You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 10
(Kontemporaryong Isyu)
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
KWARTER 3
WEEK 2
Aralin 2: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t
Ibang Lipunan

MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:________________________________________

1
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU
Aralin 2: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Gawain 1: Basahin at suriin ang teksto sa ibaba.

 Ang babae ay pagmamay-ari ng mga lalaki.


Pre-Kolonyal  May mga babaeng ginagawang binukot.

 Ang “Boxer Codex” ay isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595. Ang
dokumento (at mga larawan) ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez
Dasmariñas, ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas noong 1593-1596. Ang
dokumento ay napunta sa koleksiyon ni Propesor Charles Ralph Boxer.
 Ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagan na magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan
na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
 Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang
asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan
ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama. Subalit
kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang
makukuhang anumang pag-aari.
Panahon ng mga  Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng
Espanyol kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang
asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera
tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan
ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
 Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at
pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
 Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at
kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
 Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan
ang mundong kanilang ginagalawan.
 Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng
Panahon ng mga isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto
Amerikano ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng
pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
 Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa
Panahon ng mga
paglaban sa mga Hapones.
Hapones
 Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-
iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
 Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang
mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga babae,
Kasalukuyan
lalaki at LGBT.

Gawain 2: Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na napansin mo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na naabuso ang karapatan ng
mga kababaihan? Pangatwiranan
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa


kababaihan at kalalakihan? Bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa lipunan/pamayanan?


Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Gawain 3: Ipatala sa gilid ang mga gender symbol na nagpapakita ng gampanin ng babae
at lalaki sa kasaysayan ng ating bansa.

Sangunian sa paggawa ng sagutang papel:

1. DepEd MELC, May 2020


2. DepEd AP10LM (Draft)
3. DepEd AP10TG (Draft)
4. Kontemporaryongisyu.blogspot.com
5. https://depedjuniormaterials.blogspot.com
6.(http://taw.acas.org/contents/index.php?option=com_content&view=article&id=
54:trans-101-pilipino&catid=47:tagalog)

3
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU

You might also like