng parami ang bilang nga mga taong nagkakaroon ng AIDS at nabibingit sa
kamatayan. Wasto.
ABCDE
23. Magdiwang tayong lahat ngunit panalo na tayo. Wasto.
ABCDE
24. Pinarangalan ng presidente ang kabayanihang ipinamalas ng bata. Wasto.
ABCDE
25. Puspusan ang kampanya labag sa ipinagbabawal na gamot kaya nga ba sa mga paaralan ay
mga programang DARE. Wasto.
ABCDE
26. Ipinanganak ang kanyang kapatid noong ika-12 ng Marso. Wasto.
ABCDE
27. Walang kasingsarap ang magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na trabaho. Wasto.
ABCDE
28. Nagliliwanag ang paligid tuwing sapit ang kabilugan ng buwan. Wasto.
ABCDE
29. Iisa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ay ang sakit na kanser sa baga bunga ng
paninigarilyo. Wasto.

ABCDE
30. Linggong-linggo ay nagsisimba at nagpapasalamat sa Diyos ang buong pamilya. Wasto.
ABCDE

III. Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Piliin ang
pinakawastong sagot sa mga pagpipilian.

Tunay ngang nakatutuwang balik-balikan sa gunita ang Rebolusyon sa EDSA. Hindi


maipagkakaila ang nakapagpapaligayang tanawin: ang Makita ang pagkakaisa ng mga tao sa oras
ng kagipitan. Sa pagkakataong iyon, naipamalas ng mga Pilipino ang tunay na pagkakaisa at ang
dahilan ng lahat ng iyon ay ang pagnanais na maibalik ang demokrasya.
Tila napakatagal na ng rebolusyon na iyon. Nasisiguro kong hindi ka pa naisisilang noong
panahong iyon. Pero batid ko na nakita mo na ang mga pelikula at mga litrato ng People Power. Ano
ang iyong naramdaman pagkatapos mapanood ito? Naantig rin ba ang iyong damdamin?
Hindi ba nakakatuwang makita na nagkasama-sama ang mga Pilipino? Mayroong mahihirap
at mayayaman, magagandang mestiso’t mestisa pati na rin ang mga maiitim na magsasaka. May
nagdala ng tubig, bagong lutong pagkain at tinapay. Ang lahat ay nagsalu-salo at hindi inalintana
kung sino ang kanyang kasama. Ang mahalaga ay nagkaisa ang lahat.
Sa apat na araw na pagsasakripisyo sa nasabing rebolusyon, wala ni isa mang umangal.
Kahit na may bahid ng pagkatakot ay patuloy pa ring nakibaka ang mga taong nagkaisa. Kahit sa
harap ng tiyak na kamatayan ang mga Pilipino ay hindi nahintakutan. Nawa’y ang diwa ng EDSA ay
hindi maglaho.

_____ 31. Ano ang pangunahing diwa ng seleksyon?


A. Matapang ang mga Pilipino
B. Nakatutuwang gunitain ang rebolusyon sa EDSA.
C. May pagkakaisa ang mga Pilipino.
D. Nagkanya-kanya ang mga Pilipino.

_____ 32. Gaano katagal ang EDSA Revolution?


A. dalawang araw. B. tatlong araw C. apat na araw D. limang araw.

_____ 33. Anong panauhan ang ginamit na pananaw ng nagsasalita sa tula?


A. unang panauhan. B. ikalawang panauhan. C. ikatlong panauhan D. di-tiyak na
panauhan
_____ 34. Ano ang kasingkahulugan ng salitang naipamalas?
A. naidala sa kamalasan. B. naibunyag C. naitago D. naipakita

_____ 35. Anong salita ang kasalungat ang kahulugan ng batid?


A. alam B. hindi alam C. naunawaan D. napagtanto

IV. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at sagutin ang hinihingi ng mga
tanong.
I. Ang kagandahang asal ay pinag-aaralan at pinagsasanayan hanggang sa maging bahagi na ng
ating katauhan.
II. Kung lahat ay nagtataglay ng kagangdahang-asal, di ba’t magiging mapayapa ang ating
mundong ginagalawan?
III. Ang matiwasay na pamumuhay ay nakasalalay sa mahusay na pakikisama.
IV. Ang mahusay na pakikisama. naman ay nakasalalay sa pag-aangkin ng kagandahang-asal.

_____ 36. Ang pangungusap na dapat mauna ay ang

A. I. B. II C. III D. IV

_____ 37. Dapat magtapos ang talatang ito sa pangungusap


A. I B. II C. III D. IV

_____ 38. Ano ang nagdudulot ng kapayapaan sa mundo?

A. pakikialam sa buhay ng iba. C. pagmamahal sa kapwa


B. kagandahang-asal. D. pamimigay ng pera

I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.


II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.
III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.
IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.
V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala
ng iba.
_____ 39. Ang pangungusap na dapat mauna ay ang
A. I. B. II C. III D. IV

_____ 40. Ang ikaapat na pangungusap sa nabuong talata ay ang


A. I B. II C. III D. IV

_____ 41. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng


salitang pala-palagay?
A. opinyon. ala B. kuru-kuro C. paniniw D. akala
_____ 42. Paano maiiwasan ang di-pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng
paniniwala?

A. Maging bukas ang isipan sa opinyon ng iba.


B. Maging papilit sa sariling paniniwala.
C. Maging mainitin ang ulo kung hindi papanigan.
D. Baguhin ang sariling paniniwala.

I. Bukod dito, kainam-inam pasyalan ang mga magagandang lugar tulad ng Burnham Park, Mines
View at Mansion House.
II. Ito ay tinatawag na summer capital ng ating bansa.
III. Maraming magagandang kasaysayan ang lugar na ito.
IV. Isang bantog na tourist spot ang Baguio.

_____ 43. Ang pangalawang pangungusap sa nabuong talata ay ang


A. I. B. II C. III D. IV
_____ 44. Ang huling pangungusap sa nabuong talata ay ang
A. I B. II C. III D. IV
_____ 45. Ano ang pinaka-angkop na pamagat sa nabuong talata?
A. Toursit Spot
B. Ang Baguio
C. Kasaysayan ng Baguio.
D. Mga Magagandang Tanawin

V. Basahin ang tula at sagutin ang mga katanungan ukol sa mga ito.
LARAWAN NG KASIPAGAN
Mga magsasaka sa munti kong nayon,
madilim-dilim pa’y agad bumabangon
dagling tinutungo ang bukid sa layong
baya’y mailigtas sa hirap at gutom. YELC UPCAT Review Filipino Supplementary Exercises
6
Sa linang na pitak – bukid ng pag-asa
sila’y lumulusong na maliligaya
habang umaawit ang mga dalaga,
ang binata naman ay gumigitara.
Bawat isang tundos ng kamay sa putik
ay isang ligaya ang dulot ng langit,
paurong na hakbang habang lumilimit
lalong kumakapal ang tanim sa bukid.
Sa inurong-urong at hinakbang-hakbang
nitong magsasaka sa lupang putikan
ang lawak ng bukid ay nangatatamnan
ng maraming punlang handog ng Maykapal.
Sila’y umuuwi pagdating ng hapon
na taglay sa puso ang dakilang layon,
hindi alintana ang pagod at gutom,
and init at lamig sa buong maghapon.
_____ 46. Ano ang damdaming gustong ipahiwatig ng tula?
A. lungkot. B. panghanga. C. pagkamuhi. D. pagsusumamo.
_____ 47. Sino ang pinararangalan ng tula?
A. mga magsasaka. C. mga binata
B. mga dalaga. D. Maykapal
.
_____ 48. Anong panauhan ang ginamit na pananaw ng nagsasalita sa tula?
A. unang panauhan. C. ikatlong panauhan
B. ikalawang panauhan. D. walang tamang sagot
_____ 49. Ano ang kasingkahulugan ng salitang hindi alintana?
A. binibigyan-pansin. C. hindi angkop
B. hindi pinapansin. D. hindi nirereklamo
_____ 50. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang maaaring makuha sa tula?
A. Malulungkot ang mga magsasaka.
B. Kinaiinisan ng mga magsasaka ang mga putikang kanilang taniman.
C. Ang nais lamang ng mga magsasaka ay kumita ng salapi.
D. Tunay na kapuri-puri ang mga magsasaka.

You might also like